Share

Chapter 150: Kahihiyan

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-07-14 10:18:48

Nang makita ni Lorie na natahimik si Richard at Marie, lumaki ang ngisi sa kanyang mukha na tila ba nahuli niya sa akto ang dalawang magnanakaw.

Tila bang nasa isang eksena siya ng teleserye kung saan siya ang bida, tumawa siya nang malakas at nagsimulang mag-ingay.

"Ayan oh! Tingnan niyo lahat!" sigaw niya habang nililingon ang mga tao sa paligid. "Natahimik! Di makasagot! Kasi totoo! Magnanakaw sila! Magka-kutsaba!

"Akala niyo hindi ko mahuhuli ang modus ninyo? Magpapanggap bilang buyer kasama ang senior agent, tapos kukunin ang unit, magbibigay ng pekeng card… Tapos lalayasan lang kami! Taktika ng mga scammer! Ang problema lang sa inyo—matalino ako!"

Tumawa siya nang malakas. Isang halakhak na walang respeto at walang preno.

"Akala niyo ba maloloko niyo ako?! Hindi niyo ako matatalo! Hindi lahat ng agent tanga! Hindi lahat mangmang na maniniwala sa pakulo nyong card-card! Hindi ako kagaya ng iba—"

PAK!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Lorie.

Tahimik ang laha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 348: Bang!

    Natigilan si Fae nang mapansin ang biglang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang ama. Mula sa masigla at kwelang mukha ni Fernando ay unti-unting napalitan iyon ng takot at pagkabigla—parang may nakita siyang nakakatakot na nilalang."Dad?" mahinang sabi ni Fae, napakunot-noo, sinusundan ng tingin kung saan nakatuon ang mga mata ng ama.Ngunit bago pa man siya makalingon nang buo—Click.Isang malamig na bakal ang dumikit sa likuran ng kanyang ulo. Nanigas si Fae. Ang hininga niya ay parang natigil sa pagitan ng paghinga at pagkasakal. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin, habang naririnig ang malakas na tibok ng sarili niyang puso na tila umaalingawngaw sa buong restaurant.Tahimik. Waring lahat ng tao sa loob ng Casa Real de la Mesa ay natigilan din, bagaman walang nakapansin agad sa nangyayari. Ang tunog ng lumang phonograph na tumutugtog ng klasikong kundiman ay naging nakakatakot sa gitna ng katahimikan."M–Micaela…" mahina niyang tawag, halos hindi na marinig ang boses sa pangingi

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 347: Dang!

    Tanghaling tapat na, kaya't puno ng tao ang restaurant—mga negosyante, magkasintahan, at pamilyang kumakain ng tanghalian. Ang tila karaniwang ambiance ay nagbigay ng dahilan upang hindi mapansin ng iba ang kakaibang presensiya ng dalawang lalaking iyon. Nag-order sila ngunit hindi gaya ng karaniwan; bumulong lamang sila sa waiter, at pagkatapos ay nagkibit-balikat ito, sabay umalis na parang walang narinig.Samantala, sa mesa nina Fernando, masigla ang usapan. Habang abala ang mga waiter sa paghahain, mas lalong lumalim ang bonding ng mag-ama."Ang sarap ng callos nila, Pa," sabi ni Fae habang dinudurog ng tinidor ang malambot na karne. "Lasang-lasa 'yung pagka-tradisyonal, parang may halong alaala ng lumang Cebu."Tumango si Fernando, nakangiti habang kumakain. "Tama ka, anak. Ang sikreto daw ni Don Alejandro Alegria noon, 'yung unang may-ari ng lugar, ay hindi lang nasa timpla ng pagkain kundi sa panahon ng pagluluto. Lahat ng putahe rito, niluluto ng may tiyaga at pagmamahal. Para

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 346: Casa Real de la Mesa

    Ilang sandali pa, isa-isa nang lumabas ang mga delegado mula sa conference room. Maraming matatanda at respetadong miyembro ang lumapit kay Micaela — ngumiti sila, nagbiro, at nagbigay ng payo."Ang swerte mo naman, Micaela," bungad ng isa, sabay kindat kay Fernando. "May napakabait at matalino kang ate. Pagbutihin mo lang ang sarili mo—baka balang araw, ikaw ang magiging kanang kamay ni Ms. Fae at tutulungan mo siyang palawakin pa ang Baker's."Parang kumunot ang buong mukha ni Micaela nang marinig iyon. Para sa kaniya, malinaw: tinuturing na ni Fernando—at ng mga respetadong miyembro—si Fae bilang ang hahalili at lider na magpapalago ng kumpanya. Halos sumabog ang kanyang galit, ngunit sa harapan ng marami ay pinilit niyang ngumiti at tumango, tinatago ang naglalagablab na poot.Makaraan ang ilang sandali, lumabas sina Fernando at Fae—magkasabay at magaan ang usapan. Lumapit sila kay Micaela at magaan na sinabi ni Fernando, "Oras na para kumain."Tumango ang babae at sabay-sabay sil

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 345: Handa na ang lahat

    Sa sumunod na araw. Conference Room, Baker's Holdings HeadquartersMataas ang kisame ng silid, balot ng makintab na kahoy at salaming dingding na tanaw ang buong Central Business District ng Cebu. Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo si Fae, nakasuot ng simpleng cream blazer, may mahinhing postura ngunit matatag ang tingin. Sa kanyang harapan ay nakabukas ang laptop, at sa malaking LED screen sa likuran niya, lumilitaw ang titulo ng presentation:"Digital Expansion Strategy for Baker's Holdings: Integrating Heritage with Technology"Tahimik ang mga miyembro ng board na nakaupo sa magkabilang gilid ng mesa. Sa pinakadulo, nakaupo si Fernando, ang kanyang ama — nakasandal, may mahinang ngiti, ngunit bakas ang matinding pagmamataas habang pinagmamasdan ang kanyang anak na nakatayo sa harapan."Good morning everyone," panimula ni Fae, kalmado ngunit malinaw ang boses. "Ngayong taon, naipasok na ng Baker's ang ilang pangunahing investment sa larangan ng technology and innovation, kabilang na

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 344: Assassin

    Cebu City, Villa Baker.Sa isang silid sa ikalawang palapag ng mansyon, galit na galit si Micaela. Nakaupo siya sa harap ng kanyang vanity mirror, mahigpit na nakahawak sa cellphone. Paulit-ulit niyang chine-check ang screen, ngunit wala pa ring sagot mula sa taong tinawagan niya isang buwan na ang nakalipas."Walang kwenta!" sigaw niya habang binabagsak ang cellphone sa kama.Mahigit isang buwan na siyang naiinis sa presensiya ni Fae sa bahay. Pakiramdam niya, bawat araw na dumaraan ay parang unti-unting inaagaw ni Fae ang lahat ng atensyon, pagmamahal, at respeto na dati ay kanya.Mas lalong sumidhi ang galit niya dahil ni minsan ay hindi pa rin nakakilos ang taong inupahan niyang pumatay kay Fae — dahil hindi ito makatyempo. Halos hindi umaalis si Fae sa villa. Kapag lumalabas man, laging kasama si Fernando — at kapag bumabalik, laging may dalang regalo o tawanan sa paligid.At para kay Micaela, iyon ang pinakamasakit.Si Fae, na dati'y walang alam sa pamilya, ngayon ay unti-unting

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 343: Lilipad din

    Gold Prime Enterprises, opisina ng presidente.Tahimik ang buong palapag, tanging mahinang ugong ng aircon at alingawngaw ng malayong kalsada sa ibaba ang maririnig. Sa gitna ng malawak at modernong opisina, nakatayo si Richard sa harap ng floor-to-ceiling window, tanaw ang magulong lungsod sa ibaba. Ang mga ilaw ng sasakyan ay nagsasayawan sa kalsada na tila mga alitaptap sa gabi. Saglit siyang tumingin sa kanyang relo, bago dahan-dahang bumalik sa kanyang upuan.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Kevin, bitbit ang makapal na folder at laptop. Diretso siyang lumapit sa mesa ng presidente, may ngiting halatang proud."Boss," bungad niya, "kumpleto na lahat ng report para sa tatlong major project natin this quarter. Yung housing development sa Tagaytay — fully sold na ang Phase 1, at naghahanda na ang team para sa Phase 2. Yung partnership natin sa Summit Holdings, naayos na rin, pumirma na si Chairman Vargas kahapon. At 'yung luxury eco-resort sa Palawan, sin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status