Share

Chapter 173: Game Plan

Author: Author W
last update Huling Na-update: 2025-07-24 08:01:03

Gold Prime Enterprises, President's Office

Bumukas ang pinto at pumasok si Richard, diretso sa loob. Naroon na si Kevin, na agad siyang sinalubong.

"Sir," bati ni Kevin. "Maaga po kayong dumating."

"Anong nangyari, Kevin?" tanong ni Richard, diretso sa punto.

"Ganito, Sir," panimula ni Kevin, sabay abot ng tablet na may nakabukas na mapa ng isang lupain. "Matagal na po nating minamanmanan itong lote sa West Valley—'yong may access sa bagong expressway at may natural spring sa loob ng boundary. Target po natin ito mula pa noong isang taon. Alam nating hindi ito pipitsugin, kaya hinihintay talaga natin ang tamang panahon... ngayon na sana 'yon."

Tumango si Richard. "Auction ngayong araw, diba?"

"Opo, Sir. Ala-una ng hapon ang simula. Akala po natin madali na lang, dahil wala namang kumukontra o nagpapakita ng interest nitong mga nakaraang buwan. Kaya hindi niyo na rin masyadong pinansin sa schedule niyo."

Nagbago ang tono ni Kevin, naging mas mabigat. "Pero kanina po, may nakuha tayong
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 346: Casa Real de la Mesa

    Ilang sandali pa, isa-isa nang lumabas ang mga delegado mula sa conference room. Maraming matatanda at respetadong miyembro ang lumapit kay Micaela — ngumiti sila, nagbiro, at nagbigay ng payo."Ang swerte mo naman, Micaela," bungad ng isa, sabay kindat kay Fernando. "May napakabait at matalino kang ate. Pagbutihin mo lang ang sarili mo—baka balang araw, ikaw ang magiging kanang kamay ni Ms. Fae at tutulungan mo siyang palawakin pa ang Baker's."Parang kumunot ang buong mukha ni Micaela nang marinig iyon. Para sa kaniya, malinaw: tinuturing na ni Fernando—at ng mga respetadong miyembro—si Fae bilang ang hahalili at lider na magpapalago ng kumpanya. Halos sumabog ang kanyang galit, ngunit sa harapan ng marami ay pinilit niyang ngumiti at tumango, tinatago ang naglalagablab na poot.Makaraan ang ilang sandali, lumabas sina Fernando at Fae—magkasabay at magaan ang usapan. Lumapit sila kay Micaela at magaan na sinabi ni Fernando, "Oras na para kumain."Tumango ang babae at sabay-sabay sil

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 345: Handa na ang lahat

    Sa sumunod na araw. Conference Room, Baker's Holdings HeadquartersMataas ang kisame ng silid, balot ng makintab na kahoy at salaming dingding na tanaw ang buong Central Business District ng Cebu. Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo si Fae, nakasuot ng simpleng cream blazer, may mahinhing postura ngunit matatag ang tingin. Sa kanyang harapan ay nakabukas ang laptop, at sa malaking LED screen sa likuran niya, lumilitaw ang titulo ng presentation:"Digital Expansion Strategy for Baker's Holdings: Integrating Heritage with Technology"Tahimik ang mga miyembro ng board na nakaupo sa magkabilang gilid ng mesa. Sa pinakadulo, nakaupo si Fernando, ang kanyang ama — nakasandal, may mahinang ngiti, ngunit bakas ang matinding pagmamataas habang pinagmamasdan ang kanyang anak na nakatayo sa harapan."Good morning everyone," panimula ni Fae, kalmado ngunit malinaw ang boses. "Ngayong taon, naipasok na ng Baker's ang ilang pangunahing investment sa larangan ng technology and innovation, kabilang na

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 344: Assassin

    Cebu City, Villa Baker.Sa isang silid sa ikalawang palapag ng mansyon, galit na galit si Micaela. Nakaupo siya sa harap ng kanyang vanity mirror, mahigpit na nakahawak sa cellphone. Paulit-ulit niyang chine-check ang screen, ngunit wala pa ring sagot mula sa taong tinawagan niya isang buwan na ang nakalipas."Walang kwenta!" sigaw niya habang binabagsak ang cellphone sa kama.Mahigit isang buwan na siyang naiinis sa presensiya ni Fae sa bahay. Pakiramdam niya, bawat araw na dumaraan ay parang unti-unting inaagaw ni Fae ang lahat ng atensyon, pagmamahal, at respeto na dati ay kanya.Mas lalong sumidhi ang galit niya dahil ni minsan ay hindi pa rin nakakilos ang taong inupahan niyang pumatay kay Fae — dahil hindi ito makatyempo. Halos hindi umaalis si Fae sa villa. Kapag lumalabas man, laging kasama si Fernando — at kapag bumabalik, laging may dalang regalo o tawanan sa paligid.At para kay Micaela, iyon ang pinakamasakit.Si Fae, na dati'y walang alam sa pamilya, ngayon ay unti-unting

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 343: Lilipad din

    Gold Prime Enterprises, opisina ng presidente.Tahimik ang buong palapag, tanging mahinang ugong ng aircon at alingawngaw ng malayong kalsada sa ibaba ang maririnig. Sa gitna ng malawak at modernong opisina, nakatayo si Richard sa harap ng floor-to-ceiling window, tanaw ang magulong lungsod sa ibaba. Ang mga ilaw ng sasakyan ay nagsasayawan sa kalsada na tila mga alitaptap sa gabi. Saglit siyang tumingin sa kanyang relo, bago dahan-dahang bumalik sa kanyang upuan.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Kevin, bitbit ang makapal na folder at laptop. Diretso siyang lumapit sa mesa ng presidente, may ngiting halatang proud."Boss," bungad niya, "kumpleto na lahat ng report para sa tatlong major project natin this quarter. Yung housing development sa Tagaytay — fully sold na ang Phase 1, at naghahanda na ang team para sa Phase 2. Yung partnership natin sa Summit Holdings, naayos na rin, pumirma na si Chairman Vargas kahapon. At 'yung luxury eco-resort sa Palawan, sin

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 342: Laban sa mesa

    Napatingin si Fernando at agad na ngumiti."Oh, gising ka na pala, anak. Halika, mag-breakfast ka na," magaan niyang sabi.Hindi agad tumugon si Micaela, bagkus ay naglakad papunta sa tabi ni Fernando at naupo sa upuang katapat ni Fae. Tahimik lang siya sa una, ngunit kapansin-pansin ang malamig na tingin niya kay Fae—matulis, sinusuri mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat kung may karapatan ba talaga itong maupo sa mesa ng mga Baker."Wow," ani Micaela matapos ang ilang segundo, nakangiting pilit habang nakatingin sa pagkain. "Mukhang masarap 'tong breakfast. Hindi ko akalaing marunong ka palang magluto… nakakapagtaka lang, kasi hindi naman halata."Napatawa si Fernando, akala'y biro lang iyon. "Magaling talaga 'tong si Fae," aniya habang kumukuha pa ng pagkain. "Parang may natural talent sa pagluluto."Ngumiti si Fae, kalmado lang kahit ramdam niya ang tusok ng mga salita ni Micaela. "Ay, simple lang 'yan," magaan niyang sagot. "Pero kung gusto mo, turuan kita minsan. Para ne

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 341: Umagahan

    Nagpatuloy sa pag-uusap ang mag-ama hanggang sa inabot sila ng gabi. Mainit ang usapan nila—punô ng tawanan, kuwento, at mga pagbabalik-tanaw na tila binubura ang dalawampung taong pagkawalay nila sa isa't isa. Sa gitna ng kanilang munting pagdiriwang ng muling pagkikita, bumalik si Micaela kinagabihan. Amoy-alak ito, halatang galing sa isang party—magulo ang buhok, bahagyang namumungay ang mga mata, ngunit nakataas pa rin ang ulo na parang wala siyang ginagawang mali.Nasa kusina sina Fernando at Fae noon. Hinahain ng mga maid ang mga pagkain; nakaupo si Fernando sa main chair, at sa kanan niya ay si Fae—sa mismong upuang matagal nang bakante at walang ibang pinauupo roon.Nang pumasok si Micaela, napatigil siya. Nakita niyang abala si Fae sa pagtulong sa maid habang ang kanyang ama ay nakangiting nakamasid sa anak. May ngiti sa labi ni Fernando nang mapansin ang pagdating ni Micaela."Oh, nakauwi ka na," sabi ni Fernando sa magaan na tono. "Halika, sabayan mo kami ng ate mo kumain."

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status