Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 209: General Cleaning

Share

Chapter 209: General Cleaning

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-08-13 10:09:55

Bahagyang natigilan si Fae, sabay napailing na may halong tawa. "Mukhang marami ang mabibigla niyan."

"Bakit, Kevin? Ready ka bang makita ang reaction nila?" dagdag biro ni Richard habang nakatingin sa rearview mirror.

Kumunot ang noo ni Kevin. "Aba, sir, kung ako lang, matagal na akong ready. Pero baka sila… magka-heart attack."

Napailing si Fae, napatawa, at nagsimula na silang umusad palabas ng compound.

Habang umaandar ang sasakyan palabas ng compound, nakasandal si Richard sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana. "So… sa tingin mo, Fae, anong magiging reaksyon ng mga tao kapag nalaman nila?" tanong niya na parang wala lang.

"Hmm… sa tingin ko, unang una… may mga mahuhulog sa upuan," sagot ni Fae na may bahagyang tawa. "Pangalawa… siguradong may magtatago ng mukha kasi naalala nila kung paano ka nila inutusan dati na magdala ng kape o mag-park ng kotse."

"Eh 'yung iba, baka mag-resign agad," singit ni Kevin habang nakangisi. "Lalo na 'yung mga tumawag sa 'yo ng 'Manong Driver'.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 211: Sobre

    Saglit na nag-isip si Fae, tapos biglang naalala ang huling insidente kung saan naging open si Jane na isama si Richard sa kanilang reunion—na dati naman ay ayaw na ayaw niya dahil sa pagiging driver nito.Ngumisi si Fae, parang nakakita ng malinaw na koneksyon. "Hindi nakapagtataka… naging para kang malaking kayamanan sa mata niya."Bumuka ang bibig ni Kevin, parang may natuklasang plot twist. "Pero Sir… kung nalaman ni Jane na ikaw ang President, bakit hindi niya sinabi kay Ma'am Fae? Diba kung naging 'kayamanan' ang tingin niya sa 'yo, ang una niyang dapat gawin ay sirain ang tiwala ninyong dalawa—ipakita na niloloko mo si Ma'am, itinago mo kay ma'am ang totoo mong pagkakakilanlan. Sa ganitong paraan maghiwalay kayo at malaya siyang makalapit? Sa paraang 'yon… iisipin ng lahat na gusto ka niya dahil kung sino ka 'bilang tao' at hindi dahil sa pera o posisyon."Nagkunot ang noo ni Fae, pero may pilyang ngiti. "Tuso si Jane, kagaya ni Chase. Alam niya na

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 210: Agent

    Medyo nag-alala si Richard, bahagyang kumunot ang noo bago tanungin si Fae. "Sigurado ka ba rito?"Ngumiti si Fae, may kumpiyansa sa boses. "Sigurado ako. Wala namang mababago kung ihuhuli ang pagpapakilala kung sino talaga tayo, 'di ba? Isa lang naman itong pormalidad."Tumango si Richard pero may paalala. "Basta huwag kang gagawa ng delikadong bagay. At kung alam mong delikado ang sitwasyon, sabihan mo agad ako."Tumingin si Fae sa kanya at nagbigay ng nakapapanatag na ngiti. "Huwag kang mag-alala. Kung alam kong hindi ko kaya… tatawagan kita."Sa harapan, biglang sumabat si Kevin na parang ayaw palampasin ang pagkakataon. "Basta huwag lang yung tipong tatawag ka sa kanya sa gitna ng laban tapos sasabihin mo, 'Honey, bring reinforcements!' Parang K-drama lang, yung bida muntik nang maubos ang HP bago dumating yung male lead."Napatingin si Fae at Richard sa kanya, parehong natawa. "Kevin," sabi ni Richard, "feeling mo talaga, ikaw yung second male lead na palaging naiipit sa love tr

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 209: General Cleaning

    Bahagyang natigilan si Fae, sabay napailing na may halong tawa. "Mukhang marami ang mabibigla niyan.""Bakit, Kevin? Ready ka bang makita ang reaction nila?" dagdag biro ni Richard habang nakatingin sa rearview mirror.Kumunot ang noo ni Kevin. "Aba, sir, kung ako lang, matagal na akong ready. Pero baka sila… magka-heart attack."Napailing si Fae, napatawa, at nagsimula na silang umusad palabas ng compound.Habang umaandar ang sasakyan palabas ng compound, nakasandal si Richard sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana. "So… sa tingin mo, Fae, anong magiging reaksyon ng mga tao kapag nalaman nila?" tanong niya na parang wala lang."Hmm… sa tingin ko, unang una… may mga mahuhulog sa upuan," sagot ni Fae na may bahagyang tawa. "Pangalawa… siguradong may magtatago ng mukha kasi naalala nila kung paano ka nila inutusan dati na magdala ng kape o mag-park ng kotse.""Eh 'yung iba, baka mag-resign agad," singit ni Kevin habang nakangisi. "Lalo na 'yung mga tumawag sa 'yo ng 'Manong Driver'.

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 208: President's Wife

    Tumigil si Fae sa paghakbang bago tumalikod para tumingin kay Henry, ngunit hindi siya nagsalita. Nakita ni Henry ang walang pakialam na ekspresyon ng kanyang anak, bago siya walang magawang bumuntong-hininga at nagsalita."Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Pinabayaan ko kayo ng ina mo para sa ibang babae. Alam kong naging makasalanan ako sa pagtataksil sa ina mo, at wala rin akong nagawa sa mga karahasang ginawa sa 'yo ng madrasta mo." Tumigil siya saglit bago nagpatuloy, "Alam mo… natatakot lang ako na muli pang mawalan ng isa pang pamilya kaya hindi ako naglakas-loob na pigilan siya."Ngumisi si Fae at biglang nagsalita sa napakalamig na boses, "Hindi ka naglakas-loob na pigilan siya dahil natatakot ka sa kanya? Na mawala siya? So paano kami ng mama ko? Hindi ka natatakot sa amin? Hindi ka natatakot na mawala kami? Nang magkasakit si mama, nagpakita ka ba ng takot? Ni hindi mo nga siya binisita sa ospital kahit isang beses. Noong kinidnap ako ni Glenda, natakot ka ba?

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 207: Anak

    Dinelete ni Kevin ang tinype niya bago tumingin kay Richard."Boss… ano ba dapat kong sabihin?"Saglit na nag-isip si Richard, parang love expert sa radyo."Gawin mo lang simple. Huwag masyadong OA. Sabihin mo lang na 'Mag-ingat ka, gusto kitang makausap ulit.' O kaya 'Masarap siguro kumain ng ice cream kapag kasama ka.' Dapat may konting kilig pero hindi pilit. Yung tipong kapag nabasa niya, mapapangiti siya habang kumakain ng breakfast."Habang nagsasalita si Richard, nakatingin lang si Fae sa kanya na parang hindi alam kung anong mukha ang nakikita niya—Presidente ba ng kumpanya o DJ sa Barangay Love Stories. Tumikhim si Fae."Alam mo, nagdududa talaga ako kung wala ka pang nakadate na babae noon."Napakamot sa ulo si Richard bago ngumiti."Wala pa talaga. Ikaw una at huling babae ko."Napangiti si Fae. "Smooth talker… pero bakit parang ang galing mo sa ganyan?"Ngumisi si Richard. "Fan ako ni Papa Dudut ng Barangay LS."Nagsimula nang mag-type si Kevin, nang biglang umubo si Henry

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 206: Hot Guy

    "'Mariel… noong unang kita pa lang… alam kong ikaw na.'" ginaya ni Richard na may dramatikong boses."'Mula noon, hindi na kita maalis sa isip ko…'" dagdag ni Fae na parang nagbabasa sa isang stage play."'Kung sakaling pwede lang… baka puwedeng ikaw na ang…'" itinuloy ulit ni Richard, bago sila parehong maputol sa tawanan.Maging si Henry, na tahimik lang kanina, ay napabuga ng soup at natawa nang malakas."Hoy! Ano ba!" reklamo ni Kevin, pilit na tinatago ang hiya.Umiling si Richard habang nagpipigil ng tawa. "Alam mo, dapat sabihin mo kung ano talaga 'yong totoong nararamdaman mo," sabi niya. "Hindi mo pwedeng sabihing ganyan, hindi makatotohanan. Ano 'yon? Kanina lang kayo nagkita tapos sasabihin mo agad na mula noon hindi mo na siya maalis sa isip mo?"Napahiya si Kevin at napakamot sa ulo; naisip nga niya na masyadong katawa-tawa ang mensahe.Tapos nagsalita si Fae, "At saka hindi mo pwedeng bitinin ang mensahe. Bakit paulit-ulit mo sinabi na 'pwede bang, pwede bang' tapos may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status