Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 178: Kumpiyansa ni Victor

Share

Chapter 178: Kumpiyansa ni Victor

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-07-26 11:13:14

Halos masuka ng dugo si Victor sa galit. Ikinuyom niya ang kamao at tumingin nang matalim kay Richard na tila ba walang nararamdaman ni kaunting tensyon. Sa halip, kalmado pa rin ito, parang nanonood lamang ng isang comedy show.

Nagngangalit si Victor, pero wala siyang ibang pagpipilian.

'Hindi ako pwedeng umatras. Hindi ngayon.'

Muling tinaas ni Victor ang paddle.

"₱238 million!" sigaw niya, sabay kagat sa kanyang mga ngipin. Halos mapunit ang papel na hawak niya sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ng kamay.

Alam niyang malayo na ito sa appraised value. Pero hindi lang pera ang nakataya ngayon—pangalan niya, karangalan niya, at ang pangako niya sa tatlong investor na umaasang mapapasakanya ang lote 7.

Ngumisi si Richard. Kalmado. Hindi man lang kumurap.

"₱239 million."

Natahimik ang silid. Ramdam ang tensyon na parang bakal sa hangin. Ang bawat bid ay parang kutsilyong tumatarak sa dignidad ni Victor.

"₱240 million!" muling sigaw ni Victor. Halos hingalin na siya sa galit.

Mula sa ₱160
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Minerva Valdez
update pls author thanks
goodnovel comment avatar
Author W
meron na po bukas ...
goodnovel comment avatar
Author W
bukas po ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 277: Tapos ka na bang magdrama?

    Napakuyom ng kamao si Bernard, nanginginig ang kanyang kamay habang nakatitig sa bagong dating. Halo-halong emosyon ang bumalot sa kanya—galit, pangungulila, pagkabigla, at takot. Hindi niya alam kung ano ang uunahin: ang pagkilala sa taong nasa harap niya o ang pagtatanggol sa pamilya at kumpanya.Tahimik ang buong silid. Ang bawat direktor ay napako ang tingin kay Richmond. Ang hugis ng panga, tikas ng ilong, at lalim ng mga mata—parang eksaktong salamin ng kanilang presidente. Ngunit may isang bagay na nagtatangi sa kanya: ang mahabang hiwa mula pisngi pababa sa panga, isang marka na tila nagkukuwento ng madilim na nakaraan.Kung si Richard ay isang maliwanag na araw, si Richmond ay isang bagyong paparating—madilim, mabagsik, at walang awa.Tumango si Richard habang nakatitig sa kapatid, ngunit hindi nagpakita ng kahit anong emosyon. Wala ni isang kibit sa kanyang labi o kilay; parang nababasa na niya ang eksenang matagal nang nakasulat.Humakbang si Richmond palapit, mabigat ang b

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 276: Bagong Pinuno

    Napapikit si Richard nang makita si Victor, tila ba alam na niya kung saan nanggaling ang lakas ng loob ng mga direktor na nagtraydor. Ngunit kahit pa ganoon, hindi pa rin niya lubos na maisip na magagawa ito nang mag-isa ni Victor—alam niyang wala itong sapat na kakayahan upang guluhin ang higanteng kompanya. Saglit niyang inisip ang posibilidad na may mas malaki pang anino sa likod nito, kaya't pinili niyang manahimik muna at maghintay kung may iba pang sorpresa na ilalantad ngayong araw.Ngumiti si Salazar at agad na binati ang bagong dating."Mr. De Luca, sa wakas, narito ka na," ani niya nang may malawak na ngiti, halatang kanina pa sabik sa pagdating ng kakampi.Humakbang si Victor patungo sa likod ng apat na traydor, ang bawat yabag ay mabigat at puno ng kumpiyansa. Nang makarating siya sa tabi ni Salazar, marahang tinapik ang balikat nito."Salazar," sabi niya, "mukhang mahusay ang ginawa mo." Sabay ngumisi, malamig at puno ng panunuya.Tumawa si Salazar, ang tinig niya'y para

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 275: Traydor

    Nabigla ang lahat. Parang sumabog ang isang bomba sa gitna ng silid. Ang mga director ay nagsigawan muli, may ilan ang halos mapatayo sa gulat, at ang ilan nama'y hindi makapaniwala sa binitawang pagbabanta.Ngunit ilang sandali pa, tumayo rin ang iba pang nasa panig ni Salazar—tatlo pang director ang sumang-ayon at mariin ding idineklara na iwi-withdraw nila ang kanilang shares kung hindi mapuputol ang Everest Corp.Nanlaki ang mata ni Villanueva, halos hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi na siya nakatiis, agad niyang itinuro si Salazar gamit ang nanginginig na daliri."Salazar! Ito ba ang plano mo?! Gumawa ng kaguluhan kung saan nasa panganib ang Gold Prime?!"Ngumisi si Salazar, bahagyang tumawa na parang nanunukso."Plano? Huwag mo akong pagbintangan ng wala. Wala akong alam sa sinasabi mong plano. Ang ginagawa ko lang ay iligtas ang sarili ko. Kung kayo ay masyadong bulag sa katotohanan, problema niyo na iyon."Nagngitngit si Villanueva, bahagyang nanginginig sa galit."Pareho

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 274: Shares Withdrawal

    Lumakad siya papunta sa gitna, diretso hanggang sa dulo ng mesa kung saan nakaupo si Bernard. Pagdating sa harap ng matanda, dahan-dahan siyang yumuko nang magalang."Chairman," bati niya.Tumango si Bernard, nananatiling seryoso ngunit bakas ang gaan sa mga mata. Pagkatapos ay iniikot ang tingin sa lahat ng directors na ngayo'y tila nahihiya.Ngunit biglang muling nagsalita si Salazar, hindi pa rin natitinag. "Chairman, hindi sapat ang mga salita ng apo mo. Ang punto rito ay simple: ang Everest Corp ang ugat ng lahat ng gulong ito. Kung hindi natin sila puputulin, masisira tayong lahat!""Hindi tama 'yan!" sagot ni Villanueva, muling tumayo. "Hindi mo pwedeng gawing scapegoat ang Everest! Kung aalisin sila, mas lalo lang tayong lulubog!"At muli, nagpatuloy ang malakas na pagtatalo. Ang conference room ay muling napuno ng mga sabayang sigaw at pagtutulak ng kani-kaniyang interes.Samantalang si Richard, nakatayo lamang, malamig ang ekspresyon at tila ba pinagmamasdan ang mga ito na p

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 273: Gulo sa HQ

    Sa kalsada, maaliwalas ang tanawin ng lungsod—mga gusali, stall, at mga taong abala sa kani-kanilang buhay. Tahimik na nakaupo si Richard sa likuran ng Rolls Royce, nakatingin sa bintana na para bang alam na niya ang bawat hakbang na mangyayari. Samantala, si Kevin ang nagmamaneho, seryoso ngunit may halong kaswal na tono nang magsimula siyang magsalita."Siguradong nagkakagulo na ngayon sa Headquarters," sabi ni Kevin habang bahagyang tumingin sa rear-view mirror.Napangisi si Richard, malamig ngunit may bahid ng kumpiyansa. "Mukhang hindi pa gaano… kung tutuusin, hindi pa tumatawag ang matandang chairman."Umiling si Kevin at muling nakatuon sa kalsada. "Mukhang kaya pa niyang hawakan ang sitwasyon, pero hindi natin alam hanggang kailan. At isa pa…" saglit siyang tumigil bago ngumiti. "Wala naman talaga siyang alam sa plano mo."Bahagyang natawa si Richard, halos mahina ngunit puno ng bigat. "Mas mabuti na iyon. Kung alam niya, baka hindi maging makatotohanan ang lahat. At saka…" tu

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 272: Maghintay ng Himala

    Sa screen, nanlaki ang mga mata ni Morgan. Unti-unti niyang binasa ang bagong lumabas na post mula sa user na Destroyer."OPEN BID FOR ALL."Kasunod noon ay ilang malalabo ngunit halatang sensitibong larawan—mga blueprint, confidential charts, at draft ng kabuuang plano ng Everest Corp. para sa susunod na sampung taon. Kahit blurred, malinaw na makikita ang mga outline at headline na nakatali sa malalaking proyekto, sapat na para magdulot ng delikadong espekulasyon.Parang sumabog ang mundo sa harap ni Morgan. Kaagad pumutok ang notipikasyon ng komento—daan, daan, at libo-libong reaksyon ang sumunod, isa-isang nagtatapon ng presyo."One million USD for the full copy.""I'll pay double, send me the clean files.""South Asia group here—we're willing to fund this data. Name your price.""Everest Corp. is done for. Haha! Weak security, weak leadership."At mas lalo pang nagpatindi ng kaba kay Morgan ang mga panunuyang naglipana:"Kaya pala tinatawag na giant, made of glass pala. One strik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status