Share

Chapter 18: Dahas

Author: Author W
last update Huling Na-update: 2025-04-23 10:54:46

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Fae sa malamig na tono.

Walang paalam na humakbang si Glenda papasok, kasunod si Geraldine. Pasimpleng nagbugaw ng kung anong imahinasyong langaw si Glenda habang lumilinga-linga.

"Ano ba naman 'yan, Fae," umpisa ni Glenda, "nagtitiis ka sa ganitong lugar? Kung umuwi ka na lang sa White Villa, edi sana naka-aircon ka pa. Hindi yung..." Tumingin siya sa paligid, kita ang pagtataas ng kilay. "...ganitong maliit at luma pang apartment. Diyos ko, ang sofa, parang vintage."

Sumingit si Geraldine, nakatakip ang ilong habang tumitingin-tingin sa paligid.

"Oo nga, Ate. Sa Villa, hindi ganito ang lagay mo. Sukat lang yata ng walk-in closet ko 'tong buong apartment mo."

Nakasimangot na lumapit si Fae, "Kung naparito kayo para pilitin akong bumalik, umuwi na lang kayo. Hindi ako uuwi, kahit anong pamimilit o pananakot pa ang gawin ninyo."

Hindi man lang naupo sina Glenda at Geraldine, halatang iniisip na marumi o masisira ang kanilang branded outfits ng mga
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
hala....mr.gold asan kna uwi na....baka kung anong gawin ng bruha kay fae
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 174: Harrington Syndicate

    Sa ApartmentBumangon si Fae habang napangiwi. Masakit ang buo niyang katawan, lalo na ang ibabang bahagi. Napatingin siya sa gilid ng kama at napansin na wala na si Richard. Sa side table, may iniwang maliit na notes. Kinuha niya ito at binasa:"Tumawag si Mr. Gold, may urgent. Nag-prep na ako ng breakfast mo, kumain ka diyan. Di mo na rin need umalis ng bahay. Hintayin mo na lang, may maghahatid ng trabaho mo. I love you, Hon. —Richard."Napangiti si Fae matapos basahin, sabay iling."Kaya ko namang pumasok…" bulong niya sa sarili, sabay pilit na tumayo. Pero nang makaangat ng bahagya, agad siyang napakapit sa gilid ng kama. "Aray…" ungol niya at napakagat sa labi. Masakit.Napilitan siyang bumalik sa kama at marahang kinuha ang kanyang undies. Habang isinusuot ito, napatingin siya sa bedsheet at nakita ang bakas ng dugo. Napangiti siya at umiling habang marahang tumayo para kumuha ng shorts at damit. Kinuha niya ang bedsheet, itinupi iyon at inilagay sa laundry basket.Matapos ayus

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 173: Game Plan

    Gold Prime Enterprises, President's OfficeBumukas ang pinto at pumasok si Richard, diretso sa loob. Naroon na si Kevin, na agad siyang sinalubong."Sir," bati ni Kevin. "Maaga po kayong dumating.""Anong nangyari, Kevin?" tanong ni Richard, diretso sa punto."Ganito, Sir," panimula ni Kevin, sabay abot ng tablet na may nakabukas na mapa ng isang lupain. "Matagal na po nating minamanmanan itong lote sa West Valley—'yong may access sa bagong expressway at may natural spring sa loob ng boundary. Target po natin ito mula pa noong isang taon. Alam nating hindi ito pipitsugin, kaya hinihintay talaga natin ang tamang panahon... ngayon na sana 'yon."Tumango si Richard. "Auction ngayong araw, diba?""Opo, Sir. Ala-una ng hapon ang simula. Akala po natin madali na lang, dahil wala namang kumukontra o nagpapakita ng interest nitong mga nakaraang buwan. Kaya hindi niyo na rin masyadong pinansin sa schedule niyo."Nagbago ang tono ni Kevin, naging mas mabigat. "Pero kanina po, may nakuha tayong

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 172: The Grudge

    Natigilan si Richard.Sandaling katahimikan.At biglang humagalpak siya ng tawa. Napahawak siya sa tiyan habang napapailing."Grabe ka naman!" sabay tawa pa rin. "'Yun pala iniisip mo?"Napangiti si Fae sa hiya, napayuko.Umiling si Richard at marahang humaplos sa pisngi ng asawa."Nirerespeto lang talaga kita, Fae," malambing niyang sabi. "Alam kong hindi ka casual na babae. Alam kong mahalaga sayo 'to. Kaya naghintay ako."Napatitig si Fae kay Richard. Ramdam niya ang sinseridad sa bawat salita. Walang halong biro. Puro totoo."Mahal kita, Fae. Hindi dahil sa kung anong kaya mong ibigay… kundi dahil ikaw 'yon."Nahiya si Fae. Tumango siya, dahan-dahan, bago muling napayuko.Ngumiti si Richard at pabirong tinanong, "Ano, naniwala ka rin ba sa mga sabi-sabing sa lalaki daw ako naa-attract? Na mas masaya ako kapag lalaki kasama ko?"Lalong namula si Fae. Napayuko siya pero tumango, ilang ulit.Napailing si Richard, ngunit ngumiti."Meron akog dahilan."Tumingin si Fae kay Richard, kita

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 171: Gawin natin

    At sa loob ng ilang segundo, walang sinuman ang nagsalita. Ang tanging naririnig ay ang mabilis na tibok ng kanilang mga puso. Ang mainit na hininga na tila sumisingaw mula sa pagitan ng kanilang magkalapit na mukha.At sa isang iglap—Tuluyan nang bumigay si Richard.Dumulas ang kanyang kamay sa gilid ni Fae, marahan, parang sinusuyong ulit ang kabuuan nito. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi—ngayon ay mas mapusok, mas totoo, mas uhaw. Hindi na ito isang aksidente. Isinandal niya ang palad sa pisngi ni Fae habang hinahalikan ito nang mariin.Napapitlag si Fae, ngunit hindi na niya nagawang itulak ang asawa. Sa halip, unti-unti nang nalulusaw ang paninindigan niyang kumawala. Ang dating mahigpit niyang paghawak ay napalitan ng malambot na pagyakap. Niyapos niya si Richard sa leeg, hinila palapit, at buong puso nang gumanti sa halik.Mainit ang kanilang halikan—may kahalong sabik, may pananabik na tagal nang kinikimkim. Ang mga palad ni Richard ay maingat na humahaplos sa likod ni F

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 170: Init

    Pumasok si Richard—basa pa ang buhok, at tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa kanyang baywang. Tumulo ang mga patak ng tubig mula sa kanyang ulo, bumabagtas sa matipunong leeg, dumadaloy sa malapad na balikat at humuhubog sa mga pandesal niyang abs.Lumingon si Fae. At natulala.Para siyang napako sa kinauupuan. Napakagat siya sa labi, biglang nakaramdam ng init sa kabila ng malamig na hangin mula sa bentilador. Tila nag-slow motion ang lahat—ang bawat patak ng tubig na gumuguhit sa dibdib ni Richard, ang pag-angat ng kamay nito para punasan ang buhok gamit ang tuwalya, at ang malalim nitong paghinga habang naglalakad papunta sa cabinet.Sa kabilang linya ng telepono, rinig pa rin ang boses ni Vivian."Fae? Babe? Hoy?!"Walang sagot si Fae. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makagalaw.Ang mata niya, halos hindi kumukurap habang sinisipat ang bawat detalye ng katawan ng asawa—ang hubog ng abs, ang hiwa ng obliques, ang makakapal at matipunong braso. Mapupungay na umikot ang

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 169: Nakakalokang Idea

    Nanatiling tahimik si Fae."Narito pa," bulong niya, halos parang lamok ang tinig.Sa totoo lang... na-imagine niya ang sarili niyang ginagawa ang ideya ni Vivian.Sa loob ng utak niya, biglang umikot ang eksena—naka-oversized white shirt siya, walang kahit anong suot sa loob. Bahagyang basa ang buhok, parang bagong ligo. Naupo siya sa harap ng salamin, nagsusuklay. Si Richard, nasa likuran niya, nakaupo sa kama, bagong ligo rin at naka-boxers lang. Tahimik itong nanonood habang dahan-dahan siyang nagsuklay, ang tela ng suot niya ay bahagyang humuhulma sa kanyang katawan.Napalunok si Fae sa sariling imahinasyon."Babe, hindi pa ako tapos!" sigaw ni Vivian mula sa kabilang linya, masigla.Nagpatuloy ito, "Ganito pa, imagine mo to. Nakahiga si Richard sa kama, pagod. Tapos ikaw, sis... ikaw naman biglang lalabas ng banyo. Pero hindi ka naka-pambahay. Naka-lingerie ka—black lace, yung manipis, yung halos walang tinatakpan kundi dangal. May robe kang manipis, pero hindi mo sinara. Naglal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status