Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 328: Sinampal ng katotohanan

Share

Chapter 328: Sinampal ng katotohanan

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-10-23 11:05:59

"Your hands?"

Malamig ang tono ni Richard habang tinitigan niya si Christina mula ulo hanggang paa.

Tahimik ang lahat—pati ang hangin ay tila huminto.

Dahan-dahan siyang lumapit, bawat hakbang ay mabigat, bawat tunog ng sapatos niya sa sahig ay parang dagundong sa dibdib ni Christina.

"Tell me, Christina," mahinang sabi niya, ngunit tagos sa lahat. "Since when did you start working here?"

Hindi agad nakasagot si Christina.

Binuksan niya ang bibig, pero walang lumabas na salita—tanging hikbi at kaba lang.

"Since yesterday?" tanong muli ni Richard, ngayon ay mas mababa ang boses. "Or since you realized people here don't know who my real wife is?"

Nag-echo ang huling linya sa buong kusina.

Ang lahat ng empleyado—biglang napalingon.

Ang mga mata ni Gina at Lynette ay sabay na lumaki, parang tinamaan ng kuryente.

"A—ano po?" utal ni Gina.

"Sir… ibig n'yo pong sabihin—" dagdag ni Lynette pero hindi na natapos, dahil isang sulyap lang ni Richard ang nagpatahimik sa kanila.

Si Manager Rose, n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 332: Chef Fairy

    Biglang natahimik ang buong lugar. Parang may sumabog na bomba sa kalagitnaan ng Dragon's Ember.Napanganga ang lahat—walang kumilos, walang nagsalita."C–Chairman?!" halos pabulong ngunit malinaw na nasambit ni Richard, hindi makapaniwala sa narinig. Nanlaki ang mga mata niya, at ilang segundo siyang nakatitig kay Fae na parang ngayon lang niya ito nakilala.Click! Click! Click!Sunod-sunod ang mga flash ng camera ng media na nakasaksi sa eksenang iyon, na parang nag-aagawan sa isang hindi kapani-paniwalang eksklusibong balita."W-wait, what? Si Ms. White… ang Chairman?! Ang maalamat na Chef Fairy?!" gulat at kilabot na tanong ni Chef Mina, halos maibuga ang hawak na tubig.Si Sous Chef Ivy naman ay napasigaw ng, "Oh my God! Kaya pala iba ang dating niya! Hindi lang pala siya basta luto-luto lang!"Si Gina at Lynette ay napakapit sa isa't isa, nanlalamig ang mga kamay, at halos sabay na napabulong, "Sana naging neutral tayo… kung alam lang natin na siya pala 'yung Chairman ng GCEB…"

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 331: Ang dahilan

    Nang makita ni Fae ang mga naguguluhang tingin ng lahat—ang mga mata nina Mina, Ivy, Rose, at maging ng mga staff sa paligid na tila nagtatanong kung bakit siya biglang aalis—ngumiti siya, kalmado ngunit may lungkot sa mga mata."I know you're all wondering why," sabi niya sa mahinahong tinig. "The reason I joined Dragon's Ember… was simple. I wanted to gain perspective—learn something new, and understand this place better. I got interested in Dragon's Ember because…" tumingin siya kay Richard na tahimik lamang na nakamasid sa kanya, "…it belongs to my husband."Nagulat muli ang mga staff at ilang chef, at kahit narinig na nila kanina ang kanyang pagkakakilanlan, iba pa rin ang bigat ng pag-amin mula mismo sa kanya."During my short time here," patuloy ni Fae, "I've learned so much. I discovered how warm, dedicated, and passionate everyone in this kitchen is. Honestly, I planned to stay longer, kasi masaya talaga rito." Napatingin siya kina Mina at Ivy, na parehong nakangiti ngunit ba

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 330: Disgrace

    Napatigil ang lahat. Ang mga mata ng apat na evaluator ay sabay na lumingon sa direksyon niya, ngunit hindi siya natinag. Tumawa siya nang mapanlait bago muling nagsalita, "Sauce lang naman 'yan! Paanong biglang nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagkain dahil lang sa sauce? Halos parang teleserye na ang nangyayari rito—ang drama, ang 'wow' moments, ang revelation ng asawa ng mayaman… what's next? Tears of joy?"Napailing siya, sabay tawa na puno ng panlalait. "Come on. Hindi pa nga katagalan si Fae dito sa kusina, tapos bigla na lang siya gumawa ng mala-magical na sauce? Hindi ako naniniwala."Sandaling natahimik ang buong lugar. Sa gilid, mariing pinipigilan ni Chef Mina ang sarili—nakapameywang, nakapikit, at halatang gustong suntukin si Christina. Ngunit pinili niyang manahimik. Hindi pa tapos ang evaluation.Napangisi si Christina nang makita ang katahimikan ni Mina. "Oh? Wala kang sagot, Chef Mina?" sabi niya, sabay taas ng kilay. "Tama nga siguro ang hinala ko…"Tumigil siya sa

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 329: Anong Espesyal?

    Hinawakan ni Richard ang kamay ni Fae, marahan at puno ng pagmamahal, bago tumingin sa lahat ng naroon. Tahimik ang paligid, walang ni isang kumikibo—tanging paghinga ng mga tao at marahang pag-click ng mga kamera lamang ang maririnig.Sa tingin ng lahat, malinaw na malinaw ang mensaheng gustong iparating ni Richard. Tumikhim siya nang bahagya, at sa mababang tinig na punong-puno ng kumpiyansa at paggalang, sinabi niya, "Everyone… allow me to introduce to you—my legal wife, Mrs. Faerie White-Gold."Sumabog ang bulungan sa buong lugar. Ang mga evaluator ay tila hindi makapaniwala, nagkatinginan sina Celestine at Manager Rose na parehong nagulat at sabay napangiti nang bahagya, na parang sa wakas ay nabuo ang isang palaisipan.Si Chef Mina ay napanganga bago napatawa nang mahina, "Kaya pala," bulong niya kay Sous Chef Ivy na agad ding napangiti. "Hindi lang siya may talento, masyado rin siyang down to earth."Napatingin naman si Ivy kay Fae, punong-puno ng paghanga. "Nakaka-inspire… hin

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 328: Sinampal ng katotohanan

    "Your hands?"Malamig ang tono ni Richard habang tinitigan niya si Christina mula ulo hanggang paa.Tahimik ang lahat—pati ang hangin ay tila huminto.Dahan-dahan siyang lumapit, bawat hakbang ay mabigat, bawat tunog ng sapatos niya sa sahig ay parang dagundong sa dibdib ni Christina."Tell me, Christina," mahinang sabi niya, ngunit tagos sa lahat. "Since when did you start working here?"Hindi agad nakasagot si Christina.Binuksan niya ang bibig, pero walang lumabas na salita—tanging hikbi at kaba lang."Since yesterday?" tanong muli ni Richard, ngayon ay mas mababa ang boses. "Or since you realized people here don't know who my real wife is?"Nag-echo ang huling linya sa buong kusina.Ang lahat ng empleyado—biglang napalingon.Ang mga mata ni Gina at Lynette ay sabay na lumaki, parang tinamaan ng kuryente."A—ano po?" utal ni Gina."Sir… ibig n'yo pong sabihin—" dagdag ni Lynette pero hindi na natapos, dahil isang sulyap lang ni Richard ang nagpatahimik sa kanila.Si Manager Rose, n

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 327: Hatol

    Ang mga waiter ay kusa nang umatras, ang mga evaluator ay nagkatinginan, at ang mga ilaw ng restaurant ay bahagyang nagbago ng timpla, na parang nagbibigay-daan sa kanyang pagdating.Si Christina, napako sa kinatatayuan.Dahan-dahan siyang lumingon, at doon tumigil ang kanyang paghinga.Ang lalaking pumasok ay si Richard Gold mismo — ang tunay na may-ari ng Dragon's Ember, at ang taong pinagmamalaki niyang asawa.Tahimik ang buong lugar, tanging tunog ng hakbang ni Richard ang maririnig habang dahan-dahan siyang lumalapit.Malamig ang kanyang titig, ngunit mabigat, mapanuri — ang klaseng tingin na kayang tumagos sa lahat ng kasinungalingan."Sinong asawa mo ulit?" ulit ni Richard, mababa ngunit matalim ang boses.Napaatras si Christina, nanginginig, hindi makasagot.Ang dating matapang na ekspresyon ay napalitan ng takot at pagkagulat.Sa tabi ni Mina, bahagyang napangiti si Fae, hindi dahil sa tuwa, kundi dahil sa wakas — ang katotohanan ay papasok na mismo sa pinto.Inayos ni Richar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status