Napatingin si Richard kay Morgan, agad nanlamig ang kanyang ekspresyon. "Anong ibig mong sabihin na wala siya sa kanyang opisina?"Napalunok si Morgan bago sumagot. "Paumanhin po, Mr. Gold… kanina pa po siya wala ro'n. Huling nakita po si Miss White bandang alas kwatro, may dala siyang dokumento at umalis."Nagdilim ang mukha ni Richard. "Saan siya pumunta?" tanong niya, may bahid ng tensyon sa tinig."May meeting po siya sa isang business partner," sagot ni Morgan, halatang nag-aalangan."Anong meeting?" diretsong tanong ni Richard, may pamumuo ng galit sa tono."Hindi ko po alam, sir. Basta kinausap po siya ni Chase… at pagkatapos no'n, umalis si Ms. White. Hindi ko po alam kung saan siya pinapunta ni Chase."Tumigas ang panga ni Richard. Namuo ang malamig na galit sa kanyang mga mata. "Chase…" bulong niya. "Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para palabasin sa opisina at hayaang makipagkita sa iba ang asawa ko?" Animo'y tumatagos ang lamig ng boses ni Richard sa bawat salit
Biglang bumukas ang pinto. Naputol si Morgan sa kanyang sasabihin.Lahat ng mata ay napalingon sa pintuan.Pumasok si Bernard Gold, ang Chairman ng Gold Prime Enterprises at ang respetadong lolo ni Richard.Kaagad na tumayo ang tatlo at sabay-sabay na yumuko bilang paggalang."Chairman Gold," bati nila.Ngumiti si Bernard, bahagyang tumango, at diretso siyang naupo sa sofa.Agad siyang tinulungan ni Richard."Lolo, anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang inaayos ang pagkakaupo ng matanda.Nawala ang ngiti ni Bernard. Tumikhim ito, bago tuluyang nagsalita. "Asan ang maganda kong granddaughter-in-law?" tanong nito, diretsong tumingin kay Richard.Saglit na natahimik ang silid. Kinilabutan si Morgan, tila gustong sumingit at magsabi ng totoo, pero hindi siya nakaimik."Nasa opisina pa niya, Lolo," sagot ni Richard sa kalmadong tono.Napatingin si Bernard kay Richard, nagsalubong ang kanyang kilay, tila nagtatanong nang mas malalim kaysa sa sinasabi niya.Tahimik na nagtagpo ang tingi
Humakbang palapit si Morgan kay Richard."Mr. Gold, may nangyari—" ani niya sa kinakabahang tono.Ngunit agad siyang pinutol ni Richard. "Morgan, sakto ang dating mo," sambit ng lalaki habang inaayos ang pagkakaupo at nagseryo ang tono.Napakunot-noo si Morgan. "Po?""May bagong venture akong gustong simulan under Everest Corp," diretsong pahayag ni Richard. "At kailangan ko ang partisipasyon ng ilang departments para dito. I'll be tapping into our IT division, legal team, and marketing.""Para saan po, sir?" tanong ni Morgan, halatang naguguluhan.Richard leaned forward. "Game development. May vision ako—an original RPG under a new brand. Target natin ang local and international market. Hindi lang ito basta-bastang laro. I want quality—narrative-driven, choice-based, immersive gameplay. We'll develop it under a subsidiary: Golden Games."Napatingin si Morgan kay Kevin, na tumango at ngumiti, all-out supportive."Gagamitin natin ang backend systems ng IT para sa initial framework supp
Everest CorporationHumakbang papasok ng building si Richard kasama si Kevin. Galing sa isang meeting, dumiretso sila sa Everest Corp para sunduin si Fae upang sabay na silang umuwi. Habang naglalakad sa lobby, tumingin si Richard sa kanyang mamahaling relo—may ilang minuto pa bago mag-time out si Faerie."Diretso muna tayo sa opisina ko, magpalamig lang saglit," sabi ni Richard.Sumakay silang dalawa sa elevator patungo sa pinakataas na palapag. Tahimik si Richard habang nakatingin sa screen ng elevator, ngunit sa loob-loob niya, abala ang isip sa mga plano para sa hinaharap… at sa kanyang asawa....Opisina ng Pangulo – Everest CorpPagbukas ng pinto, dumiretso si Richard sa kanyang exclusive leather chair. Umupo naman si Kevin sa single sofa at agad na inilabas ang kanyang cellphone. Hindi siya pinansin ni Richard, kaya naging abala siya sa paglalaro.Napansin ni Richard ang pananabik ni Kevin. "Kevin, anong ginagawa mo?" tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo."Boss! Tignan mo,
May malapad na ngiti si Elgar habang dahan-dahang umayos nang upo. Nagbigay siya ng senyas sa mga babaeng nasa paligid na umalis. Tumalima ang mga ito, ngunit kahit pa paalis na sila, ni minsan ay hindi inalis ni Elgar ang tingin niya sa katawan ni Fae—tila ninanamnam ang bawat pulgada ng katawan ng babaeng kaharap niya.Tiningnan ni Fae ang mga babaeng lumabas. Nang sila na lamang dalawa ang naiwan, nagsalita si Elgar. "Ms. White, mangyaring maupo ka," sabay usog sa kanyang kinauupuan, malinaw na tinutukoy ang puwesto sa tabi niya.Ngunit hindi nag-abala si Fae na lumapit sa kanya. Sa halip, naupo siya sa single-seater sofa sa tapat ng lalaki at inilapag ang kontrata sa mesa. Matigas ang kanyang boses nang magsalita. "Bilisan na lang natin ang pag-uusap. Business matters lang ito."Walang sinayang na oras si Fae. Tahimik ngunit matalas ang tono niya habang ipinapaliwanag ang proyekto—ang projected returns, brand visibility, mutual benefits, at ang 18-month ROI framework ng Everest Co
Sa loob ng opisina, tahimik na nakaupo si Fae, nakatitig sa envelope. Malalim ang kanyang iniisip. Ano kaya ang pakay talaga ni Chase? Hindi mapalagay ang kanyang loob, alam niyang may masama sa likod ng kabaitan at papuri ng lalaki.At kung si Elgar Dominico nga ang makakaharap niya...Alam na alam niya ang reputasyon ng lalaking iyon — drogang palihim, mapagsamantala, abusado. Lalo't babae ang kaharap. Walang respeto sa kahit sinong hindi niya ka-level.Ngumiti si Fae at binuksan ang kanyang handbag bago marahang hinugot ang isang maliit na pink na bote — isang pepper spray.Ngumiti nang malamig si Fae, tumayo, saka pinulot ang envelope."Let's see kung sino sa atin ang pagsisisihan ang gabi," malamig niyang sabi bago tuluyang lumabas ng opisina at nagtungo sa Marlonix Creatives Corporation........Marlonix Creatives Corporation – Executive FloorSa pinakataas na palapag ng gusali, naroon ang opisina ng CEO—isang maluwang at maluho'ng espasyo na tila showroom ng kapangyarihan at y
"Director White," sambit ng isang baritonong boses ng lalaki na dire-diretsong pumasok sa loob. May bitbit siyang brown envelope at walang pakundangang inilapag ito sa mesa ni Fae.Napakunot ang noo ni Fae. 'Walang katok? Walang paalam? May-ari ka ba ng opisina ko?' bulong niya sa sarili."Manager Chase," malamig niyang tugon. "Anong maitutulong ko sa 'yo?"Tama, ang taong walang modo ay walang iba kundi si Chase mismo—ang Head ng HR Department. Sa kabila ng bagong posisyon ni Fae bilang Director, nanatiling mayabang, bastos, at pasimpleng mapangmata ang kanyang katrabaho."So cold as usual," sarkastikong sambit ni Chase bago ngumisi.Nagtaas ng kilay si Fae. "Diretsohin mo ang pakay mo. Wala akong panahon sa drama."Halata sa boses niya ang pagkabagot sa presensya ng lalaki.Medyo napikon si Chase sa diretsahang sagot ni Fae pero nagpatuloy pa rin siya. "May kailangan tayong meeting with an external partner, urgent 'to," sabay tulak ng brown envelope papalapit sa kanya. "You need to
Everest CorporationHuman Resources Department – Director's OfficeHindi pa man alas-nuebe ng umaga ay abala na si Faerie White sa kanyang opisina bilang HR Director. Tatlong araw siyang nawala kaya naman natambakan siya ng gawain. Kahapon, ayaw pa sana siyang i-discharge ni Richard. Ngunit sadyang mapilit si Fae at matigas matigas ang ulo, sinabi niyang sayang ang araw kung mananatili lang siya sa ospital. Binilang pa niya ang araw na mawawala sa sahod niya kung hindi siya papasok. Sinabi pa ni Kevin na bayad ang kanyang leave — ngunit hindi nagpadaig si Fae at nanatiling mapilit na pumasok."Sapat na yung libreng hospital room. Hindi ko pwedeng abusuhin ang kabaitan ng presidente. Hindi ako komportableng sumahod nang wala akong ginagawa," mariin niyang sabi kahapon.Sa huli, walang nagawa si Richard kundi pumayag, wala siyang laban sa matigas na personalidad ng asawa. Kinabukasan, maaga siyang nag-ayos at bumalik sa trabaho.Ngayon, nakaupo si Fae sa kanyang swivel chair, may kaunt
Agad na napatingin sa isa't isa sina Richard at Kevin. Para silang dalawang estudyanteng nahuli sa kalokohan."Ah—oo, Madam!" biglang sabat ni Kevin, medyo malakas ang boses. "President... sa homeowners' association!" sabay tawa, pilit pero todo. "President siya ng homeowners' association ng village namin. Malakas 'yan sa mga tanod!"Napakunot ang noo ni Fae. "Talaga lang ha..." sabay lingon kay Richard, napataas ang kilay."Oo, Fae," agad na sabat ni Richard, pilit maging kalmado. "President ako ng homeowners' group namin. Malaki ang tungkulin ko, may mga gate pass akong inaaprubahan, tapos may GC pa kami sa Viber. Active ako diyan.""Ah," ani Kevin, sabay turo kay Richard. "Kaya minsan tinatawag kong president, kasi kahit sa village, boss pa rin. Respeto ba.""Hmm," ani Fae, halatang hindi pa rin kumbinsido. "Pero bakit parang gulat na gulat ka kanina nang makita mong gising na ako?""Ha? Ako?" sabay turo ni Kevin sa sarili, "Hindi ah! Bakit naman ako magugu—" bigla siyang naputol n