Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 52: Hindi maganda

Share

Chapter 52: Hindi maganda

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-05-21 11:39:47

Everest Corporation

Humakbang papasok ng building si Richard kasama si Kevin. Galing sa isang meeting, dumiretso sila sa Everest Corp para sunduin si Fae upang sabay na silang umuwi. Habang naglalakad sa lobby, tumingin si Richard sa kanyang mamahaling relo—may ilang minuto pa bago mag-time out si Faerie.

"Diretso muna tayo sa opisina ko, magpalamig lang saglit," sabi ni Richard.

Sumakay silang dalawa sa elevator patungo sa pinakataas na palapag. Tahimik si Richard habang nakatingin sa screen ng elevator, ngunit sa loob-loob niya, abala ang isip sa mga plano para sa hinaharap… at sa kanyang asawa.

...

Opisina ng Pangulo – Everest Corp

Pagbukas ng pinto, dumiretso si Richard sa kanyang exclusive leather chair. Umupo naman si Kevin sa single sofa at agad na inilabas ang kanyang cellphone. Hindi siya pinansin ni Richard, kaya naging abala siya sa paglalaro.

Napansin ni Richard ang pananabik ni Kevin. "Kevin, anong ginagawa mo?" tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo.

"Boss! Tignan mo,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 176: Lot Seven

    May ilang segundo ng katahimikan bago isang lalaki sa kanan ng VIP row ang nagtaas ng paddle."One million increase," sabi ng auction assistant. "₱91 million."Sumunod agad ang isang babae sa gitna."Ninety-two.""₱93 million."Sunod-sunod ang pagtaas ng presyo, bawat isa ay binibigkas ng assistant habang nakatitig si Mr. Yale sa kanyang listahan."₱97… ₱98… ₱99…""₱100 million!" sigaw ng bagong bidder mula sa kanan.Hanggang sa tuluyan nang huminto ang iba sa pagtaya at ngumiti si Mr. Yale."Going once… going twice… Sold! To bidder number 104. Congratulations!"Palakpakan ang narinig sa loob ng pavilion habang iniabot ang sold card sa nanalo, isang kilalang negosyanteng real estate developer.Nagpatuloy ang auction.Ipinakilala ang Lote 2, Lote 3, at kasunod pa. Sunod-sunod ang bid, at kasabay nito ang pag-init ng loob ng mga dumalo.Kitang-kita ang kasabikan ng bawat isa, ang pagkakakunot ng noo habang kumakalkula, ang mabilis na bulungan ng assistant sa investor, at ang tiim-bagang

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 175: Bidding Starts Now

    Sa kanyang kaliwa ay isang babaeng naka-black suit, seryoso ang mukha, naka-headset at hawak ang tablet—ang kanyang assistant, si Marla.Sa kanyang kanan naman ay isang lalaki—kalmado ang postura, may hawak na folder at calculator, at paminsan-minsan ay sinusulyapan ang tatlong foreigner na nakaupo sa likuran. Siya ang financial advisor ng investors na ka-partner ni Victor.Umupo si Victor sa upuang dalawang puwesto lang ang pagitan mula kay Richard, pero hindi nito tinago ang titig sa kanya. Parang gutom na hayop na nakakita ng kapwa predator.Ngumiti si Richard, elegante at malamig."Chairman Victor," sabi niya, "It's been a while.""Ah, Richard Gold," sagot ni Victor habang tumango at ngumisi. "Still alive and kicking. I thought you retired to raise ponies in the countryside.""Ponies are peaceful," tugon ni Richard habang nilalapag ang baso ng tubig sa mesa, "but I do enjoy watching lions fight for land."Tumawa si Victor, pero malamig ang mata."Then I guess we're both here for t

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 174: Harrington Syndicate

    Sa ApartmentBumangon si Fae habang napangiwi. Masakit ang buo niyang katawan, lalo na ang ibabang bahagi. Napatingin siya sa gilid ng kama at napansin na wala na si Richard. Sa side table, may iniwang maliit na notes. Kinuha niya ito at binasa:"Tumawag si Mr. Gold, may urgent. Nag-prep na ako ng breakfast mo, kumain ka diyan. Di mo na rin need umalis ng bahay. Hintayin mo na lang, may maghahatid ng trabaho mo. I love you, Hon. —Richard."Napangiti si Fae matapos basahin, sabay iling."Kaya ko namang pumasok…" bulong niya sa sarili, sabay pilit na tumayo. Pero nang makaangat ng bahagya, agad siyang napakapit sa gilid ng kama. "Aray…" ungol niya at napakagat sa labi. Masakit.Napilitan siyang bumalik sa kama at marahang kinuha ang kanyang undies. Habang isinusuot ito, napatingin siya sa bedsheet at nakita ang bakas ng dugo. Napangiti siya at umiling habang marahang tumayo para kumuha ng shorts at damit. Kinuha niya ang bedsheet, itinupi iyon at inilagay sa laundry basket.Matapos ayus

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 173: Game Plan

    Gold Prime Enterprises, President's OfficeBumukas ang pinto at pumasok si Richard, diretso sa loob. Naroon na si Kevin, na agad siyang sinalubong."Sir," bati ni Kevin. "Maaga po kayong dumating.""Anong nangyari, Kevin?" tanong ni Richard, diretso sa punto."Ganito, Sir," panimula ni Kevin, sabay abot ng tablet na may nakabukas na mapa ng isang lupain. "Matagal na po nating minamanmanan itong lote sa West Valley—'yong may access sa bagong expressway at may natural spring sa loob ng boundary. Target po natin ito mula pa noong isang taon. Alam nating hindi ito pipitsugin, kaya hinihintay talaga natin ang tamang panahon... ngayon na sana 'yon."Tumango si Richard. "Auction ngayong araw, diba?""Opo, Sir. Ala-una ng hapon ang simula. Akala po natin madali na lang, dahil wala namang kumukontra o nagpapakita ng interest nitong mga nakaraang buwan. Kaya hindi niyo na rin masyadong pinansin sa schedule niyo."Nagbago ang tono ni Kevin, naging mas mabigat. "Pero kanina po, may nakuha tayong

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 172: The Grudge

    Natigilan si Richard. Sandaling katahimikan. At biglang humagalpak siya ng tawa. Napahawak siya sa tiyan habang napapailing. "Grabe ka naman!" sabay tawa pa rin. "'Yun pala iniisip mo?" Napangiti si Fae sa hiya, napayuko. Umiling si Richard at marahang humaplos sa pisngi ng asawa. "Nirerespeto lang talaga kita, Fae," malambing niyang sabi. "Alam kong hindi ka casual na babae. Alam kong mahalaga sayo 'to. Kaya naghintay ako." Napatitig si Fae kay Richard. Ramdam niya ang sinseridad sa bawat salita. Walang halong biro. Puro totoo. "Mahal kita, Fae. Hindi dahil sa kung anong kaya mong ibigay… kundi dahil ikaw 'yon." Nahiya si Fae. Tumango siya, dahan-dahan, bago muling napayuko. Ngumiti si Richard at pabirong tinanong, "Ano, naniwala ka rin ba sa mga sabi-sabing sa lalaki daw ako naa-attract? Na mas masaya ako kapag lalaki kasama ko?" Lalong namula si Fae. Napayuko siya pero tumango, ilang ulit. Napailing si Richard, ngunit ngumiti. "Meron akog dahilan." Tuming

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 171: Gawin natin

    At sa loob ng ilang segundo, walang sinuman ang nagsalita. Ang tanging naririnig ay ang mabilis na tibok ng kanilang mga puso. Ang mainit na hininga na tila sumisingaw mula sa pagitan ng kanilang magkalapit na mukha.At sa isang iglap—Tuluyan nang bumigay si Richard.Dumulas ang kanyang kamay sa gilid ni Fae, marahan, parang sinusuyong ulit ang kabuuan nito. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi—ngayon ay mas mapusok, mas totoo, mas uhaw. Hindi na ito isang aksidente. Isinandal niya ang palad sa pisngi ni Fae habang hinahalikan ito nang mariin.Napapitlag si Fae, ngunit hindi na niya nagawang itulak ang asawa. Sa halip, unti-unti nang nalulusaw ang paninindigan niyang kumawala. Ang dating mahigpit niyang paghawak ay napalitan ng malambot na pagyakap. Niyapos niya si Richard sa leeg, hinila palapit, at buong puso nang gumanti sa halik.Mainit ang kanilang halikan—may kahalong sabik, may pananabik na tagal nang kinikimkim. Ang mga palad ni Richard ay maingat na humahaplos sa likod ni F

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status