Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 78: Unexpected Vacation

Share

Chapter 78: Unexpected Vacation

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-06-07 10:38:56

Nanatili si Richard sa harap ng hospital, tila isang haligi ng galit at determinasyon habang hawak pa rin ang kanyang telepono. Pabalik-balik ang kanyang paningin sa paligid—umaasang sa bawat kanto, sa bawat sasakyang dadaan, ay biglang lilitaw si Fae. Ngunit ang mga segundo ay tila oras, at ang bawat minuto'y isang torture.

Biglang isang tunog ng malakas na makina ang bumasag sa katahimikan.

Isang itim na sports car ang huminto sa harap ng entrance. Mabilis na bumaba si Kevin, seryoso ang mukha, hawak ang isang tablet at may suot na tactical earpiece.

"Boss!" sigaw niya habang papalapit. "May lead na tayo."

Walang sinayang na oras si Richard at agad sumakay sa passenger seat ng kotse ni Kevin. Pagkasara ng pinto, mabilis na pinaandar ni Kevin ang sasakyan—humarurot ito palabas ng hospital driveway.

Habang mabilis na nagmamaneho, binuksan ni Kevin ang tablet at nagreport:

"Ayon sa initial scan ng surveillance footage sa ilang kalye malapit sa hospital, huling namataan ang sasakyan sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 208: President's Wife

    Tumigil si Fae sa paghakbang bago tumalikod para tumingin kay Henry, ngunit hindi siya nagsalita. Nakita ni Henry ang walang pakialam na ekspresyon ng kanyang anak, bago siya walang magawang bumuntong-hininga at nagsalita."Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Pinabayaan ko kayo ng ina mo para sa ibang babae. Alam kong naging makasalanan ako sa pagtataksil sa ina mo, at wala rin akong nagawa sa mga karahasang ginawa sa 'yo ng madrasta mo." Tumigil siya saglit bago nagpatuloy, "Alam mo… natatakot lang ako na muli pang mawalan ng isa pang pamilya kaya hindi ako naglakas-loob na pigilan siya."Ngumisi si Fae at biglang nagsalita sa napakalamig na boses, "Hindi ka naglakas-loob na pigilan siya dahil natatakot ka sa kanya? Na mawala siya? So paano kami ng mama ko? Hindi ka natatakot sa amin? Hindi ka natatakot na mawala kami? Nang magkasakit si mama, nagpakita ka ba ng takot? Ni hindi mo nga siya binisita sa ospital kahit isang beses. Noong kinidnap ako ni Glenda, natakot ka ba?

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 207: Anak

    Dinelete ni Kevin ang tinype niya bago tumingin kay Richard."Boss… ano ba dapat kong sabihin?"Saglit na nag-isip si Richard, parang love expert sa radyo."Gawin mo lang simple. Huwag masyadong OA. Sabihin mo lang na 'Mag-ingat ka, gusto kitang makausap ulit.' O kaya 'Masarap siguro kumain ng ice cream kapag kasama ka.' Dapat may konting kilig pero hindi pilit. Yung tipong kapag nabasa niya, mapapangiti siya habang kumakain ng breakfast."Habang nagsasalita si Richard, nakatingin lang si Fae sa kanya na parang hindi alam kung anong mukha ang nakikita niya—Presidente ba ng kumpanya o DJ sa Barangay Love Stories. Tumikhim si Fae."Alam mo, nagdududa talaga ako kung wala ka pang nakadate na babae noon."Napakamot sa ulo si Richard bago ngumiti."Wala pa talaga. Ikaw una at huling babae ko."Napangiti si Fae. "Smooth talker… pero bakit parang ang galing mo sa ganyan?"Ngumisi si Richard. "Fan ako ni Papa Dudut ng Barangay LS."Nagsimula nang mag-type si Kevin, nang biglang umubo si Henry

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 206: Hot Guy

    "'Mariel… noong unang kita pa lang… alam kong ikaw na.'" ginaya ni Richard na may dramatikong boses."'Mula noon, hindi na kita maalis sa isip ko…'" dagdag ni Fae na parang nagbabasa sa isang stage play."'Kung sakaling pwede lang… baka puwedeng ikaw na ang…'" itinuloy ulit ni Richard, bago sila parehong maputol sa tawanan.Maging si Henry, na tahimik lang kanina, ay napabuga ng soup at natawa nang malakas."Hoy! Ano ba!" reklamo ni Kevin, pilit na tinatago ang hiya.Umiling si Richard habang nagpipigil ng tawa. "Alam mo, dapat sabihin mo kung ano talaga 'yong totoong nararamdaman mo," sabi niya. "Hindi mo pwedeng sabihing ganyan, hindi makatotohanan. Ano 'yon? Kanina lang kayo nagkita tapos sasabihin mo agad na mula noon hindi mo na siya maalis sa isip mo?"Napahiya si Kevin at napakamot sa ulo; naisip nga niya na masyadong katawa-tawa ang mensahe.Tapos nagsalita si Fae, "At saka hindi mo pwedeng bitinin ang mensahe. Bakit paulit-ulit mo sinabi na 'pwede bang, pwede bang' tapos may

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 205: Lumalablayp

    Natigilan si Kevin. "Elevator Girl?" bulalas niya, halos hindi makapaniwala.Tila kinilig si Mariel. 'Nalala pa niya ako,' naisip niya sabay hawi sa buhok, na parang isang libong taon na ang lumipas para makalimutan siya ni Kevin.Tumango si Mariel. "Akala ko wala nang pagkakataon para makita kang muli."Bumalik sa katinuan si Kevin at inabot ang kamay ni Mariel para makipagkamay. "Kevin Gold," aniya, ngunit mukha siyang tangá at halatang kinakabahan.Ngunit sa paningin ni Mariel, para siyang bidang lalaki sa isang Korean series—at siya naman ang female lead. Halos hindi na niya mabitawan ang kamay ni Kevin, at imbes na makaramdam ng kaba, lalo pa siyang ngumiti nang may kumpiyansa."Ang lamig ng kamay mo… pero bagay sa'yo," bulong ni Mariel, sabay konting yakap sa kamay niya na para bang ayaw talagang pakawalan. Si Kevin naman ay tulala, hindi alam kung paano magre-react dahil wala talaga siyang karanasan sa mga ganitong sitwasyon—parang nakaharap siya sa isang rare creature na hindi

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 204: Nagkita ulit

    Napakamot ng ulo si Henry, halatang napahiya sa sarili niyang banat.Bumuntong-hininga si Kevin, lumapit, at marahang tinapik sa balikat si Henry."Tumatanda ka na talaga," sabi ni Kevin sabay iling-iling na parang nanghihinayang.Walang sinabi si Fae, pero tumingin siya kay Henry."Nasaan ang records tungkol sa bagong product?" tanong niya, diretso at walang paligoy."Nasa ilalim ng ikalawang drawer… nasa pink na envelop," sagot ni Henry.Yumuko si Fae, binuksan ang drawer, at kinuha ang pink na envelop. Maingat niya itong binuksan bago inilabas ang mga papel sa loob at sinimulang basahin, seryoso ang ekspresyon."Okay," sabi ni Fae matapos silipin ang ilang pahina. "Ito yung bagong beauty product—BrightGlow Serum. Ang focus nito ay natural whitening at skin rejuvenation. Ayokong basta ilabas ito nang walang tamang plano. Kailangan pagtuunan ng pansin ang marketing strategy nito."Bumaling siya kay Henry. "Tawagin mo ngayon ang mga department head ng Product Development, PR at Market

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 203: Ang boss ng boss

    Matapos ang ilang sandali pa ng talakayan at pag-aayos ng ilang detalye, tuluyang natapos ang meeting. Hindi nagmamadaling umalis sina Fae, Richard, at Kevin, bagkus ay naglakad silang tatlo pabalik sa opisina ng chairman kasama si Henry, na halatang pinapawisan pa rin kahit malamig ang aircon.Pagkapasok nila sa opisina, naupo si Fae sa swivel chair—ang dating upuan ni Henry—habang si Richard ay nakasandal sa sofa at si Kevin ay nakatayo malapit sa gilid, parang bodyguard na hindi naman kailangan."Ang galing mo kanina, Ma'am," ani Henry, medyo nanginginig pa ang boses. "Hindi ko po akalain na… eh… ganun kabilis ang plano ninyo."Ngumisi si Richard at sumandal pa lalo. "Kabilis? Henry, yun nga yung pina-simplify na version. Kung ako gumawa nun, baka mas lalo kang kinabahan.""Sir naman…" napakamot sa batok si Henry.Hindi nakatiis si Kevin at sumingit, nakangisi. "Eh sir, aminado ka rin naman kanina na muntik ka nang matawa nung nagsimula si Henry mag-report. Naaalala ko yung—" ginay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status