Mag-log inCHAPTER 86“Hindi na rin ako magtatagal. Aalis na rin ako. Pinuntahan lang talaga kita para kumustahin at hindi ko naman akalain na sa ganitong sitwasyon pala kita madaratnan,” sabi pa ni Timothy at saka siya tumayo at ipinatong sa lamesa ang hawak niyang alak. “Ayusin mo yang sarili mo. Pansamantala ay hayaan muna natin si Athena dahilbaka gusto talaga muna niyang mapag isa. Unahin mo na munang tapusin yang mga nakabinbin mong trabaho dahil mas malaking problema lapag yang kumpanya mo ang bumagsak. At kapag ayos ka na pati na rin anf kumpanya mo ay magtutulungan tayo na mahanap si Athena para maayos na natin kung anoman yang problema nyo na yan,” pagpapatuloy pa niya at saka soya naglakad papunta sa pintuan ng silid ni Lucas.Nasundan na lamang naman ng tingin ni Lucas ang kanyang kaibigan at nang muli nga itong humarap sa kanya ay seryoso rin naman siyang napatitig dito.“Alam ko na nag aalala ka para sa anak ko at kagaya mo ay ganoon din naman kami ng aking asawa pero hindi naman p
CHAPTER 85“Kelan ka pa natutong magpakalunod sa alak ng ganyan? Sa pagkakakilala ko sa’yo ay kayang kaya mong kontrolin ang sarili mo pagdating sa pag inom ng alak. Pero bakit tila yata ngayon ay wala ka na sa sarili mo at hindi ka na makilala dahil sa ginagawa mong iyan,” seryoso naman na sabi ni Timothy habang naglalakad nga siya papalapit kay Lucas na nakasalampak ng upo sa sahig habang may hawak na bote ng alak.Nanatili lamang naman si Lucas sa kanyang kinauupuan at hindi na rin nita tiningnan pa kung sino ang nagsalita na iyon dahil boses pa lamang nito ay kilalang kilala na niya ito. “Ano ba ang nangyayari sa’yo Lucas? Ano yang ginagawa mo sa sarili mo? Hindi ka naman dating ganyan. Nang dahil ba yan kay Athena? Tsk. Talaga bang napamahal na sa’yo ang anak kong pasaway?” naiiling pa na sabi ni Timothy nang hindi pa rin nagsalita si Lucas.Napabuga naman ng hangin sa kanyang bibig si Lucas at saka siya tumingin kay Timothy.“G*go ka ba? Ikaw ang naglagay sa akin sa sitwasyon k
CHAPTER 84Sa kabilang banda naman. Makalipas ang halos isang linggo matapos na umalis ni Athena ay hanggang ngayon nga ay hindi pa rin pumapasok si Lucas sa kanyang kumpanya. Namomroblema na nga ang sekretarya nito dahil tambak na talaga ang trabaho nito lalo na ang mga papeles na kailangan nitong pirmahan.“Good morning, Janice. Nariyan ba si Lucas?” tanong ni Timothy na kararating lamang sa opisina ng kanyang kaibigan.“Good morning din po sir Timothy. Ahm… wala pa rin po si sir Lucas,” magalang naman na sagot ni Janice rito.“Himala ata na late siya pumasok ngayon. Hindi naman ugali ng isa na yun ang ma-late sa trababo,” sagot ni Timothy.“Ahm… a-ang totoo po nyan sir Timothy ay halos mag iisang linggo na po na hindi pumapasok si sir Lucas. Tambak na nga po ang trabaho nya at hindi ko na po alam kung paano ko po ito mapapapirmahan sa kanya,” sagot naman ni Janice na problemado na sa mga papeles na nakabinbin sa opisina ni Lucas.“What do you mean?” kunot noo naman na tanong ni Tim
CHAPTER 83Mabilis pa na lumipas ang mga araw at sa wakas ay nakahanap na rin si Athena ng kanyang bagong matitirahan. Medyo nahirapan pa nga siya dahil puro malalaki ang mga bahay na naroon at hindi naman din siya pwede roon dahil bukod sa mahal nga iyon ay nag iisa lang naman din siya na titira roon. Kaya naman tyinaga niyang maghanap ng bahay at pinalad din naman siya na makahanap ng bagong tirahan niya. Sinwerte pa nga siya dahil may mga pinoy din doon kaya hindi siya malulungkot. Bukod pa roon ay tutulungan din daw siya ng mga ito na makahanap ng trabaho kaya talagang sobrang nagpapasalamat siya sa mga ito.At ngayon nga ay katatapos lang na mag impake ni Athena ng kanyang mga gamit dahil sakto rin naman na hanggang ngayon na lang siya sa hotel na tinutuluyan niya. Mabuti na lang talaga at sinuwerte siya ngayon araw at nakahanap kaagad siya ng bago niyang matutuluyang bahay.“Finally, nabawasan na rin kahit papaano ang isipin ko. Trabaho naman ang kasunod na hahanapin ko at sana
CHAPTER 82Sa kabilang banda naman ay kabababa pa lamang ni Athena sa eroplanong sinakyan niya. Agad na rin nga siyang nag asikaso ng mga kailangan niya at saka niya kinuha ang kanyang mga maleta.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Athena nang tuluyan na siyang makalabas sa airport. Saglit pa nga niyang linanghap ang malamig na simoy ng hangin doon at saka siya ngumiti habang tinitingnan ang kanyang kapaligiran.“Dito ako magsisimula ng panibago kong buhay. Kaya sana talaga ay umayon ang kapalaran ko rito,” kausap ni Athena sa kanyang sarili bago siya naglakad papunta sa isang taxi.Sa totoo lang ay hindi pa talaga alam ni Athena kung saan ba siya magsisimula ngayon lalo na at bago lang siya sa lugar na iyon. Pero linakasan na lang din niya ang loob niya dahil ayaw naman niya na habambuhay siyang aasa sa kanyang magulang at asawa.Ngayon nga ay naroon na si Athena sa Canada. Doon niya naisip na manirahan at makipagsapalaran. Alam niya na hindi magiging madali ang laha
CHAPTER 81Samantala naman nang tuluyan ng makaalis sila Myca ay nakabibinging katahimikan naman ang umalingawngaw sa buong silid na iyon ni Lucas habang ito ay titig na titig sa hawak niyang sulat at singsing na galing sa kanyang asawa.Sandali pa ngang pinakatitigan ni Lucas ang naturang sulat bago siya nagpasya na sumalampak ng upo sa sahig habang nakasandal sa kanyang higaan. Sobrang kinakabahan din talaga si Lucas ng mga oras na iyon lalo na at hindi niya alam kung ano ang nakalagay sa iniwang sulat sa kanya ni Athena at ang mas lalo pang nagpakaba sa kanya ay kasama ng naturang sulat ang kanilang wedding ring.Tila bigla namang nawala ang kalasingan ni Lucas ng mga oras na iyon at napabuntong hininga na lamang talaga siya. Dahan dahan pa na binuksan ni Lucas ang naturang sulat at saka niya ito sinimulang basahin.************Lucas,Una sa lahat ay humihingi na ako ng pasensya dahil sa naging desisyon kong ito na umalis na muna at magpakalayo layo sa inyo. Hindi naging madali p
CHAPTER 7FLASHBACK……Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.Huminga naman
CHAPTER 6LUCAS INFANTEKinabukasan naman ay maagang nagising si Lucas dahil kailangan niyang pumasok ng maaga sa kanyang opisina ngayon. Gustuhin man niya na matulog pa dahil napagod din talaga siya sa kasal nila kahapon ni Athena ay hindi naman pwede na hindi siya dumalo sa meeting nila ngayon da
CHAPTER 5Nauna naman ng pumasok sa loob ng mansyon si LUcas at nakasunod lamang naman sa kanya si Athena habang ang mga gamit nito ay pinakuha na lamang niya sa kanyang mga kasambahay.Napansin naman ni Lucas na iginagala pa ni Athena ang paningin nito sa kabuuan ng kanyang mansyon at pansin niya
CHAPTER 4Matapos ang mahaba habang pakiusapan na iyon sa pagitan ni Athena at ng kanyang magulang ay hindi pa rin talaga nanalo si Athena at nasunod pa rin talaga ang kanyang ama kaya naman wala na siyang nagawa pa ng isakay na sa sasakyan ni Lucas ang kanyang mga gamit. Bagsak ang balikat na su







