CHAPTER 8 “At ikaw… ikaw Lucas ang nakikita kong susi para nawala na ang problema ko na ito. Napag usapan na rin namin ito ni Antonette ang tungkol dito at kagaya ko ay nag aalala rin siya para sa anak namin kaya pumayag na rin siya sa gusto kong mangyari. Kaya naman ngayon ay nakikiusap ako sa’yo na sana ay pumayag ka na pakasalan si Athena,” sabi pa ni Timothy kay Lucas. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Lucas habang seryoso siyang nakatingin kay Timothy. “Alam mo na hindi biro ang pagpapakasal dahil oras na makasal kami ay matatali na siya sa akin. At kung pumayag man ako sa gusto mong mangyari ay paano naman si Athena? Mabuti kung pumayag siya sa nais mong mangyari,” sagot ni Lucas. “Ako na ang bahala sa bagay na iyon at alam ko na hindi makakahindi si Athena sa nais kong mangyari. Kaya ang desisyon mo na lamang talaga ang hinihintay ko. Pakiusap… pumayag ka na,” sagot ni Timothy at talagang ipinagdarasal niya na sana ay pumayag si Lucas sa nais niyang
Baca selengkapnya