Share

CHAPTER 7

Penulis: Anne
last update Tanggal publikasi: 2026-06-05 16:37:43

CHAPTER 7

FLASHBACK……

Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.

“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.

Huminga naman ng malalim su Timothy at saglit pa niyang ipinikit ang kanyang mga mata para pakalmahin ang kanyang sarili dahil sa totoo lang ay sobrang galit na galit siya ng mga oras na iyon. At nang magmulat na muli siya ng kanyang mga mata ay seryoso siyang napatitig kay Lucas.

“Lucas, alam ko na hindi nagkakalayo ang edad natin at sa edad mo na iyan ay wala ka pa ring asawa. Umamin ka nga sa akin… may balak ka pa bang mag asawa? May girlfriend ka ba ngayon?” sunod sunod na tanong ni Timothy kay Lucas.

Napakunot naman ang noo ni Lucas dahil sa tanong na iyon ng kanyang kaibigan at napapailing  na lang talaga siya dahil pati siya ay nakita nito.

“Tsk. Ano bang klaseng tanong yan? Bakit sa akin napunta ang usapan na ito?” sagot ni Lucas at muli na siyang tumingin sa mga papeles na nasa harapan niya. 

“Sagutin mo ang tanong ko Lucas Infante. May balak ka pa ba na mag asawa?” tanong pa muli ni Timothy sa kanyang kaibigan.

“Alam mo Timothy masyado akong abala sa kumpanya ko kaya hindi ko na naiisip pa ang bagay na yan. At isa pa kung mahahanap ko man ang babaeng gusto kong makasama habambuhay ay pakakasalan ko na kaagad iyon at hindi na ako magpapatumpik tumpik pa,” sagot ni Lucas. “Teka nga… bakit mo ba natanong ang bagay na yan? Ano naman ang kinalaman ko r’yan sa init ng ulo mi?” tanong pa niya.

Bigla naman humulma ang nakakalokong ngiti sa labi ni Timothy dahil may bigla siyang naisip na paraan para masolusyonan kahit papano ang kanyang problema.

“Pwede ba akong humingi ng pabor sa’yo?” tanong ni Timothy kay Lucas.

“Pabor? Ano na namang pabor yan?” balik tanong ni Lucas sa kanyang kaibigan dahil bigla siyang kinabahan sa hihingin nitong pabor.

Umayos naman ng kanyang pagkakaupo si Timothy at saka siya muling sumeryoso.

“Alam naman natin na nasa tamang edad ka na ng pag aasawa at alam ko rin na mapagkakatiwalaan kang tao. Kaya naman gusto ko sana na pakasalan mo ang anak kong si Athena,” deretsahan naman na sgaot ni Timothy kay Lucas.

Nagulat naman si Lucas sa sinabi na iyon ni Timothy at talagamg natawa na lang din siya dahil doon.

“Seryoso ako, Lucas. Gusto ko na pakasalan mo si Athena,” sabi pa muli ni Timothy dahil baka ang akala ni Lucas ay nagbibido lamang siya.

Bigla namang natigilan sa pagtawa si Lucas at bigla rin siyang napaseryoso ng mukha.

“Nagbibiro ka ba? Alam mo kung gaano kalayo ang agwat ng edad namin ng anak mo tapos gusto mo na pakasalan ko si Athena? Nahihibang ka na ba talaga? At isa pa mabuti kung mapapayag mo yun na magpakasal sa akin,” sagot ni Lucas kay Timothy.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Timothy at saka siya muling seryosong tumingin kay Lucas.

“Naiintindihan ko naman ang gusto mong sabihin Lucas. Pero… w-wala na akong ibang maisip na paraan para mapatino ang anak ko. Alam ko na kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganyan ngayon dahil masyado ko siyang naspoiled noon kaya naman umiisip na ako ng paraan para mapatino ang anak ko at ikaw… ikaw ang nakikita kong solusyon sa problema kong ito dahil sigurado naman ako na kung papayag ka na magpakasal sa anak ko ay hindi mo siya pababayaan. At kung iniisip mo naman ay baka hindi pumayag si Athena ay ako na ang bahala tungkol sa bagay na iyon at sigurado naman ako na mapapayag ko siya sa nais kong mangyari,” sagot ni Timothy.

“Tsk. Alam mo Timothy hindi biro yang gusto mong mangyari kaya pag isipan mo ang bagay na yan. At isa pa bata pa ang anak mo kaya bakit mo siya ipapakasal kaagad?” sagot ni Lucas dahil hindi talaga siya makapaniwala sa hinihiling na iyon ng kanyang kaibigan.

“Alam ko naman na masyado pang bata ang anak ko pero ayoko naman na pabayaan na lang siya sa kanyang ginagawa dahil mapapariwara lang lalo siya. Kaya mas mabuti pa na solusyonan ko na kaagad ang problema ko na ito kesa baman lumala pa at baka kung ano pa ang mangyari kay Athena,” pagpapaliwanag ni Timothy kay Lucas.

“Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ba ganyan kainit yang ulo mo at kailangan pang dumating sa puntong gusto mo siyang ipakasal sa akin?” hindi na napigilan na tanong ni Lucas dito.

“Siguro naman ay alam mo na masyado ng pasaway si Athena ngayon lalo na noong tumuntong siya ng 18. Pinagpasensyahan ko na lamang siya dahil alam ko na sa ganoong edad ay gusto lang niyang i-enjoy ang pagiging ganap na dalaga niya. Pero nito lang ay napapadalas na talaga ang paglabas labas niya ng gabi at umuuwing lasing. At kagabi lang nakita ko siya sa isang bar habang may kahalikan na lalaki. Bilang isang ama ay hindi ko na talaga kaya pa na makita sa ganoong sitwasyon ang aking anak kaya naman siguro mas makabubuti kung ako na ang hahanap ng mapapangasawa niya para naman hindi siya mapariwara. Mahal ko ang anak ko at alam mo yan kaya ayaw ko siyang mapahamak. Ayoko sana siyang diktahan sa buhay niya pero sa nakikita ko na ginagawa niya ay kailangan ko ng kumilos para mapabuti siya dahil kung hindi ako kikilos ngayon ay baka mabuntis na lang siya ng kung sino sino r’yan,” pagkukwento na ni Timothy kay Lucas ng mga nangyari kaya siya nagkakaganoon ngayon.

Saglit naman na napaisip si Lucas sa sinabi na iyon ni Timothy at base nga sa mga sinabi nito ay kahit naman siguro siya ang nasa katayuan nito ngayon ay baka ganoon na rin ang gagawin niya kesa mapahamak ang kanyang anak. Pero bigla niyang naisip na mabuti kung matatanggap siya ni Athena gayong halos kaedad lamang niya ang ama nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 99

    CHAPTER 99LUCAS INFANTE Sa kabilang banda naman hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila Lucas si Athena at sobrang nag aalala na nga sila rito ngayon. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas at talagang hindi pa rin nila mahanap hanap ito. Nagdagdag na rin sila ng mga tao at halos libutin na nga ng mga ito ang buong bansa pero hindi pa rin talaga nila mahanap si Athena kaya labis na rin talaga silang nag aalala rito.At ngayon nga ay naroon si Lucas sa kanyang opisina at sa totoo lang ay napakalayo na ng itsura nito sa dati nitong itsura. Kung noon kasi ay napakalinis nitong tingnan pero ngayon nga ay halos hindi mo na ito makilala dahil ang dating magandang tabas ng buhok nito ngayon nga ay mahaba na at mayroon na rin siyang balbas ngayon. Bukod pa roon ay halata mo sa mukha nito na talagang stress na ito.Sa nakalipas din na mga buwan ay nagkaroon na rin ng bisyo si Lucas dahil kung dati ay ayaw nitong makaamoy ng sigarilyo ngayon ay naninigarilyo na ito at bukod pa roon ay madala

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 98

    CHAPTER 98 “Ethan Isaac... Ethan Isaac Infante ang magiging pangalan ng napakacute at napakagwapo kong anak,” sagot ni Athena habang nananatili siyang nakangiti at nakatitig sa kanyang anak na mahimbing na natutulog. Hindi na rin nga niya napigilan pa ang kanyang luha habang nakatitig sa kanyang anak at iyon ay luha ng labis na kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. “Ethan Isaac… Napakagandang pangalan at bagay na bagay din talaga sa kanya,” pag sang ayon naman ni Michelle sa kanyang kaibigan. “Wag ka na ngang umiyak r’yan, Athena. Tsk. Pati ako madadamay sa pag iyak mo na iyan eh,” pagpapatuloy pa niya at nangingilid nga agad ang luha niya ng makita niya na umiiyak na si Athena dahil talagang mababaw ang kanyang luha. Sa totoo lang ay masaya siya para sa kanyang kaibigan dahil kahit na alam niya na nahihirapan na ito ay talagang kinakaya pa rin nito. Natawa naman si Athena ng makita niya ang kanyang kaibigan na nagpipigil na ng pag iyak. Agad na rin naman niyang pinunasan ang kan

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 97

    CHAPTER 97Makalipas naman ang ilang minuto ay muli namang inilabas si Athena sa Emergency Room upang dalhin sa Delivery Room.Muli namang sumunod si Michelle kung saan dinala ang kanyang kaibigan at matyaga lamang siyang naghintay sa labas noon.Ilang oras pa ang nakalipas at nanatili lamang si Michelle sa labas ng Delivery Room at maya maya pa nga ay lumabas na ang doktor ni Athena kaya naman agad na siyang lumapit dito.“Dok, kumusta po ang kaibigan ko? Kumusta po ang baby nya?” sunod sunod na tanong ni Michelle sa doktor.“Ligtas na naisilang ni Ms. Athena ang kanyang baby boy,” nakangiti naman na pagbabalita ng naturang doktor kay Michelle. “Sa ngayon ay mag stay muna siya r’yan sandali at maya maya pa ay pwede na rin naman siyang mailipat sa kanyang private room,” dagdag pa niya.Tila nabunutan naman ng tinik si Michelle dahil sa ibinalita na iyon ng doktor ni Athena. Sobrang kinakabahan na kasi talaga siya kanina pa dahil ang tagal lumabas ng doktor at sobrang nag aalala na siy

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 96

    CHAPTER 96“Athena, are you okay?” puno naman ng pag aalala na tanong ni Michelle ng mapansin niya na biglang natigilan ang kanyang kaibigan habang nakahawak ito sa tyan nito.“M-Mich… p-parang manganganak na yata a-ako. Ahhh,” nauutal pa na sagot ni Athena sa kanyang kaibigan at napasigaw na lang talaga siya ng bigla na namang sumakit ang tyan. Hindi na rin nga maipinta ang mukha niya dahil talagang ngagon lang niya naranasan ang ganoon.Nanlaki naman ang mga mata ni Michelle sa sinabi na iyon ni Athena kaya naman bigla rin siyang nataranta ng bigla nga itong sumigaw.“Oh my god. Manganganak ka na nga siguro. Teka… a-anong gagawin ko? B-Bubuhatin ba kita? Wait lang… p-pero hindi kita kaya. Sandali hihingi ako ng tulong,” tarantang taranta naman na sabi ni Michelle dahil talagang hindi niya alam ang kanyang gagawin sa kanyang kaibigan.“AHHHHHHH…. ang sakit, Mich,” sigaw pa ni Athena at napapapikit na lang talaga siya ng mariin ng biglang nagsunod sunod ang paghilab ng kanyang tyan.M

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 95

    CHAPTER 95MAKALIPAS ANG PITONG BUWAN….Mabilis naman na lumipas ang pitong buwan at gaya nga ng napagdesisyunan ni Athena ay nanatili lamang siya Canada. Ngayon nga ay siyam na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at ipinagpapasalamat na lang talaga niya dahil parehong maayos ang lagay nilang mag ina at talagang naghihintay na lamang sila ngayon na manganak siya.Sa nakalipas din na mga buwan ay naging maayos naman ang pagbubuntis ni Athena bagamat minsan ay nakakaranas nga siya ng pagkahilo at pagsama ng pakiramdam ay nariyan naman si Michelle na palagi niyang kasa kasama kahit na saan man siya magpunta.Paminsan minsan din ay naaalala ni Athena ang kanyang nga magulang at pati na rin si Lucas. Napapaisip nga siya minsan kung hinahanap ba man lang siya ng pamilya niya o hindi at pati na rin ng kanyang asawa. Pero sa tuwing naiisip niya ang tungkol sa bagay na iyon ay tila ba nakakaramdam siya ng labis na kalungkutan dahil sa nangyari sa kanya ngayon. Minsan kasi kapag mag isa si At

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 94

    CHAPTER 94 Dahil naman sa sinabi na iyon ni Timothy ay tila ba biglang natauhan si Lucas. Naipikit na lang niya ng mariin ang kanyang mga mata at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Dahil kasi sa sobrang pag iisip niya kay Athena ay talagang nagiging mainitin na ang ulo niya kaya naman ang kanyang mga empleyado ang napagbubuntunan niya ng init ng ulo niya. Gustong gusto na kasing makita at makasama muli ni Lucas ang kanyang asawa. At kung kinakailangan na suyuin niya ito araw araw ay talagang gagawin niya basta makasama lang niya ito at hindi ganito na nag aalala silang lahat kung nasaan na ba ito ngayon. “Naiintindihan ko naman na may pinagdaraanan ka ngayon at kagaya mo gusto ko rin na mahanap na ang anak ko. Nag aalala na rin ako sa kanya dahil alam ko na hindi yun sanay na mamuhay na mag isa. Pero sa ngayon ay intindihin mo na muna ang iyong kumpanya at ang tungkol naman kay Athena ay pagtutulungan natin na mahanap siya at hindi tayo titigil hanggat hindi

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 6

    CHAPTER 6LUCAS INFANTEKinabukasan naman ay maagang nagising si Lucas dahil kailangan niyang pumasok ng maaga sa kanyang opisina ngayon. Gustuhin man niya na matulog pa dahil napagod din talaga siya sa kasal nila kahapon ni Athena ay hindi naman pwede na hindi siya dumalo sa meeting nila ngayon da

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 5

    CHAPTER 5Nauna naman ng pumasok sa loob ng mansyon si LUcas at nakasunod lamang naman sa kanya si Athena habang ang mga gamit nito ay pinakuha na lamang niya sa kanyang mga kasambahay.Napansin naman ni Lucas na iginagala pa ni Athena ang paningin nito sa kabuuan ng kanyang mansyon at pansin niya

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 4

    CHAPTER 4Matapos ang mahaba habang pakiusapan na iyon sa pagitan ni Athena at ng kanyang magulang ay hindi pa rin talaga nanalo si Athena at nasunod pa rin talaga ang kanyang ama kaya naman wala na siyang nagawa pa ng isakay na sa sasakyan ni Lucas ang kanyang mga gamit. Bagsak ang balikat na su

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Naging maayos naman ang naging reception ng kasal nila Lucas at Athena. Hanggang sa isa isa na rin nga na nag aalisan ang kanilang mga bisita roon kaya naman nagpasya na rin sila na umalis doon at naiwan na lamang doon ang ilang tauhan ni Lucas para magbantay sa ilan pa nilang mga bisita.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status