LOGINCHAPTER 6
LUCAS INFANTE Kinabukasan naman ay maagang nagising si Lucas dahil kailangan niyang pumasok ng maaga sa kanyang opisina ngayon. Gustuhin man niya na matulog pa dahil napagod din talaga siya sa kasal nila kahapon ni Athena ay hindi naman pwede na hindi siya dumalo sa meeting nila ngayon dahil napakahalaga ng meeting na iyon para sa kanyang kumpanya. Bago tumayo si Lucas mula sa kanyang pagkakahiga ay saglit pa siyang napatitig sa maamong mukha ni Athena na mahimbing pa rin na natutulog ngayon. Hindi rin niya maiwasan na mapangiti habang nakatitig dito dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala na asawa na niya ito ngayon. Ipinagpasalamat na lang din talaga niya na hindi na ito nangulit pa kagabi na matulog sa ibang silid. Hindi na rin napigilan pa ni Lucas na haplusin ang makinis na pisngi ni Athena at saka siya napabuntong hininga habang pinapakatitigan niya ito. “Sana lang talaga ay hindi ako nagkamali sa desisyon ko na pagpayag sa gustong mangyari ng iyong ama. At sana lang din ay matutunan mo akong mahalin sa kabila ng agwat ng edad nating dalawa,” mahinang sabi ni Lucas at saka niya hinalikan sa noo ang kanyang asawa. Hindi na rin naman nag aksaya pa ng oras si Lucas at agad na rin siyang nag asikaso ng kanyang sarili upang makaalis na rin siya kaagad dahil ang ayaw niya sa lahat ay ang nalalate. Uminom lamang din ng kape si Lucas at agad na rin siyang umalis ng mansyon at ibinilin na lamang din ni Lucas sa kanyang kasambahay si Athena dahil hindi na nga siya makakapagpaalam pa rito dahil mahimbing pa itong natutulog ngayon. Pagkarating na pagkarating ni Lucas sa kanyang kumpanya ay agad na siyang dumiretso sa kanyang opisina upang basahin ang ilang papeles na inihanda ng kanyang sekretarya. Iyon kasi ang ilan sa mga mahahalagang pag uusapan sa naturang meeting kaya kailangan niya iyong mabasa muna. Hindi naman nagtagal at nagpunta na rin si Lucas sa conference room at nadatnan na nga niya roon ang ilan sa mga investors ng kanyang kumpanya at maging ang ilan sa mga kasosyo niya sa negosyo ay naroon na rin. Kaya naman hindi na rin nagtagal at sinimulan na rin kaagad ang naturang meeting at talagang umabot iyon ng tatlong oras. Matapos naman ang meeting na iyon ay agad na rin na bumalik si Lucas sa kanyang opisina. Pabagsak pa nga siyang naupo sa kanyang swivel chair at tila ba napagod talaga siya sa tagal ng meeting na iyon. Habang nagpapahinga siya ay nakarinig naman siya ng mahinang pagkatok sa pinto ng kanyang opisina. “Come in,” sabi ni Lucas at hindi na siya nag abala pa na tumingin doon. “Grabeng sipag naman talaga ng manugang ko na ito. Isipin mo kakakasal mo pa lang kahapon pero heto ka at pumasok na kaagad sa opisina. Ibang klase talaga ang sipag mo. I’m very proud of you,” sabi ng bagong dating na walang iba kundi si Timothy habang may nakakalokong ngiti sa labi nito. Naipikit naman ng mariin ni Lucas ang kanyang mga mata ng marinig niya ang boses ng kanyang kaibigan na ngayon nga ay byenan na niya. Nag angat naman siya ng tingin at saka siya napabuntong hininga. “Kumusta naman ang buhay ng bagong kasal? Kumusta ang anak ko? Nagpasaway ba siya sa’yo magdamag? Well, I think hindi naman siguro dahil nakapasok ka pa ngayon sa opisina,” sabi pa ni Timothy at saka ito naupo sa katapatna upuan ni Lucas. “Ang daldal mo,” seryoso naman na sabi ni Lucas at napapailing na lang talaga siya habang nakatingin kay Timothy. “Tsk. Baka nakakalimutan mo na byenan mo na ako ngayon at hindi mo na ako basta kaibigan lang. Kaya matuto kang gumalang sa akin. Ano na lang ang sasabihin ng mga makakarinig kapag ganyan mo ako kung kausapin. Dapat may paggalang pa rin,” daldal pa rin ni Timothy. Matalik na magkaibigan kasi talaga si Timothy at Lucas at kahit pa napakaseryoso at kinakatakutan si Timothy ng kanyang mga rmpleyado at ilangmga nakakakilala sa kanya ay meron pa rin talaga itong ugali na mapagbiro lalo na kapag kaharap nito si Lucas. Habang si Lucas naman ay madalas na seryoso talaga at mahirap talaga itong biruin at tanging si Timothy lang ang nakakapagbito ng ganito rito lalo na kapag sila lamang na dalawa. “Ganon ba? Kung gayon ay ano pala ang itatawag ko sa’yo? Hindi naman magandang pakinggang kung tatawagin lang kita na Timothy o bro gayong byenan na kita. Ano ba ang gusto mong itawag ko sa’yo sumula ngayon? Dad? Papa? Tay?” sagot ni Lucas kay Timothy. “Tsk. Hindi ko maimagine na ganon ang magiging tawag mo sa akin,” naiiling naman na sagot ni Timothy at bigla nga siyang napaisip kung ano nga ba ang itatawag sa kanya ni Lucas. “Ang mabuti pa ay kapag may kaharap tayo na ibang tao ay dad ang itawag mo sa akin pero kapag tayo tayo lang naman ay kahit Timothy na lang,” pagpapatuloy pa niya. “Sige. Sabi mo e,” sagot ni Lucas habang dahan dahan pa itong tumatango. “Kumusta ang anak ko? Hindi ba naman sya nagpasaway?” tamong pa muli ni Timothy kay Lucas. Umayos naman ng kanyang pagkakaupo si Lucas at saka siya bumuntong hininga. “Tulog pa si Athena noong umalis ako ng mansyon. Pero wag kang mag alala dahil ibinilin ko naman siya sa aking kasambahay doon,” sagot ni Lucas dito. “Kagabi nagpupumilit siya na sa ubang silid matulog pero hindi ako pumayag dahil kapag pinagbigyan ko siya sa gusto niyang mangyari ay baka paulit ulit na lang siyang ganon,” dagdag pa niya. “Tama lang iyan,” sagot ni Timothy at saka siya bumuntong hininga. “May tiwala ako sa’yo na mapapatino mo siya kaya sa’yo ko siya ipinagkatiwala. Kaya nga sobrang pasasalamat ko na pumayag ka sa gusto kong mangyari. Alam ko na hindi biro ang hiniling ko na iyon sa’yo pero pinagbigyan mo pa rin ako kaya sobrang pasasalamat ko talaga sa’yo,” pagpapatuloy pa niya. Seryoso naman na napatingin si Lucas kay Timothy at muli niyang naalala ang pag uusap nila noong makiusap ito sa kanya na pakasalan niya ang nag iisang anak nito.CHAPTER 11 “At dahil nga wala naman talagang namamagitan sa ating dalawa at wala ka rin naman talagang nararamdaman para sa akin ay gusto ko sana na bigyan natin ng pagkakataon ang mga sarili natin na matutunang mahalin ang isa’t isa. Alam ko na mahirap ito sa part mo dahil babae ka pero kinasal na rin naman tayong dalawa kaya bakit hindi natin subukan. Malay naman natin sa simula lamang tayo ganito dahil wala talaga tayong relasyon na dalawa pero baka sa paglipas ng mga araw ay matutunan na nating mahalin ang isa’t isa,” sabi pa ni Lucas kay Athena. Bigla namang natigilan si Athena dahil sa sinabi na iyon ni Lucas at maya maya pa ay bigla na lamang itong tumawa ng malakas. “Nagbibiro ka ba, Lucas? Bibigyan natin ng pagkakataon ang sarili natin na mahalin ang isa’t isa? Nahihibang ka na ba talaga?” tatawa tawa pa na sabi ni Athena kay Lucas. “Seryoso ako Athena at hindi ako nakikipagbiruan sa’yo ngayon. At pwede ba makausap ka naman sana ng matino kahit minsan. Kaya kong magpa
CHAPTER 10Agad naman na dumiretso si Lucas sa kanyang opisina na nasa loob ng kanyang mansyon. Nanatili lamang din na seryoso ang kanyang mukha dahil hindi niya mapasunod ang kanyang pasaway na asawa kapag hindi nito nakikita na seryoso siya.Ipinagpasalamat naman ni Lucas na sumunod sa kanya si Athena kaya naman agad na niyang kinuha ang isang folder at ipinatong ito sa kanyang lamesa.“A-Ano pa ba ang kailangan nating pag usapan? At isa pa bakit kailangan na dito pa tayo mag usap? Pwede naman na doon na lamang,” tila kinakabahan na tanong ni Athena kay Lucas habang iginagala niya ang paningin niya sa kabuuan ng naturang silid.Hindi naman kaagad nagsalita si Lucas at nanatili lamang siyang seryosong nakatitig kay Athena at kitang kita niya sa mga mata nito na kinakabahan na ito ngayon kaya naman napabuga na lang siya ng hangin sa kanyang bibig at saka siya umayos ng kanyang pagkakaupo.“Ngayon na kasal na tayong dalawa ay dala dala mo na ang apelyido ko kaya naman kailangan nating
CHAPTER 9Nang matapos naman ni Lucas ang mga dapat niyang gawin sa kanyang opisina ay nagpasya na rin siya na umuwi ng mansyon. Kanina pa rin kasi talaga siya hindi mapakali dahil iniisip niya kung ano na kaya ang ginagawa ngayon ng kanyang asawa. Nag aalala rin kasi talaga siya na baka lalo itong magalit sa kanya dahil hindi na nga niya nagawang magpaalam pa rito bago siya umalis dahil ayaw naman niyang istorbohin ito sa pagtulog.Pagkarating ni Lucas sa mansyon ay agad na hinanap ng kanyang paningin si Athena pero ang kanyang kasambahay ang nakita niya.“Manang nasaan po si Athena?” agad na tanong ni Lucas kay Manang Linda.“Narito ka na pala hijo,” sabi ni Manang Linda. “Naroon ang asawa mo sa inyong silid. Halos kakaakyat lamang din niya dahil kanina pa siya nasa pool area at may kausap sa kanyang cellphone,” pagpapatuloy pa niya.Isang malalim na bunting hininga naman ang pinakawalan ni Lucas at saka siya dahan dahan na tumango.“Ganon po ba. Kumusta naman po siya habang wala a
CHAPTER 8 “At ikaw… ikaw Lucas ang nakikita kong susi para nawala na ang problema ko na ito. Napag usapan na rin namin ito ni Antonette ang tungkol dito at kagaya ko ay nag aalala rin siya para sa anak namin kaya pumayag na rin siya sa gusto kong mangyari. Kaya naman ngayon ay nakikiusap ako sa’yo na sana ay pumayag ka na pakasalan si Athena,” sabi pa ni Timothy kay Lucas. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Lucas habang seryoso siyang nakatingin kay Timothy. “Alam mo na hindi biro ang pagpapakasal dahil oras na makasal kami ay matatali na siya sa akin. At kung pumayag man ako sa gusto mong mangyari ay paano naman si Athena? Mabuti kung pumayag siya sa nais mong mangyari,” sagot ni Lucas. “Ako na ang bahala sa bagay na iyon at alam ko na hindi makakahindi si Athena sa nais kong mangyari. Kaya ang desisyon mo na lamang talaga ang hinihintay ko. Pakiusap… pumayag ka na,” sagot ni Timothy at talagang ipinagdarasal niya na sana ay pumayag si Lucas sa nais niyang
CHAPTER 7FLASHBACK……Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.Huminga naman ng malalim su Timothy at saglit pa niyang ipinikit ang kanyang mga mata para pakalmahin ang kanyang sarili dahil sa totoo lang ay sobrang galit na galit siya ng mga oras na iyon. At nang magmulat na muli siya ng kanyang mga mata ay seryoso siyang napatitig kay Lucas.“Lucas, alam ko na hindi nagkakalayo ang edad natin at sa edad mo na iyan ay wala ka pa ring asawa. Umamin ka nga sa akin… may balak ka pa bang mag asawa? May girlfriend ka ba ngayon?” sunod sunod na tanong ni Timothy kay Lucas.Napakunot naman ang noo ni Lucas dahil sa tanong na iyon ng kanyang kaibigan at napapailing na lang talaga siya dahil pati siya ay nakita nito.“Tsk. Ano bang klaseng tanong yan? Bakit sa akin napunta
CHAPTER 6LUCAS INFANTEKinabukasan naman ay maagang nagising si Lucas dahil kailangan niyang pumasok ng maaga sa kanyang opisina ngayon. Gustuhin man niya na matulog pa dahil napagod din talaga siya sa kasal nila kahapon ni Athena ay hindi naman pwede na hindi siya dumalo sa meeting nila ngayon dahil napakahalaga ng meeting na iyon para sa kanyang kumpanya.Bago tumayo si Lucas mula sa kanyang pagkakahiga ay saglit pa siyang napatitig sa maamong mukha ni Athena na mahimbing pa rin na natutulog ngayon. Hindi rin niya maiwasan na mapangiti habang nakatitig dito dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala na asawa na niya ito ngayon. Ipinagpasalamat na lang din talaga niya na hindi na ito nangulit pa kagabi na matulog sa ibang silid.Hindi na rin napigilan pa ni Lucas na haplusin ang makinis na pisngi ni Athena at saka siya napabuntong hininga habang pinapakatitigan niya ito. “Sana lang talaga ay hindi ako nagkamali sa desisyon ko na pagpayag sa gustong mangyari ng iyong ama. At sana l







