Share

CHAPTER 4

Author: Anne
last update publish date: 2026-06-03 21:18:43

CHAPTER 4

Matapos ang mahaba habang pakiusapan na iyon sa pagitan ni Athena at ng kanyang magulang  ay hindi pa rin talaga nanalo si Athena at nasunod pa rin talaga ang kanyang ama kaya naman wala na siyang nagawa pa ng isakay na sa sasakyan ni Lucas ang kanyang mga gamit. 

Bagsak ang balikat na sumakay muli si Athena sa sasakayan ni Lucas at talagang hindi na niya napigilan ang maiyak pagkasakay niya roon. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya mahal ng kanyang mga magulang kaya ipinakasal na lamang siya ng mga ito kay Lucas kahit na hindi naman niya ito nobyo.

Samantala naaawa naman na tinitigan ni Lucas ang kanyang asawa at napabuntong hininga na lamang talaga siya dahil naiintindihan naman niya kung bakit ito nagkakaganito ngayon kaya naman hinayaan na lamang niya ito na umiyak at agad na rin niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.

Nakatanaw lamang naman sila Timothy at Antonette sa papaalis na sasakyan ni Lucas kung nasaan ang kanilang anak. At hindi nga maiwasan ni Antonette na maawa sa kanyang anak dahil alam niya na napipilitan lamang ito na sundin ang ama nito.

“Sa tingin mo ba ay tama ang desisyon natin na ipakasal si Athena kay Lucas? Hindi ba masyado naman yata tayong nagmadali at baka nabibigla lang din tayo? Hindi ka ba naaawa sa anak natin?” hindi na napigilan na tanong ni Antonette sa kanyang asawa dahil kanina pa talaga siya naaawa kay Athena kaya nanahimik lang talaga siya habang nakatingin sa kanilang anak.

Bumuntong hininga naman si Timothy at saka siya tumingin sa kanyang asawa. Naiintindihan naman niya ang pinupunto nito pero ayaw lang din niya na mapariwara nga ang kanilang anak kaya niya ginawa ang bagay na yun.

“Kilalang kilala ko na si Lucas at alam ko na magiging maayos ang buhay ng anak natin sa kanya. Kahit naman ako ay naaawa sa anak natin pero kailangan natin siyang tiisin sa ngayon kesa naman mapunta siya sa kung sino sino lang na lalaki riyan lalo na at hindi natin alam kung sino ba ang nakakasalamuha niya kapag umaalis siya ng bahay. Atleast kay Lucas ay sigurado tayo na magiging maayos ang buhay niya at maakasisiguro rin tayo na hindi siya pababayaan nito,” sagot ni Timothy sa kanyang asawa.

Muli namang napabuntong hininga si Antonette dahil sa sinabi na iyon ng kanyang asawa dahil may punto rin naman nga ito dahil nagiging pasaway na talaga si Athena nitong mga nakakaraan kaya wala silang choice kundi ang ihanap ito ng matinong mapapangasawa at ang napili nga nila ay walang iba kundi si Lucas na matalik na kaibigan ni Timothy.

“Sana lang talaga ay tama ang desisyon natin na ito. Mabait naman talaga si Lucas at may tiwala rin ako sa kanya pero sa tingin mo ba ay matatagalan niya ang ating anak? Kilala natin ang anak natin at talagang nagiging pasaway na siya nitong mga nakaraan. Sana lang talaga ay hindi maubos ang pasensya ni Lucas sa anak natin dahil kung nagkataon ay baka ibalik din niya sa atin si Athena at baka masira pa ang pagkakaibigan ninyong dalawa,” sabi pa ni Antonette.

“Wag kang mag alala dahil kilalang kilala ko na iyang si Lucas. Sobrang haba ng pasensya ng tao na yan at sa tingin ko naman ay makakayanan niya ang ugali ng ating anak. Sana lang din ay mapasunod niya si Athena at mapatino niya ito. At ang tungkol naman sa pagkakaibigan namin ay wala namang magbabago roon magsama man sila o hindi ni Athena dahil kung tutuusin ay dapat pa nga akong magpasalamat sa kanya dahil pinagbigyan niya ako sa nais kong mangyari,” sagot ni Timothy sa kanyang asawa at saka niya ito inakbayan. “Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob. Hayaan mo muna ang anak natin dahil mag aadjust pa talaga siya ngayon dahil nasanay siya na palagi tayong kasama. Darating din ang araw na masasanay siya na kasama niya ang kanyang asawa,” pagpapatuloy pa niya at saka niya inakay papasok ng mansyon ang kanyang asawa.

Hindi naman na nagsalita pa si Antonette at pumasok na lang silang mag asawa sa loob ng mansyon. Kahit naman siya ay maninibago rin dahil sa nasanay din siya na palaging naroon si Athena. Pero kailangan na rin niyang masanay ngayon na wala ito roon. Umaasa na lang din talaga siya na sana ay maging mabait ang kanyang anak sa asawa nito dahil minsan talaga ay may pagkasutil si Athena.

****************

Samantala naman pagkarating nila Lucas sa kanyang mansyon ay hindi na muna sila kaagad bumaba ni Athena sa sasakyan. Nakabibinging katahimikan din ang namayani sa kanilang dalawa at hinayaan din muna talaga ni Lucas na kumalma ang kanyang asawa.

Nang mapansin ni Lucas na tumigil na si Athena sa pag iyak ay tumikhim naman siya bago niya ito muling tiningnan.

“Ayos ka na ba?” hindi na napigilan na tanong ni Lucas kay Athena.

“Tingin mo ba maayos pa ako ng lagay kong ito? Tsk. Para akong pinamigay ng magulang ko sa’yo ng basta na lang. Ni hindi man lang nila ako pinakinggan na ayaw kong tumira kasama ka. At ni hindi man lang nila ako inintindi dahil kailangan ko pang mag adjust dahil wala naman talaga tayong relasyon pero ipinakasal nila ako sa’yo. Napakahirap kaya ng lagay ko na ipinakasal ako sa’yo pagkatapos ay patitirahin pa nila kaagad ako kasama ka,” naluluha pa na sagot ni Athena kay LUcas.

Napabuntong hininga naman si Lucas dahil sa sinabi na iyon ni Athena. Naiintindihan naman kasi talaga niya ito pero hindi naman din niya pwedeng hayaan na masunod na lang ito palagi lalo na ngayon na mag asawa na sila.

“Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna sa loob. Alam ko naman na pagod ka na rin at alam ko rin na masama pa ang loob mo. Kapag maayos na ang pakiramdam mo at nakakahinga hinga ka na sa sama ng loob mo na iyan ay saka na lamang tayo mag usap ng masinsinan sa magiging set up nating dalawa. Mahirap kasi na mag usap tayo ngayon dahil masama pa yang loob mo at baka hindi ka lang magpatalo sa akin. Kaya kailangan na kalmado ka na muna para magakaintindihan tayong dalawa ng maayos,” sagot naman ni Lucas at saka siya bumaba ng kanyang sasakyan. 

Nasundan naman ng tingin ni Athena si Lucas ng bumaba ito ng sasakyan. Ang akala pa nga niya ay iiwan na lang siya nito roon pero laking tuwa rin naman niya ng pagbuksan siya nito ng pinto ng kotse at saka siya nito inalalayan na makababa ng sasakyan.

Pagkapasok nila sa loob ng mansyon ay agad naman na naigala ni Athena ang kanyang paningin sa loob ng mansyon. Kung ikukumpara kasi ito sa mansyon nila ay di hamak na mas malaki nga ito roon kaya naman hindi rin niya maiwasan na mamangha sa kanyang nakikita dahil napaka elegante talagang tingnan ng mansyon nito.

Ngayon pa lang kasi siya nakapunta sa mansyon ni Lucas dahil kahit na matalik itong kaibigan ng kanyang ama ay hindi naman siya nasama sa kanyang mga magulang sa tuwing pumupunta ang mga ito roon  dahil madalas nga ay nasa mga kaibigan niya siya at nagliliwaliw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 90

    CHAPTER 90“Hello, Ms. Athena. I’m Dra. Samantha one of the OB-Gyne here in this hospital,” agad na pakilala ng bagong dating na doktor kila Athena na isa ring Pinay. “Rinefer ka sa akin ng naunang doktor na sumuri sa’yo kaya ako narito. Kumusta ang pakiramdam mo ngayon hija? Balita ko ay nawalan ka raw ng malay kaya ka naisugod dito sa ospital,” pagpapatuloy pa niya.“Hello po dok. Ahm… m-medyo okay naman na po ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na po ako nahihilo hindi po kagaya kanina na mukhang hindi ko na po kinaya at mukhang nawalan na po ako ng malay,” sagot naman ni Athena.“Okay. Beside from that ay may iba ka pa bang nararamdaman? Like… nasusuka? Sumasakit ang ulo? Mga ganon,” tanong pa ng doktor.“Minsan po ay nasusuka ako at wala rin po akong ganang kumain,” sagot ni Athena.Dahan dahan naman na tumango ang doktora habang tinitingnan nito ang dala dala niyang folder na may lamang resulta ng test na ginawa kay Athena kanina.“Base rito sa mga test na ginawa sa’yo kanina ay bun

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 89

    CHAPTER 89Nang tuluyan ng makaalis ang doktor na tumingin kay Athena ay hinarap naman ni Michelle ang kanyang kaibigan.“Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Athena. Kung buntis ka ay sino ang nakabuntis sa’yo? May asawa ka ba?” sunod sunod naman na tanong ni Michelle kay Athena.Napatitig naman si Athena kay Michelle at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi kasi niya sinabi sa mga ito na may asawa na siya at ang sinabi lang niya sa mga ito ay gusto lang niyang magbakasakali sa ibang bansa kaya siya naroon na totoo rin naman talaga.“A-Ang totoo nyan Mich… m-may asawa na talaga ako sa Pinas pero h-hiwalay na kami,” pag amin ni Athena rito. “P-Pasensya na kung hindi ko kaagad sinabi sa inyo dahil gusto ko na rin sanang makamove on kaya mas pinili ko na ilihim sa inyo ang bagay na yun,” dagdag pa niya.Dahan dahan naman na tumango si Michelle kahit na nagulat din talaga siya sa pag amin na iyon ni Athena. Naiintindihan din naman niya ito lalo na at personal na bu

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 88

    CHAPTER 88Makalipas naman ang ilang oras ay unti unti na ngang nagkakamalay si Athena. Dahan dahan pa nga niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagtataka pa siya dahil hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Ang huli kasing natatandaan niya ay nasa opisina siya at nagtatrabaho.“Mabuti naman at nagising ka na. Pambihira ka Athena… pinakaba mo ako roon. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo,” daldal ni Michelle ng mapansin niya na gising na si Athena. “Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?” tanong pa niya.“N-Nasaan ako?” tanong naman ni Athena.Bumuntong hininga naman si Michelle at saka siya lumapit lalo kay Athena.“Nasa ospital tayo. Nawalan ka ng malay sa opisina kanina kaya dinala ka na namin dito sa ospital. Bakit ba kasi hindi ka nagsasabi kung masama ang pakiramdam mo? Okay lang naman na umabsent ka dahil naiintindihan naman nila kung may sakit ka. Hindi naman ito kagaya sa pinas na kahit may sakit ay kailangan pumasok at kahit may bagyo ay kailangan din pumasok sa t

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 87

    CHAPTER 87Mabilis naman na lumipas ang isang buwan at ngayon nga ay mayroon ng trabaho si Athena. Halos tatlong linggo na rin siyang nagtatrabaho roon at mabuti na lamang talaga at may mga pinoy na naroon kaya natulungan siya na makahanap kaagad ng trabaho.Isang buwan na rin ang nakalilipas simula ng umalis si Athena ng bansa at manirahan mag isa sa Canada. Kahit papaano ay nakakapag adjust na siya roon at nasasanay na rin siya na mag isa lamang siya. Paminsan minsan ay nakakaramdam din naman siya ng lungkot at normal na lang din naman iyon dahil malayo nga siya sa mga mahal niya sa buhay.At ngayon nga ay abalang abala si Athena sa mga paperworks sa kanyang lamesa. Office staff ang trabaho ni Athena ngayon mabuti na lamang din talaga at natapos niya ang kanyang pag aaral bago siya magpasaway sa kanyang magulang.“Ayos ka lang ba, Athena? Bakit parang namumutla ka yata?” hindi na napigilan na tanong ni Michelle kay Athena ng mapansin niya ang pamumutla nito.Si Michelle ang naging k

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 86

    CHAPTER 86“Hindi na rin ako magtatagal. Aalis na rin ako. Pinuntahan lang talaga kita para kumustahin at hindi ko naman akalain na sa ganitong sitwasyon pala kita madaratnan,” sabi pa ni Timothy at saka siya tumayo at ipinatong sa lamesa ang hawak niyang alak. “Ayusin mo yang sarili mo. Pansamantala ay hayaan muna natin si Athena dahilbaka gusto talaga muna niyang mapag isa. Unahin mo na munang tapusin yang mga nakabinbin mong trabaho dahil mas malaking problema lapag yang kumpanya mo ang bumagsak. At kapag ayos ka na pati na rin anf kumpanya mo ay magtutulungan tayo na mahanap si Athena para maayos na natin kung anoman yang problema nyo na yan,” pagpapatuloy pa niya at saka soya naglakad papunta sa pintuan ng silid ni Lucas.Nasundan na lamang naman ng tingin ni Lucas ang kanyang kaibigan at nang muli nga itong humarap sa kanya ay seryoso rin naman siyang napatitig dito.“Alam ko na nag aalala ka para sa anak ko at kagaya mo ay ganoon din naman kami ng aking asawa pero hindi naman p

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 85

    CHAPTER 85“Kelan ka pa natutong magpakalunod sa alak ng ganyan? Sa pagkakakilala ko sa’yo ay kayang kaya mong kontrolin ang sarili mo pagdating sa pag inom ng alak. Pero bakit tila yata ngayon ay wala ka na sa sarili mo at hindi ka na makilala dahil sa ginagawa mong iyan,” seryoso naman na sabi ni Timothy habang naglalakad nga siya papalapit kay Lucas na nakasalampak ng upo sa sahig habang may hawak na bote ng alak.Nanatili lamang naman si Lucas sa kanyang kinauupuan at hindi na rin nita tiningnan pa kung sino ang nagsalita na iyon dahil boses pa lamang nito ay kilalang kilala na niya ito. “Ano ba ang nangyayari sa’yo Lucas? Ano yang ginagawa mo sa sarili mo? Hindi ka naman dating ganyan. Nang dahil ba yan kay Athena? Tsk. Talaga bang napamahal na sa’yo ang anak kong pasaway?” naiiling pa na sabi ni Timothy nang hindi pa rin nagsalita si Lucas.Napabuga naman ng hangin sa kanyang bibig si Lucas at saka siya tumingin kay Timothy.“G*go ka ba? Ikaw ang naglagay sa akin sa sitwasyon k

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 1

    CHAPTER 1ATHENA MADRIGAL“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”Mga salitang ayaw pang marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil nasa harapan na siya ngayon ng altar at opisyal ng sinabi ng pari na sila ay kasal na ni Lucas Infante ang matalik na kaibigan

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 7

    CHAPTER 7FLASHBACK……Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.Huminga naman

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 6

    CHAPTER 6LUCAS INFANTEKinabukasan naman ay maagang nagising si Lucas dahil kailangan niyang pumasok ng maaga sa kanyang opisina ngayon. Gustuhin man niya na matulog pa dahil napagod din talaga siya sa kasal nila kahapon ni Athena ay hindi naman pwede na hindi siya dumalo sa meeting nila ngayon da

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 5

    CHAPTER 5Nauna naman ng pumasok sa loob ng mansyon si LUcas at nakasunod lamang naman sa kanya si Athena habang ang mga gamit nito ay pinakuha na lamang niya sa kanyang mga kasambahay.Napansin naman ni Lucas na iginagala pa ni Athena ang paningin nito sa kabuuan ng kanyang mansyon at pansin niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status