Share

CHAPTER 5

Author: Anne
last update publish date: 2026-06-04 12:33:18

CHAPTER 5

Nauna naman ng pumasok sa loob ng mansyon si LUcas at nakasunod lamang naman sa kanya si Athena habang ang mga gamit nito ay pinakuha na lamang niya sa kanyang mga kasambahay.

Napansin naman ni Lucas na iginagala pa ni Athena ang paningin nito sa kabuuan ng kanyang mansyon at pansin niya na tila manghang mangha ito roon.

“Ako lang at ang mga kasambahay ko ang nakatira rito sa aking mansyon. At ngayon na asawa na kita ay dito ka na rin titira kasama ako. Alam ko na maninibago ka pa sa simula pero masasanay ka rin naman kalaunan dito. At isa pa mababait din ang mga kasambahay ko at maaari ka nilang tulungan kung may nais ka man na gawin,,” sabi ni Lucas kay Athena.

Napatingin naman si Athena kay Lucas at nagtatanong nga ang tingin niya rito.

“Ikaw lang ang narito at kasambahay mo? Sa laki ng mansyon mong ito ay hindi ka man lang ba nalulungkot dito?” hindi na napigilan na tanong ni Athena sa kanyang asawa.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Lucas at saka sya namulsa habang nakatitig kay Athena.

“Siguro noon nakakalungkot talaga pero nasanay na rin naman ako na mag isa lang ako sa buhay at tanging mga kasambahay ko lang ang kasama ko rito,” sagot ni Lucas.

“Nasaan ba ang mga magulang mo? Wala ka ba man lang kapatid o kamag anak na makakasama rito?” tanong pa ni Athena.

“Ulila na ako sa magulang at ang nag iisa ko namang kapatid ay may sarili na ring pamilya. Meron naman kaming mga kamag anak pero mas gusto ko na lang mag isa kesa makasama sila dahil alam ko naman ang iba sa kanila ay pera lang ang habol sa akin. Mahirap na kasi ang tumulong ngayon sa kamag anak dahil kahit tumulong ka na ay may masasabi pa rin sa’yo kaya mas mabuti pa na mag isa na lamang ako rito at tanging mga kasambahay ko ang kasama ko,” paliwanag ni Lucas kay Athena.

Dahan dahan naman na tumango si Athena dahil sa sinabi na iyon ni Lucas at tila ba bigla siyang nakaramdam ng awa rito dahil mag isa lang pala talaga ito na namumuhay doon.

“Sa tingin ko ay kailangan na muna nating magpahinga. Bukas mo na lamang libutin ang mansyon  dahil gabi na rin naman. At isa pa ay dito ka naman na titira kaya pwedeng pwede mong libutin ito bukas,” sabi pa ni Lucas at saka siya tumalikod kay Athena. “Sumunod ka na lamang sa akin,” dagdag pa niya at saka siya naglakad paakyat ng hagdan.

Agad naman na sumunod si Athena kay Lucas at kahit na kanina nga ay badtrip talaga siya ay tila ngayon ay excited na siyang libutin ang buong mansyon ng kanyang asawa.

Nang tumigil naman si Lucas sa harap ng isang pinto ay tila ba biglang natauhan si Athena at napakurap kurap pa nga siya habang nakatingin kay Lucas.

Agad na rin naman na binuksan ni Lucas ang pinto ng naturang silid at saka siya pumasok doon.

“Sandali lang… saan ang silid ko? Dito ba?” hindi na napigilan na tanong ni Athena kay Lucas.

Saglit naman na napatitig si Lucas sa kanyang asawa bago siya bumuntong hininga.

“Dito… dito ang ating silid na dalawa,” sagot ni Lucas at saka siya pabagsak na naupo sa malaking kama na naroon.

Napaawang naman ang bibig ni Athena dahil sa sinabi na iyon ni Lucas. Ngayon pa lang ay pakiramdam niya ay bigla siyang kinilabutan dahil kung doon ang kanilang kwarto na dalawa ay malamang na katabi niya sa iisang kama si Lucas.

“S-Sandali lang… w-wala ka bang ibang silid dito na maaari kong gamitin. Kahit maliit na silid lang ay ayos lang naman sa akin,” nauutal pa na sabi ni Athena kay Lucas dahil parang hindi niya kayang tumabi kay Lucas kahit pa sabihin na asawa na niya ito.

“Wala,” agad na sagot ni Lucas at saka ito tumayo at isa isang tinanggal ang butones ng suot niyang longsleeve. “Mag asawa na tayong dalawa kaya dapat lang na sa iisang kwarto lang tayong dalawa,” dagdag pa niya.

“Pero—”

“Wag kang mag alala dahil wala naman akong gagawin sa’yo dahil marunong naman akong gumalang sa babae,” pagpuputol ni Lucas sa nais pa sanang sabihin ni Athena. “Pero nasa sa’yo rin naman yan kung gusto mo na mag honeymoon tayo ngayon,” dagdag pa niya at saka niya kinindatan si Athena.

Nanlaki naman ang mata ni Athena sa sinabi na iyon ni Lucas dahil hindi talaga niya nakikita ang kanyang sarili na isusuko niya ang katawan niya rito.

“Baka naman may iba pang—”

“Wala nga. Wag nang matigas ang ulo mo Athena dahil pagod din ako. Dito ka matutulog sa silid na ito kasama ako sa ayaw at sa gusto mo,” pagpuputol muli ni Lucas sa nais sabihin ni Athena.”Nariyan na ang mga gamit mo. Bukas ko na lang ipapaayos sa kasambahay ang mga iyan. Kumuha ka na lang ng gagamitin mo na pantulog dahil ayaw mo naman sigurong matulog ng nakagown,” dagdag pa niya.

Napatingin naman si Athena sa suot niyang damit at nakagown pa rin nga siya hanggang ngayon. Sa sobrang sama kasi ng loob niya kanina ay hindi  a talaga niya nagawa pang magpalit ng damit noong naroon sila sa mansyon ng kanyang magulang. Napabuntong hininga na lang talaga siya at saka siya dahan dahan na tumango at hindi na nagsalita pa dahil ayaw na rin niyang makipagtalo pa rito dahil pagod na rin talaga siya.

Agad na rin naman na tumalikod si Lucas at dumiretso sa CR upang maligo dahil talagang napagod din siya sa maghapon na iyon at idagdag pa nga na sumasakit na ang ulo niya ngayon pa lang sa kanyang asawa na maligalig.

Pagkalabas naman ni Lucas ng CR ay naabutan niya si Athena sa may walk in closet na hirap na hirap magtanggal ng zipper ng suot nito na gown kaya naman agad na niya itong linapitan.

“Tulungan na kita,” sabi ni Lucas.

Nagulat naman si Athena sa biglang pagsasalita na iyon ni Lucas at nanlaki na lang talaga ang mata niya ng maramdaman niya ang mainit na palad nito sa kanyang likuran at hindi na nga niya namalayan pa na naibaba na nito ang zipper ng suot niyang gown.

Nang maibaba na ni Lucas ang zipper ng suot na gown ni Athena ay bigla rin nga siyang natigilan at napalunok na lang din talaga siya ng kanyang laway nang makita at mahawakan niya ang makinis at maputing likod ng kanyang asawa. Pakiramdam tuloy niya ngayon ay biglang nag init ang kanyang katawan dahil doon kaya naman agad na siyang nag iwas ng tingin dito at agad na tumalikod.

“S-Salamat,” nauutal pa na sabi ni Athena at halos takbuhin na niya ang CR dahil nahuhubad na nga ang suot niyang gown.

Nasundan na lamang ng tingin ni Lucas ang kanyang asawa at napapailing na lang din talaga siya rito dahil pwede naman siya nitong palabasin muna roon at magsuot na muna ito ng robe pero nagtatakbo na nga lang ito papuntang CR na parang bata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 99

    CHAPTER 99LUCAS INFANTE Sa kabilang banda naman hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila Lucas si Athena at sobrang nag aalala na nga sila rito ngayon. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas at talagang hindi pa rin nila mahanap hanap ito. Nagdagdag na rin sila ng mga tao at halos libutin na nga ng mga ito ang buong bansa pero hindi pa rin talaga nila mahanap si Athena kaya labis na rin talaga silang nag aalala rito.At ngayon nga ay naroon si Lucas sa kanyang opisina at sa totoo lang ay napakalayo na ng itsura nito sa dati nitong itsura. Kung noon kasi ay napakalinis nitong tingnan pero ngayon nga ay halos hindi mo na ito makilala dahil ang dating magandang tabas ng buhok nito ngayon nga ay mahaba na at mayroon na rin siyang balbas ngayon. Bukod pa roon ay halata mo sa mukha nito na talagang stress na ito.Sa nakalipas din na mga buwan ay nagkaroon na rin ng bisyo si Lucas dahil kung dati ay ayaw nitong makaamoy ng sigarilyo ngayon ay naninigarilyo na ito at bukod pa roon ay madala

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 98

    CHAPTER 98 “Ethan Isaac... Ethan Isaac Infante ang magiging pangalan ng napakacute at napakagwapo kong anak,” sagot ni Athena habang nananatili siyang nakangiti at nakatitig sa kanyang anak na mahimbing na natutulog. Hindi na rin nga niya napigilan pa ang kanyang luha habang nakatitig sa kanyang anak at iyon ay luha ng labis na kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. “Ethan Isaac… Napakagandang pangalan at bagay na bagay din talaga sa kanya,” pag sang ayon naman ni Michelle sa kanyang kaibigan. “Wag ka na ngang umiyak r’yan, Athena. Tsk. Pati ako madadamay sa pag iyak mo na iyan eh,” pagpapatuloy pa niya at nangingilid nga agad ang luha niya ng makita niya na umiiyak na si Athena dahil talagang mababaw ang kanyang luha. Sa totoo lang ay masaya siya para sa kanyang kaibigan dahil kahit na alam niya na nahihirapan na ito ay talagang kinakaya pa rin nito. Natawa naman si Athena ng makita niya ang kanyang kaibigan na nagpipigil na ng pag iyak. Agad na rin naman niyang pinunasan ang kan

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 97

    CHAPTER 97Makalipas naman ang ilang minuto ay muli namang inilabas si Athena sa Emergency Room upang dalhin sa Delivery Room.Muli namang sumunod si Michelle kung saan dinala ang kanyang kaibigan at matyaga lamang siyang naghintay sa labas noon.Ilang oras pa ang nakalipas at nanatili lamang si Michelle sa labas ng Delivery Room at maya maya pa nga ay lumabas na ang doktor ni Athena kaya naman agad na siyang lumapit dito.“Dok, kumusta po ang kaibigan ko? Kumusta po ang baby nya?” sunod sunod na tanong ni Michelle sa doktor.“Ligtas na naisilang ni Ms. Athena ang kanyang baby boy,” nakangiti naman na pagbabalita ng naturang doktor kay Michelle. “Sa ngayon ay mag stay muna siya r’yan sandali at maya maya pa ay pwede na rin naman siyang mailipat sa kanyang private room,” dagdag pa niya.Tila nabunutan naman ng tinik si Michelle dahil sa ibinalita na iyon ng doktor ni Athena. Sobrang kinakabahan na kasi talaga siya kanina pa dahil ang tagal lumabas ng doktor at sobrang nag aalala na siy

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 96

    CHAPTER 96“Athena, are you okay?” puno naman ng pag aalala na tanong ni Michelle ng mapansin niya na biglang natigilan ang kanyang kaibigan habang nakahawak ito sa tyan nito.“M-Mich… p-parang manganganak na yata a-ako. Ahhh,” nauutal pa na sagot ni Athena sa kanyang kaibigan at napasigaw na lang talaga siya ng bigla na namang sumakit ang tyan. Hindi na rin nga maipinta ang mukha niya dahil talagang ngagon lang niya naranasan ang ganoon.Nanlaki naman ang mga mata ni Michelle sa sinabi na iyon ni Athena kaya naman bigla rin siyang nataranta ng bigla nga itong sumigaw.“Oh my god. Manganganak ka na nga siguro. Teka… a-anong gagawin ko? B-Bubuhatin ba kita? Wait lang… p-pero hindi kita kaya. Sandali hihingi ako ng tulong,” tarantang taranta naman na sabi ni Michelle dahil talagang hindi niya alam ang kanyang gagawin sa kanyang kaibigan.“AHHHHHHH…. ang sakit, Mich,” sigaw pa ni Athena at napapapikit na lang talaga siya ng mariin ng biglang nagsunod sunod ang paghilab ng kanyang tyan.M

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 95

    CHAPTER 95MAKALIPAS ANG PITONG BUWAN….Mabilis naman na lumipas ang pitong buwan at gaya nga ng napagdesisyunan ni Athena ay nanatili lamang siya Canada. Ngayon nga ay siyam na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at ipinagpapasalamat na lang talaga niya dahil parehong maayos ang lagay nilang mag ina at talagang naghihintay na lamang sila ngayon na manganak siya.Sa nakalipas din na mga buwan ay naging maayos naman ang pagbubuntis ni Athena bagamat minsan ay nakakaranas nga siya ng pagkahilo at pagsama ng pakiramdam ay nariyan naman si Michelle na palagi niyang kasa kasama kahit na saan man siya magpunta.Paminsan minsan din ay naaalala ni Athena ang kanyang nga magulang at pati na rin si Lucas. Napapaisip nga siya minsan kung hinahanap ba man lang siya ng pamilya niya o hindi at pati na rin ng kanyang asawa. Pero sa tuwing naiisip niya ang tungkol sa bagay na iyon ay tila ba nakakaramdam siya ng labis na kalungkutan dahil sa nangyari sa kanya ngayon. Minsan kasi kapag mag isa si At

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 94

    CHAPTER 94 Dahil naman sa sinabi na iyon ni Timothy ay tila ba biglang natauhan si Lucas. Naipikit na lang niya ng mariin ang kanyang mga mata at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Dahil kasi sa sobrang pag iisip niya kay Athena ay talagang nagiging mainitin na ang ulo niya kaya naman ang kanyang mga empleyado ang napagbubuntunan niya ng init ng ulo niya. Gustong gusto na kasing makita at makasama muli ni Lucas ang kanyang asawa. At kung kinakailangan na suyuin niya ito araw araw ay talagang gagawin niya basta makasama lang niya ito at hindi ganito na nag aalala silang lahat kung nasaan na ba ito ngayon. “Naiintindihan ko naman na may pinagdaraanan ka ngayon at kagaya mo gusto ko rin na mahanap na ang anak ko. Nag aalala na rin ako sa kanya dahil alam ko na hindi yun sanay na mamuhay na mag isa. Pero sa ngayon ay intindihin mo na muna ang iyong kumpanya at ang tungkol naman kay Athena ay pagtutulungan natin na mahanap siya at hindi tayo titigil hanggat hindi

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 2

    CHAPTER 2Pagkarating ng bagong kasal sa reception nila ay ni hindi man lang tinitingnan ni Athena si Lucas dahil totoong naiinis siya rito dahil sa sinabi nito kanina sa kanya at bukod pa roon ay bigla rin siyang nakaramdam ng pagkailang dito.Sa totoo lang ay napakagwapo naman talaga ni Lucas at

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 1

    CHAPTER 1ATHENA MADRIGAL“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”Mga salitang ayaw pang marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil nasa harapan na siya ngayon ng altar at opisyal ng sinabi ng pari na sila ay kasal na ni Lucas Infante ang matalik na kaibigan

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 7

    CHAPTER 7FLASHBACK……Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.Huminga naman

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 6

    CHAPTER 6LUCAS INFANTEKinabukasan naman ay maagang nagising si Lucas dahil kailangan niyang pumasok ng maaga sa kanyang opisina ngayon. Gustuhin man niya na matulog pa dahil napagod din talaga siya sa kasal nila kahapon ni Athena ay hindi naman pwede na hindi siya dumalo sa meeting nila ngayon da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status