"YOU CAN'T do this to her, Mal," Suzette muttered, her voice's almost sounding begging.
Parang walang narinig na patuloy sa pagpirma si Malcolm sa mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa nito.
"Hindi mo man lang ba siya kakausapin? He's been waiting for you," pagpapatuloy ni Suzette. Kung hindi lang niya kilala si Malcolm ay hindi siya mangangahas na kausapin ito ngayon tungkol sa ganoong bagay sa gitna ng trabaho. Subalit hindi na niya kayang makitang naghihirap ang isa niyang kaibigan, Magenta didn't deserve all the pain she was going through. If she could put some sense into Malcolm's head, then it would great for all of them. But she knew how hard it was.
"Does it have something to do with... with Tito Marcus?"
Bahagyang napapitlag si Suzette nang malakas nitong ibagsak ang hawak na makapal na dokumento sa ibabaw ng iba pa. His face became dark and she knew she was hitting some nerve.
"He was old and sick, and he's dying, Mal. Don't let him
"IYON NA ang huling gamit," si Sebastian matapos mailapag ang huling karton sa loob ng isa sa dalawang silid ng bahay na iyon na naglalaman ng mga unan at kumot niya.Nilapitan ni Magenta ang kaibigan at binigyan ng isang basong tubig."Maraming salamat pala, ha, mahihirapan akong ayusin ang mga 'to kung ako lang."Ngumiti si Sebastian sa kanya bago inilibot ang mga mata sa bago niyang bahay. Marami pa siyang kulang na gamit ngunit maayos naman ang loob at puwede nang tirahan.Isang single mother na may dalawang anak na lalaki ang dating nakatira roon. Binili niya ang bahay at lupa gamit ang perang naipon niya sa bangko. Perang dapat ay para sa kanyang ina. Wala naman dapat siyang balak na galawin iyon ngunit sa kalagayan niya ngayon ay kailangan niyang galawin ang perang naroon. And besides, she worked hard for it. Hindi nga lang niya maipagmamalaki ang ginawa niya para makuha ang ganoong halaga."This is a nice place and a nice neighb
"BAGAY SILA.""Ha?" Nakakunot-noong binalingan ni Magenta si Mayet na kasama niyang mamili sa palengke.Nasa isang tindahan sila ng mga gulay ngayon at namimili nang marinig niya ang sinabi ng kasama. "Sila po, Ate, bagay sila," anito at itinuro ang maliit na telebisyon na nasa loob ng tindahan.Dumako ang kanyang mga mata roon na nakakunot pa rin ang kilay. But when she saw who Mayet was referring to, her world froze for a moment. A familiar face was flashed on the TV screen, he wasn't smiling, he had facial hairs all over his face, but he was as gorgeous without it.Nanikip ang kanyang dibdib habang nakatitig kay Malcolm sa TV. It's been months, but she still couldn't move on completely though the pain and loneliness were bearable compared to the first months. Iniisip pa rin niya ito tuwing gabi bago matulog, o paggising kinabukasan, sinusubukan naman niyang huwag itong ipasok sa isipan ngunit hindi niya
BANDANG HAPON ay natungo silang dalawa sa parke upang ipasyal ang kanyang anak. Ayon sa doktor nito ay mas mabuting maraming taong makasalamuha ang kanyang anak upang masanay ito sa presensiya ng iba at magandang theraphy iyon upang makapagsalita ang bata.Naglalakad siya habang karga ito nang ituro nito ang nagtitinda ng ice cream. Iniling niya ang ulo bilang pagtanggi ngunit ngumuso ang bata at agad na namasa ang mga mata na parang maiiyak na."Okay, pero tikim lang ha," aniya pagkatapos nang mahabang buntung-hininga na ikinangiti nito.Nang magbabayad na siya ay inilapag niya muna ang kanyang anak at kinuha sa bag na nakasukbit sa kanyang balikat ang wallet niya.Nasa kamay na niya ang binili at binalingan ang kanyang anak ngunit agad na nanlaki ang mga mata nang makitang wala ito sa kanyang tabi.Tila nanlaki ang kanyang ulo at bumundol ang matinding kaba at takot sa dibdib. Nabitawan niya ang ice cream habang inililibot
MAY araw na nang magising siyang muli. Hindi niya namalayan na nakatulog siya ulit kanina habang katabi si Sebastian, paggising niya ay wala na ito sa loob ng kanyang silid.Tumungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape, mayroon nang pagkain doon ngunit mamaya nalang siya kakain. She went out in her front porch with a cup of coffee in her hands, then sat at her favorite rocking chair.Agad siyang napangiti nang makita sina Sebastian at Rose sa bakuran at naglalaro. Hindi pa ganoon kainit ang araw kaya naroon ang dalawa. Nang makita siya ay kumaway ang mga ito sa kanya na ginantihan niya naman ng kaway. Kapagkuwan at napataas ang kilay nang may ibinulong ang binata sa kanyang anak pagkatapos ay napahagikhik ang huli.Sinundan niya ng tingin ang dalawa na lumabas sa gate at tumungo sa kanilang kapitbahay. Tumingin pa si Sebastian sa kanya at kumindat bago pumasok sa loo bang dalawa. Hindi rin naman nagtagal ang mga ito sa loob at lumabas, tumigil s
NAPANGITI si Magenta nang may yumakap sa kanya mula sa likuran at hinalikan ang kanyang pisngi. Kahit na hindi niya tingnan ay alam niya kung sino iyon."What are you cooking?"Napangiti siya at hindi sumagot. Nang makita nito kung ano ang kanyang niluluto ay napaungol. "Menudo. It's the best when you cook it.""Chicken menudo, the Fajardos favorite," nakangiting sagot niya. "Seb, ano ba, nagluluto ako," aniya habang nakatawa at napakislot nang kilitiin nito ang kanyang bewang. "Hahampasin kita nitong sandok talaga."He chuckled and kissed her shoulder before letting her go. Hindi naman ito tuluyang lumayo at sumandig sa lamesa habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanyang ginagawa."My gift is in your room."Pinatay niya ang kalan nang matapos sa ginagawa at humarap kay Sebastian na bahagyang namumula ang mukha at makatingin ng diretso sa kanya na tila nahihiya. Her lips stretched in a smile seeing how adorable he was.
"WALA KAMING naging problema ng dating may-ari sa pangungupahan ko. You can call Mrs. Gavino, she can vouch for me," she said and raised her chin defiantly.Magenta was nervous sitting in front of him but she doesn't let him see it. Ang mga mata nito ay nakatutok sa kanya na para tatagos hanggang sa kanyang buto, tila pinag-aaralan nito ang kanyang buong pagkatao.Kilala niya si Malcolm at alam niya kung anong kaya nitong gawin, perhaps that was the reason why the fast beating of her heart. Malcolm emitted power, authority, as if the devil himself was the king of the world. These were the reason why the people who crossed him trembled in fear when apprehended."How are you, Jen?"She was taken aback when his tone changed and his face soften. Good thing was, she was able to gather her wits back immediately. "Great," she answered uncommitingly. "I'd like to renew my lease as soon as possible, I know you're a
"Tigilan mo ako, Malcolm!""I see, hindi ka pa nakakahanap ng malilipatan.""Ano bang problema mo, ha! Kung wala kang magawa sa buhay mo, na napakaimposible dahil alam kung busy ka sa paninindak ng ibang tao, makipaglaro ka sa demonyo. Letche ka!"Nakagat ni Magenta ang mga labi dahil sa ginawang pagmumura. Mula pagkabata ay hindi siya palamura dahil tinuruan siya ng ina na hindi iyon maganda. But Malcolm can bring out the worst in her.Lihim niyang nahigit ang hininga nang marinig ang marahang pagtawa ng nasa kabilang linya. Tiningnan pa niya ang screen ng cellphone dahil hindi makapaniwala na si Malcolm iyon. No! It was not him! Perhaps it was voice phishing? Or was Malcolm completely possess by demons?"I want to see you, Jen.""The feeling is not mutual," she uttered with the utmost sarcasm."You have no choice, I'm already here.""What?" Napatayo si Magenta at inilibot ang mga mata sa paligid, nang mapatingin s
Sebastian had a faraway look in his eyes as he fell into deep thinking. She also didn't fail to notice the melancholy in his face, it was very unusual of him. "Seb..." she called in a hoarse voice. Tumikhim siya nang maramdaman ang pananakit ng lalamunan at tila may nakabara. Sebastian glanced at her an his eyes were now back to the present. Dinama nito ang noo ni Magenta at pinigilan sa balikat ang dalaga na akmang uupo. "Stay on the bed, may sinat ka." Napapikit siya ng makaramdam ng pagkahilo sa tangkang pag-upo. Pinakiramdaman niya ang katawan at nakumpirma ang sinabi nito. Mabigat ang kanyang pakiramdam, nananakit ang lalamunan at bahagyang mainit ang katawan. Nang tingnan niya ang orasan ay alas-kuwatro na ng hapon. Mahigit apat na oras din siyang nakatulog. Tumunog ang kanyang tiyan kaya napahawak siya roon kasabay nang lalong pamumula ng mapulang ng pisngi. She was hungry, she hadn't eat lunch.