MasukAyan na po, ipapahuli na si Maui. Please like, comment and gem votes po! Maraming salamat!
ChandlerApat na lalaki ang pumasok sa silid, mabibigat ang mga yabag na parang sinasadya nilang iparamdam ang presensya nila. Isa sa kanila ang agad naming tinignan—ang tindig, ang kumpiyansa, at ang ngising hindi mawala sa mukha niya ay sapat na para maghinala kami na siya ang leader. May aura siy
Chandler“If they wanted us to get their boss out of a private maximum-security prison, then the first thing we need to figure out is which boss they’re talking about,” sabi ko, kontrolado ang tono pero ramdam ang bigat ng bawat salita. “Our entire escape plan will depend on who the target is.”Tahi
ChandlerHindi ko na matandaan kung ilang araw na akong nawawala. Ang oras ay tila naging malabnaw na walang malinaw na simula, walang malinaw na pagtatapos. Sa bawat pagmulat ng aking mga mata, pareho lang ang tanawin: pader na walang palatandaan ng lugar, sahig na malamig sa balat, at katahimikang
MitchSina Kuya Channing, Ate Cha, Kuya Chanden, Kuya Chancy, at Kuya Chansen.Lima sila.Limang magkakapatid na sabay-sabay na nasa iisang lugar at hindi iyon normal. Lalong hindi sa ganitong sitwasyon. Kung may event ay walang imposible. But now?Agad pumasok sa isip ko ang dalawang wala rito. Si
Pero kahit ganoon, iba pa rin ang presensya nina Mommy Sarina at Daddy Maximus. Iba ang pakiramdam kapag ang mga magulang ng taong mahal mo ang mismong nananatili sa tabi mo na parang tahimik nilang sinasabi na kasama ka sa amin, anak ka rin namin.At somehow, gumaan ang kalooban ko habang nakikita
MitchHindi agad naputol ang yakap ni Mommy Sarina. Para bang alam niyang kapag binitawan niya ako, baka tuluyan na akong gumuho. Kaya nanatili siya roon, marahang hinahaplos ang likod ko, paulit-ulit, parang gusto niyang ipasa sa akin ang lakas na pilit niyang hinuhugot mula sa sarili niya.“Hindi
Third Person“Bakit? Paanong nangyari?” mariing tanong ni Brando sa kausap sa kabilang linya. Mabilis at sunod-sunod ang ulat na ibinigay sa kanya, at habang nakikinig, unti-unting humigpit ang hawak ng lalaki sa cellphone. Halata sa kanyang mukha ang pagkabigla na agad sinundan ng matinding galit.
ChandenDagling nagsilapit ang ilang staff ng ospital nang itigil ko ang sasakyan sa tapat ng emergency. Wala na akong ibang inisip kundi si Noelle. Hininto ko ang kotse nang halos wala sa wisyo, binuksan ko agad ang passenger seat, at dahan-dahang iniangat ang katawan ng aking asawa na sa bawat gal
ChandenKita ko ang kakaibang liwanag sa mukha ni Noelle nang sabihin ko sa kanya ang naging desisyon ko tungkol sa hinihiling ng kanyang tiyuhin at buong pamilya. Napalunok siya at tumango, tila ba nawala ang bigat ng balikat niya sa ginhawa, sabay kindat sa akin na parang nagsasabing, "Salamat, Do
ChandenMasayang-masaya ako sa pagbubuntis ni Noelle. Para akong lumulutang sa ulap sa tuwing naiisip ko na sa wakas, magkakaroon na kami ng sarili naming anak. Isang pamilya. Isang maliit na mundong kami lang ang laman.Madalas ko siyang titigan nang palihim habang abala siya sa laptop niya. Minsan







