Althea's Point of ViewSimula pagkabata, alam ko na agad kung sino ang paborito kong tao sa buong mundo si Daddy. Hindi ko alam kung bakit, pero may magic siya na kahit anong gawin niya, pakiramdam ko laging ligtas ang mundo. Hindi siya masalita gaya ni Mama, pero isang tingin lang niya, alam kong proud siya sa akin.“Anak, kumain ka na?” tanong niya habang binababa ang suitcase galing sa sasakyan.Kakatapos lang ng business trip niya sa Singapore, at kahit sobrang pagod na siya, ang una niyang hinanap ay ako.“Opo, Daddy,” sagot ko habang tumatakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit, halos hindi na ako huminga sa tindi ng yakap niya pabalik.“Na-miss kita sobra,” bulong ko.“Sobra rin kita na-miss, baby,” sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.Si Daddy ang tipo ng tao na kahit ang buong mundo ay abala, kaya niyang huminto para lang sa pamilya niya. Ang dami kong naririnig na kwento tungkol sa pagiging terror boss daw niya sa opisina, pero sa bahay, para lang siyang mal
Althea’s Point of ViewBihira kaming magka-moment ni Mama na kaming dalawa lang. Lagi siyang busy. Either may ginagawa siya sa kitchen, inaasikaso ang staff sa café niya, o kaya naman nakatutok sa mga advocacy projects niya. Pero ngayong Sabado ng hapon, bigla siyang kumatok sa kwarto ko habang nagre-review ako para sa midterms.“Pwede ba akong pumasok, anak?” tanong niya habang hawak ang tray na may dalawang tasa ng tsaa.Tumango lang ako. “Siyempre po, Ma. Pasok po kayo.”Pumasok siya, ngumiti, at inilapag ang tray sa maliit na mesa sa tabi ng study table ko. Umupo siya sa gilid ng kama ko at tinitigan lang ako ng ilang segundo. Ramdam kong may gusto siyang sabihin. Yung mga mata niya, puno ng emosyon na parang pilit niyang nilulunok.“Ano pong meron?” tanong ko habang umiinom ng tsaa.“Wala naman. Gusto lang kitang makasama ngayon. Parang ang tagal na nating hindi nakakapagkwentuhan, 'no?” Malumanay ang boses niya pero may bahid ng lungkot.Napangiti ako. “Eh, kayo po kasi, busy. A
ALTHEA POINT OF VIEW "Althea Ysabelle Dela Vega, top 1 na naman sa buong batch! Congratulations!"Narinig ko 'yon habang naglalakad ako palabas ng classroom, hawak-hawak ang medalya na ibinigay kanina lang sa recognition ceremony. Lahat ng mata nakatingin sa akin, lahat ng ngiti ibinabato sa direksyon ko. Parang laging ganito ang eksena tuwing matatapos ang school year ako na naman ang nasa unahan, ako na naman ang may pinakamataas na marka, ako na naman ang anak na ipinagmamalaki.“Thank you po,” mahinhin kong sagot habang pinipilit ngumiti.Pero sa loob ko, parang wala nang thrill. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong matuwa o matakot. Kasi ang totoo, the higher you go, the more you can’t afford to fall. Isa pa, hindi na ito tungkol sa gusto ko. Para sa kanila na ‘to. Para sa mama’t papa ko.Pagdating ko sa kotse, naroon na si Papa, nakatayo sa tabi ng black SUV na parang laging kasing stiff ng barong niya. Kahit casual day ngayon, naka-button down pa rin siya. Ako lang ata ang bat
Amara Ysabelle Santiago-Dela Vega’s Point of View“Mommy, ayusin mo naman ‘tong ribbon ko oh! Hindi pantay!” reklamo ni Althea habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa kwarto niya, suot ang pink-and-white na school uniform.Nakangiti akong lumapit at inayos ang ribbon sa kwelyo niya. “Ayan. Perfect na. Para ka nang mini Miss Universe.”“Mas gusto ko pong maging teacher kaysa beauty queen,” sagot niya habang sinisipat ang sarili sa salamin.“Okay, future Ma’am Althea. Let’s eat breakfast na, late ka na sa school mo.” Niyaya ko siyang bumaba habang abala si Killian sa kusina, niluluto ang paborito ng anak namin—cheesy omelette and hotdog with sinangag.“Yes, Daddy cooked again!” sigaw ni Thea habang dumiretso sa dining table.“Syempre,” sagot ni Killian na naka apron pa. “For my favorite girl.”“Tayooo ang favorite mo, ‘di ba?” sabay naming tanong ni Thea.Napangiti siya at lumapit sa amin, hinalikan ako sa labi at ang anak namin sa noo. “You’re both my number one.”Habang kumaka
Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewMaaga akong nagising dahil sa mahinang iyak ni Althea. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at tinungo ang crib sa gilid ng kama. Nakakunot ang noo niya habang kumakadyot ng konti ang mga paa. Gutom na naman siya. Napangiti ako. Araw-araw ko siyang pinagmamasdan pero hindi pa rin ako nagsasawang mahalin ang bawat parte niya. Mula sa makakapal niyang pilikmata, sa maliliit niyang daliri, hanggang sa lambot ng buhok niya na parang sutla.Binuhat ko siya at agad siyang tumahimik nang mailapit ko sa dibdib ko. Para bang alam niya na ligtas siya sa mga bisig ko. Habang pinapasuso ko siya, tiningnan ko ang paligid ng kwarto—ang mga laruan na inayos ni Killian, ang mga pink at beige na kurtina na pinili ko, at ang litrato naming tatlo sa isang maliit na frame sa side table. Ang pamilya ko. Ang tahanan ko.Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Killian, bagong ligo, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na tsokolate. “Akala ko gising ka na,” sa
Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewHabang nakaupo ako sa rocking chair sa gilid ng kwarto ni Althea, pinagmamasdan ko ang munting nilalang na himbing na himbing sa tulog, napuno ang puso ko ng damdaming halos hindi ko maipaliwanag. Sa bawat banayad na hininga niya, sa bawat galaw ng maliliit niyang daliri, ramdam ko ang isang klase ng kapayapaan na noon ay para bang imposible kong marating. Tahimik ang gabi, pero parang ang ingay ng damdamin ko sa tuwa."Totoo na to," mahina kong bulong sa sarili ko habang pinagmamasdan ang anak namin ni Killian.Pumasok si Killian sa kwarto, bitbit ang dalawang tasa ng tsaa. Lumapit siya sa akin at iniabot ang isa. Naupo siya sa tabi ko, nakatingin din kay Althea."Tulog pa rin siya?" tanong niya, sabay sulyap sa akin."Tulog. Mukhang busog at masarap ang panaginip," sagot ko, sabay ngiti. "Ang payapa niyang tingnan, ‘no?""Parang ikaw," sagot niya sabay ngiti rin. "Pagmasdan mo ang sarili mo ngayon, Amara. Hindi mo ba napapansin? Iba ka na."Na