Share

CHAPTER 8

CHAPTER 8

NANGINIG AKO sa takot. Sino ang taong nasa veranda? Sino ito?

Si Sir Travis ba ito? Si Tyron? O si Sage?

Pero bakit hindi ko namalayan na pumasok ito kanina? At mas lalong wala akong narinig na dumating kanina. Saka kung ito ang boss ko, dapat tinawag na ako nito pagkarating pa lang n'ya.

Kahit takot at nanginginig ang tuhod ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa nakabukas na veranda.

Bilog na bilog ang maliwanag na si Luna. Gusto ko mang pagmasdan ang buwan ng matagal, hindi ko magawa dahil sa kabang nararamdaman.

Ngunit sa sunod kong hakbang papalapit, bigla na lang itong nawala.

Dali-dali agad akong tumakbo papalabas ng veranda ngunit walang tao roon. Ni anino ng lalaking nakita ko kanina ay hindi ko na mahagilap. Para itong hanging bigla na lang dumaan at naglaho.

"OH MY GOODNESS!"

Bulalas ko na patuloy pa rin sa paghahanap. Sumilip ako sa ibaba pero wala. Kahit sa kabilang bahagi kung saan makikita ang mahabang hallway at fountain sa labas ay wala ring bakas ng taong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status