LOGINWe were at the most luxurious bar in Iligan, owned by a close friend of one of my friends.
Katatapos lang ng finals namin. Just a few more days and graduation was coming. I took Business Administration, a course so far from my dream. Hindi umabot ang average ko sa Form 137, kaya imbes na Nursing ang makuha kong kurso, napunta ako rito. Bata pa lang ako, nai-imagine ko na ang sarili ko na nag-aaral sa kursong Nursing. Too bad, fate wasn’t on my side. Wala rin akong sisisihin sa nangyari. Laging pasang-awa ang mga grado ko noong high school, kaya ganoon lang din ang naging resulta. At sa kasamaang palad pa, hindi ako kasama sa list of graduates ngayong taon. May naiwan akong dalawang subject. Nahuli kasi akong nangongopya no'ng finals kaya diretsong bagsak ako sa dalawang subject na iyon. Sinubukan ko naman pakiusapan ang dalawang instructor pero wala talaga. So here I was, surrounded by friends who were drowning in joy because they were graduating, while I was just here partying with them. “Dapat nag-educ na lang talaga ako, e. Ibabagsak ko talaga ang mga apo ng dalawang instructor na ’yon kapag naging teacher nila ako!” malakas kong sabi, dahilan para magtawanan ang lima kong kaibigan. I didn’t even realize how loud I was until the table beside us turned their heads because of my big mouth. “Good thing you didn’t. Those poor kids would suffer under you. Kung hindi mo jojowain mga tito nila, baka turuan mo pa sila maging bobo,” biro ni Sunny. Pinakyuhan ko siya. Lakas mang-alaska. Akala mo, ’di inutang sa’kin ang pinangbayad niya ng graduation f*e. “Ayaw mo no’n? Tuturuan ko sila paano magbayad ng utang, para naman hindi sila lumaking katulad mo,” balik ko sa pang-aalaska niya. Sinimangutan niya ako saglit, pero parang wala lang din dahil nakangiti na niyang tinungga ang Grey Goose. “Ano nang plano mo?” biglang kuha ni Suzy sa atensyon ko. I shook my head and copied Sunny, gulping down my drink in one go. “Wala. Maghahanap na lang ako rito ng boylet. You know, pampalubag-loob. Matinding sermon na naman aabutin ko kay Mama ’pag nalaman niyang hindi ako kasali sa graduation.” Napailing si Suzy. Ginaya ko siya para mang-inis, pero mas lalo lang siyang napailing. Inikutan ko siya ng mata nang ako pa ang nainis dahil nakitaan ko ng kaunting awa ang tingin niya sa akin. No. Wala dapat maawa sa akin. Hindi man ako ga-graduate kasama nila, at least, hindi mababago no’n ang katotohanang ako pa rin ang pinakamaganda sa aming lahat. “Kayo, anong plano niyo after graduation? Magpapakasal na ba kayo sa mga jowa niyo?” ako naman ngayon ang nagtanong sa kanilang lima. Binalingan ko si Sanaiah nang nagtaas siya ng kamay. Akala mo, e, kung sinong tinawag sa recitation sa classroom. “I’m planning to take my master’s. Puwede ring mag-japan na lang ako. Depende,” sabi niya sabay kibit-balikat. “’Di pa rin sawa mag-aral? Tibay, ah!” biro ko at inapiran siya. Sunod na sumagot si Reign. “Plano kong tumayo ng makeup line. Alam mo na, CEO vibes,” kindat niya sa akin. "Oh, ikaw naman? Baka totohanin mo na ang paghahanap ng drug lord, ah?" biro kong baling kay Sunny. "Mismo!" pagsang-ayon ng bruha, proud pang kumindat sa akin. "Nananalaytay talaga sa'yo pagiging Chinese, 'no?" bigo ko siyang inilingan. "Hinay-hinay sa pananalita. Baka nakakalimutan mong kambal kami. Ibahin mo 'ko." Hindi ko na pinansin ang kaartehan ni Suzy sa gilid ko. Alam ko naman sa aming lahat, siya itong masyadong seryoso sa buhay. Nakakainggit nga, e. She was graduating summa cum laude in the same course I failed at. “’Di ba, iyon ’yong crush mo?” tawag sa akin ni Blessica. Sinundan ko ang direksiyon ng tinuro niya at agad kong nakita ang lalaki sa may dance floor. Kung kanina ay nalulungkot ako sa sinapit ko, bigla akong nabuhayan nang makilala ko kung sino ang tinutukoy niya. “Girls… I think I need to go there,” I said, shooting up from my seat, my eyes locked on the dance floor. Hindi ko na hinintay ang mga komento ng barkada. Tumayo na ako at naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Shiloh. Nakatayo lang siya sa gilid ng dance floor. He was wearing a black leather jacket paired with faded black jeans. Kahit nakatalikod siya, hindi kayang itago ng tindig niya ang pagiging guwapo niya. At nang bahagya siyang lumingon, sapat para makita ko ang matikas niyang panga, isang bagay lang ang pumasok sa isip ko. Magiging masaya ang araw ko na ito! “Um… hi?” nakangiti kong bati sa kaniya pagkatapos kong tumayo sa mismong gilid niya. Lihim akong napangisi nang suplado niya akong binalingan. Ang tama lang na kapal niyang kilay ay magkasalubong. At ang may kasingkitan niyang mga mata ay madilim na nakatingin na ngayon sa akin. “Who are you?” Medyo natameme ako nang marinig ko ang malamig niyang tinig. Sh*t. Para akong hinangin ng malakas sa sobrang lamig ng pagkakadinig ko sa tanong niya. “Ako ‘to, si Letisha? You don’t remember me?” kunwaring gulantang kong tanong. Madrama ko pang tinuro ang sarili, sakto sa mismong nakalantad kong cleavage. Bahagyang sumama ang mukha ko nang hindi man lang bumaba ang tingin niya roon. Pero ayos lang. Kaya ko nga siya crush kasi bukod sa guwapo at mayaman, nanunupalpal din ng magandang babae. Ganoon kasi ang tipo ko. ‘Yong alam kong masasaktan ako sa huli. Lagi na lang kasi ako hinahabol. Nakakapagod rin kaya minsan ang ganoong ka-easy na lalaki. "Wala akong kilalang Atasha," tipid niyang sabi bago ako tinalikuran. Ay, bingi? Sabi ko, Letisha. Anong Atasha pinagsasabi niya? Na-alarma ako nang magsimula siyang maglakad palayo kaya mabilis ko siyang hinabol. "You're Renzo's cousin, right?" tanong ko pa rin na may pilit na ngiti habang nakabuntot na sa kaniya. He didn’t even bother to answer. He just kept walking. Sa kasusunod ko sa kaniya ay may nababangga na akong mga nagsasayaw, pero tuloy lang ako. Last year ko siya huling nakita sa university. Ngayon lang ulit nagtagpo ang landas namin. Baka pagkatapos nito ay wala na. Hindi ako papayag na hindi tumatak sa utak niya ang isang ako bago siya makawala ngayon. Naapakan niya ang ego ko noon dahil para lang akong dumaan na hangin sa tabi niya. Hindi man lang ako pinansin kahit umamin pa ako sa kaniya noong araw na iyon na naguguwapuhan ako sa kaniya. “Hey… where are you even going?” Hinawakan ko na siya sa may siko. Ang bilis ng lakad, e. Muntik na akong bumangga sa malapad niyang likod nang bigla siyang tumigil. Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis nang lingunin na niya ako. “Look, miss. I like someone else. She’s the prettiest for me. Whatever you’re thinking right now, just stop,” he said straight to my face. Hala. Gano'n ba ako kahalata para mabasa niya ang nasa utak ko? To be continued…Nanginginig ang katawan ko, hindi dahil sa takot. It was because of rage, fear, and disbelief swirling inside me like a storm I couldn’t control.Lahat ng pag-aari ko, lahat ng pinaghirapan ko, nawala sa isang iglap.Paanong nauwi sa ganito ang araw ko?Oo, totoong halos lahat ng mayroon ako ay galing sa pera ng mga naging boyfriend ko, pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko na pinaghirapan ang mga iyon.I gave my time, my effort, and yes, even my pride just to get everything I had.Amoy na amoy ko pa rin sa balat ko ang bakas ng usok, na humalo sa cologne ng kaniyang sasakyan.Gusto kong sumigaw. Gusto kong kalmutin ang mukha ng lalaking may kagagawan kung bakit napunta ako sa sitwasyong ito. Kung kaya ko lang din tumalon palabas ng kotse kahit mamatay pa ako sa gitna ng kalsada, gagawin ko.Ang kaso wala na akong lakas. Naubos na kanina. Nagsilbi akong estatwa sa kinauupuan katabi ang hayop na lalaki. Hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin dahil pakiramdam ko'y nagkabuhol-
Palaki na nang palaki ang apoy kaya kahit nanghihina na ako, pinilit kong tumayo. Masakit na sa balat ang init na epekto ng apoy pero nanatili akong nakatayo sa harap ng condo ko. Suminghap ako at tinatagan ang sarili. Alam kong imposibleng maisalba lahat... pero baka puwede pa. Sunod-sunod ang paglunok ko dahil sa naisip. Baka puwede ko pang maisalba ang mga gamit ko. Baka may maisalba pa ako sa ibang alahas at ibang ari-arian ko. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay malagpasan ang makapal na apoy. Sinuyod ko ng tingin ang paligid upang maghanap ng puwedeng ipangsaklob sa katawan ko. Nilapitan ko ang naispatang malaking basahan na nakasampay lang sa harap ng katabing bahay. Agad ko iyon kinuha sa sampayan. Mabuti na lang at may nakita agad akong balde sa gilid. May sapat na tubig doon kaya naman agad kong sinubsob doon ang dalang tela. Ibinalot ko na sa katawan ang basa na ngayong tela. Tamang tama ang lapad at haba niyon dahil halos matakpan ang buo kong katawan. Humin
Pagkatapos kong kumain, niligpit ko ang mga ginamit na kubyertos at naupo sa sofa para tawagan si Renzo.May kutob akong may kinalaman ang golden boy na ito sa nangyari sa araw ko ngayon.Ang kaso, inabot na ako ng siyam-siyam pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko.Inis kong ibinagsak sa kutson ng sofa ang cellphone nang makailang ring na ako pero ayaw pa rin niyang sagutin.Sigurado na talaga akong may kinalaman siya rito, kasi hindi niya ugali ang hindi sumasagot. Ibig sabihin, umiiwas siya. O baka natatakot na sa puwede kong gawin sa kaniya?Siguraduhin lang niya na hindi magkukrus ang landas namin, kasi kung hindi, pagbubuhulin ko ang bvlbul nilang magpinsan.Tumayo na lang ako at naghubad ng damit. Pumasok ako sa banyo para maligo, para kahit papaano ay maibsan ang inis na kumukulo sa dibdib ko.Isa pa, pinagod ko ang katawan ko sa pagiling-giling kanina, kaya hindi puwedeng matulog ako na hindi fresh ang pakiramdam.I turned on the shower and closed my eyes as the water
Kitang-kita ko ang pagbaba ng mata niya sa bandang dibdib ko. My teeth sank into my lip when I noticed the slight bob of his Adam's apple. Hudyat na ito na nahuhulog na nga siya sa bitag ng isang Atasha. Such an easy man.Bahagya kong ginigiling ang katawan ko habang nasa ganoong posisyon pa rin kami. Ang tingin ko'y diretso lang sa kaniyang mata. Ni hindi ko ito inalis hangga't hindi siya ang unang napaiwas ng tingin.Mahina.Tumayo ako nang tuwid at muling ipinaharap sa kaniya ang likod ko. When the pre-hook part came, I swayed my hips side to side, making sure every move made my ass bounce to the beat. Both my hands were clasped above my head.I wanna feel you (I wanna feel you too), I wanna feel you nearDalawang bagsakang kembot ng balakang ko ang pinakawalan ko sa parte na 'yan. Binaba ko ang magkabila kong kamay upang bumwelo na para sa chorus ngunit natigil ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa aking balakang."That's enough already," mahina niyang bulong sa tainga ko.
"At bakit naman kita susundin ngayon?" taas-kilay kong tanong sa kaniya.He looked at me with the most bored expression, one eyebrow raised like he was daring me to argue. Aba't ang kapal!"Because your job starts now. It's a mistress's obligation to make me happy," he said so casually, as if it were the most natural thing in the world.Kinunutan ko siya ng noo. "Akala ko ba para lang hindi matuloy ang kasal niyo ng kung sinumang Veronica na sinasabi mo kaya mo 'ko hinire bilang kabet?""Yeah, but making me happy is part of your job description too, as your boss. Now twerk."Napabuntong-hininga ako nang malalim, tila nawawalan na ng pag-asa sa kahibangan ng lalaking ito. Lihim ko siyang inirapan bago ako tumayo, handang gawin ang utos niya kahit na gusto ko nang isampal sa kaniya ang laptop sa kaniyang lamesa."Siguraduhin mo lang na bago matapos ang araw na ito, bayad na lahat ng mga utang ko," I said while scrolling through my playlist.Wala siyang imik kaya tinigil ko muna ang pag-
Mas lalo akong nag-apoy sa galit sa narinig, pero siya ay nanatiling nakatitig sa akin na para bang wala lang ang lumalabas ngayon sa bibig niya. “Be my mistress by hook…” His lips brushed dangerously close to my ear, “…or by twerk.”P-tangina.Gamit ang buong lakas ko, tumagilid ako at walang pakundangang sinipa siya sa bandang gitna ng kaniyang hita.Sapul!Nabitawan niya ako at napaluhod habang namimilipit sa sakit. At dahil natuwa ako sa ayos niya, nakangisi akong lumayo sa kaniya. Pagkatapos ay may pagmamalaki akong tumayo ng maayos habang nakahalukipkip sa harap niya."Ayan. Buti nga sa'yo!" I said with pure satisfaction.He dropped to his knees, clutching the spot I kicked. Parang hindi pa ako nakontento kaya lumapit ulit ako sa kaniya upang ulitin ang ginawa, ngunit kalalapit ko pa lang ay napigilan na niya ako sa balak gawin.He caught my leg before I could land the second kick. At sa mabilis na galaw, hinila niya ang hawak na niyang binti ko, dahilan kung bakit nawalan ako







