"Pasensya na talaga, Tesh. Gipit lang din talaga ako, e. Si Sunny, try mo. Baka may natira pa sa suweldo niya last month."Mapait akong napangiti habang nakikinig."Hindi, okay lang. Naiintindihan naman kita. Natawagan ko na si Sunny kanina. Out of reach siya. May iba ka bang number niya?""Baka busy siya ngayon? Isa lang naman gamit niyang number. Baka mamaya, masagot na niya tawag mo."“Oh… sige,” I agreed after a long pause.I said goodbye and ended the call.I shut my eyes tight and threw myself on the bed, feeling completely drained.Ano na'ng gagawin ko ngayon?Halos lahat na ng nagkakautang sa akin, natawagan ko na, pero pare-parehas lang ang sagot nila sa'kin. Kung hindi gipit ay may importanteng paggagamitan sila ng pera.Now that Suzy was my last hope, she failed me too. And as for Sunny, her twin, I’m not counting on her either. Ever since naman talaga, utang-kalimutan ang arte ng bobita na 'yon.Ang sarap maglaho at takasan na lang ang mga utang ko.Oo, lubog ako sa utang,
Last Updated : 2025-12-03 Read more