Andrea's POV
Nagising ako sa sakit ng babang bahagi ng katawan ko at sa bigat ng kamay na nakadagan sa bewang ko na nagpa-sink in sa utak ko kung ano ang lahat ng nangyari kagabi. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nito sa bewang ko at duma-osos pababa para hindi mamalayan ang galaw ko. Nagmamadali akong nagbihis at dahan-dahan umalis sa lugar na yun bitbit ang perang nakuha ko at ang tseke na binigay nito. Kahit masakit ang ibabang parte ng katawan ko, hindi ko ito iinda. Ang tanging alam ko ay ang makarating ako sa hospital ng maaga. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa hospital. Nadatnan ko ang lola at kapatid ko habang nakabantay sa lolo kong nakahiga sa kama. "La, andito na po ako," sabi ko, at pagkakita nito sakin ay panay ang tulo ng luha nito. "Saan kaba galing apo?" Umiiyak na tanong nito. Gusto ko mang sabihin ang pinagdaanan ko pero alam kong mapapatay ako ng lola ko. "Nakahanap na ako ng pera la," sabi ko at inabot ang perang dala ko habang hindi makatinginsa mga mata nito. Namayani ang katahimikan. Alam kong gustong malaman ng lola kung saan ko nakuha ang perang dala ko, ngunit ni isang katagang pagtatanong wala akong narinig mula rito. Makalipas ang ilang linggo, buwan, at taon, naging maayos ang operation ng lolo ko; nakalabas ito sa tulong ng perang nakuha ko, at ang tira nito ay ginastos ko sa pag-aaral ko pati na sa pag-aaral ng kapatid ko. At ngayon magkakapagtapos na ako. Walang pagsidlan ng kasiyahan ko dahil sa lahat ng nangyari hindi ako pinabayaan ng panginoon sa lahat ng problemang pinagdaanan ko. "Apo, masayang-masaya ako sa lahat ng naabot mo. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyong ginawa mo," mangiyak-ngiyak na sabi nito. "La, lahat ng ginawa ko ay para sa inyo kaya kahit anong hirap ay gagawin ko makatulog lang sa inyo," emosyonal na sabi ko. "Kaya wag na po kayong umiyak, masisira ang moment natin nito at baka pumangit pa ang make up ko," natatawang sabi ko. Maaga akong nagising dahil ito ang araw na pinakahihintay ko dahil matapos ang madamdaming graduation day ko, makalipas ang isang linggo, kinabukasan naghanda na ako para maghanapng trabaho. At sa awa ng Diyos, isang malaking company ang unang inaplayan ko at natanggap naman ako dahil pasok ang job description ko sa hiring ng company nila. Isang Black mini skirt at white long-sleeve polo ang suot ko at pinaresan ito ng flat black shoes. Humaharap ako sa salamin para tingnan ang hitsura ko at naglagay ng kunting make-up at gumayak na. Habang nasa biyahe ako, pinagdadasal ko na sana mabait ang magiging boss ko at mga katrabaho. Bumaba ako sa harap ng malaking company building na pagtatrabahoan ko, ang sikat at kilalang kumpanya sa bansa walang iba kundi ang Madrigal Group of Companies, na siyang unang company na pagtatrabahoan ko. Bago ako bumaba ng taxi, inayos ko muna ang sarili ko at ni-retouch ang make-up ko. Pagpasok pa lang, sigaw na nito ang karangyaan kaya napakaswerte kong bibigyan ng pagkakataon makatrabaho sa ganitong company. Pagpasok ko palang napakagalang na ng mga guard na nadaanan ko, at dumeretso na ako sa department na pagtatrabahoan ko. Naghintay lang ako ng kunti, at maya-maya lumabas na ang isang magandang babae na medyo may katandaan. Ito ang babaeng nag-interview sa akin ng isang araw. Mukhang hindi naman siya suplada dahil malayo pa lang nakangiti na siya, kaya nginitian ko rin siya. "Hi, I'm Lory, the HR manager. It's nice to see you again," sabi nito at makipagkamay sa akin. "Hello ma'am, nice meeting you rin po," nakangiting sabi ko. "Gusto ko lang ipaalam na may nagbago sa job position mo, Ms. Andrea Villarreal, kasi sa taas nangangailangan kasi ng bagong secretary ang bagong CEO namin kaya ikaw gusto kong ilagay sa position because of your academic qualification, kaya sana pagbigyan mo ang hiling ko at wag kang mag-alala, may magtuturo sayo ng lahat mong gagawin don." Mahabang paliwanag nito, at sino ba naman ako para umayaw dahil alam kong mas mataas na opportunity yun at isa pa kailangan ko ng trabaho. "Sige po, Ms. Lory, walang problema sa akin yun sa akin, basta makapagtrabaho lang po ako at wag kayong mag-alala, hindi kayo mabibigo," sabi ko na ikinangiti nito. "May maghahatid sayo sa office ng CEO. Basta sundin mo lang ang lahat ng itinuro nito at wag kang mag-alala, bukas pa ang dating nito galing America." Mahabang paliwanag nito na ikinatango ko. Maya-maya tumawag siya ng isang babaeng empleyado. Maganda ito at mukhang mabait. Ito ang naghatid sa akin sa palapag kung saan ang office ng CEO. Habang sumasakay kami sa elevator ay hindi ko maiwasang magtanong sa babaeng empleyado. "Ano ba ang kasarian ng boss natin?" Walang hiyang tanong ko at ngumingiti naman ito. "Sorry ma'am, hindi ko rin alam. Bago kasi siyang CEO natin kaya wala pang nakakaalam kung sino at kung ano ang kasarian niya. Base sa alam ko anak siya ng dating CEO, na chairman na ngayon ng kumpanya. Galing daw ito sa America dahil ito rin ang namamalakad doon, kaya lang ito umuwi dahil kailangan niyang palitan ang chairman." Mahabang paliwanag nito na ikinatango ko. Magtatanong pa sana ako ng tumunog ang elevator. "Ting"****** Huminto ito sa 35th floor, at nagbukas. Naglakad kami ng kaunti nang may sumulubong na lalaking kasing edad ko. "Sir, si Ms. Andrea Villarreal po ang pinadala ni ma'am para maging secretary ng bagong CEO, sir," pakikila ng babaeng kasama ko sa lalaking kaharap namin. Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Hi Ms. Andrea, ako si Lary, ang chief executive assistant ni Sir Tyron. Nice meeting you, ma'am," pakilala nito sabay naglahad ng kamay nito na tinatanggap ko. "Nice meeting you din, Sir Lary," sagot ko. "Ma'am, iwan na kita dito, si Sir Lary na ang magtuturo sa lahat ng gagawin mo dito," paalam ng babaeng naghatid sa akin. "Sige, ma'am, thank you," sabi ko at umalis na ito. "Bago tayo magsimula, Ms. Andrea, gusto kong ipaliwanag sa iyo ang nilalaman ng work contract mo," sabi nito na ikinatango ko, at umupo ako kaharap sa table nito. Nagdiscuss ito ng nilalaman ng contract, maganda ang benepisyo at sahod nito kaya walang dahilan para hindian ko.Andrea's POV Habang naghihintay sa driver na sinasabi nito,umupo muna ako sa couch. Saktong ding lumabas si ate Marie mula sa dining room. "Uy ma'am este Andrea akala ko umalis kana?" "Hindi pa hihintayin ko nalang daw ang driver ni sir Tyron ate papunta na daw iyun dito" Sagot ko sa tanong nito. Nakita kong humakbang ito papunta sa akin. "Ah, sino kaya sa driver ni sir? Marami kasing driver yan. Baka si kado ang pinadala niya" Wika ni ate Marie. Hindi ko naman kilala ang mga pinagsasabi niya kaya nakikinig nalang ako. "Alam mo, maraming driver iyan si sir Tyron tapos hindi naman siya nagpapadrive, madalang lang iyan sa minsan ang umutos sa driver niya, ang bait kasi niyan ni sir halos wala ng trabaho iyang mga driver niya pero malaki naman ang sahud. Lalo na kapag December namimigay iyan sa lahat ng tauhan niya ng tag lilimang libo,hindi ko alam kung sa empleyado niya opisina ganun rin ba?" Sabi nito at tumingin sa akin. Na amazed ako sa narinig kong mula Kay ate Ate Ma
Andrea's POV Tumulo ang isang butil ng luha sa mga mata ko. At wala akong idea kung saan galing ang luhang iyun, basta ang alam ko may kung anong sakit na bumalot sa puso ko. Pasalampak na humiga ulit ako sa kama. Tumutulo pa rin ang mga luha ko kaya marahas na pinahiran ko ito. "Tumigil ka na Andrea! Tigilan mo na iyan nararamdam mo para sa boss mo!" Saway na sabi ko. Hindi ko naman itatanggi na sobrang mahal ko talaga si sir kahit alam kong parte lang ng kontrata at utang ko ang lahat ng ginagawa namin. Nakakapangliit ng pagkatao, pagkatapos ako nitong gamitin tatayo at iiwan na agad ako nito, feeling ko daing ko pa ang parausan na kabit nito. Matagal bago ako nakatulog, iniisip at sinasaway ko pa kasi ang sarili ko na huwag ng ipagpatuloy kung ano man itong nararamdaman ko para kay sir Tyron. "Bukas na bukas hangga't maari ikaw na ang umiwas Andrea! Boss mo siya at secretary ka lang niya although may isa ka pang trabaho sa kanya which is ang paligayahin siya sa kama pero p
WARNING SPG ALERT ⚠️ 🔞 Andrea's POVPagkatapos ng pagdadrama ko, nakaramdam ako ng matinding antok kaya humiga ako. Sinalubong ng napakalambot na kama ang likod ko kaya napapapapikit hanggang kalaunan hinihila na ng antok ko ang buong sistema ko.At dahan dahang nawala ang ulirat ko. Alas nuebe na ng gabi ako nagising,medyo mataas taas din ang naging tulog ko pero humuhikab pa rin ako hanggang ngayon kahit pababa na ako ng kama. Sinipat ko ang buong kwrto kanina kasi natulog lang ako deretso at di ko man lang nasilayan na napakaganda at laki pala nito. Kung e-kukumpara parang basketball court na ito ng barangay namin.Nakaramdam ako ng init kaya kinuha ko ang bag ko. At kinuha lahat ng damit ko at inilipat sa closet na andito. May mga damit naman na andito at hindi ko alam kung kanino kaya hinawi ko nalang muna at ipinatong ang iilang pirasong damit ko.Pagkatapos kong maglagay deretso na agad ako sa banyo. Unang apak ko lang sa sahig nito nalula na ako sa ganda at laki nito.Hindi t
Andrea's POV Halos baliktarin ko na ang sikmura ko sa kakasuka pero wala namang lumalabas sa bibig ko. Hinawakan ko ang sikmura ko at hinaplos haplos ito at baka sakaling mabawasan ang nararamdaman ko. "Hey, what's wrong? May nakain kaba?" Tanong ni sir Tyron at hinahaplos haplos din ang likod ko. Hindi ako makapagsalita kaya pag iling iling na lang ng aking ulo ko ang naging sagot ko sa tanong nito. Kumalma ang pakiramdam ko matapos ang ilang minutong pagsusuka ko kaya umangat at humarap ako ng tingin dito. "Oh shi-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil papunta sa gawi ko ang ihip ng kaya pasok lahat sa ilong ko ang masasang na amoy ng perfume ni sir Tyron. Lumuluha na ang mga mata ko sa kakasuka ko. Naramdaman kong umalis ito sa likod ko habang may sinasabi. "Do I smell bad?" Rinig kong sambit nito habang binubuksan ang pinto ng kotse. Nang nasa loob ng kotse si Tyron naging okay na naman ang pakiramdam ko. "Gosh! Anong nangyayari sa akin? Bakit ang sasang ng amoy ng perf
Andrea's POV Kinaumagahan nagising ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko. Nakapikit na kinapa ko ito at hindi man lang tiningnan ko sino ang tumatawag. "Hello?" Basag pa ang boses ko na sinasagot ito. "Ready na ba ang mga gamit mo?" Baritonong na boses na sabi ng kabilang linya. Familiar ang boses nito kaya agad kong iminulat ang mga ko at tiningnan kong sino ito? "Sir Tyron?" Mahinang bulaslas ko ng mapagtanto kung sino ito. Ibinaba ko agad ang cellphone at inayos at Kinalma ang sarili ko. "Hello sir? Magandang umaga po" "I said if your things is ready?!" Tanong na sabi nito. "Po?" Nagugulahan na tanong ko. Alam ko, na ngayon ang sinabi nitong lilipat ako at titira sa bahay niya pero bakit naman ganito ka aga? "Nasa labas ako ng bahay niyo, I'll give you 30 minutes to fix your self and pack your things!" Mautoridad na sabi nito at binabaan ako. Mabilis na tumayo ako sa higaan ko at tinungo ang banyo. Wala pang limang minuto lumabas na ako. Mga pang lakad
Andrea's POV Nang makapasok na ako sa kwrto ko agad na pasalampak na humiga ako sa kama. Iniisip ko kung ano ang idadahilan na sasabihin ko Kay lola. Alam kung magtataka ito kung sasabihin kong magrerenta ako ng bahay malapit sa pinagtatrabahoan ko e. alam naman nito na ang lapit lang ng Madrigal building dito sa amin. "God help me!" Sambit na sabi ko dala ng frustration na nararamdamam ko sinubsob ko sa unan ang mukha ko. Tumagal ng mahigit isang oras na nakatulala ako sa kisame hanggang sa mapagdesisyonan kong bumaba para sabihin na ito kay lola. Paulit ulit na sinasabi ni sir Tyron na dapat bukas handa na ako sa paglipat sa bahay niya. Huminga muna ako ng malalim bago bumaba. Hinanap agad ng mga mata ko kung saan si lola at nakita kong andon pa rin ito kung saan siya kanina nakaupo. Nanood na naman siguro ito ng paborito niyang pelikula na batang quipo. "La," tawag ko. Tumingla ito at tumingin sa akin. "La, may gusto sana akong sasabihin sa inyo" Paninimula ko. Umupo ako