MasukAndrea's POV
" Ading apo gising na malalate kana sa trabaho" Nagising ako sa mahinang pagyugyug ni lola sa katawan ko.Sinapat ko ang orasan mag aalas sais na ito,kaya napabaligwas ako ng bangon at nagmamadaling niligpit ang higaan ko. " Sige la, maliligo lang ako tapos bababa na ako " Sabi ko sa lola ko at lumabas na ito sa kwrto ko. Ngayon ang unang araw ko bilang secretarya ng bagong CEO ng kumpanyang pagtatrabahoan ko, hindi ako pwedeng malate baka unang araw palang s***k na ako sa trabaho. Pagkatapos kung maligo, toothbrush, at mag lagay ng sunscreen lahos lahughugin ko na ang buong cabinet ng damit ko sa kakahanap ng maganda at presentable na maari kung suotin, and thanks God nakita ko ang damit ko na halos isang dekada ng nakatago sa loob ng cabinet. Isang skyblue long sleeve at black mini skirt na hindi na masyadong maiksi ang sinuot ko at pinaresan ko ito ng hindi naman masyado mataas na black sandals , bago ako bumaba tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at muling inayos ang naka pony tail na buhok ko. " Lord, sana po gabayan niyo ako sa unang araw ng trabaho ko, kailangan ko ito para sa pamilya ko, paubos na ng paubos ang perang tinatago ko dahil sa mga gamot ng lolo" Mataimtim na sabi ko sarili ko. Pagbaba ko, naabot ko ang Lola ko na naghahain ng pagkain habang ang Kapatid ko naka ready na rin ito para sa pagpasok sa school , sinipat ko ang mga mata ko at natagpoan ko ang aking lolo, nasa labas ito nakaupo sa kanyang wheel chair ,and yes naka wheel chair na ito simula Kasi ng mailabas namin siya sa hospital hindi na niya maigalaw ang kabilang parte ng katawan niya, nilapitan ko ito at niyakap mula sa likod. " lo, ba't ang lalim ata ng iniisip niyo? " Malumanay na sabi ko . tumingla ito at parang namangha sa hitsura ko . " Uy, a-po ang ga-ganda na-naman ng a-anding k-ko " Nauutal na sabi nito, simula ng ma stroke ito, hindi lang katawan ang naapektuhan nito pati na rin ang pagsasalita nito ay apektado kaya lahos di na rin masyadong maintindihan ang bawat pagbigkas nito, pero para sa amin masaya na kami kahit papano nagagawa pa rin nitong makipag usap sa tao. " Unang araw ko po ngayon sa trabaho lo, ayokong makita kayong malungkot jan, nahihina tuloy ako " Malimbing na sabi ko. " Pero dahil gwapo ka ngayon, parang nagkaka-energy ako" Birong sabi ko ,tahimik kasi ito kaya dinaan ko nalang sa biro. " Oh! Sige na lo, alis na ako ha? Wag kang magpapasaway Kay lola , dahil pag uwi ko mamaya bilbilhan kita nong gusto mong tinapay sa bakery nila aling Betty Okey?" Malambing na sabi ko ,bago ako umalis niyakap ko muna ito. " la, alis na po ako baka malate na ako, traffic pa naman ngayon kasi monday" Paalam ko sa lola ko. " Bakit? Hindi kaba mag aalmusal?? Tanong nito sabay abot ng baon ko. " La, wag na po doon nalang ako kakain total may masarap na baon naman ako, na gawa niyo " Pagmamalaking sabi ko sabay taas ng baong binigay nito, ngumiti naman ito sabay tango. " loka ka talaga! Oh sya! Sige! Umalis kana baka ma abutan kapa ng traffic. After 3 minutes kung paglalakad ,narating ko na rin ang sakayan ng jeep mula Kasi dito sa amin sasakay pa ako ng jeep ng mga 15 minutes para makarating doon sa kumpayang pagtatrabahoan ko. Hindi masyadong mataas ang pila ngayon sa sakayan ng jeep kaya mabilis akong nakasakay, habang nasa loob ako ng jeep panay naman ang dasal ko na sana wag akong malasin sa araw nato. " Good Ms. Andrea, nasa loob na po sir Lary naghihintay" sabi nong babae na parang assistant din ni sir Lary. Ang Sabi Kasi nito kahapun Bago ako pumasok dumaan muna ako sa opisina nito. Kinatok ko muna ang pinto at huminga ng malalim bago buksan ito at pagbukas ko nakaupo ito habang may kausap sa telepono, ngumiti ito at suminyas sa akin na sandali lang at tumango naman ako. " Buti naman at maaga ka ,si sir Tyron yong tumawag ang sabi niya mamayang 9:30 ang dating niya sa airport kaya kailangan nating sunduin siya, umakyat kana sa 48th floor at mag ready kana at exact 8:30 aalis na tayo at siyanga pala nai-email ko na sayo ang schedule ni sir Tyron sa linggong ito , bagohin mo nalang kung may iisingit siya " Sabi nito na ikinatango ko. Habang paakyat ako nagsisimula na naman ang kaba ko , kung kahapun 7/10 lang ang kaba na nararamdam ko ngayon 10/10 ata , di mapigilan ng utak Kong mag overthink kung ano ang ugali ng boss ko? Paano kung napakastrikto nito? ano kaya ang hitsura nito? at lalo na inooverthink ko rin baka magawa ako ng mali sa araw nato. Ting****** Tunog ng elevator ang pumukaw ng atensyon ko, pagtingin ko nasa 48th floor na ako, pagbukas ng pinto makikita na rito ang napaka eleganting design sa labas ng office nito ,ang mga naglalakihang paintings na nakasabit at ang mga mamahaling antique na naka display sa bawat pasilyo, hindi ito ang unang beses na nakapasok ako rito dahil kahapun palang itinuro na ni sir Lary, ang lahat ng gagawin ko rito. Sa buong floor nato tanging office lang ng CEO ang nandito at sa labas ng pinto nito , andito ang table ko. Nag arrange lang ako ng konti sa table ko, wala pa namang masyadong mga nakadisplay dito, nagbukas ako ng computer at tiningnan ang schedule na sinend ni sir lary may inayos lang ako ng konti sa sequence nito at pagkatapos pumasok ako sa office ng CEO. Pagpasok ko pa lang sumisigaw na rito ang karangyaan,gaya sa labas may mga naka display rin na mga mamahaling paintings at antique sa bawat sulok ng opisina nito ,napakaaliwas ng ambiance nito sa loob kahit ata lamok mahihiyang pumasok dito dahil sa sobrang linis at bango nito, nag arrange lang ako ng konti sa table nito nagbawas na rin ako ng gamit na naka display, dahil kabilin bilinan ni sir lary na ayaw na ayaw daw nitong maraming nakalagay sa mesa nito, Kasama sa trabaho ko na siguraduhing malinis at well arrange lagi ang opisina nito lalo na ang table nito kaya kahit nakaka tense na pumasok dito, wala akong magagawa kailangan kung gawin ang trabaho ko.Andrea's POV "Mommy! Daddy" Umiiyak na sigaw ng anak ko. Lakad takbong na lumalapit si Tyron sa amin subalit biglang nagpaputok si Layla kaya nahinto bigla ito. "Sige! lapitan mo pa ang mag ina mo Ty! At talagang hindi ako magdadalawang isip na sa pangalawang putok ng baril na ito at mapunpunta na sa ulo ng anak mo!" Bantang sigaw nito. Hindi ko alam Kong saan ko pa ilalagay ang matinding kaba at takot ko. Alam Kong seryoso si Layla sa mga sinasabi niya. Kung ako lang sana mag isa ay kaya Kong labanan ang takot ko at harapin si Layla pero andito ang dalawang taong importante sa buhay ko. Ikakamatay kong may mangyaring masama man isa sa mga ito kaya hangga't maari tinikum ko ang bibig ko upang hindi ma trigger si Layla. Halatang nasisira na ng bait ito at anomamg oras alam Kong kayang kayang pumatay na nito. "Ms. Layla! Sumuko kana!" May narinig akong sumigaw at nakita kong mga pulis ito. Dahil sa sigaw naging Alerto si Layla at biglang tumakbo at hinila ang mommy ni Tyron.
Andrea's POV"Layla please! Alam kong nasaktan kita pero mahal kita Layla. Mula noong mga bata pa tayo hanggang ngayon ikaw pa rin ang Layla na laging pinaprotektahan ko" Mahinahon at mahabang wika ni Tyron. Dahan dahan na nilalapitan nito si Layla. Habang kinakausap ito ni Tyron nakita kong biglang umamo ang mukha nito at nakatulala lang na nakatingin sa mukha ni Tyron. "Please! Akin na bitawan mo na yan" Sabi ni Tyron. Isang dangkal nalang ang pagitan nila kaya halos mapugtuan ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. Nanginginig ang kamay ko habang pinanood si Tyron na kukunin ang kutsilyo sa kamay ni Lalya. Sobrang lapit na kamay ni Tyron sa kutsilyo ng biglang narinig namin ang boses ni madam chairwoman. "Diosko ang apo ko!!!" Sigaw nito. Kakababa lang nito sa sasakyan at halos mahimatay Dahil sa nakita niyang tinututukan ng baril ang ulo ni Ronron. Dahil sa pagsigaw ng mommy ni Tyron napalingon naman si Layla dito. Mabilis ang naging galaw ni Tyron at kinuha agad nito ang kutsilyo
Andrea's POV Nakangiting nanood ako sa anak ko habang naglalaro ito sa harap ng bahay namin. Alas singko e medya na ito ng hapun kaya inilabas ko nalang muna si Ronron para naman makalanghap ito ng sariwang hangin. Simula ng lumipat kami dito sa bahay ni Tyron. Minsan nalang nakakalabas ang anak ko lalo na kung andito ang Lola niya. Babadbad sa loob ng bahay si Ronron dahil sa bawat dating ng Lola nito ay may mga dalang iba't iba laruan. Hindi ko man gusto na spoiled nito ang anak ko pero hindi ko naman magawang sawayin si madam chairwoman. Simula ng mag usap kami at humingi ito ng tawad, ay napapansin ko na rin ang pagbabago nito. Hindi na ito gaya ng dating chairwoman na kilala ko na saksakan ng pagkamatapobre. Minsan kapag andito ito sa bahay. Ito ang nagprepresentang magluto at mag alaga kay Ronron. Nag iinsist akong hindi niya dapat gawin yon kasi andito naman ako at may Yaya naman si Ronron. Subalit mapilit ito at patuloy pa rin sa pag aalaga sa apo niya. Na appreciate ko na
Tyron's POV Tulog na tulog si Andrea habang nakasandal ito sa balikat ko. Kasalukuyang pauwi na kami at alam kong pagod na pagod ito dahil sa ginawa namin.Hindi lang isang beses namin ginawa, kundi umabot pa ito anim na beses. Nawawala talaga ako sa kontrol sa sarili ko kapag ito'y nakadikit sa katawan ko. Pakiramdam ko hindi ako makakaget over dito kapag hindi ko makikitang pagod na pagod na ito or ito na mismo ang aayaw na angkinin ko pa ang katawan nito. Walang pinagbago ang nakakabaliw na epekto ni Andrea sa akin. Gaya ng dati, nagwawala ako sa katinoan ko pagdating kay Andrea. "Hmmmm....Ty" Rinig kong ungol nito saka gumalaw at sumiksik lalo sa leeg ko. Yakap yakap ko ito habang natutulog. "Shhhhhh...I'm here baby matulog ka lang hmmm" Malambing na bulong ko at hinalikan ang ulo nito. "Sir, Wala na po kayong bibilhin?" Untag na wika ni Mang Ben. Dahil sa pagod na pagod si Andrea kaya tinawagan ko si Mang Ben at nagpasundo dito. Hindi ko magawang magmaneho habang tulog na t
WARNING SPG ALERT ⚠️ 🔞 Andrea's POV Kasalukayang nasa loob ako ng opisina ni Tyron habang hinihintay ito. Tatlong araw na simula ng mag usap kami ng mommy niya. Simula non, walang araw ding pumupunta ito sa bahay para dalawin si Ronron. Actually kakatawag lang din sa akin ni ate May at nagsabing andon na naman daw ito ngayon. Hindi ko naman ipagdadamot ang anak ko sa kanya dahil alam kong mahal na din siya ng anak ko kaya hinayaan ko nalang ito. "Hi baby?" Bungad na untag ni Tyron sa akin. Kakapasok lang nito sa pintoan habang may mga bitbit na mga folder. Alam Kong kakagaling nito sa boardroom dahil may international clients ito na kameeting. "Baby ko" Masayang sagot ko at tumayo para salubungin ito. Agad na niyakap namin ang isa't isa. Pakiramdam ko na miss ko ito ng sobra kahit kaninang umaga lang namay kasama at nakita ko naman ito. "I miss you" Malambing na saad ko at sumiksik Lalo sa dibdid nito. Sininghot ng sininghot ko ang natural na amoy ng katawan nito. Lately, napapa
Andrea's POV Dahan dahan na papalapit na hahawakan ni Ronron ang mukha ng lola niya. Napakainosente ng mukha ng anak ko. Ngumiti ito sa lola niya sabay haplos sa ang umiiyak na mukha nito. "Ba-bakit po kayo umiiyak??" Magalang na tanong nito. "No-no apo. Masaya lang ang grandma na makita ka" Umiiyak na sagot ng Lola nito matapos marinig ang tanong ng anak ko. Karga karga ito ni Tyron kaya dumako din ang paningin ko dito. Makikitang nagpipigil sa emosyon ang mukha nito habang nanonood din sa mag-Lola. "Ca-can I-" Hindi naituloy ni madam chairwoman ang sasabihin niya ng biglang ibinigay ni Tyron si Ronron dito. At sa moment na nasa bisig na nito si Ronron ay agad nitong niyakap ng mahigpit ang kanyang apo. Hamagulhul na umiiyak ito habang ang anak ko kaya tahimik lang hinahayaan niya ang Lola niya. "Shhh, tahan na po grandma. Sabi ni mommy nakakapangit daw po ang umiiyak" Biglang sabi ng anak ko sa gitna ng matinding pag iyak ng Lola niya. Hindi ko alam kung paano kung pipigil







