Paglingon ko, napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—gwapo, matipuno ang katawan, ngunit nasa 40’s na siya. Nakaramdam ako ng init nang maamoy ko ang pabango niya. He looked so fresh, para bang bagong ligo lang siya. Napakalinis kung titignan, kaya hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan siya.
“Hey!” sambit niya.
Nakaramdam ako ng hiya nang mapagtanto kong saglit akong natulala. Sino ba naman kasi ang hindi matutulala sa lalaking ito?
“Y..Yes, Sir. I’m available. You can take me out now. Sa manager po ang bayad,” nakangiting sabi ko.
Seryoso siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa, tapos naglakad patungo sa counter kung saan naroroon ang aming manager upang magbayad. Pagbalik niya at papalapit sa akin, saglit kaming nagkatitigan. Seryoso at walang emosyon ang tingin niya sa akin, kaya hindi ko siya kayang titigan ng matagal at napayuko na lang ako.
“Done. Sumunod ka na lang sa’kin,” malamig na sabi niya.
Napakagat-labi na lang ako sa sinabi niya at lumingon saglit sa manager ko. Nakita ko ang laki ng ngiti ng baklang manager namin at suminyas ito na sundan ko na siya.
Paglabas ko ng bar, nakita ko siyang sumakay sa kotse niya na parang wala lang, kaya't nakatayo ako saglit sa harapan ng bar. Nakita ko siyang binuksan ang bintana ng kotse at seryosong tumingin sa akin.
“What the hell are you doing there? Get inside the car!” dominanteng sabi niya.
Dali-dali naman akong naglakad, binuksan ang pintuan ng kotse, at sumakay. Sumulyap ako sa kanya, at seryoso pa rin ang mukha niya habang nagmamaneho. Sobrang tahimik, ibang-iba sa mga lalaking naging client ko. Hindi rin siya nagpakita ng kahit anong kamanyakan tulad ng inaasahan ko. Ano ba itong nangyayari? Saang hotel kaya niya ako dadalhin? Ayaw niya ba dito sa car na lang? Magkano kaya ang binayad niya sa manager ko para abot-tenga ang ngiti nun? Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko, pero hindi ko alam kung paano siya kakausapin, dahil tahimik lang siya at napakaseryoso.
Ilang minuto pa, huminto ang kotse niya sa harapan ng isang magarang hotel. Agad siyang bumaba, kaya bumaba na rin ako. Sumunod ako sa kanya nang salubungin kami ng mga staff at binati.“I need a room for 2.” dominanteng sabi niya sa staff.
“Okay, sir. Can I have your names, please?” tanong ng receptionist.
“Mr. & Mrs. Castillon.” seryosong sagot niya.
Labis akong nagulat sa sinabi niya dahil ako lang naman ang kasama niya. Bakit "Mr. & Mrs. Castillon"? Nasisiraan na yata ng bait ang lalaking ito o kinakahiya niya na nagbabayad siya ng babaeng katulad ko?
Pagpasok namin sa kwarto, sinundan ko siya ng tingin nang hinubad niya ang tuxedo na suot niya. Honestly, sa lahat ng lalaking nag-book sa akin, siya ang pinakahot kahit may edad na. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay gusto ko na siya. Wala akong ibang priority ngayon kundi ang kapatid ko. Isa pa, sa trabaho kong ito, sigurado akong walang magseseryoso sa akin at magkakamaling patulan ako. Ngunit wala akong pakialam dahil ang mahalaga para sa akin ay si Mio.“What’s your name?” tanong niya, at nabigla naman ako.
Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ang pangalan ko.
“W...Wella po,” pagsisinungaling ko.
Seryoso siyang tumingin sa akin at bumuntong hininga. Napayuko na lamang ako, dahil hindi ko siya kayang titigan sa mga oras na iyon.
“Liar. Ayaw ko pa naman sa lahat ang nagsisinungaling sa akin.” sabi niya.
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Hindi naman mahalaga kung makilala niya ako at ang buong pagkatao ko. Nandito ako para magbigay aliw sa kanya, hindi para makipagkilala pa.
“Sir, nandito po ako para magbigay ng serbisyo, hindi para sa isang interview,” naiinis na sabi ko, ngunit pilit kong pinapanatiling kalmado ang sarili ko.
“You’re right. But let me ask you one thing. How much money do you need now?” seryosong tanong niya.
Hindi ako agad nakasagot at inalala ko ang sinabi ng doktor sa akin kanina. Kailangan ko ng dalawang milyon para madugtungan pa ang buhay ni Mio.
“Lia, tell me how much money you need,” ulit niya.
“Seryoso po ba kayo sa tanong niyo, sir? Kasi kung oo, sa totoo lang, kailangan ko po ng dalawang milyon para madugtungan ang buhay ng kapatid ko,” mariin na sagot ko.
Saglit siyang natahimik sa sagot ko, at inaasahan ko na iyon. Ngunit nanlaki ang mga mata ko sa labis na pagkagulat nang magsalita siya ulit.
“I have an offer,” seryosong sabi niya.
“Offer?” nalilitong tanong ko.
“Gagawin ko ng tatlong milyon. Be my wife for a one-year contract.”
Hindi ko namalayang napangiti na pala ako habang nakatingin sa kanya. Suot niya ang isang puting long sleeves na lalong nagpaangat sa kanyang kagwapuhan. Nakafold pa ito hanggang sa kanyang mga braso kaya kita ang suot niyang relo. Ang perpekto niya.“Kumusta si Lea?” tanong niya sabay lagay ng bouquet sa side table.Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko nang ma-realize kong nag-expect akong para sa akin ang bulaklak. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin kay Lea.“Nag-convulsion siya kanina. Buti na lang naagapan agad ng doktor. Sabi naman ni Dr. Chua, wala na raw dapat ipag-alala,” sabi ko sa kanya.“I think I need to hire a doctor who can watch over her from time to time,” sagot niya.“Pero ‘di ba mas mahal iyon?” tanong ko.“Yeah, but money is just money. Mas mahal ko ang anak ko,” sagot niya.Hindi ko maiwasang humanga sa kanya dahil sa lalim ng pagmamahal niya sa kanyang mga anak. Sa akin pa lang, gumastos na siya ng milyon-milyon para lang magkaroon sila ng ina. Napangiti ako
“Mommy, call the doctor now, please!”sigaw ni Leo, nanginginig ang boses niya.Nanginginig ang buong katawan ni Lea at ako'y sobra nang nataranta, hindi ko alam ang gagawin. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan, sabay sigaw kay Manang Lourdes upang humingi ng tulong.“Manang! Manang! Tawagan niyo po ang doctor!” sigaw ko.Dali-daling lumapit si Manang sa akin at nagtanong ng taranta, “Ano bang nangyari?”“Nagconvulsion si Lia, Manang! Please tawagan niyo na ang doctor!” sigaw ko, puno ng takot.Tamang-tama, narinig ko ang doorbell. Agad ko itong binuksan, at bumungad sa akin ang isang lalaki at isang babae. Kilala ko ang babae—siya ang nurse ni Lia. Pero ang lalaki, ngayon ko lang siya nakita.“Dr. Chua, si Lea po nagconvulsion!” tarantang sabi ni Manang Lourdes.Napatingin ako kay Manang at agad binaling ang tingin ko sa lalaki. Tumakbo siya paakyat ng hagdanan patungo sa kwarto ni Lea. Siya pala ang doktor ni Lea, kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.Pagdating
Ilang segundo bago naproseso sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya, dahil una sa lahat, hindi ako yung babaeng maipagmamalaki niya sa lahat bilang kanyang asawa. Ikalawa, nagpapanggap lang kami sa harapan ng dalawang bata, kaya hindi na niya dapat ako ipakilala pa sa iba.“Seryoso? Kailangan ko ba talagang pumunta diyan?” tanong ko, medyo naguguluhan.“Yes, and just do what I said. Roland will be here tomorrow for your makeover and whole preparation for tomorrow night. I have to go now, love,” sabi niya sabay halik sa pisngi ko.“Leo, take care of your sister, okay? I love you, baby,” sabi niya sabay halik kay Leo.Pagkaalis niya, umakyat din si Leo patungo sa kwarto at agad kong niligpit ang pinagkainan namin, tapos hinugasan ko na din ang mga pinggan na ginamit namin para gumaan naman ang trabaho ni Manang Lourdes.Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya dahil siya lang mag-isa ang maid dito sa napakalaking mansion at may edad na din siya. Napais
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Alam ko na isa akong bayaran, at kung sino-sino na lang ang mga lalaking nakakatabi ko sa kama. Ngunit sa mga sandaling iyon, parang sumabog ang tibok ng puso ko habang iniisip na magtatabi kaming matulog sa iisang kama. Iba ang pakiramdam. Unang pagkakataon ko itong maramdaman—ang makaramdam ng pagkailang sa isang lalaki.Hindi pwede. Mali ito. Asawa lang niya ako sa kontrata. Asawa niya ako sa kontrata, kaya lahat ng gagawin ko ay bahagi lamang ng trabaho ko.“Mamayang gabi, I want you to sleep beside me, Lia. No excuses. Do your job,” seryosong sabi niya.“Transfer all your things to our room. I will tell Manang Lourdes to assist you,” dagdag pa niya.Agad siyang tumalikod, hindi man lang inantay ang sagot ko. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo.Dali-dali kong isinara ang pintuan at sumandal dito. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang dibdib ko. Pinapaalalahanan ko ang sarili ko na matapos ang isa
Bigla ko namang nasanggi ang malaking vase na nakalagay sa gilid ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at kaba nang makita ko si Rabino na napatingin sa direksyon ko. Kinabahan ako ng sobra, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.“Lia?!” sabi niya, nakakunot ang noo, at napatingin siya sa vase na nabasag ko.Halos hindi maipinta ang mukha niya sa mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko, at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.“S-Sorry, hindi ko sinasadya,” nauutal kong sabi, ang mga kamay ko ay nanginginig.“Do you know how much that is?!” bulyaw niya, ang galit sa boses niya halata. Tumingin siya sa akin ng masama, at ang pagkabigla ko ay nadagdagan ng takot.“Uhmm, magkano ba? Babayaran ko na lang,” natatarantang sagot ko, ngunit ramdam ko ang kabang dumadapo sa aking dibdib.Umiling siya, at kita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Napayuko na lamang ako sa hiya, alam kong mali ang ginawa kong pakikinig sa kanya habang may kausap
“Let’s have a dinner, love. Leo, come with us,” Mahinahong sabi niya.Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa halik na iyon. Ramdam ko ang lambot ng labi niya na di pa mawala-wala sa pisngi ko. Bakit niya ako hinalikan? At love?Ilang segundo din bago ko narealize na kailangan pala naming magpanggap sa harapan ng mga bata.“Lia?” tawag niya sa akin.Nakita ko ang pagkunot-noo niya nang napatingin ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng hiya sa naging reaksyon ko sa mga oras na iyon.“Y..Yes Love?” nauutal na tugon ko.“Let’s have a dinner. Si Manang Lourdes na ang bahala kay Lea. Siya na din ang magpapakain sa kanya. Her Nurse will be her in the next 30 minutes,” sabi niya.Napatingin naman ako kay Manang Lourdes na nakangiting tumingin sa akin. Alam kong may kahulugan ang ngiti niyang iyon. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad na palabas ng kwarto.Pagdating namin sa dining area ay agad niyang hinila ang silya at niyaya akong umupo rito. Grabe. Dahan-dahan n