MasukDay 0003
"Salamat sa pakain—nabusog ako," tumayo si Cheska saka isinukbit ang tote bag nito sa balikat. Inubos niya muna ang pañamig sa baso saka kumuha ng tisyu—pampahid sa labi niya. "Alis na ako. Salamat ulit." Aniya't kumaway pa siya kay X bago niya ito tinalikuran. "Sandali lang," napabuga ng hangin sa kawalan si Cheska bago niya ulit lingunin si X. "Ano na naman 'yun? Alam mo ba na mag aalas-otso na? May klase pa ako't major subject ko ngayon—" "Ihahatid na kita." Saka tumayo si X pahkatapos niyang magpunas ng bibig. Naunang naglakad si X, at nang balingan niya si Chesk, naistatwa ito sa kinatatayuan niya. Napasinghap ng hangin si X sabay binalikan si Cheska; hinuli ang pulsuhan, at hinila palabas ng hotel. Doon lang natauhan si Cheska nang kumalansing ang hawak na susi ni X. "Let me remind you Lady—you're not a Disney Princess. Sakay!" Tumaas ang gilid ng labi ng Cheska dahilnsa sinabi ni X sa kanya. Nananatiling nakatayo pa rin ito at walang balak na pumasok ng kotse. "Magco-commute na lang ako—" "I said, get in. Bungol ka ba?" "Commute nga!" "Sakay sabi! O baka gusto mo kaladkarin pa kita diyan sa kinatatayuan mo makapasok ka lang sa loob ng sasakyan?!" Napayukom ng kamao si Chesk dahil sa pagigung arogante ni X; walang preno ang bunganga kung magsalita. "Napaka-ungentlemen naman ng lalaking ito. Bakit pa ba ako pumayag sa gusto niya?! Pinagsisisihan ko na tuloy." "Cheska, pasok. Please?" Hindi inaasahan ng dalaga na biglang lumambot ang boses ni X. Suminyas ang binata na pumasok na siya; walang tinig o boses, kaya napasakay din si Cheska na walang tinig. "Saan ka nag-aaral?" Salita ni X habang matulin itong nagmamaneho ng sasakyan niya. "Lady of Fatima Christian University." Hindi nagsalita si X. Habang tahimik ang dalaga sa kinauupuan nito, pasimpleng sinisipat ni X si Cheska; mula dulo ng sapatos nito hanggang sa hibla ng buhok ng dalaga. Mayamaya ay may tinawagan si X na hindi naman pinansin ng dalaga. "This is urgent. I'm on my way." Wika ni X, saka bigla na lang bumilis ang takbo ng kotse dahilan kabahan si Cheska. "Teka! Hinay-hinay naman! Saka hindi rito ang daan papuntang eskwelahan ko! Hoy, X sandali!" "Quiet please?" "Paano ako tatahimik nito kung ibibiglang liko mo na naman ang manibela mo?! Kasasabi ko lang sa iyo, hindi ba? May klase ako alas-otse y medya." Hindi na nakipagsagutan si X kay Cheska. Basta na lang pinabilis ni X ang sasakyan hanggang sa makarating sila sa lugar na hindi pamilyar kay Cheska. Kabado bente ang dalaga nang lumabas si X ng kotse. Maya ay pumihit sa kabilang pinto si X, at saka pinagbuksan niya ng pintuan si Cheska. "We have only half-hour. Huwag kang umastang binibini kung kumilos kung ayaw ming mahuli sa klase mo. Now, out!" "Dinamay mo na naman ako sa kalokohan mo—aray! Sandali, ano ba?!" Hinila ni X si Cheska papasok sa isang pribadong shop. Natahimik si Cheska nang salubungin sila ng isang babae na nakangiti. "Lahat na magkasya sa kanya—alam mo na gagawin mo." "Yes Sir—this way, My Lady." "Ha? Ako? Bakit—" hindi na nakapagsalita si Cheska nang iginaya na siya ng babae sa isang fitting room. Mayamaya ay nakahilera na sa harapan niya ang mga terno-terno at magagandang damit na lahat ay kasya sa kanya. "Pumili ka ng isa diyan na susuutin mo ngayon My Lady—" "Teka! Teka! Sa akin talaga?" Tumango ang babae. "Hmm... Ang totoo niyan, sa 'yo 'to lahat. Kaya pumili ka ng isang outfit na pwede mong isuot ngayon. Huwag ho kayong mag-alala, bayad na ang mga iyan." "Ha? Bayad na? E, kararating pa lang namin—" "Are you done talking? You have only twenty minutes." Biglang salita ni X. Hindi na pumalag si Cheska. Nakanguso itong pumili ng susuutin niya na nakahanger sa wardrobe. Dahil estudyante siya—simpleng black slock pants, white high heels, at white polo long sleeve ang natipuhan na suutin ng dalaga. Nganit, bago pa nagpalit ng suot, nagpaalam muna si Cheska sa babae kung pwede ba raw siya gumamit ng banyo. Pinahintulutan naman siya ng babae. Samantala, bumalik ang babae kay Iñigo. "Nakapili na po siya nang susuutin niya Sir Alcantara." "Maraming salamat Miss Abrexia, at sorry kung napaaga ang punta ko rito." Napangiti ang babae. "Walang anuman. Ipapahatid ko na lang ba sa bahay mo ang mga pinamili mo?" "Yes, please, thanks. May meeting pa kasi ako with my Japanese client sa Batangas—hindi ako makakauwi ng bahay ko mamaya hanggang bukas." "No problem po Sir Alcantara. By the way, sino siya? Ngayon lang kita nakita na nagdala ng babae rito?" "She's my... She's my—nothing! Kilala lang. Please, don't let other people knows about her. She's my personal agenda." "Masusunod po." "Maraming salamat ulit Miss Abrexia," tumayo si X saka nag-abot ng card nito sa babae. Nang abutin niya iyon, kaagad niya rin pinadulas sa isang maliit na machine, at ibinalik din iyon kaagad kay X. Mayamaya ay lumabas na si Cheska na suot ang napiling outfit. Napatitig si X sa kanya nang makita ang ayos ng dalaga. "A-ayos lang ba?" Nahihiyang sabi ni Cheska. "Hmm... Kung tapos ka na diyan, aalis na tayo; male-late ka na sa klase mo." Nang napagtanto ni Cheska ang sinabi ni X, dali-dali din siyang kumilos. Napapailing na lang si X nang bumalik si Cheska sa loob ng fitting room. Palihim na ngumiti ang babae. Pagbalik ni Cheska, dali-dali siyang lumapit kay X. "Let's go. We go ahead." Nakangiti lang ang babae sa kanilang hanggang sa makalabas ang mga ito. Pagkapasok sa loob ng sasakyan, tahimik ulit si Cheska hanggang sa maihatid siya nito ninX sa labas ng Unibersidad. "Maraming salamat. Mauuna na ako." "Anong oras ang uwian mo mamaya?" "Ha? Bakit?" "Anong oras ang uwian mo mamaya?" At sa ganoong paraan sila kung nag-usap na dalawa. Parang nagbabangayan na nag-aasaran, at pahabaan ng pasensya. "Alas-siete ng gabi—hindi mo na ako kailangan pang sunduin—may trabaho pa ako pagkatapos ng klase ko." Kumunot ang noo nibX nang binalingan niya si Cheska. Pekeng ngumiti ang dalaga't nagkibit ng balikat. "Diyan sa may convenient store. Alas-otso hanggang ala-una ng madaling araw. Hindi mo na obligasyon na alalahanin ako—" "Mag resign ka diyan sa pinapasukan mo." "Ha? Teka nga lang! Usapan natin walang pakialamanan ng pribadong buhay, 'di ba? Asawa lang kita sa papel—ganun ka rin sa akin. Itong pag-aaral ko sa kaliheyo, pagtatrabaho ko—wala ka nang pakialam diyan. Non of your business Mister X. So, please lang, stay away from my private life!" Napabuga ng hangin sa kawalan si X nang buksan niya ang salamin ng bintana. Iginala niya ang paningin sa lugar. Nang makalanghap na ng hangin saka niya naman isinarado ang bintana sabay baling kau Cheska na namumula sa galit. "Okay!" Tipid na sagot ni X. Napayukom ng kamao si Cheska; akma na siyang lalabas nang magsalita ulit si X. "Saan malapit 'yang convenient store na iyan?" Ayaw pa sanang sagutin ni Cheska ang tanong. Subalit, bagaman para na lang talaga matahimik at makaalis ay sinagot niya na lang ito. "Nakita mo 'yang store sa magkabilaang tawiran? Diyan. Okay na? Makalayas na nga!" Hindi nagsalita si X; hinayaan niyang makaalis ang dalaga. Dumiretso naman si X sa convenient store na sinabi ni Cheska sa kanya. Nang makita niya ang lugar, kaagad siyang lumabas, at saka pumasok sa 24/7 na convenient store. Hinanap ang may-ari ng nasabing store, at saka kinausap.Hello. Welcome new readers. Please, support my story amd don't forget to share your comments, rate a star, diamonds and gifts. Thank you and God bless.
Day 861—OCTOBER 31, 2025Sunod-sunod ang pakawala ni Cheska ng hangin sa kawalan dahil sa nakita nito sa asawa. Lakad-pabalik ang ginagawa niya sa paanan ng kama; ningangatngat ang hinlalaki ng kanyang daliri."He's fine now, Cheska, you don't habe to worry about him. Go and take your sleep now." Saad ni Iñigo matapos ihatid nito ang doktor na nag-tingin kay Xavier."I'm sorry. It wasn't a plan to leave him alone.""Good thing kasi wala kayo rito nang mangyari ang insidente. As of now, inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang mga iyon.""Maraming salamat Iñigo."Lumapit si Iñigo kay Cheska; tinapik ang balikat, at saka ningitian niya ito."I'll my leave, and you should take your rest, too. He needed you right now—your presense.""Ihahatid na kita sa labas.""No need. You stay here."Hindi naman nakipag matigasan si Cheska kay Iñigo. Hinatid niya lang sa may bukana ng pintuan ng kwarto at saka bumalik sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Xavier dahil sa gamot na ibinigay ng d
DAy 860—OCTOBER 30, 2025Gabi na nang umuwi si Xavier galing sa business trip nito sa South Korea. Maliban sa magkabilang sulok na dim light sa kanilang sala—madilim ang bahay.Tatlong araw ang out of town business trip ni Xavier. Kahit mabigat ang pakiramdam dahil sa kanilang away ni Cheska, kailangan niyang magtrabaho para sa kompanya na iniwan sa kanila ng kanyang yumaong lolo.Sumampa sa mahabang sofa si Xavier. Nabibingi siya sa sobrang katahimikan ng pamamahay. Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan niya nang makaramdam ng pagod. Naisip niyang dumulog sa kanilang kwarto upang silipin ang asawa't mga anak ngunit nagtaka na lang siya nang wala siyang may naabutan roon. Napahigpit ang paghawak niya sa door knob. Sinilip niya din sa kabilang kwarto, ngunit wala rin doon.Ikinalma ni Xavier ang sarili. Kinuha ang telepono't tinawagan ang tiyahin ni Cheska na si Ginang Agnes."Magandang gabi. Nandiyan ba ang mag-ina ko?""Nandito sila sa bahay. Pasensya ka na kung hindi ko kaa
DAY 850—OCTOBER 20, 2025"Let me down," wika ni Cheska sabay tapik sa balikat ni Xavier. "I said, let me down, Xavier." Saad ulit ni Cheska.Maingat naman siyang ibinaba ni Xavier. Nando'n ang pag-aalala niya sa asawa."Are you okay? How's your ankle?""I'm okay." Malamig na sagot ni Cheska saka tinalikdan si Xavier."Wait? Saan ka pupunta? Ipapa-check-up pa natin 'yang paa mo.""Babalik na ako sa opisina ko. Kaya ko na sarili ko."Hindi nakatiis si Xavier na hindi sundan ang asawa. Dali-dali siyang dumulog sa harapan ng pintuan saka ni-locked iyon.Kumunot ang noo ni Cheska. Humalukipkip sa harapan ng asawa."Pwede ba tayong mag-usap? Hon, ilang araw mo na akong iniiwasan. Nagpaliwanag na ako. Hindi pa ba sapat iyon na—""At sa palagay mo mapapaniwala mo ako? Nando'n ako; bago nangyari ang lahat. Kaya huwag na huwag mo akong gawing tanga Xavier. Nahuli ka na, ide-deny mo pa? So, sinong taong magtatanggol sa iyo?" umangat ang isang kamay ni Cheska. Dinuro si Cheska; dismayado. "You
Day 850—OCTOBER 20, 2025Limang araw ang nakalipas nang mangyari ang eksinang nasaksihan ni Cheska. Nahing tahimik siya sa loob ng limang araw na iyon; hindi kinakausap si Xavier, ngunit tuloy lang trabaho. Bagaman, hindi ibig sabihin ay binaliwala niya iyon o pinalampas. Mas pinili niyang manahimik sa kabila nang magandang takbo ng kompanya at negosyo nila. Maliban kay Jadon na tahimik lang—hindi na iyon nagtanong pa."Ma'am Cheska? Ma'am Cheska? Ma'am President?" Tawag ni Feat sa kanya. Ang sekretarya ni Xavier."Yes, Feat?"Ngumiti si Feat. "Director Xavier wanted to see you at his office.""Tell him na may hinihintay akong zoom meeting and also remind him na... may lakad ako mamaya. May lakad ba?""Meron po Ma'am President. He's trying to call you raw po, but your phone is cannot be reach."Napatingin si Cheska sa telepono niya. Battery low. Ilang araw na rin hindi na-charge dahil sa dami nang tumakbo sa isipan nito."Tell him; I'm busy right now."Sunod-sunod na tumango si Feat.
Day 845—OCTOBER 15, 2025 "Ito ang resulta ng DNA. Good luck and fighting, Misis Alcantara." Walang emosyon na kinuha ni Cheska ang brown envelop na inabot sa kanya ng kanyang kaibigan. Tinitigan niya iyon nang matagal at saka binalingan ang kaibigan. "Maramimg salamat." Binuksan ni Cheska ang envelop. Mayamaya ay napatitig siya sa kaibigan na hindi pa umaalis sa kanyang harapan. Napangiti at tumikhim. "Cheska—" "Ah! Oo nga pala," may kinuhang sobre si Cheska sa kanyang bag. Makapal ang laman. "Maraming salamat ulit, Caloy." Bakas sa reaksyon ng mukha ni Caloy ang pagkamangha nang inabot sa kanya ang sobreng iyon. Limpak-limpak na pera. "I'll go ahead. Call me if you need me again. One call away." Tanging tango lang ang isinagot ni Cheska. Nang makaalis na ang kaibigan, kaagad sinilip ni Cheska ang laman ng envelop. Kinuha ang puting papel roon at binasa ang nakasulat. "99.9 percent? Nakapagtataka; ano'ng ginagawa niya sa firm ng asawa ko?" Napasinghap ng hangin
DAY 840—OCTOBER 10, 2025"Xavier?" Tawag ni Cheska nang maramdaman ang pagpasok ng asawa sa kanilang kwarto. Bumangon ito't sinalubong ang asawa na lasing."Hey, hon." Kaagad yumakap si Xavier kay Cheska."Lasing ka at amoy babae. Saan ka nanggaling?""Me? Oh, I forgot to tell you; nagkaroon ng farewell party sa construction firm; one of the employee na aalis na't kailangan mangibang bansa. Hon, you're so sexy and hot. I really like your style tonight.""Sandali, Xavier, mahiga ka na muna sa kama. Halika—"Ngayon lang ulit nakita ni Cheska na naglasing nang ganoon si Xavier. Nakapagtataka dahil hindi naman ugali ni Xavier ang maglasing nang sobra-sobra.Nang maisampa ni Cheska ang asawa sa kama, kaagad niyang inasikaso ito. Kumunot ang noo ni Cheska nang maagaw pansin niya na may lipstick o marka ng labi ang leeg nito. Dali-daling hinubad ni Cheska ang polo sleeve ni Xavier at inusisa ang suot, maging ang katawan ng asawa. Maliban sa halik sa leeg, wala nang ibang marka. Iniisip ni C







