Emerald's POV
"Hoy, hindi ka pa nagku-kwento sa akin. Ano nang nangyari?" excited na tanong sa akin ni Chloe.As usual, binisita na naman niya ako dito sa opisina ko dahil alas singko na ng hapon. Maghapon ko kasi siyang iniiwasan dahil wala pa ako sa mood na magkwento sa kaniya. Panigurado kasing gegyerahin niya si Marco kapag nagkataon. At isa pa, hindi pa rin talaga ako ready magkwento."Bukas na lang, Chloe. Pwede?" tanong ko naman sa kaniya. Pinilit ko pang pasiglahin ang boses ko upang hindi niya mahalata na malungkot ako. Mas gusto kong isipin niya na okay kami ni Marco para hindi na siya mangulit pa."Ang daya naman! Ang usapan ay magkukwento ka na. At huwag kang ngumiti, Emerald. Kilala kita," masungit na sabi pa niya.Napabuntong hininga na lamang ako. Kahit anong pagpapanggap ko, hindi ko pa rin talaga kayang itago sa best friend ko ang totoo."Sorry. Hindi pa lang ako handang magkwento," pag-amin ko na lang.Tipid na ngumiti naman si Chloe. "Alam ko. Basta kapag handa ka na, itext o tawagan mo lang ako ha. Ngayon pa lang, nanggigigil na ako kay Marco. F.O na kaming dalawa," komento pa niya na bahagya kong ikinangiti.Biglang nag-ring ang telepono ko sa opisina kaya naman marahan akong tinapik ni Chloe sa balikat ko."O siya, mauna na ako. Just call me, okay?"Tumango na lamang ako bago siya naglakad palayo. Inilipat ko naman ang tingin ko sa telepono at agad na sinagot iyon."Hello. Finance Department.""Ma'am Emerald, may naghihintay po sa inyo dito sa baba. Kapatid niyo raw po," sabi ng guard ng building.Napairap naman ako. "Sige po, Kuya. Pababa na po ako."First time na nangyari na sinadya ako ni Brenna dito sa pinagta-trabahuhan ko. Iniwasan ko talaga sila kagabi at kaninang umaga. Umuwi ako kagabi nang masiguro kong tulog na sila. Kaninang umaga naman, alas sais pa lang ay umalis na ako para hindi ko maabutan si Brenna na gising. Ngunit sa kasamaang palad ay nasa baba siya. Ayoko mang makita o makausap siya ay ayoko namang mag-eskandalo pa siya sa baba.Niligpit ko na lamang ang mga gamit ko at saka ako mabilis na bumaba. Pagbaba ko ay nakita ko siya sa may lobby. Nakaupo siya habang matiyagang hinihintay ako. Napailing na lang ako at saka naglakad palapit sa kaniya.Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo at tinaasan ako ng isang kilay."Hindi mo raw sinagot si Marco kagabi. Iniwan mo pa siya at pinagbayad sa mga pagkain na hindi naman niya pwedeng kainin," mataray niyang sambit sa akin.Napangiti naman ako. "Ang bilis namang magsumbong sa 'yo ng aso mo?"Halatang nagulat si Brenna sa sinabi ko. Ito kasi ang unang beses na tinapatan ko ang boses niya. Sa ilang taon kasi na tinatarayan niya ako, never akong sumagot sa kaniya. Mas pinipili ko kasing tumahimik lang dahil ayokong humaba pa ang usapan."At sumasagot ka na. Matapang ka na ngayon?" nakangising sabi naman niya."Wala ka namang pakialam sa akin, hindi ba? So, bakit hindi mo na lang i-comfort ang KAIBIGAN mo?""Comfort? Hindi niya kailangan nun dahil hindi naman siya nasaktan sa ginawa mo," nagmamalaking sabi naman niya.Parang may karayom na biglang tumusok sa dibdib ko. Oo nga naman. Hindi naman talaga masasaktan si Marco dahil kung tutuusin, mas pabor pa sa kaniya ang nangyari. Hindi na niya kailangan pang pakisamahan ako at magpanggap na mahal ako."Mukhang ikaw pa nga ang kailangang i-comfort e. Hindi ka na kasi nadala. Sabi ko naman sa 'yo, kailanman ay hindi ka magiging masaya dahil isa kang malaking kasalanan."Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kaniya na walang emosyon. Hindi ko ibibigay ang satisfaction sa kaniya na makikita niya akong umiiyak."I am just here to warn you. Don't you ever tell this to Papa. Dahil kahit ano namang sabihin mo, kayang kaya kong baliktarin iyon. Sa huli, ikaw ang magmumukhang masama. Kaya manahimik ka na lang."Inirapan pa ako ni Brenna bago siya magsimulang maglakad palabas ng building. Doon na pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.Gustong gusto ko nang ikwento ang lahat kay Papa para naman maramdaman ko na may magulang pa ako. Pero tama kasi si Brenna, kahit anong sabihin ko, alam kong ang mag-ina pa rin ni Papa ang kakampihan niya. Never naman siyang nakinig sa akin.Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang mag-ring ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang numero lang ang tumatawag. Kahit may pag-aalinlangan ay sinagot ko na lamang ito."Ate Emerald!"Nailayo ko agad ang phone ko sa tainga ko dahil sa malakas na pagtawag sa akin ni Audrey. Alam kong siya na ito dahil sa dami niyang kwento, nakabisado ko na ang boses niya."Audrey," ang tanging nasabi ko na lamang."Nasaan ka, Ate? Sunduin kita," energetic na sabi niya."Teka, bakit?" nalilitong tanong ko naman."Papaayusan kita dahil mamaya na ang date niyo ni Kuya.""A-ano? Mamaya na? Ganoon kabilis pumayag ang Kuya mo?" hindi makapaniwalang tanong ko naman.Medyo lumakas ang loob kong pumayag sa request ni Audrey na makipag-date sa kuya niya dahil sa pag-aakalang ang kuya niya mismo ang hindi papayag sa gusto ng kapatid. I mean, sino ba namang lalaki ang basta na lang papayag sa request ng kapatid na makipag-date."Teka, nandito ako sa harap ng building mo. Kaso lagpas 5pm na e. Nakauwi ka na ba?" seryosong sabi pa niya.Napahawak na lamang ako sa noo ko. "Nandito pa ako. Teka, lalabas ako."Naglakad ako palabas ng building at natanaw ko na agad si Audrey na nakatayo sa kabilang kalsada. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya."Kanina ka pa ba?" tanong ko pa sa kaniya."Hindi naman. Kararating ko lang," nakangiting sagot niya sa akin."Teka, paano ka nakapunta dito? Nag-taxi ka?" tanong ko pa.May sasakyan kasi siya kagabi kaya alam kong may service siya. Ngunit wala akong nakikitang sasakyan niya na nakaparada."Nagpahatid ako kay Kuya. Pero umalis din agad siya. Sabi ko kasi magkikita na lang kayo mamaya sa resto."Alanganin akong ngumiti. Hinawakan ko na lamang ang kamay niya at inakay papunta sa parking lot. Pagkasakay namin sa sasakyan ko ay saka ulit ako nagsalita."Look, Audrey. Akala ko talaga ay nagbibiro ka lang at akala ko ay hindi papayag ang kuya mo. Kaya nakakagulat na mamaya na agad," mahinahon kong sabi sa kaniya."Huwag kang mag-alala, Ate. Ako ang bahala sa 'yo. Tara na sa mall," nakangiting sabi niya sa akin.Huminga ako ng malalim. "Okay sige, Audrey. Pagbibigyan kita ngayon dahil nakiusap ka. Pero heto lang 'yon ha? Last na 'to. Alam mo namang wasak pa ang puso ko at hindi pa ako handa sa kahit na anong klaseng relasyon, okay?""Okay!"Napatango ako. Kahit pumayag si Audrey sa sinabi ko, kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit.Pagkarating namin sa mall ay hinila na niya ako sa isang dress shop. Medyo nag-alangan pa ako dahil hindi biro ang mga presyo sa shop na ito.Mabilis na nanguha si Audrey ng mga dress without even looking at the tag price. Nakasunod lang naman sa amin ang isang sales lady at siya ang naghahawak ng mga damit na kinukuha ni Audrey."Audrey," pag-agaw ko sa atensyon niya."Isukat mo na 'yan, Ate. Para mapili natin kung alin ang bagay sa 'yo," sabi naman niya sa akin.Iniharap ko sa akin si Audrey at tiningnan ng deretso sa mga mata niya. Bahagya naman siyang natigilan sa ginawa ko."Audrey, may mga damit ako sa bahay. Uuwi na lang ako then sabihan mo na lang ako kung saan kami magkikita ng kuya mo," seryosong sabi ko naman.Mabilis na umiling naman si Audrey. "Ate, ako ang may pakana ng date na ito. Kaya hayaan mong ako ang mag-abala sa pag-aayos mo. Sige na, Ate. Pambayad ko na rin ito sa tulong mo sa akin kagabi."Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit ba kasi ang hirap tanggihan nitong si Audrey. Kaya wala na akong nagawa kundi ang isukat ang mga dress na napili niya.Nakailang palit at sukat na ako ngunit wala pang mapili si Audrey. Kalahating oras na kami rito at ako na ang nahihiya sa sales lady. Ngunit parang wala namang problema sa sales lady na animo'y kilala na niya si Audrey. Naiisip ko tuloy na baka regular customer na rin dito si Audrey katulad doon sa resto na kinainan namin kagabi."Ayan! Bibilhin na namin 'yan, Miss," tuwang tuwa na sabi ni Audrey nang makita niya ang suot ko.Isang simpleng dress lang naman ito na body fit, kulay light pink ito na above the knee ang haba, at ang sleeves ay half."Tamang tama, Ma'am. May kasama na po itong heel-toe sandals. Ano pong size nila?" nakangiting tanong ng sales lady."Size 8," sagot ko naman.Si Audrey ang nagbayad ng dress at sandals. Pagkatapos ay dinala naman niya ako sa isang salon. Hindi na ako umangal pa dahil hindi ko rin naman siya matatanggihan. Sasakyan ko na lamang muna ang mga gusto niya. Panigurado naman na hindi na masusundan ang date na ito."Ate, gusto mo bang mag-contact lens?" tanong sa akin ni Audrey.Nakasalamin kasi ako ngayon dahil medyo maga ang mata ko kaninang umaga dahil sa kakaiyak. Mas maganda rin kasi na nakasalamin para walang makahalata na mugto ang mata ko."Mas gusto kong magsalamin na lang," mahina kong sagot sa kaniya.Napangiti naman sa akin si Audrey. "Mas gusto ko rin 'yan, Ate."Makalipas ang kalahating oras ay tapos na akong ayusan sa salon. Light make up lang naman kasi ang ginawa sa akin. Hindi ko na rin pinaayos ang buhok ko dahil mas gusto kong nakalugay lang ito. Nang matapos ay nagbihis na rin ako at saka ako nagpakita kay Audrey."O my god, Ate! Ang ganda-ganda mo," tuwang tuwang sabi sa akin ni Audrey."Huwag mo akong bolahin," pabirong sambit ko naman.Mabilis na umiling si Audrey."Hindi na ako magtataka kung sakaling alukin ka agad ng kuya ko ng kasal, Ate Emerald."Emerald's POVGustong gusto ko nang matapos ang gabing ito kaya nang sinabi ni Audrey na ihahatid niya ako sa resto ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Gusto ko na lang kasing matapos ang date na ito upang makauwi na ako at makatulog na."Wala pa si Kuya e. Pero maiwan na kita dito ha," nakangiting sabi ni Audrey nang makarating kami sa table na pina-reserved niya."Paano ka uuwi pala? Wala kang sasakyan," sabi ko naman nang maalala kong wala siyang dalang sasakyan."Okay na ako, Ate. Huwag ka nang mag-alala. Maupo ka na lang dyan. Sige na. Enjoy the night. Bye!"Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil lumabas na si Audrey. Nasa VIP kasi ang pina-reserved niyang table which is may sariling privacy ito. Nasa isang closed space ang table kaya bukod sa walang masyadong makakakita, wala ring makakarinig ng mga pag-uusap.Hindi ko natanong kay Audrey kung matatagalan ba ako sa paghihintay sa kuya niya. Blind date na nga lang, ako pa ang nauna dito. Pero mas maganda na rin ito. May dahilan
Emerald's POV"Trevor, hindi na tayo mga bata katulad noon. Hindi mo na ako mauuto," mataray kong sagot sa kaniya.Kahit anong pagpapakita pa niya ng pagka-seryoso niya, hindi na ako maniniwala sa kaniya. Sa galing niyang magpanggap noon, hindi na niya ako mauuto ngayon. At isa pa, kaya lang siya ganyan ay dahil may kailangan siya sa akin. And no, hindi ko siya pagbibigyan.Pareho kaming napatingin sa phone ko nang biglang mag-ring ito. Tiningnan ko ito at bahagyang kumunot ang noo ko nang si Chloe pala ang tumatawag. "You can answer that. Maybe it is important," seryosong sabi ni Trevor sa akin.Hindi na ako nag-abala pang tumayo at lumabas para sagutin ang tawag."Chloe.""Emerald, nasaan ka? Si Marco," umiiyak na sagot ni Chloe."Bakit? Anong mayroon?" kinakabahan ko namang tanong sa kaniya.Something is not right. Hindi tatawag si Chloe kung para lang sa kulitin ako na magkwento. Umiiyak din siya kaya mas lalo akong kinabahan."Naaksidente si Marco."Nag-unahan sa pagtulo ang mga
Emerald's POVMarco is in a coma. Nakiusap kasi ako kay Chloe na huwag muna kaming umalis hanggang sa hindi lumalabas ng doctor sa E.R. Naghintay ako sa kotse niya habang siya naman ay bumalik sa loob para makibalita.After almost half an hour ay bumalik siya upang sabihin sa akin ang nangyari. Iuuwi na dapat niya ako pero tumanggi ako. And now I am here, outside the hospital, alone and waiting. Gustong gusto kong makita si Marco ngunit hindi ko pa nakikitang lumabas ang parents niya kaya hindi pa ako makapasok sa loob. Knowing them, mas lalo lang silang hindi papayag na makita ko ang anak nila.Sina Papa naman ay nakita kong lumabas na at paniguradong nakauwi na sila. He's trying to call me but I turned off my phone. Ayoko munang makausap si Papa ngayon. Umiiyak lang ako ng tahimik dito sa may gilid ng hospital nang biglang may nag-abot sa akin ng isang malinis na panyo. Pag-angat ko ng tingin ay bahagya pa akong natigilan."Trev," mahinang usal ko.Tumabi siya sa akin at siya na an
Third POV"Umuwi na ba ang anak mo?"Napalingon si Ricky sa asawa na kararating lang sa salas. Galing itong kwarto na sa tingin niya ay lumabas lang dahil naroon pa siya sa salas."Hindi pa. At hindi ko rin siya matawagan," seryosong sagot ni Ricky.Alas dose na ng gabi at hindi pa umuuwi ang anak niyang si Emerald. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta dahil nauna pa itong umalis sa ospital kanina. Buong akala niya ay umuwi na ito ngunit sabi ng yaya nito ay hindi pa nakakauwi ang dalaga."Nagiging pasaway na ang anak mo," komento pa ng kaniyang asawa na umupo pa sa kaniyang tabi."Haidee.""What? Alam mo bang sa nangyari kay Marco, maaaring hindi na matuloy ang investment ng mga del Mundo sa kumpanya natin," seryosong sagot pa ng kaniyang asawa.Napabuntong hininga na lamang si Ricky. Aaminin niyang iyon din ang isa sa ikinababahala niya. Matagal niyang trinabaho na ligawan ang mga del Mundo upang mag-invest sa kanila. At sa isang iglap lamang ay mawawala iyon dahil sa nangyari kay
Emerald's POVWeekend na ngayon ngunit maaga akong nagising. Actually, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Papa sa akin kagabi. Hindi ko akalain na mabibilog nina Tita Haidee at Brenna ang ulo ko. Pero nangyari na ang lahat. Sa ngayon, hindi ko pa alam ang gagawin."Emerald, hija."Napatingin ako sa may pinto ng kwarto ko. Nandoon si Nanay Linda at kumakatok. Kaya bumangon na ako at pinagbuksan siya ng pinto."Nay.""Nagising ba kita? Nabalitaan ko kasi ang nngyari kay Marco. At papunta doon ang Papa at Tita mo, baka kako sasama ka sa kanila," mahinahon niyang sabi sa akin.Mapait akong napangiti. Alam kasi ni Nanay Linda na kahit galit ako kay Marco, mas mangingibabaw pa rin sa akin ang pag-aalala sa kaniya."Si Brenna po?" pag-iiba ko ng tanong."Maagang umalis din. Bihis na bihis nga e. Baka may date," sagot naman sa akin ni Nanay Linda.Naikuyom ko na lamang ang mga kamao ko. Isa lang naman ang alam kong tinatrabaho n
Emerald's POVSi Trevor at and pamilya niya ang may-ari ng TAC Group of Companies. Pinaglalaruan na yata ako masyado ng tadhana. Ang babaeng kinaaayawan ng ex ko ay ang kapatid ko pala. Hindi ko akalain na kakailanganin namin ang isa't isa dahil lamang sa pakana ni Brenna.Ang problema ko ngayon ay kung paano ko kakausapin si Trevor. Kanina pa ako nakatitig sa phone ko dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Wala pa akong number niya ngunit pwedeng pwede ko naman iyon hingin kay Audrey. Hindi ko pa lang talaga alam kung paano bubwelo kay Trevor."Tititigan mo na lang ba ang phone mo? Akala ko ba desidido ka na?"Napatingin ako kay Chloe. Kasama ko pa nga pala siya dahil weekend naman. Ayaw niya akong iwan dahil baka kung ano raw ang magawa ko."Paano ba ako magsisimula, Chloe?" naguguluhang tanong ko sa kaniya."Hmm. Medyo mahirap nga 'yan dahil walong taon kayong hindi nagkita tapos hindi pa maganda ang break-up niyo. At saka paano pala kung bet niya ang kapatid mo? Mahihirap
EMERALD'S POV "Bakit hindi mo sinabi sa akin na ang kapatid ko pala ang balak na ipagkasundo sa 'yo?" lakas loob kong tanong kay Trevor. Umupo na rin ako sa harapan niya at pagsilip ko kay Chloe ay palabas na siya ng restaurant. Tumango lang siya sa akin na parang sinasabi niyang uuwi na siya. Nang muli kong nilingon si Trevor ay nakatitig pala siya sa akin. Agad akong umiwas dahil nakaramdam ako ng hiya. "Nalaman mo na pala. Kaya ba biglang nagbago ang isip mo?" seryosong tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang totoo. Ngunit kilala ko si Trevor. Alam niyang may mabigat akong dahilan kung bakit bigla na lamang akong sumulpot sa harap niya ngayon. At isa pa, ayoko rin namang ilihim sa kaniya ang lahat. Kailangan namin ang isa't isa kaya kailangan maging totoo kaming dalawa. "Trev, mahabang kwento. May oras ka ba para makipag-usap sa akin?" mahinang tanong ko sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti. "Alam mo bang
Emerald's POV"So, payag ka na bang makipagtulungan sa akin?" alanganing tanong ko kay Trevor.Nakasunod lang ako sa kaniya paglalakad hanggang sa makarating kami sa may gymnasium. Napailing na lang ako nang kusang bumalik sa alaala ko ang huling pag-uusap namin ni Trevor noon. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako nagre-reminisce. Wala naman nang halaga pa iyon dahil matagal na kaming tapos. Nandito lang ako dahil kailangan ko ng tulong niya."Handa ka bang magpakasal sa akin?" deretsong tanong niya sa akin.Bahagya akong natigilan ngunit kalaunan ay napatango na lamang ako. "Oo," maiksi kong sabi.Napaghandaan ko na ang ganitong senaryo dahil iyon talaga ang kailangan para mas lalo kong masaktan ang kapatid ko. Iyon ang pinakamatinding ganti na maaari kong gawin sa kaniya."Hindi ganyan ang Emerald na nakilala ko. You're the kindest I've ever met."Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ko rin akalain na aabot ako sa ganito. Ang hinahangad ko lang ay ang mahalin