BRENNA’S POVHindi ko na alam ang mga nangyari dahil nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa sasakyan ko habang nakahinto ito hindi kalayuan sa building ng TAC. Nakatanaw lang ako sa entrance at exit nito. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang mga nalaman ko kay Trevor. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang hindi aksidente ang pagkakamatay ni Emerald.Nagiging smooth na ulit ang takbo ng buhay ko. Nagiging maayos kami ni Trevor ngunit dahil sa inamin sa akin ni Mama, hindi ko alam kung maaapektuhan ba nito ang buhay ko. Hanggang sa hukay ay isang malaking kaguluhan lang ang ibinibigay sa akin ng half-sister ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya tuluyang mawala sa landas ko.Naputol ang pag-iisip ko nang makita kong lumabas si Trevor at dumeretso sa kaniyang sasakyan. Gusto ko siyang makausap ngunit tila nagmamadali siya. Sinubukan ko rin siyang tawagan ngayon ngunit hindi niya ako sinagot.“What the h*ll, Trevor?” kunot noong bul
THIRD POVLumipas ang maghapon at nakailang subok si Brenna na tawagan at kausapin si Trevor ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Maghapon lamang siyang nakatambay sa park dahil umaasa pa siyang tatawagan siya ng binata ngunit nabigo siya. Halos wala na rin siyang mailuha pa dahil sa sobrang pag-iyak niya nang umagang iyon. Hindi niya akalain na masasaktan siya ng ganito dahil buong akala niya ay umaayon na sa kaniya ang tadhana.Hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari sa kaniya ang lahat ng ito. Lahat ng tao na akala niya ay mapapagkatiwalaan niya ay niloloko pala siya. Ang buhay na akala niya ay mapalad siya ngunit tila mas masalimuot pa pala kaysa sa naging buhay ni Emerald.Wala sa sariling umuwi si Brenna at mapait siyang napangiti nang maabutan na kumakain sa bahay ang kaniyang ina at si Anna. Nang makita siya ni Anna ay agad itong tumayo.“Mabuti at nariyan ka na. Halika, sabayan mo kaming kumain,” nakangiting sambit sa kaniya ng ginang.“Nagluto si Tita Anna m
THIRD POV“Kuya, nasaan ka na naman ba?”Nailayo ni Gino ang cellphone sa kaniyang tainga nang sigawan siya ng kapatid na si Charlene. Isa ito sa dahilan kung bakit nagdadalawang isip siyang sagutin ang tawag ng kapatid. Alam na alam niyang hinahanap lang siya nito.“Pauwi na ako maya-maya,” mahinang sagot niya.“Wait, lasing ka na naman ba?” galit na tanong pa nito sa kaniya.Marahan siyang napangiti. “Don’t worry. I can go home. Bye.”Hindi na niya hinintay pa na makapagsalita si Charlene dahil agad niyang pinatay ang tawag. Ibinalik niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at muling tinungga ang alak na kanina pa niya hawak. Nawalan na nga ito ng lamig kaya napangiwi siya nang malasahan kung gaano iyon kapait.“Kung alam ko lang na iyon na pala ang huli nating pag-uusap, sinulit ko na sana,” malungkot niyang sabi habang nakatitig sa lapida na halos araw araw na niyang pinupuntahan. Muli siyang uminom ng beer habang nagsimula na namang pumatak ang mga luha niya.GINO’S POV (FLASHBACK)No
EMERALD’S POV“Kuya.”Sabay kaming napalingon kay Audrey nang tinawag nito si Trevor. Katatapos lang naming kumain ng almusal. Hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Audrey sa kanila dahil sa nalaman niya tungkol sa kaniyang ina. Nakiusap na lamang siya sa kaniyang kapatid na ito na ang bahalang mag-cover sa kaniya upang hindi mag-alala si Tito Carlo.Kinakausap na rin kami ni Audrey ngunit hindi na katulad ng dati. Nagkaroon ng pader sa pagitan naming dalawa na naiintindihan ko naman. Hindi ko siya masisisi kung ganito man ang pakikitungo niya sa amin ni Trevor. Ang mahalaga sa ngayon ay pinagkakatiwalaan niya kami.“Pwede ba akong sumama sa ‘yo ngayon? Gusto ko lang makita si Papa.”Nagkatinginan kaming dalawa ni Trevor. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa gusto ni Audrey. Malaki naman ang tiwala ko sa kaniya na hindi niya ipagsasabi sa kahit na sino na buhay ako.“Kaya mo na bang makita si Mama?” seryosong tanong naman ni Trevor.Napatungo si Audrey at hindi nakatakas sa paningin ko a
THIRD POV“Hindi ko inaasahan na dito pa tayo magkikita.”Napalingon si Gino sa babaeng bigla na lamang nagsalita. Hindi na siya nagulat kung sino ito dahil hindi naman niya nakakalimutan ang boses ng babaeng nasaktan niya dahil sa labis na pagmamahal kay Emerald.“Chloe,” mahinang usal niya.Humakbang palapit sa lapida si Chloe at ipinatong dito ang dalang bulaklak para sa kaibigan. Mapait siyang napangiti dahil sa ilang taon na lumipas, sa puntod pa ng kaniyang bestfriend makikita ang lalaking unang minahal niya.“Maaari ko bang malaman kung bakit nandito ka?” hindi napigilang itanong ni Chloe.Napabuntong hininga naman si Gino. “Naging kaibigan ko rin si Emerald.”Huminga ng malalim si Chloe. Humarap siya kay Gino na malayo ang tingin. Hindi nakatakas sa paningin niya ang ilang bote ng beer sa tabi nito. Kapansin pansin din ang pag-iiba ng itsura nito, malayong malayo sa itsura nito sa mga social media accounts nito.“It’s been 8 years, right? Siguro naman ay hindi pa huli ang lahat
THIRD POVPunong puno ng tensyon ang opisina ni Trevor sapagkat naroon ang kaniyang ama at kapatid na si Audrey. Nakalatag sa kaniyang table ang mga ebidensya na nakalap niya upang idiin sa kasong isinampa niya laban sa kaniyang stepmother at sa karelasyon nito na si Haidee. Isa isa itong tiningnan ng kaniyang ama at silang magkapatid ay naghihintay lamang sa reaksyon nito.“Papa, I’m sorry kung sa ganitong paraan mo pa malalaman ang lahat,” pagbasag niya sa katahimikan.Lumapit sa kaniya si Audrey at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang kapatid dahil kahit masakit para rito ang mga nangyayari, mas pinili nitong pumanig sa tama. Ang hinihiling na lamang niya ngayon ay sana’y ganoon din ang kanilang ama.Dahan dahang ibinaba ni Carlo ang mga papel at nagpakawala ng isang buntong hininga. “Hindi ko alam na aabot sa ganito ang asawa ko,” dismayadong sambit nito.Nagkatinginan ang magkapatid sapagkat kalmado ang kanilang ama. Hindi rin ito mababaka
Sabi nila, masaya ang buhay highschool. Dito mararanasan ang unang tamis ng pag-ibig at ang unang sakit na maaaring idulot nito.“Mahal na mahal kita, Emerald Villafuente.”Napangiti naman si Emerald sa itinuran ng binatang mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kanang kamay. Lunch break na at nakatambay lamang sila sa gymnasium. Ramdam na ramdam din ni Emerald ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga estudyante doon. Varsity player at school heartthrob ang kaniyang nobyo na si Trevor John Carter kaya hindi na siya nagtataka kung agaw atensyon sila sa lahat. Sino nga naman kasing mag-aakala na ang isang katulad ni Trevor ang magkakagusto sa isang katulad niya?“Bakit ba pakiramdam ko ay may kasalanan ka, Trev? Kinakabahan ako,” pabirong sabi naman niya.Ngunit sa halip na tumawa ay mas lalong sumeryeso ang mukha ng binata. Kaya unti-unti ring nawala ang mga ngiti ni Emerald at napalitan iyon ng pangamba.“I’m sorry, Emerald,” ang tanging nasabi ni Trevor.Mabilis na binawi ni Emera
EMERALD’S POV(8 years later)“Happy birthday, Emerald!”Napangiti na lamang ako nang makita kong may hawak na maliit na cake si Nanay Linda, ang yaya na siyang nagpalaki sa akin. Taon-taon na niyang ginagawa ito simula nang mapalipat ako sa bahay ng aking ama. Siya na ang tumayong ina ko. Siya ang nag-alaga at ang tanging tao na nagpakita sa akin na katanggap-tanggap ako.“Thank you po, Nanay Linda,” masayang sambit ko naman.Bukod sa cake ay may nakalagay na rin na breakfast sa may side table ko. Ika-dalawampu’t anim na kaarawan ko ngayon at alam kong parang isang normal na araw lang ang dadaan ngayon. Tanging si Nanay Linda lang ang nagpaparamdam sa akin na espesyal ang araw na ito.“Anong lakad mo ngayong araw?” tanong pa niya sa akin.Tipid naman akong napangiti. “Nanay, may sasabihin po sana ako sa inyo pero huwag niyo po munang ipagsasabi sa kahit na sino ha?”“Aba ay oo naman. Kailan ko ba naman sinira ang tiwala mo?” pabiro naman niyang sagot sa akin.Mabilis naman akong napa