로그인Samantha's POV
"You what??" hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari na ang lalaking ayokong maiwan at nagsend sakin sa jail ay nakatayo sa harap ko.
"Ang sabi ko we need to register our marriage sa munisipyo," tipid niyang tugon.
Agad kong hinila ang kamay ko palayo sa kanya, "anong iregsiter ang marriage? We are not a real couple so bakit pa natin need gawin yan? Saka masisira ang reputation ko kapag ginawa natin 'yan, sinong matinong lalaking na lang magpapakasal sakin kapag nalaman nilang kasal na ako sa iba?"
"Then, I will be responsible for you." Lumapit siya sakin at hinawakan ang aking mga kamay, ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib habang nakatitig siya sa aking mga mata, "willing akong pakasalan ka kung sakali mang wala ng gustong magpakasal sa'yo," dagdag niya, tila nanlambot ang aking mga tuhod at nag-init ang aking pisngi sa mga narinig kong iyon mula sa kanya, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa mga mata niya.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kailangan kong maalis ang tingin ko sa kanya, I'm not easy to fall inlove. "Are you serious?" nanlaki ang mga mata ko sa lumabas sa bibig ko at agad ko itong tinakpan bago pa ako makapagsalita ng iba pa sa kanya.
Para siyang anghel na ngumiti sakin at tumango at lalo pang kumabog ang puso ko na para bang natutunaw, "what's happening to me?" bulong ko sa aking sarili at iniiling ang aking ulo.
"Let's go," malambing niya aya sa akin, hindi ko alam ang nangyayari na para bang may spell ang kanyang bawat salita kaya sumama ako sa kanya. Sumakay kami sa itim niyang sasakyan na noo'y dala rin niya nang minsang magkita kami at makisakay ako. Ngayon ko lang naisip ang itsura ko noon, nakakahiya palang maalala ang lagay ko noon.
"Sinasadya mo ba ang lahat ng ito?" matapang kong tanong dahil malakas ang kutob ko na sinadya niyang dito ako pasakayin para maalala ko ang kahihiyang iyon.
Kumunot ang noo niya at sumagot, "anong ibig mong sabihin?"
"You purposely did it para maalala ko ang nakakahiyang pagkikita natin," pamimintang ko sa kanya. Nakatitig pa rin ako sa mukha niya habang hinihintay ang tugon niya.
Nilingon niya ako at muling ngumiti parang kayliwanag ng mga ngiting iyon na tumutunaw sa matigas kong puso, heto na naman siya.
"Tingin mo ba ay pinapahiya kita? Tayong dalawa lang ang nasa sasakyan and why do I need to do that?"
Sumimangot ako sa kanya at tinalikuran siya, nakadungaw lang ako sa labas ng sasakyan hanggang sa makarating kami ng munisipyo.
Madilim na ang kalangitan hanggang sa maalala kong sarado na pala ito, haharapin ko na siya nang biglang bumukas ang pinto sa tapat ko at bumungad ang lalaking ito.
"Alam mo ba kung anong oras na?" tumingin ako sa aking relo nang makitang pumatak na ang maliit na kamay ng relo sa alas-siete, "alas-siete na, sarado na 'yang munisipyo," singhal ko sa kanya habang nakamasid sa wala emosyon niyang reaksyon.
Bigla na lamang niyang hinablot ang kamay ko at hinila hanggang makarating kami sa likod ng munisipyo, doon bukas ang ilaw ng isang opisina at kinatok niya ang pinto.
"What do you think you are doing?" inis kong tanong siya ngunit hindi siya tumugon sa akin, "bawal ito ah," babala ko sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya sa pagpasok sa opisina pagkatapos ay tinawag niya ang lalaking nakatayo na may hawak na dokumento na nagngangalang 'Jake.'
Iniabot sa kanya ni Jake ang papel na hawak nito, "thank you, Jake," saad niya rito ng may ngiti saka nakipagkamay.
"Siya na ba ang maswerteng napangasawa mo?" malaki ang ngiti ng lalaking ito na para bang nakakaloko, alam naman niyang sila ang pumeke ng dokumento bakit nag-mamaang-maangan pa.
"Pareho nating alam na hindi ako misis ng lalaking ito," pagsusungit ko sa kanya, naramdaman ko ang mahigpit na kapit ng Trevor na ito sa kamay ko na para bang pinatitigil ako sa pagsasabi ng totoo.
"I don't know what you are saying," nakangiwing tugon ni Jake sa kanya.
"Bitiwan mo nga ako," inis kong hinila ang kamay ko mula kay Trevor, tinalikuran ko silang dalawa at naglakad pabalik sa kinaroroonan ng sasakyan dahil hindi ko matagalan ang mga kasinungalingang lumalabas sa mga bibig nila, hindi ako sanay sa ganito pero narito ako sa ganitong sitwasyon.
"How can I get rid of this guy? Ayokong habang buhay na nakabuntot sakin ang mokong na iyon," pumasok ako sa loob ng sasakyan at naupo habang nakamasid mula sa labas, kumukulo talaga ang dugo ko nang makita ko si Trevor kasama ang kasabwat niyang Jake na iyon. At talaga namang hinatid pa siya ng lalaking ito papunta sa sasakyan.
Nang palapit na sila ay agad akong sumandal at ipinikit ang aking mga mata na kunyari ay nakatulog na ako dahil sa pagod at noon ay narinig ko ang pagpinig ng pinto ng sasakyan.
"Pagpasenyahan mo na si Sam, pagod kasi siya sa work niya." Narinig kong sambit ni Trevor.
"Okay lang, pre," tugon naman ni Jake.
"Oh! Nakatulog na pala ang misis ko, we need to go home na," narinig ko ang pagpapaalam ni Trevor sa lalaking iyon. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang telang bumalot mula sa balikat ko hanggang tyan.
"Is this for real or he is faking it," siguro ay isa lamang ito sa mga pagpapanggap niya para mapapaniwala ang lahat na mag-asawa kami.
Naramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan pero nanatili akong nakapikit ng mga sandaling iyon, ayokong makipag-away sa lalaking ito, mauubos lamang ang aking lakas sa pakikipagtalo ngunit habang tumatagal ay inaantok na ako, kailangan kong manatiling gising.
"I know you're awake, stop faking it. Wake up," narinig kong utos niya.
Bakit ako makikinig sa'yo? I better not listen to you.
"Sir, saan po natin ihahatid ang misis niyo?" narinig kong tanong ng kanyang driver.
"Muntik ko ng makalimutan yun ah," dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, I sweetly smiled at him.
"Hi, you're back," alangan kong sinabi habang nakatingin sa mga mata niya.
"We'll send her to my place," mariin niyang tugon sa driver niya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko na parang nang-aasar.
Nagising si Samantha sa loob ng ospital at natagpuan ang sarili na nakaratay sa kama wala na ang umbok sa kanyang tiyan. "Ang baby ko," desperada niyang sigaw.Agad nagdatingan ang mga nars at pilit siyang pinapakalma, ngunit patuloy ang pagpiglas ni Samantha. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinahaplos ang dati’y nakaumbok niyang tiyan—ngayon ay patag na, tila ba may malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang nawala.“Nasaan ang baby ko? Sabihin niyo sa akin!” halos maiyak niyang sigaw, ang boses ay punong-puno ng takot at pagkalito.Nagkatinginan ang mga nars, tila nag-aalangan kung ano ang sasabihin. Ilang sandali pa’y dumating ang doktor, mahinahon ang mukha ngunit may bigat ang mga mata.“Samantha, pakalmahin mo muna ang sarili mo,” malumanay nitong sabi habang dahan-dahang lumalapit sa kama.“Dok, nasaan ang anak ko? Ayos lang ba siya?” pagsusumamo niya, puno ng pag-asa kahit nanginginig ang kanyang tinig.Huminga nang malalim ang doktor bago sumagot. “May nangyaring kompli
Makalipas ang tatlong buwan…Hindi na maitatago ang pagbabago sa katawan ni Samantha.Unti-unti nang umumbok ang tiyan niya—hindi pa man ganoon kalaki, pero sapat na para mapansin. Sapat na para ipaalala sa kanya araw-araw ang realidad na matagal niyang tinakasan, pero ngayon ay unti-unti na niyang tinatanggap.Mas naging tahimik siya sa mga nakaraang linggo. Mas pinili niyang umiwas.Sa gulo.Sa sakit.At higit sa lahat… kay Trevor.Sanay na siya sa routine niya—trabaho, uwi, pahinga. Walang labis, walang kulang. Isang mundo na sinubukan niyang gawing payapa kahit alam niyang hindi pa siya tuluyang buo.Hanggang sa araw na iyon.Naglalakad siya palabas ng ospital, isang kamay ang nakahawak sa tiyan niya—hindi dahil masakit, kundi dahil nakasanayan na niya. Parang doon niya kinukuha ang lakas niya sa bawat hakbang.“Samantha!” Napahinto siya sa paglalakad, kilala niya ang boses na iyon.Kahit ilang buwan pa ang lumipas… hindi niya makakalimutan. Dahan-dahan siyang napalingon.At doon
Umuwi si Samantha na luhaan at tila nawalan ng direksyon. Hindi niya maalala kung paano siya nakasakay pauwi. Hindi niya matandaan kung paano niya natawid ang mga kalsada o kung ilang beses siyang muntik mabangga sa sobrang lutang ng isip niya. Ang alam lang niya—bawat hakbang, bawat paghinga, bawat segundo ay parang pasan niya ang bigat ng buong mundo.Pagpasok niya sa bahay, agad niyang isinara ang pinto at sumandal doon. Dahan-dahan siyang naupo sa sahig, parang tuluyan nang bumigay ang katawan niya.At doon… Hindi na niya napigilan. Umiyak siya.Hindi simpleng luha lang—kundi iyak na puno ng pagsisisi, galit, sakit, at pagkamuhi sa sarili. “Bakit…” paulit-ulit niyang bulong, halos wala nang boses. “Bakit nangyari ‘to sa akin…”Napahawak siya sa buhok niya, mariing pinisil iyon habang patuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi niya.Pagsisisi ang nangingibabaw sa kanya, pagsisising hinayaan niyang mangyari ang gabing iyon.Pagsisising nagpadala siya sa emosyon at pagsisising hindi niya
Lumabas ng banyo si Samantha at namumugto sa pula ang mga mata nito, tila ilang oras nang umiiyak kahit ilang minuto pa lang ang lumipas. Nanginginig ang kamay niyang may hawak ng test kit, at bawat hakbang niya palabas ay parang mabigat, parang may hinihila siyang hindi nakikita.“Ano? Kumusta ang resulta?” tanong ni Lhian, may bahid ng kaba pero pilit na ngumiti.Hindi siya sumagot, hindi niya kayang magsalita.Sa halip, dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya at ipinakita ang test kit.Dalawang pulang linya ang bumungad sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Lhian. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi agad nakapagsalita. Ilang segundo siyang nakatitig lang, parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.“Ibig sabihin niyan…” halos pabulong niyang sabi, saka unti-unting napangiti, “buntis ka… magkakaanak ka na.”May kakaibang saya sa boses niya—isang inosenteng saya, parang may magandang balita na dumating.Pero kabaliktaran iyon ng nararamdaman ni Samantha. Parang may sumabog s
“Samantha’s POV”“Buntis ka ba?” bulalas ni Lhian.Parang tumigil ang mundo sa tanong niyang iyon. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko biglang bumigat ang hangin sa paligid namin, na para bang may kung anong pwersang pumipigil sa akin na magsalita. Nakatitig lang siya sa akin, naghihintay ng sagot—isang sagot na hindi ko pa kayang ibigay, kahit sa sarili ko.Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang lakas para harapin ang katotohanan. Dahil sa totoo lang, ako mismo ay takot na takot sa posibilidad na iyon.“Sam…” mas mahina na ang boses ni Lhian ngayon, pero mas ramdam ko ang bigat. “Sumagot ka naman.”Napapikit ako. Ilang segundo akong nagbilang sa isip ko, umaasang kapag dumilat ako ay mawawala ang lahat—na parang panaginip lang ito. Pero hindi. Nandito pa rin ako. Nandito pa rin ang tanong. At nandito pa rin ang katotohanang pilit kong tinatakasan.“H-hindi ko alam…” mahina kong sagot.Pero alam kong hindi iyon sapat.Napabuntong-
Matapos ang huling pag-uusap nila Samantha at Trevor ay hindi na sila muling nagkausap, naglalakad ang doktora sa hallway nang makaramdam siya ng pagsama ng sikmura."Anong nangyayari sakin?" tanong niya sa sarili habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nanakbo siya patungong banyo at walang pakialam sa mga taong nababangga."Uy, sino ba yun? Reklamo ng nasangging staff."Wag kang maingay, si doktora yun. Baka madudumi na," natatawang biro ng isa sa kanila.Agad sinandal ang tyan sa tiles ng lababo at sumuka doon, sobrang sama ng pakiramdam niya nang may biglang lumabas ng cubicle at bumulaga doon si Lhian, "bakit ka nagsusuka? Ang aga-aga ah," usisa nito.Binanlawan ng doktora ang kanyang bibig at pinunasan ng tuyong towel at hinarap ang nars na kaibigan nito, "masama lamang ang tiyan ko," tugon nito."Masama? Hindi ba at maingat ka sa pagkain?" matagal natigilan si Lhian nang biglang sumukang muli ang doktora, "hindi kaya buntis ka?" duda nito.Napatigil ang doktora sa sinabi ni Lhian. P
Samantha’s POVHindi ko alam kung bakit mas madaling harapin ang pasyenteng may kritikal na kondisyon kaysa harapin ang sarili kong puso.Pagpasok ko sa ospital kinabukasan, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng antiseptic at malamig na hangin mula sa aircon. Tahimik pa ang hallway dahil maaga pa,
Tatlong araw ng nanatili sa ospital si Samantha dahil ayaw niyang umuwi sa bahay, ayaw niyang makitang nandoon si Alyssa kasama si Trevor.Nakailang buntong hininga na ang doktora sa loob ng kanyang silid pero hindi pa rin niya malaman kung ano ang gagawin niya, ayaw niyang umuwi ngunit wala na siy
Napahinto si Samantha nang makita ang babaeng hindi niya inaasahang darating sa kanilang tahanan ni Trevor, hindi siya makagalaw at hindi makaimik, para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Alyssa na may hawak ng walis sa sala."Nakauwi ka na pala," nakangiti nitong sabi sa kanya."N
Kinabukasan, maagang nagising si Samantha.Madilim pa ang kalangitan nang marahan siyang bumangon mula sa kama. Sanay na siya sa ganitong oras—ang tahimik na bahay, ang malamig na sahig sa ilalim ng kanyang mga paa, at ang pakiramdam ng responsibilidad na naghihintay sa kanya sa ospital.Bilang isa







