Home / Romance / Craving For Love / CHAPTER 22: Night With a Stranger (Part 1)

Share

CHAPTER 22: Night With a Stranger (Part 1)

Author: Love Reinn
last update Last Updated: 2023-12-16 13:56:00
THIRD PERSON POV

“Whisky on the rocks, please,” order ni Aldric sa bartender.

Mainit ang ulo niya at mahapdi pa rin ang kamao dahil sa ginawa niyang pagsapak sa schoolmate niyang si Marco Villaflor.

“Bro, tinalo ka ng bulag? What the fvck is that?” natatawang sabi ng ka-teammate niya sa football na si Morris. Ipinatong nito ang kamay sa balikat niya.

“Don't touch me,” malakas na paghawi ni Aldric sa kamay nito.

Napataas na lang ng dalawang kamay si Morris bilang pagsuko. “Chill, bro.”

Isang sexy'ng babae ang lumapit sa kanila. Hapit ang suot nitong shorts na halos kita na ang underwear at busog na busog ang dibdib. “Want to play with me?”

Matamis itong ngumiti na hinimas pa ang hita at pagkalalaki ni Aldric pero hindi man lang ito na-turn on. Masyadong occupied ang utak nito para mapansin siya.

“Brokenhearted ang isang ‘yan kaya hayaan mo munang magsenti. Kung gusto mo rito ka muna sa ‘kin,” paglilihis ng atensyon ni Morris sa babae. Umupo naman ito sa hita niya at bi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Craving For Love   CHAPTER 158: Grand Party

    SAMARA POVTodo ang kaba sa dibdib ko habang nakasakay sa karwahe. Rinig ko ang papalakas na music na handog ng kilalang orchestra na inanyayahan ni Daddy. Sumabay ito sa palakpakan ng mga bisita na sa tansya ko ay walong daan. Pawang mga bigating tao, pulitiko at may napatunayan na sa business industry ang dumalo. Mga kakilala ni Daddy. Imbitado rin ang iilan kong kaibigan sa Northford University. Kita ko ang antisipasyon sa mga mata nila nang huminto ang sinasakyan ko.“And now, let me call on the dazzling birthday celebrant of the night, Ms. Samara Licaforte. Around of applause, everyone!” anunsyo ni Luchi na siyang host ng event. Nagsilbing hudyat ‘yon ng pagbaba ko mula sa karwahe.Inalalayan ako ng isang bodyguard. Marahan kaming naglakad sa red carpet papunta sa silyang inireserba para sa akin sa stage. Sinalubong ako ng iilang paparazzi.Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kumikislap ang venue na dulot ng naglalakihang chandeliers. Nakahilera rin sa mahabang mesa ang sa

  • Craving For Love   CHAPTER 157: Red Wine

    THIRD PERSON POVPagkababa ng sasakyan ay nagdire-diretso si Aldric sa loob ng Black Lights. Sinalubong siya ng malakas na musika ng bar. Masayang nagsasayawan ang lahat sa gitna ng dance floor habang naglalaro ang sari-saring kulay ng ilaw. Halo-halong amoy ng alak at sigarilyo. May iilang naghahalikan sa couch.“Tequila, sir?” alok sa kanya ng seksing waitress.“No, thanks,” pagtanggi niya. Wala siyang interes na magliwaliw sa naturang lugar.Nasa grand party na sana siya ng nobya niyang si Samara. Tumawag lang talaga si Monica dahil may sasabihin itong importante.Base sa tono ng pananalita nito, mukhang may alam ang dalaga sa pagpatáy niya kay Eli. Hindi tuloy siya mapakali.Isang bartender ang lumapit sa kanya. “Sir, kayo po ba si Mr. Aldric Rodriguez?” tanong nito.Nangunot ang noo ng binata. “Ako nga, bakit?”Inabot ng bartender sa kanya ang isang key card. “Naghihintay po sa inyo si Ms. Monica Licaforte sa VIP area,” abiso nito.“Tch,” naiinis na turan ni Aldric saka kinuha

  • Craving For Love   CHAPTER 156: Salamin

    THIRD PERSON POVTapos na ang dinner sa mansyon ng mga Licaforte ngunit nanatili pa rin ang sakit sa dibdib ni Monica. Nagngingitngit siya sa galit dahil sa ginawa ni Aldric. Hindi niya lubos maisip na ang stepsister niya pa talaga ang karibal niya. Inubos na nito ang lahat ng pagmamahal na nais niya sa sarili niya.Nanginginig ang dalawa niyang kamay habang nakatukod sa lavatory ng bathroom. Mariin ang pagkakatitig niya sa repleksyon sa salamin. May halong poot ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya. Mabibigat ang kanyang paghinga.Ayaw na niya sa dating Monica na mahina at isinasantabi lang. Gusto niyang gumanti at ipakita sa lahat na may halaga rin siya.“AHHH!” malakas niyang sigaw sabay dampot ng katabing vase. Inihampas niya ‘yon sa salaming kaharap na agad na nawasak.Kita niya sa basag na mga piraso nito ang bago niyang itsura. Matatag at walang emosyon ang mga mata. Gamit ang duguang kamay ay dinampot niya ang nakitang gunting. Pinutol niya ang mahabang buhok na sumisimbo

  • Craving For Love   CHAPTER 155: Kahinaan

    THIRD PERSON POV Nag-init ang gilid ng mga mata ni Monica dahil sa nagbabadyang luha. Gayunpaman, kaswal lang kung kumilos si Aldric. Hindi niya alam kung maiinsulto ba siya o matatawa.It’s as if she’s a total stranger! Kung umakto ito ay parang wala silang mga sandaling pinagsaluhan. Magaling ngang magpanggap ang binata at magtago ng totoong nararamdaman.“Oh, so you're Monica? Ikaw pala ang nak’wento sa akin ng Ate Ara mo kanina. Nice to finally meet you,” saad ng binata at naglahad ng kamay.Nice to finally meet you? Wow! Sa isip ni Monica ay ang kapal talaga ng mukha nito. Matapos ng lahat-lahat sa kanila?Walang emosyon niyang tinitigan ang kamay nito. Tapos, dumako ang mga mata niya sa Ate Samara niya.Hindi niya masukat ang pait na nararamdaman. Sa wari niya’y wala na itong itinira sa kanya. Ito ang paboritong anak ng daddy nila. Halos lahat ng tao, isinasantabi siya para lang dito. Ngayon naman, nakuha nito ang lalaking natitipuhan niya. Ang lalaking binuhusan niya ng pa

  • Craving For Love   CHAPTER 154: Nik-Nik

    THIRD PERSON POVPaulit-ulit na pinanood ni Monica ang footage ng pamamaril ni Aldric sa Northford University. Pinuslit niya ito sa control room ng naturang eskwelahan at muntik pa ngang mahuli ng gward’ya.Walang emosyon ang mga mata niya habang may mapait na ngiti sa labi. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang ginawa ni Aldric. Animo’y pinaglaruan lang siya nito. Ngayo’y hawak na niya ang bagay na magsisilbing susi para magdusa ang binata sa bilangguan.“Ma’am Monica, may dumating pong padala para sa inyo. Mula raw po sa organizer ng fashion event ni Mavvy Florence,” sambit ng katulong sa kanya sabay abot ng maliit na box. Pilit niyang inayos ang postura at tumango bilang pasasalamat.Pagkabukas niya ng kahon, may dalawang invitation cards. Isa sa mommy niya at isa sana sa daddy niya pero hindi ito makakapunta. Sasamahan kasi nito ang Ate Samara niya sa Balesin bilang birthday gift.Ilang buwang pinaghandaan ni Monica ang speech niya kasi gusto niyang maging proud ang parents niy

  • Craving For Love   CHAPTER 153: Excuse

    SAMARA POVPagkarating ko sa open field ay nadatnan ko si Aldric sa audience area. Hindi siya naka-uniform na gaya ng mga ka-team niya na kasunod ko at nag-aasaran. Malalim akong huminga at lumapit sa kanya.“Kanina ka pa?” tanong ko matapos tumabi sa kinauupuan ni Aldric. Ngumiti lang siya sa akin.Dumiretso ang mga kasamahan niya sa open field at nagkanya-kanyang warm up. Maya-maya ay dumating na rin ang coach ng football team. Pumito ito nang malakas para kunin ang atensyon nila. May dala-dala itong monoblock chair na siyang inupuan niya. Alisto namang pumila ang players.“Okay, team! Jogging muna for 5 minutes tapos dynamic stretching for 15 minutes. Morris at Pablo, kayong dalawa ang magiging leader ng practice game ngayon. Kunin niyo na lang ang listahan sa akin mamaya sa paghahati ng grupo. Carlo, lead the jogging. Io-on ko na ang timer,” instructions nito.“Yes, coach!” sabay-sabay nilang turan at nag-jogging sa running track nang nakahilera.Tahimik lang na nakatanaw si Aldri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status