SAMARA POV “Teka lang,” agad 'yong napagtanto ni Candice. “M-May gusto ka ba kay Marco?” gulat na tanong niya kay Mandy. Naalarma ako sa sinabi niyang 'yon kaya itinuon ko ang buong atensyon ko kay Mandy para abangan ang isasagot niya. Tama ba ang nasa isip ko? Na may gusto siya kay Marco na gaya ng kuro-kuro ko? Napakurap si Mandy. “A-Ano?” “Ang sabi ko, may gusto ka ba kay Marco?” pag-uulit ni Candice sa tanong niya. Bahagyang natawa si Mandy. “Wala, ‘no. Ano ka ba?” pagtanggi niya. “Nababaitan lang talaga ako kay Marco kaya gusto ko sanang makipag-close sa kanya, kung… ok lang?” tumingin siya kay Marco. “Hmm, ok lang naman,” nakangiting tugon nito. Nagngitian sila pagkatapos. Umiwas ako ng tingin sa kanila. ‘Ba't gano'n? Kahit sinabi ni Mandy na wala namang malisya 'yong mga ginagawa niya ay hindi pa rin ako komportable sa pangiti-ngiti nila?’ Bumaling si Marco sa akin. “Ikaw, Ara? May marerekomenda ka bang gamot?” “Gamot saan?” pagtataray ko. “Dito sa mga pasa ko,” tug
SAMARA POV ‘We got new friends.’ Caption ni Candice sa post niya sa fàcebook na ang tinutukoy ay sina Marco at Lolly. 'Yong mga pictures namin 'yon sa ospital. Ilang araw na ang lumipas no'ng makalabas sina Mandy, Marco at Lolly. Sa tingin ko ay magaling na sila. Mahuhusay rin kasi ang mga doktor sa ospital kung saan namin sila pinagamot kaya hindi nakakapagtakang mabilis ang recovery nila. ‘Guys, ang ganda talaga ng boses ni Marco, ‘no? Ilang beses ko ‘tong plinay.’ Sinend ni Mandy sa GC naming tatlo ang video ni Marco na naggigitara. ‘Hala, ba't natagalan 'yong pag-send mo n’yan dito?’ tanong ni Candice. ‘Inayos ko pa kasi para magaganda 'yong angles,’ reply naman ni Mandy. ‘Effort na effort, ah. May gusto ka talaga kay Marco, ‘no?’ panunukso ni Candice sa kanya. ‘Wala nga, ano ka ba?’ pagtanggi ni Mandy. ‘Nagpahampas ka ng upuan para sa kanya, Mandy. Kilala kita, hindi ka gano'n. May feelings ka talaga sa kanya. ‘Wag kang ano r'yan,’ ayaw pa ring sumuko ni Candice. ‘'Di
SAMARA POV “Marco, ano ang gusto mong unahin?” tanong ni Candice sa kanya. “Hmm, may kimchi ba?” tanong niya kaya agad kong iniabot sa kanya 'yong kimchi ko. “Here,” pangiti kong sabi pero natigilan ako nang makitang sabay pala kaming nag-abot ni Mandy. Napangiwi si Candice sa amin. “Ok, akin na,” kinuha niya 'yong platito naming dalawa at inilapag sa harap ni Marco. Nagtatagisan kami ng tingin ni Mandy. Wala namang ideya si Marco sa nangyayari at panay lang ang kain. “Ang sarap,” puri niya. “May lettuce ba?” “Ito,” agad kong abot ng lettuce sa kanya. “Here,” nag-abot din ng lettuce si Mandy at sinadya niyang itapat sa taas ng bowl ko 'yong bowl niya para sapawan ako. Hindi naman ako nagpatalo at nilipat ko sa itaas 'yong akin. Sinamaan niya ako ng tingin tapos nilipat ulit niya sa itaas 'yong kanya. Mariin ko siyang tinitigan tapos nilipat ko sa itaas 'yong akin. Nagpatuloy 'yong sapawan namin hanggang napatayo na kaming dalawa. “Teka lang!” awat ni Candice sa amin. Pare
THIRD PERSON POV “Ok, that's it, perfect,” puri ng photographer sa isang modelo na kasalukuyan niyang kinukunan ng litrato. “Look to the side, ayan, nice one, hold that position, make it more fierce, there.” Nakaupo si Monica sa couch habang inoobserbahan ang kasamahan niyang modelo na nakasalang sa stage. Kakatapos lang siyang ayusan ng glam team at siya na ang kasunod na kukunan ng litrato. Ilang araw na niyang ginagawa 'yon pero nakakaramdam pa rin siya ng kaba. Napahinga siya nang malalim. Ni-review niya ang mga tinuro ng pose coach niya at ang mga naka-save na pictures sa phone niya kung paano ang tamang anggulo at postura para sa tema nila. “So, it's real talaga? Kapatid niya 'yong laging trending na si Samara?” Natigilan si Monica nang marinig 'yon. Nakita niya sa reflection ng salamin ang tatlo niyang kasamahang modelo na nag-uusap sa bandang likuran niya pero hindi siya nagpahalata na napansin niya ang mga ito. “Narinig ko lang din sa iba no'ng nag-inuman tayo sa bar.
THIRD PERSON POV “Ano ba, let me go, pagod na ako, gusto ko nang magpatiwakal,” sigaw ni Monica. “Grabe sila sa ‘kin, ‘di ko naman sila inaano. Ba’t ‘di nila makita ang worth ko? Ba’t mas napapansin nila 'yong mga imperfections ko?” hagulgol niya. Parang gustong mapakamot ni Aldric sa ulo. Gusto niya lang namang uminom pero nadawit pa siya sa ganitong kadramahan. “Kalmahan mo lang Miss, ok? Lahat ng tao ay may problema. Kung wala ka no'n, hindi ka tao, ah, I mean—” maging ang pag-iisip niya ay na-disorganize na dahil sa pagwawala ng dalaga. “Lagi namang may masasabi ang ibang tao kahit magpakasanto ka pa kaya hayaan mo na lang sila. Hindi rin naman perpekto ang mga 'yan.” “Oh…” patuloy pa rin sa pag-iyak si Monica. “Talaga?” Lumingon siya sa lalaking nakahawak sa kanya “Salama—” nagulat siya nang ma-recognize ang mukha nito. “A-Aldric?” Naningkit ang mga mata ng binata. Sa dami ng naka-one night stand niya ay hindi na niya maalala kung isa ang dalaga sa kanila. “Do I know y—” naput
SAMARA POV Splash! Napairap ako sa lalaking pa-tumbling na tumalon sa pool. Napanganga ang mga nakakita sa kanya. “Ang oa naman ni kuya, parang ngayon lang nakakita ng tubig,” natatawa kong sabi tapos inayos ko ang suot na sunglasses. I'm feeling sexy with my tiger-printed bikini. Mula pa ‘to sa swimwear collection ng sikat na brand na Khelsy. Nasa isang country club ako ngayon para mag-unwind. Hinihintay ko sina Candice at Mandy na niyaya ko rito. Medyo stress na kasi kami sa sunod-sunod na practices namin para sa Sportsfest. Makapag-chill man lang kami kahit konte. Lumapit ang isang server sa akin para ibigay ang in-order kong drink na daiquiri. I took a few sip. Bagay na bagay ang refreshing na lasa nito sa magandang ambiance ng paligid. “Woah, she's so hot,” napako ang paningin sa akin ng tatlong lalaking napadaan. Halos tumulo ang mga laway nila sa ganda ng hubog ng katawan ko. “Grabe, si Samara 'yan, 'di ba?” “Artistahin ‘no?” “Sulit naman pala ang 6 digits na binabayad
SAMARA POV “Wake up, Ara,” isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya naimulat ko ang mga mata ko. Naka-bikini pa rin ako kaya sa tingin ko ay nakatulog ako rito sa country club. “How's your sleep?” nang-aakit na sabi ng lalaking gumising sa ‘kin kaya napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya. “M-Marco?” He's kinda wet at mukhang kakaahon lang sa pool. Napalunok ako sa matipuno niyang dibdib at six-pack abs. Naka-underwear lang siya at umbok na umbok ang malaki niyang alaga. ‘Ulalam…’ naibulalas ko sa isipan. Kumuha siya ng skipping rope at tumalon-talon gamit 'yon. Tumalbog-talbog tuloy ang maumbok niyang dragon na sinusundan ko ng tingin kaya nagmukha akong tumatangong chihuahua. It's really catchy. Malaki talaga. Kapag binangga ka ng alaga niya at paniguradong iika-ika ka nang maglalakad kinabukasan. “Ah, it's really hot,” kinuha niya ang isang bottled water at pinaligo 'yon sa sarili niya. Dumaloy ang tubig sa matitigas niyang pa
SAMARA POV “A-Ano?” napasalubong ang kilay ni Marco. “I love you?” pagpapaulit niya. “Ha?” nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung ano ang nasabi ko. Halos malaglag ang panga ni Lolly. Si Candice naman ay impit na napatili. “Yieee.” Nanunuksong ngumiti sa akin si Marco. Ako naman ay parang gusto na lang ibaon ang sarili ko sa lupa at maging isang kamote. Did I really just confess to him? Shit! Nakakahiya! “I-I mean, ikaw pala 'yan, Marco, musta?” kaswal kong pagkakasabi sa kanya tapos pinagkrus ko ang braso. Pinilit kong umasta na parang walang nangyari. Tinuro ko 'yong paligid. “Ah, I love the view, ang ganda ng view, ‘no?” pagtatama ko kunwari sa ‘I love you’ na nasabi ko sa kanya. “Ah, maganda nga siguro, 'yong view,” pilyo siyang ngumiti, parang nag-aasar pa nga. “'Di ba?” Tumango-tango ako sa kanila para ‘di na maging awkward ang paligid pero hindi ata effective kasi napapigil lang ng tawa si Candice. I know she's feeling the second hand embarrassment. Marco tu
MARCO POVMatapos kong kantahan si Jill ay umupo ako sa tabi niya. Sinimulan kong patugtugin ang piyesang ‘Heart and Soul’ sa grand piano. Inengganyo ko siyang sabayan ako. Hindi niya naman ako binigo. Napapansin ko pa rin ang panginginig ng isa niyang kamay na pilit niyang itinatago sa akin. Hindi nagtagal ay huminga ako nang malalim. May pahiwatig. Natigilan siya.“B-Bakit?” tila nangangambang tanong niya.Bumaling ako sa kanya. Marahan kong hinawakan ang nanginginig niyang kamay. Halata ang pagkagulat sa mga mata niya. Babawiin niya pa sana ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko pero ‘di na niya nagawa. Bahagya siyang nataranta.Alam ko na ang kasunod no'n. Mabigat siyang huminga at lumunok,…pinipigilan niya ang sariling umiyak.Tinitigan ko siya sa nangungusap na mga mata. “Hindi mo kailangang magpanggap na masaya ka kapag malungkot ka,” payo ko sa kanya bilang kaibigan.Bahagyang napaawang ang bibig niya nang mapantanto na alam ko na ang nangyayari. Doon tuluyang bumuhos ang lu
MARCO POVHinahabol ko ang paghinga habang hinanap sa lahat ng sulok ng Northford University si Ara. Mabilis ang bawat paghakbang ko hanggang natagpuan ko siyang nakaupo sa bench kasama si Aldric. Napalunok ako at aaminin ko na bahagya akong nakaramdam ng selos. Napawi ni Aldric ang namuong lungkot sa mga mata ni Ara kanina. Bagay na ako dapat ang gumawa.“Hay, masakit na nga tapos tititigan mo pa. Ang weird mo talaga,” pasaring ni Jill na nakasunod pala sa akin. Paglingon ko ay bumungad ang matamis niyang ngiti. Naka-dress na siya at pinalitan ang kaninang suot na itim. She looks gorgeous while standing. Bakas sa tindig at yumi ang pagiging anak mayaman.Sumilip siya kina Aldric at Ara saka bumaling ulit sa akin. Nang-uusisa ang titig niya. “Ex niya?” kaswal niyang tanong sa akin.Marahan akong ngumiti. Pilit na tinatago ang pagseselos. “Si Aldric,” tugon ko sa kalmadong tono.“Ah, gano'n ba?” Napapigil siya ng tawa. “Ganyan pala ang itsura mo kapag brokenhearted ka. Mukha kang tuta
SAMARA POV“Ang kapal ng mukha niya! Ang kapal-kapal ng mukha niya! May pa-childhood childhood pa siyang nalalaman tapos ex-wife niya naman pala ‘yon!” naiinis kong sabi at nagtuloy-tuloy sa paglalakad sa hallway. Namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.Hindi ko alam kung saan ako papunta pero bahala na!“Hey, Sama—” Matalim kong tinitigan si Nico na nagpatikom sa bibig nito. Wala ako sa mood para sa pambubwisit niya. Nasa likuran niya ang buong football team.“Pwede ba? Pass muna r'yan sa matabil mong dila. Kahit ngayon lang,” mariing pakiusap ko sa kanya. Kumurap-kurap lang siya bago ko siya nilampasan. Nagkatinginan ang buong football team na napansin atang ‘di ako okay.“Ara…” Sa pinakaunang pagkakataon ay kinausap ako ni Aldric matapos ang opisyal na pakikipag-break ko sa kanya. Hinabol niya ako at pinaharap para suriin ang mukha ko. Bakas sa kanya ang pag-aalala.“Sinaktan ka ba niya?” pagalit niyang tanong sa akin. Parang may ideya na agad siya na si Marco ang dahilan.Umi
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma
THIRD PERSON POV Nais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila. Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan. Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana. “Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya. “Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito. Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumeh
THIRD PERSON POV Alistong sinundan ng mga mata ni Marco ang direksyong pinuntahan ng taong nakaitim. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja. Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo. “A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali. Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro. “Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta. Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras. Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos r
MARCO POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang ako sabay iling nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan ako. Parang batang paslit pa rin ang turing nito sa akin. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa device. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong device na nakakonekta ata sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ko. Mukhang may bagong teknolohiya na namang dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ni Vien at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim akong natawa dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya namin. Tinanggal ko ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez noong kaarawan ko. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob ko na may kasama itong locator. Binalot ko ito ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng backpack ko.
SAMARA POV Napakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya. “Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita. “‘Yong nakasuot ng nin—” “Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap. “As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown. Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photo
SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ