THIRD PERSON POV“Mommy,” matamlay na tawag ni Monica sa ina nang dumaan ito sa tapat niya.Nakita niya ang ginawa nito kina Samara at Manang Letty. Aaminin niyang naiinggit siya sa stepsister niya pero grabe naman ata na paratangan ang mga ito ng krimen na ‘di naman nila ginawa. Hindi niya maintindihan ang mommy niya.Bumaling si Mrs. Licaforte sa kanya. Agad na napakunot ang noo nito nang makita ang reaksyon ng mukha niya. “Anong itsura ‘yan, Monica? ‘Wag mo sabihing naaawa ka sa matandang ‘yon?” pagsusungit nito. Ang pinakaayaw niya sa anak niya ay ang pagiging mahina nito.Napabuga ng hangin si Monica dahil sa bigat ng pakiramdam niya. “Kailangan ba talagang umabot sa gano'n, Mommy? Mali naman ata—”“Mali?” agad na pagputol ni Mrs. Licaforte sa sinasabi niya. “Kung sakaling nagkabaliktad ang posisyon niyo ni Ara at ikaw ang walang mana, ‘yon ang mali. Alam mo namang ginagawa ko lang ang lahat ng ito para sa kapakanan mo, Monica. Unahin mong kaawaan ang sarili mo bago ang iba,” pan
SAMARA POV“Hulihin niyo ang matandang ‘yan!” agad na utos ni Tita Olivia sa mga pulis nang madatnan kami. Kung makaasta ito ay tila siguradong-sigurado siya na si Manang Letty nga ang lumason kay Daddy. Gumuhit pa ang ngiti sa labi niya na para bang planado niya ang lahat.“Ikaw? Sinasabi ko na nga ba!” pagbulyaw ko. Akmang susugurin ko siya pero pinigilan ako ng mga pulis.“Kumalma lang po kayo, Ma’am,” pag-awat nila sa akin.Tinuro ako ni Tita Olivia. “Kasabwat din ang babaeng ‘yan. Nadiskubre niya kasi na wala siyang mamanahin sa ama niya dahil sa pagiging sampid niya. Binalak niya kaming pagnakawan,” pagsisinungaling nito. Pinagkrus niya ang dalawang braso na akala mo kung sino. Gaya ni Manang Letty, pinusasan din ako ng mga pulis. Pinalibutan nila kami na para bang nahatulan na kami.“Ano ba! Bitawan niyo ako!” pagpupumiglas ko. Nagsitinginan sa amin ang mga taong nasa parke at nakiusyuso.“W-Wala po kaming alam, mga sir. Hinding-hindi po namin magagawang lasunin si Mr. Licafor
THIRD PERSON POVUmuuga ang Toyota Hilux sa parking lot ng Grand Hann Hotel. Maririnig ang halinhinang ungol ng parehong walang saplot na sina Mrs. Licaforte at ng kalaguyo niyang si Atty. Santivanez. Pawis na pawis at uhaw na uhaw sila dahil sa pagniniig. Ilang oras na nilang niroromansa ang isa't isa at hindi nila alintana ang agwat ng kanilang edad.“Uhmm, Trevor…” paos na sambit ng ginang habang dinadampian ng nakakapasong halik ang kanyang leeg at likuran. Kasabay nito ang sunod-sunod na pag-ulos ng lalaki na nagpapayanig sa kanilang sinasakyan.Hindi mawari ni Mrs. Licaforte kung sa bintana ba siya kakapit o sa manibela. Basta ang alam niya lang ay halos mapugto na ang hininga niya sa sobrang sarap.“That’s it, moan my name,” mapanuksong tugon ng lalaki habang nilalabas masok ang maugat niyang kargada sa masikip at naglalawa ng bukana ng ginang.Ito ang patago nilang ginagawa. Sa harap ng iba ay empleyado at asawa ng boss ang turingan nila. Ngunit iilang palihim na pagkikita at
THIRD PERSON POV Malakas na halakhak ang maririnig sa isang pribadong silid sa Grand Hann Hotel. Aliw na aliw si Mandy sa tinutunghayang recording. Ilang ulit na n'yang nire-replay ang mainit na sagutan nina Samara at ng madrasta nito sa ospital. ‘Kapag nawala ang daddy mo, sa amin lang mapupunta ang lahat ng yaman niya. Ikaw, bilang sampid niyang anak. Wala kang makukuha. Patayin mo ang daddy mo para pulutin ka na sa kangkungan!” pagbulyaw ni Mrs. Licaforte. ‘Ano? Anong sinasabi mo? Hindi magagawa sa akin ‘yon ni Daddy!’ tugon naman ni Samara sa basag na boses. Ito ang nais ni Mandy. Ang magkagulo ang pamilya ni Mr. Licaforte. Ang taong kinasusuklaman niya. Ang pumatay sa kanyang ama sa sunog at sumira sa iniingatan nitong kredibilidad. Pakikinggan niya pa sana ang recording ng isa pang beses nang dumating ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki. Binaba nito ang suot na fedora sa mesa at umupo sa silyang kaharap niya. Humithit ito ng sigarilyo bilang pampakalma. “Narinig mo na
SAMARA POVNanlalamig ang dalawa kong kamay habang naghihintay sa labas ng emergency room. Hindi mapakali ang dibdib ko dahil sa labis na kaba kung magiging okay lang ba si Daddy. Ilang magagaling na doktor at nurses din ng St. James Hospital ang nagtulong-tulong para mapabuti ang kalagayan niya.Sa silyang kaharap ay nakaupo ang nag-aalala ring si Monica. Inaalo siya ng iilan naming maids. Hindi masyadong matao ang ospital kaya kami-kami lang din ang nasa hallway. Nagdarasal ang ibang katulong sa tabi.Maya-maya, dumating sina Manang Letty at Kakai. Kasunod nila sina Luchi at Atty. Santivanez na halatang nabigla sa nangyari.“Is he stable now?” agad na tanong ni Atty. Santivanez sa akin. Umiling ako at mabigat na huminga. Hindi ko rin alam kung anong isasagot sa kanya. “Hindi ko alam, Kuya Trevor,” tugon ko na lang.Pinaglapat niya ang labi at pilit na pinakalma ang sarili. Ramdam niya ang sakit na nadarama ko kaya hinayaan na muna niya akong mapag-isa. Lumapit siya kina Manang Lett
SAMARA POVMaingat kong nilagay sa kahon ang niregalo na tasa sa akin ni Manang Letty. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sobrang tuwa. Matapos ko itong isilid ay tinago ko ito sa loob ng closet.Nang makaramdam ng antok ay binagsak ko ang katawan sa malambot kong kama. Sinilip ko ang phone ko na nakapatong sa unan pero wala pa ring tumatawag. Mabigat akong huminga. “Baka grabe ang pinagdadaanan ni Marco ngayon kaya wala pa rin siyang paramdam. Hindi ko na muna siya kukulitin kasi baka ma-stress lang siya,” sambit ko sa sarili. Medyo nakakatampo pa rin. Pero hindi naman siguro niya ako babalewalain nang basta na lang kung walang mabigat na dahilan. Kailangan kong magtiwala sa kanya. Kinuha ko ang phone ko para mag-check ng ibang messages. May ‘Good Morning’ mula kay Aldric at iilang random messages mula sa mga kaklase at schoolmates ko.Dahil sa nangyaring aksidente sa school ay sinara na muna ito for further investigation. Naglibot na rin ang mga engineer for stru