Share

Capitulo Diez

“Anak!” anas ng isang matandang babae nang pumasok sila sa bahay.

Agad siyang niyakap ng matanda, umiiyak ito at mahigpit ang yakap kay Tati. Natulos si Tati sa kinatayuan, hinayaan niya ang matanda na yakapin siya.

Bumitaw ang matanda sa pagkakayakap sa kanya. Bakas sa mukha ng ginang ang pinaghalong saya at lungkot.

“Salamat sa Diyos at ayos ka hija!” maluha-luha pa nitong wika.

Hindi niya alam ang gagawin. Kung paano niya sasagutin ang matanda kaya sinubukan niyang ngumiti pero nauwi sa pagngiwi.

Nang igala niya an tingin ay may iilang kasama pa sila. Nakatanaw rin ang mga ito kay Tati ay may malungkot na ngiti sa mukha.

Nasa likod ni Tati ang asawa. Ramdam niya ang titig nito sa kanya.

“W-wala bang masakit sa ‘yo anak? Gusto mo bang kumain? Ipinaghanda kita, lahat ng mga paborito mo ay niluto ko—”

“Manang,” si Raphael. “Gaya nga po ng sabi ko sa inyo sa telepono. Walang naaalala si Athalia, hindi niya kayo matandaan.”

Humagulgol na ang ginang nang marinig ang tinuran ni Raphael.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status