LOGINDumagundong ang malakas na pagbagsak ng mesa ng itaob iyon ni Raphael, nagkalat ang mga gamit, nabasag ang mga baso at natapon ang mga alak.
Nawalan ng kulay ang mukha ni Clarise matapos gawin iyon, hindi inaasahan ng lahat na gagawin ni Raphael iyon.Tumayo si Tati at naglakad papalapit ka Raphael at marahas niya iyong sinampal, “I am doing you a favor. All you have to do is fucking cooperate with me! But fuck!” napapikit ng mariin si Tati at kinalma ang sarili, hindi na niya tinuloy ang sasabihin at basta na lang siyang lumabas paalis ng silid.Sa tagpung iyon namutawi sa labi ni Clint ang malapad na ngisi. . . Tila nanonood siya ng isang nakakaaliw na pelikula.Matapos ang tagung iyon ay nakipag-inuman muna si Tati, mayroon kasing mini bar sa hotel kaya doon siya nagtungo. May nakausap siyang mga lalaki kaya medyo gumaan naman ang pakiramdam niya. Kalmado na siya, nagsisi siya sa inasta kanina. Dapat ay mas nagpakumbaba siya pero inuna niya ang emosyon.Napagpasyahan ni Tati na sa hotel na lang matulog. Nang akmang bubuksan na niya ang silid ay may humawak sa kamay niya. Nang lingunin niya ay si Raphael iyon at matalim ang titig sa kanya.“Anong problema, Raphael? Nasaan ba ang tarsier mo at ako ang ginugulo mo?” tukoy niya kay Clarise, nairap siya sa inis nang maalala kung paano ito lumingkis kay Raphael. “Do you have something to say?” tinignan niya ang asawa mula ulo hanggang paa. “As you can see, pagod na pagod ako ngayong araw Raphael.”“Stop insulting, Clarise!” angil ni Raphael sa kanya.Tumaas ang dugo niya sa inis pero pilit niyang kinakalma ang sarili, “Oh. Hindi ko siya iniinsulto, nagsasabi lang ako ng totoo. In fact, mas cute pa ang tarsier kaysa sa kanya.”“Athalia Rielle Lazarus – Yapchengco!” mariing wika ni Raphael, halata sa boses nito ang pagbabanta pero walang pakialam si Tati roon.“What?! Ano ba kasi ang pinuputok ng butsi mo– Ohh.” Kumindat si Tati sa asawa, “Nagseselos ka ba dahil hindi mo naikama si Clarise ngayon araw at ako ay may planong –”“Fuck! H’wag mo ngang isali si Clarise rito.”“Then what?! Kabit mo naman siya?! Dapat lang talaga na isali siya rito. Ako ang asawa mo Raphael pero hindi mo kayang makipagtalik sa ‘kin. Siguro si Clarice ilang beses mo nang nagalaw!”“Pwede ba, huwag mong isali ang sex life ko rito!” mariing wika ni Raphael.“Fuck your sex life Raphael. Ano bang pinuputok ng butsi mo? Or. . .” huminto si Tati saglit at makahulugang tinignan si Raphael. “Or you want to sleep with me? Kasi kung oo– papayag ako. Para kapag dumating sa puntong tapos na tayo, masasagot ko ang mga katanungan magaling ka ba talaga sa kama. Well, hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ka magaling pagdating doon kung hindi pa natin nasusubukan, right?”Pinanlakihan siya ng mata ni Raphael, “Athalia!”“What?” bumuntong hininga pa si Tati. “Nandito lang ako sa harap mo hindi mo kailangang sumigaw dahil hindi ako bingi, Raphael! Isa pa I won’t force you to do it with me, ano ka sinuswerte?! Kahit pa sa totoo lang mas may karapatan ako kaysa sa mga babae mo!”Kahit pa ayaw ni Raphael sa kanya ay di maatim ni Tati na ibigay ang sarili sa iba, ilang beses niyang sinubukan. Kaso hindi kinakaya ng sikmura niya, kaya parati siyang umaatras sa mga sitwasyong ganoon. Kasal sila ni Raphael sa papel lang, ni hindi niya naranasang mag-gown sa kasal niya at ang makipagpalitan ng vows. Parang normal na araw lang iyon at kaunti lang ang nakakaalam sa relasyon nilang dalawa ni Raphael, kaya ganun na lang siguro siya nito gaguhin.“Miss, I can’t forget your lips – fuck!” si Luis na biglang sinapak ni Raphael, hindi napansin ni Tati na nasa tabi na niya ito. Nakausap niya ito kanina sa mini bar at nakipaghalikan rin siya rito, magaling humalik si Luis. Pero pakiramdam ni Tati ay may kulang.“Ano bang problema mo Raphael?!” hindi mapigilang sigaw ni Tati.Matalim na tumitig si Raphael kay Luis, “‘Yan ba ang gusto mong lalaki, Athalia?!”“Shut up, Raphael! Just shut up! Wala kang pakialam doon kaya manahimik ka,” asik ni Tati. Hinampas niya ang kamay ni Raphael. “Kung ano man ang gagawin ko wala ka naroon. You don’t have the right to tell me what to do. Dahil hindi rin ako nakialam sa lintik na mga kabit mo!”Pero mas lalong nagalit si Raphael at pinagsusuntok si Luis, kahit anong pilit ni Tati na pigilan ang asawa ay wala itong naririnig. Hanggang sa dumating si Rem at ang mga kaibigan pa nila at hinila si Raphael na halos wala na sa sarili.“Let go of me! Papatayin ko ‘yang lalaking ‘yan!” sigaw ni Raphael. “What the fuck!” sigaw ulit ni Raphael nang suntukin siya ni Tati.“Kung papatay ka ng tao h’wag sa harap ko Raphael!” galit na wika ni Tati, namumula ang buong mukha niya sa galit.“Kung ayaw mo, huwag mong sagarin ang pasensya ko, Athalia!”“Then umuwi ka na sa bahay natin, Raphael! Stop giving me and your mother a hard time!”Hindi sumagot si Raphael, kunot ang noo nito at bakas sa mukha nitong ang galit. Na konting pitik pa ay magwawala na ito. Bigla siyang hinila ni Raphael at naglakad sila papaalis hanggang sa makalabas sila sa building. Nagtungo sila sa parking lot at huminto sa itim na TrailBlazer ni Raphael.“Sakay,” mariing wika ni Raphael nang buksan ang pinto ng kotse.Sumakay na lang si Tati, wala na siyang lakas makipagtalo pa kay Raphael. Bago pumasok si Raphael ay nagsindi muna ito ng sigarilyo. Iniwas ni Tati ang tingi, ilang minuto pa ay nag-umpisa ng umandar ang kotse.“You have the audacity to chase me everywhere. Pero ang lakas mo naman manlalaki,” wika ni Raphael na nakatutok ang mata sa kalsada. Kuyom ang kamay nito habang nakahawak sa steering wheel.“Wala ka na roon,” umirap pa siya saka tinignan ang cellphone niya saka tinext ang mother-in-law niya na pauwi na silang dalawa ni Raphael. Pinatay niya agad ang cellphone matapos magtext, dahil alam niyang hindi siya titigilan ng manugang patungkol sa pagkakaroon ng anak. Ni hindi nga niya magawang maakit si Raphael, anak pa kaya?Inilapag ni Tati ang bulaklak sa tabi ng puntod, saka siya naupo sa malamig na sahig. “Anak…” agad na gumaralgal ang boses ni Tati. “Miss na miss ka na ni mama. Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon, anak. Mahal na mahal kita, sana hindi mo pagdudahan iyon.” Pakiramdam ni Tati ay maiiyak siya anumang saglit. Sa dami ng pinagdaan niya sa buhay ay ang pinaka tumatak sa puso niya ang pagkawala ng anak niya. “Are you crying, baby?” nag-aalalang tanong ni Raphael sa tabi niya. Umiling si Tati, “Wala. Naisip ko lang – paano kung nabuhay ang unang anak natin? Siguro mas masaya tayo. At matutuwa ang mga bata na makilala at makasama ang kuya nila.” “Love, masaya sana kung gano’n. But we don’t have a choice but to accept everything. Mahal na mahal pa rin naman natin si Boo kahit pa hindi natin siya nakasama. Boo will always be in our hearts. Isipin na lang natin na masaya siya kasama si Angkong. I am sure Angkong is taking care of our Boo.”“I know – hindi ko lang talaga maiwasang isipin
“Be ready…”Nagpanting ang tenga ni Raphael nang marinig ang boses sa earpiece. Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ipinahalata. Tumalon ang panga niya, at bahagyang tumango nang hindi halata, hudyat na nakuha niya ang mensahe.Si Tati naman ay kahit nanginginig ang buong katawan—matapang ang tingin. Nakatayo siya sa harap nina Kristine at Clarisse kahit ramdam ang pamamanhid ng tuhod niya. Sa likod nila, halatang hindi mapakali ang lalaking lider ng sindikato na may hawak na baril.“Alam mo… ikaw talaga ang problema,” biglang sabi ni Clarisse, puno ng poot ang mga mata. “Kung hindi ka sumulpot sa buhay ni Raphael noon, hindi sana nangyaring lahat ng ’to! Hindi sana kami nagkahiwalay! Hindi sana nawala ang… anak namin!”Mariin ang boses niya, halos parang baliw ang tawa pagkatapos.Napatingin si Raphael, malamig ang tingin. “Hindi ko anak ’yon, Clarisse. Kahit ilang beses mo pang pilitin, kahit ilang DNA test pa—hindi ko anak ’yong sinasabi mo. At wala tayong relasyon, asa
Nasa loob ng kotse sina Raphael at Tati, tahimik ang paligid pero mabigat ang hangin. Nasa likuran nila ang isang itim na bag, puno ng salaping katumbas ng isang bilyon. Isang maling galaw lang, pwedeng magbago ang lahat. Kaya ingat na ingat silang pareho – hindi lang buhay nila ang nakasalalay rito pati buhay rin ng mga anak nila.Hawak ni Raphael ang manibela nang mahigpit, pero halatang nanginginig ang kamay niya. Si Tati naman ay tahimik lang, nakapikit, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila sa isip.“Tati…” bulong ni Raphael, bahagyang lumingon sa kanya. “Kaya natin ’to. Kahit anong mangyari… kukunin natin sila.”Nagpilit siyang ngumiti, kahit gusto na niyang maiyak. “Raphael… natatakot ako. Pero hindi ako hihinto. Hindi ako susuko hangga’t hindi ko nahahawakan ang mga anak natin.”Inabot ni Raphael ang kamay niya, hinawakan nang mahigpit. “Magiging okay sila. Kukunin natin sila. At pagkatapos nito… hindi ko na hahayaang may manakit pa sa pamilya natin.”Tumango si
Hindi pa man humuhupa ang bigat ng mga sinabi ni Kristal ay bigla na lang nag-vibrate ang cellphone ni Archer sa mesa. Sunod ay ang kay Austin. Pati ang kay Raphael.Isa-isa silang napatingin sa mga screen, nagtatakang pareho kung bakit sabay-sabay silang nakatanggap ng mga mensahe.“Hala… may pumasok na email,” sabi ni Archer, kunot-noo.Napahigpit ang yakap ni Raphael kay Athalia nang makita niyang pareho ring nag-notify ang phone nila ng parehong sender—unknown, walang pangalan, walang subject.Si Austin ang unang nagbukas, at ang sumunod na nangyari ay parang pagpapabagal ng mundo."Guys…" mahina niyang sabi, nanlalaki ang mga mata. “Ito… kailangan n’yong makita.”Lumapit sila. Halos sabay-sabay, binuksan nila ang email. At sabay-sabay ding napahinto ang paghinga nila. Nandoon—isang larawan na halos magpatigil sa tibok ng puso nila.Ang tatlong bata.Nakagapos ang mga kamay sa likod, magkadikit na nakaupo sa malamig na sahig. Parehong namumugto ang mga mata, umiiyak nang walang tu
Nagpalitan ng tensyonadong tingin sina Archer at Austin nang tumigil si Athalia sa pag-iyak, bahagyang nag-angat ng ulo, habang si Raphael ay patuloy siyang hawak, parang natatakot na bumigay siya anumang oras.Biglang humakbang si Kristal palapit, nanginginig ang mga daliri habang hawak ang strap ng bag niya. Kita sa mukha niya ang kaba, at may halong hiya.“May aaminin ako…” mahina niyang sabi.Sabay-sabay silang napatingin sa kanya.Humigpit ang hawak ni Raphael sa balikat ni Athalia. “Ano ’yon?”Huminga nang malalim si Kristal, parang pinipilit lakasan ang loob bago magsalita.“Si… si Kristine. Kapatid ko.” Kinuyom niya ang mga kamao niya. “May posibilidad… na nakipagsabwatan siya sa grupo ni Clarisse.”Napataas ang boses ni Raphael, hindi makapaniwala. “Anong sinasabi mo? Nakakulong si Clarisse!”Saglit na napatingin si Austin sa sahig, bago sumagot, diretso at mabigat.“Hindi na,” sabi niya. “Nakatakas siya kagabi. At kasama niyang tumakas ang kinakasama niyang lider ng sindikat
Pagmulat ng mga mata ni Athalia, para siyang iminerteng muli sa pinakamalupit na bangungot ng buhay niya. Mabilis niyang iniangat ang sarili mula sa kama, habol ang hininga, at halos mahulog sa gilid habang buong lakas na sumisigaw.“Nasaan—nasaan ang mga anak ko?!” nanginginig ang boses niya, agad na nagpanic ang buong katawan.Hinila niya ang kumot, tinanggal ang mga nakatusok na tubo, at tumakbo papunta sa pinto ng silid. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang doorknob, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila. Napaatras siya at wala sa sariling nakatayo malapit sa may pintuan–parang kaunti na lang at bibigay na ang buong katawan niya.“Nasaan sila?! Ibalik niyo sa ’kin ang mga anak ko!”Halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang takot. Hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto—hanggang bigla na lang siyang nahila sa mahina ngunit mahigpit na yakap.“Athalia…” mahina at paos ang boses na iyon—si Raphael.Balot pa rin ito ng benda sa noo, at kita pa rin ang mga







