Halos maningkit ang mata ni Tati sa inis, nang makalabas siya mula sa banyo ay nasa higaan si Raphael. Nakahiga at hubad ang pang-itaas na damit pero nakasuot pa rin ito ng pantalon at medyas kaya napairap siya sa inis.
“Raphael!” gigil na wika niya at sinamaan ng tingin ang asawa.“What?” matabang na usal ni Raphael.Umirap siya. “‘You know that I hate it when you do that!” tukoy niya sa hindi pagtanggal ng medyas.“Whatever. And please, stop calling me Raphael.”Kunot ang noo ni Tati, “So? Anong masama do’n pangalan mo naman ‘yon. Anyway, maligo ka na nga!”Sa apat na taon na pagsasama, mabibilang lang sa daliri ni Tati kung ilang beses silang nagsama sa isang silid, kadalasan pa ay nagkapikunan silang dalawa at nilalayasan siya ng asawa.Pumasok sa banyo si Raphael, sinuot niya ang lingerie na regalo ng mother-in-law niya. Napangiwi pa siya nang makita ang sariling repleksyon, mukha siyang malandi. Naglagay siya ng kung anu-anong skin care products sa mukha at katawan. Bumukas ang pinto at napalingon siya, lumabas si Raphael sa banyo. Natatakpan ang ibabang bahagi ng katawan niya ng puting tuwalya.“What?” walang ganang wika ni Raphael.Napalunok siya, mag-asawa sila pero naiilang siya na makitang ganun lang ang saplot sa katawan. Nag-init tuloy ang buong mukha niya kaya nag-iwas siya ng tingin.“Magbihis ka muna. Mag-uusap tayo after,” nanginginig siyang umupo.Sarkastikong tumawa si Raphael, “So what kung mag-usap tayo ng ganito ang suot? Hindi nga ako nagreklamo sa suot mong mukhang basahan.”“Fuck off! Mahal ‘to no! Regalo to ni Mommy,” nakasimangot na wika niya saka inirapan ang asawa.“Cheap,” pasaring nito na mas lalong nagpainit sa ulo ni Tati.“Mas cheap ang mga babae mo!”Humalakhak si Raphael, “I don’t think so.” Tinignan ni Raphael si Tati mula ulo hanggang paa. “Mas maganda sila–”“So what! Kabit mo naman sila! Saka pwede ba mag-usap tayo ng maayos. Huwag mo akong pikunin ngayon araw Raphael. Kailangan kitang makausap ng matino.”“Alam naman natin kung ano ang gusto mo, Athalia.”“Raphael–”“Huwag mo na akong daanin sa ganyan. Alam ko kung ano ang gusto mo,” pinasadahan ulit ni Raphael ng tingin si Tati. “You want me to impregnate you right?”Hindi sumagot si Tati, iyon naman kasi talaga ang puno’t dulo ng paglapit niya ulit sa asawa. Kailangan niyang mabuntis, kailangan ay mabigyan na niya ng apo ang mga magulang ni Raphael. Sa apat na taong pagsasama ay araw-araw iyon pinapaalala sa kanya. Parang sirang plaka, paulit-ulit.“Guess what, Athalia. Hindi ako papayag sa gusto mo,” diring-diri na wika ni Raphael.Bumuntong hininga si Tati, “Then bigyan mo ako ng–” tumikhim siya. “Sperm mo, if ayaw mong gawin natin iyon ng natural. Maraming paraan. I–I just want a child who looks like you.”“No. Kailan ba tatatak sa utak mo na ayaw ko sa ‘yo,” naglakad papalapit ang asawa niya sa kanya. Bigla nitong hinawakan ang baba niya. “Kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo, Athalia. Hinding-hindi kita gagalawin. Pwede ba tantanan mo na ako? Hindi ka pa ba napapagod?!”Nanginginig niyang hinawakan ang pulso ni Raphael, “Rafa. . .”“Tigilan mo na ang pag-iilusyon,” saka marahas siyang tinulak kaya napaupo siya sa sahig.“Bakit ka ba ganyan?!” hindi mapigilang utas niya habang tinatanaw ang asawa niyang nagbibihis na. “Ang kailangan ko lang ay kooperasyon mo! Pagkatapos noon ay hindi na kita guguluhin pa. S-sana naman Raphael maintindihan mo–”“Shut the fuck up! Tantanan mo ako, Athalia! Oo, asawa kita pero sa papel lang!”Napapikit na lang siya nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto, nanginginig ang buong katawan niya sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Pero isa lang ang tumatak sa isipan niya. Hanggang kailan ba niya ibababa ang sarili niya?Kinabukasan ay maagang nagising si Tati at ang unang bumungad sa kanya ay ang text ng mother-in-law niya. Kinakamusta siya at kung maayos na ba silang dalawa ni Raphael. Nagreply naman siya at sinabi ang totoo. Nang siniguradong maayos at presentable ang sarili ay nag-drive siya papunta sa condo ng asawa. Nagtungo siya sa condo ng asawa– may bago itong condo at kanina lang niya nalaman. Well, her mother-in-law texted her the details again.Nag-park siya ng sasakyan nang makita ang pamilyar na kotse, sasakyan ni Raphael. At sa loob noon ay si Raphael at Clarise. They were kissing torridly, nakapikit pa si Clarise at ninanamnam ang mga halik ni Raphael.Likod pa lang ni Raphael ay alam na alam na ni Tati, nanginginig ang kamay niya. Gusto niyang bumaba at hilahin ang buhok ni Clarise pero nanginginig ang kalamnan niya. Kinuyom niya ang kamao niya at pilit na hinahabol ang sariling hininga.Siya ang legal na asawa, sa mata ng pamilya nito at batas. Pero pakiramdam niya ay siya ang ibang babae, dahil kailangan niya pang magmakaawa at humingi ng katiting na atensyon sa asawa niya. Ni hindi nga siya nirerespeto ni Raphael, kahit gusto niyang kausapin ito sa maayos na paraan parati lang silang nauuwi sa pagtatalo. Bastos ang pakikitungo sa kanya ni Raphael. . .Bumuntong hininga si Tati, kailangan niyang magtiis. Hindi siya papatalo.Lulan ng dalawang stretcher sina Raphael at Tati, parehong naliligo sa sarili nilang dugo. Inilabas sila mula sa ambulansyang dumating habang ang ulan ay patuloy sa pagbuhos—tila nakikiramay sa bigat ng sitwasyon.Si Raphael, walang malay. Ang kanyang damit ay halos hindi na makilala sa dami ng dugo. Parehong balikat niya'y may tama ng bala—tumagos ang mga ito, at sa bawat galaw ng stretcher ay parang lalong bumubukas ang sugat. Nangingitim na ang gilid ng kanyang mga labi.Si Tati, bahagyang may malay, ngunit nanghihina. Tumatagas ang dugo mula sa tama sa kanyang tiyan. Pilit niyang dinidilat ang mga mata, hinahanap ang mukha ni Raphael sa kabila ng lumalabong paningin. Tinangka niyang abutin ang kamay ng asawa, ngunit wala na siyang lakas.“Rapha...el...” mahina niyang ungol, bago siya tuluyang mawalan ng malay.Binaba ang dalawa sa ambulansya. Siya ring pagbaba ng kapamilya nila mula sa sasakyan. “Mga anak ko!” Palahaw ni Gabriella Yapchengco na inalalayan ng asawa niyang si Ulyss
“Handa na ba kayong lahat?” Tanong ng lalaki sa mga kasamahan nito. “Oo, naman. Kwago. Matagal-tagal na rin ang huli nating misyon. Pero sigurado naman ako na hindi nangangalawang ang mga bata natin para sa trabahong ‘to. Aba’y malaki rin ang ibibigay ni Boss. Isang milyon bawat tao, biruin mo yun. Kinse ka tao tayo, labin limang milyon rin yun. Di pa raw kasali ang bonus!” Humalakhak si Kwago, “Malamang! Big time itong hahuntingin natin, engot. Kaya signalan mo ang iba pa nating kasamahan na humanda na. Dahil aambushin natin ang pamilyang ito.” “Masusunod, Kwago!” Agad naman na tumalima si Kuneho at pinindot ang radio nila. “Kuneho, roger! Humanda na kayong lahat. Umaandar na ang sasakyan nila papaalis ng villa. Wag kayong masyadong papahalata. Kapag ito pumalpak, leeg natin ang kapalit. Kaya umayos kayo!” “Yes, Boss!” Walang kamalay-malay ang pamilyang Yapchengco na may sumusunod na dalawang van sa kanila. Lulan ng dalawang van na iyon ang mga taong hinire upang ambushin ang p
“Good morning mga anak!” bati ni Gabriella nang magtungo sa mesa kung nasaan ang buong pamilya at kaibigan nila. “Good morning, Tita!” bati ng mga kaibigan ng mga anak niya. Walang pagsidlan ang tuwa ni Gabriella sa mgga nangyari nitong nakalipas na araw. Ang isang linggong bakasyon nila ay magtatapos na. Ito ang huling araw nila sa isla at kaialngan na nilang bumalik sa reyalidad. “Good morning, Ma!” bati ni Raphael at humalik sa ina. “Good morning, anak. Where’s Tati?” agad na tanong ni Gabriella kay Raphael.“Pababa na rin yun, Ma. Kausap lang nito ang mga kapatid nito. And the kids are with her.”Maingay ang mesa nila. Kaniya-kaniyang usapan ang mga naroon. Habang ang mag-asawang Yapchengco naman ay abala rin sa pag-uusap. Hinihintay pa nila ang mha in-order na pagkain. “Do you think pagnakabalik tayo sa ‘tin. We need to book a wedding planner, Sweetie?” excited na tanong ni Gabriella. Natawa naman si Ulysses, “Sweetie. ‘Wag natin pangunahan ang mga bata. Kakaayos lang nung
“A few months ago, bago kayo medyo nagkaayos ni Raphael. Habang papunta si Daddy sa kaibigan niya. He was ambushed. Ang sasakyang minamaneho ng driver niya ay bumulusok sa bangin. Unfortunately, the driver died. Habang si Daddy naman ay nabaril at malakas ang pagkakatama ng ulo nito sa sasakyan. Ang sabi nga doktor, himalang na buhay pa si Daddy. We tried telling you, pero ayaw namin na madawit ka pa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin kaming nag iimbestiga tungkol sa insidenting ito,” malumanay na wika ni Archer. Seryoso ang ekspresyon ni Tati, ni hindi niya maintindihan kung ano ang dapat niyang sasabihin. Pinoproseso niya pa ang mga salita ng nakakatandang kapatid niya. Ilang buwan na ang nakakalipas mula nang mangyari ang aksidenteng iyon. Wala man lang siya kaalam-alam, inuna niya pa ang puso niya kaysa sa Papa niya. “I-I don’t know what to say,” naiiyak na sambit ni Tati. “Pakiramdam ko ang sama-sama kong anak.” “Hindi mo kasalanan iyon, Tati. Walang may gusto nun. Kami ang n
Sa isang madilim na parte ng pool area ay doon muna tumambay ang kambal. Inaantok na silang pareho pero ayaw pa nilang matulog–o mas tamang sabihin hindi sila makatulog sa dami ng problema nila na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nareresolba. “Unti-unti nang naaayos ang buhay ni Tati,” wika ni Austin. Bumuntong hininga si Archer, “Yeah. That’s what we had been praying. Wala naman tayong ibang gusto kundi ang maging masaya ang nag-iisang kapatid natin na babae. Tati deserves everything, sa lahat ng pinagdaanan niya. Nararapat lang sa kanya na maging masaya.” “Yeah, she deserves everything, Arch. She deserves the world, pati na rin ang mga bata. Sana lang talaga hindi sila saktang ng Raphael na ‘yon. Wala pa rin akong tiwala sa lalaking iyon.” “Kapag sinaktan niya si Tati. Sisisguraduhin kong pagbabali-baliin ko rin ang buto ng lalaking ‘yon.” Pareho silang natahimik. “Eh, tayo kaya?” Wika ni Austin. “Ano?” “Kailan natin maaamin ang lahat kay Tati? We’ve been hiding it for m
“What do you mean, anak?” nalilitong tanong ni Gabriella kay Raphael. “A-Anong kasal Raphael? Don’t tell me?”Ngumisi si Raphael, “Yeah.” “Oh, God!” Bumuhos na ang luha ni Gabriella, halos ngumawa na siya sa tuwa. Niyakap niya si Raphael, “Oh, God! You don’t know how hard I prayed to God na magkabalikan kayo.” Bumaling ito kay Tati. “Oh, my daughter-in-law!” At niyakap si Tati. “Mommy,” anas ni Tati ay niyakap panalik ang biyenan. “So, did Raphael propose again? Magpapakasal na ba kayo ulit? Oh my God! We should hire the best wedding coordinator in the country–” “Mommy, kalma. Hindi pa namin na pag-uusapan, okay? But we’re okay now,” agap ni Tati sa biyenan. “Oh,” malungkot na sambit ng biyenan.“Pero we’re not closing that idea, Mommy. Isa pa, kakabalikan lang namin.” “Well, tama ka naman d’yan anak. Ito ang pinaka magandang regalo ngayong birthday ko! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na malaman na ayos na kayong dalawa. Simula noon ay pinagdarasal ko na kayo na sana ang ma