LOGIN
“Athalia!”
“Ano na naman Mommy?” matabang na wika ni Athalia o mas kilala sa tawag na Tati.Napakurap sa galit si Gabriella Azcona – Yapchengco sa inasal niya, “For God sake, Athalia! Ang asawa mo ay nagpapakasasa sa kandungan ng ibang babae. At ikaw nandito lang at may gana ka pang magpahinga?! Hahayaan mo na lang ba ang kasal niyo na masira ng kung sinong Pontio Pilato?!”Napabuntong hininga si Tati at napapikit nang mariin habang kinakalma ang sarili. Kahit naman anong pagpapaintindi ang gawin niya ay pipilitin pa rin siya nito na habulin ang asawa niya.“Fine, Mom. Nasaan ba ngayon ang magaling kong asawa?” mapaklang wika niya habang tinitignan ang biyenan na aburido ang mukha at stress na stress sa kanya.Mas stress pa ito sa tuwing may kabalbalan na ginagawa ang asawa niya. Humilig siya sa backrest ng sofa at humalukipkip pa siya.Tinasaan siya ng kilay ng kanya ina, “Hindi ka ba natatakot na may pumalit sa pwesto mo, ha?”Napairap siya sa tinuran ng ina, “Sino na naman ang flavor of the night niya ngayong araw?”Napahawak sa sentido niya si Gabriella, “I will send you the location and the details. For now, ayusin mo ang sarili mo at gawing presentable ang ayos mo. Dapat makuha mo ang atensyon ni Raphael! Hindi ko alam kung gusto mo bang bawiin ang asawa mo o hindi. Dahil sa pinapakita mo sa ‘kin ngayon ay wala kang kaamor-amor sa asawa mo. Kung ganoon ang nararamdaman mo, I’ll stop helping you. So make up your mind. Ayaw kong magsayang ng oras anak.”Malungkot niyang tinignan ang ina, “Hindi naman sa ganoon, Mommy. I care for Rafa. . .” napabuga siya ng hangin nang alalahanin kung gaano ka gulo ang pagsasama nilang mag-asawa. “I–it's just that Raphael’s avoiding me. Kahit anong gawin kung pagpapapansin o paglapit ay binabalewala niya ako! Na para bang may nakakahawa akong sakit kaya ganun na lamang niya ako tratuhin!”“Kaya nga gagawa tayo ng paraan para maayos ang relasyon niyo. And the first thing to do is hulihin kung sino ang kinakalantari niya! Ayaw kong magmukha kang kawawa. At gusto kong magtino na si Raphael.”Hinilamos niya ang kanyang kamay sa mukha niya, “Susubukan ko, Mommy.”Hindi niya kayang tumanggi sa biyenan niya, mahal niya rin ito bilang ina. Naging mabuti ito sa kanya kahit pa hindi maayos ang pagsasama nila ni Raphael. Mas anak pa ang turing nito sa kanya kaysa kay Raphael.Sa loob ng apat na taon na pagsasama ay ilang beses lang nakita ni Tati ang asawang si Raphael, tuwing pasko, new year at birthday ng mga magulang nito. Ni hindi nga ito nagpapakita sa kanya kahit pa kaarawan mismo niya. Kahit ang mismong wedding anniversary nila ay Missing in action ito.“Kailangan mo mismong kumilos anak. Hindi pwedeng ako lang, kailangan ikaw mismo ay pursigidong maayos ang relasyon niyo. H’wag kang sumuko ‘nak. Alam ko naman namahal ka ni Raphael at mahal mo rin siya.”Paano niya gagawin iyon? Hindi nga niya mahagilap ang asawa. Kapag sinusubukan naman niyang lumapit rito ay lumalayo agad ito, malaking insulto iyon sa pagkatao ni Tati, na mismong asawa niya ay nilalayuan siya at pinandidirihan.Hindi naman ganito ang pagsasama nila noon, taliwas iyon sa mga nangyayari ngayon. Dati ay hindi sila halos mapaghiwalay at sa katunayan ay mabait sa kanya si Raphael, malambing at maalaga rin ito. Pero sa isang iglap ay naglaho ang lahat.Kinagat niya ang labi niya, pilit kinakalma ang sarili at ang naghaharumentadong puso niya.“Opo, naiintindihan ko po. Just send me the details please. Susubukan kong kumbinsihin si Rafa, Mommy. Pero hindi ako mangangakong magagawa ko ang sinasabi mo. Alam naman natin kung gaano ka tigas ang bungo ni Raphael.”Makalipas ang ilang oras ay nasa lobby na siya ng hotel na pagmamay-ari ng pamilyang Yapchengco. Isa lang iyon sa mga pagmamay-ari ng mga ito. Napa buntong hininga si Tati, ayaw niya talagang puntahan si Raphael dahil alam naman niyang ipagtatabuyan lang siya nito.Naglakad sila at sumakay sa elevator hanggang makarating sa isang presidential suite, nagpapalit-palit ang tingin ni Tati sa hawak na room key at sa pinto. Dinadaga siya, parang gusto niyang umtras at maglakad na lang paalis. Ayaw niyang makipagtalo kay Raphael ulit.Pero kailangan niyang gawin ito at inilapit sa pinto ang key room, ibinigay iyon ng hotel manager. Bumukas ang pinto at tumabad sa ay ang asawang nakaupo sa mahabang sofa. Hindi lang ito nag-iisa naroon rin ang mga kaibigan nito. Kung siguro ibang tao siya ay matutuwa siya sa nadatnan, lahat ng nasa silid na iyon ay naggwagwapuhan. Hindi lang iyon, nagmula rin sa mga prominenting pamilya at may maayos na trabaho. Kaya kung ibang tao siya, ay maituturing na swerte siya at nakikita ang tanawing ito.Pero ang bukod tanging nangingibabaw sa lahat ay si Raphael Linux Yapchengco, ang asawa niya. May ngisi sa mapupulang labi nito, nakasuot ito ng manipis na salamin na mas nagdagdag pa ng karisma nito. Mas nadedepina tuloy ang hugis ng mukha nito. Sa bawat pag kunot ng noo at pagkibot ng labi nito ay mas lalong gugustuhin ng sinuman na titig ang pagmumukha ni Raphael.Nag-umpisang maglakad si Tati at huminto sa gilid ni Raphael, “Rafa.”Hindi siya nito pinansin, bagkus ay bumaling ito sa katabi nitong si Rem. “What should we bet for the next round?” humahalakhak pa si Raphael.“Raphael,” ulit niya ngunit ‘di pa rin siya pinansin nito. Kinuyom niya ang kanyang kamay. “Raphael– Rafa–”“Damn it! Dahil sa ‘yo Rem, minamalas ako!” asik ni Raphael sa kapatid nito.Kumurap si Rem hanggang sa napatitig ito kay Tati. Halos hindi nito maalis ang tingin sa kanya, Nahagip naman ng mata ni Tati si Clarise na nakapulupot sa asawa niya. Tinaasan niya ng kilay ang babae kaya bumitaw ito sa pagpulupot sa asawa niya.“Tati!” maarteng bati ng babae.Nilibot niya ang kinaroroonan ng babae at agad na hinawakan ang kamay nito at hinila.“May lahi kabang tarsier?” kumurap ang babae. “Panay kapit ka sa asawa ko, sa pagkakaalam ko hindi siya puno para lumingkis ka.”Sumama ang itsura ni Clarise na animoy paiyak na. Doon lang nag-angat ng tingin si Raphael.“Let her go. Huwag na huwag kang gagawa ng eskandalo. If may mangyaring masama kay Clarise, pagbabayaran mo iyon, Tati.”Napakurap siya, Tati? Kailanman ay hindi siya tinawag ng ganoon ni Raphael dahil hindi daw iyon bagay sa kanya.Umusbong ang galit sa dibdib niya kaya marahas niyang binitawan si Clarise. Bumaling siya sa asawa na ngayon ay sumisimsim ng alak. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin. Nagtaas baba ang dibdib niya sa galit. Kahit pa hindi siya nito mahal, sana irespito siya nito kahit katiting man lang. Pero mas nag-aalala pa ito sa sekretary nitong mukhang tarsier.“Raphael,” malumanay ngunit madiing wika niya saka tinitigan ang asawa. Pero hindi pa rin ito lumingon.Napuno ng katahimikan ang silid, ni isa ay walang nagsalita. Dahil alam nilang konti na lang ay sasabog na siya. Mahaba ang pasensya ni Tati sa lahat ng bagay. . . maliban na lang pagdating sa asawa niya.Hinablot niya ang hawak na baso ni Raphael at basta na lang iyong tinapon. Wala siyang pakialam kung sino ang tamaan noon. Pero kung may tatamaan man sana ang malandi nitong sekretary na si Clarise.“What the fuck!” sigaw ni Raphael saka na patayo.He was towering over her.“What the fuck, Athalia. You came here just to cause a scene?!” hinawakan ni Raphael ang braso ni Tati, mahigpit iyon at namumula ang braso niya.Ngumisi si Tati, “If that will help me to get your attention, why not?”Napaawang ang labi ni Raphael, “Baliw ka… You are fucking crazy!” bumitaw si Raphael sa pagkakahawak sa kanya at umiling-iling pa.“Let’s play. Kapag manalo ako you will do me a favor, kapag natalo naman ako ikaw ang mamimili ng gagawin ko,” panghahamon niya.“Kahit pa ang layuan mo ako?” nakangising wika ni Raphael.Napalunok si Tati at marahang tumango at umalis sa harap ni Raphael at naupo sa katabi ang kaibigan ni Raphael, they are playing chess.Hind na umimik si Raphael nang mag-umpisa silang maglaro. Ganoon rin ang ginawa niya. Hindi siya magaling sa larong ‘to pero hindi siya papatalo kay Raphael, magtapos nitong ipagtanggol ang kabit nito laban sa kanya.“Fuck!” usal ni Raphael nang matalo. “What do you want?”Ipinilig ni Tati ang ulo, “Umuwi ka na sa bahay natin.”Raphael smirked, tinignan nito si Tati na para bang nanunuod ito ng nakakatawang palabas. “I told you we’re done.”Tinaasan ni Tati ng kilay si Raphael, “Then umuwi ka–”“Shut up!” asik nito.Nagsalubong ang kilay ni Tati sa inis, namumula ang buong mukha niya sa galit. Gusto niyang batuhin si Raphael at ang katabi nitong si Clarise na may malapad na ngisi sa labi. Inabot ni Tati ang baso ng alak at nilagok bago magsalita.“Man up! Natalo ka, so you have to fucking do me a favor! Ang kapal naman ng apog mo na makipag pustahan kung aayaw ka rin lang,” sigaw ni Tati saka marahas na ibinagsak ang baso sa mesa. “I am being patient here, Raphael. Kaya huwag mong hintayin na mawalan ako ng pasensya!” bumaling naman siya kay Clarise, “At ikaw babaeng tarsier, Wipe that smug smile of yours. Try coveting what is mine, sa kakungan ka pupulutin!”Inilapag ni Tati ang bulaklak sa tabi ng puntod, saka siya naupo sa malamig na sahig. “Anak…” agad na gumaralgal ang boses ni Tati. “Miss na miss ka na ni mama. Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon, anak. Mahal na mahal kita, sana hindi mo pagdudahan iyon.” Pakiramdam ni Tati ay maiiyak siya anumang saglit. Sa dami ng pinagdaan niya sa buhay ay ang pinaka tumatak sa puso niya ang pagkawala ng anak niya. “Are you crying, baby?” nag-aalalang tanong ni Raphael sa tabi niya. Umiling si Tati, “Wala. Naisip ko lang – paano kung nabuhay ang unang anak natin? Siguro mas masaya tayo. At matutuwa ang mga bata na makilala at makasama ang kuya nila.” “Love, masaya sana kung gano’n. But we don’t have a choice but to accept everything. Mahal na mahal pa rin naman natin si Boo kahit pa hindi natin siya nakasama. Boo will always be in our hearts. Isipin na lang natin na masaya siya kasama si Angkong. I am sure Angkong is taking care of our Boo.”“I know – hindi ko lang talaga maiwasang isipin
“Be ready…”Nagpanting ang tenga ni Raphael nang marinig ang boses sa earpiece. Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ipinahalata. Tumalon ang panga niya, at bahagyang tumango nang hindi halata, hudyat na nakuha niya ang mensahe.Si Tati naman ay kahit nanginginig ang buong katawan—matapang ang tingin. Nakatayo siya sa harap nina Kristine at Clarisse kahit ramdam ang pamamanhid ng tuhod niya. Sa likod nila, halatang hindi mapakali ang lalaking lider ng sindikato na may hawak na baril.“Alam mo… ikaw talaga ang problema,” biglang sabi ni Clarisse, puno ng poot ang mga mata. “Kung hindi ka sumulpot sa buhay ni Raphael noon, hindi sana nangyaring lahat ng ’to! Hindi sana kami nagkahiwalay! Hindi sana nawala ang… anak namin!”Mariin ang boses niya, halos parang baliw ang tawa pagkatapos.Napatingin si Raphael, malamig ang tingin. “Hindi ko anak ’yon, Clarisse. Kahit ilang beses mo pang pilitin, kahit ilang DNA test pa—hindi ko anak ’yong sinasabi mo. At wala tayong relasyon, asa
Nasa loob ng kotse sina Raphael at Tati, tahimik ang paligid pero mabigat ang hangin. Nasa likuran nila ang isang itim na bag, puno ng salaping katumbas ng isang bilyon. Isang maling galaw lang, pwedeng magbago ang lahat. Kaya ingat na ingat silang pareho – hindi lang buhay nila ang nakasalalay rito pati buhay rin ng mga anak nila.Hawak ni Raphael ang manibela nang mahigpit, pero halatang nanginginig ang kamay niya. Si Tati naman ay tahimik lang, nakapikit, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila sa isip.“Tati…” bulong ni Raphael, bahagyang lumingon sa kanya. “Kaya natin ’to. Kahit anong mangyari… kukunin natin sila.”Nagpilit siyang ngumiti, kahit gusto na niyang maiyak. “Raphael… natatakot ako. Pero hindi ako hihinto. Hindi ako susuko hangga’t hindi ko nahahawakan ang mga anak natin.”Inabot ni Raphael ang kamay niya, hinawakan nang mahigpit. “Magiging okay sila. Kukunin natin sila. At pagkatapos nito… hindi ko na hahayaang may manakit pa sa pamilya natin.”Tumango si
Hindi pa man humuhupa ang bigat ng mga sinabi ni Kristal ay bigla na lang nag-vibrate ang cellphone ni Archer sa mesa. Sunod ay ang kay Austin. Pati ang kay Raphael.Isa-isa silang napatingin sa mga screen, nagtatakang pareho kung bakit sabay-sabay silang nakatanggap ng mga mensahe.“Hala… may pumasok na email,” sabi ni Archer, kunot-noo.Napahigpit ang yakap ni Raphael kay Athalia nang makita niyang pareho ring nag-notify ang phone nila ng parehong sender—unknown, walang pangalan, walang subject.Si Austin ang unang nagbukas, at ang sumunod na nangyari ay parang pagpapabagal ng mundo."Guys…" mahina niyang sabi, nanlalaki ang mga mata. “Ito… kailangan n’yong makita.”Lumapit sila. Halos sabay-sabay, binuksan nila ang email. At sabay-sabay ding napahinto ang paghinga nila. Nandoon—isang larawan na halos magpatigil sa tibok ng puso nila.Ang tatlong bata.Nakagapos ang mga kamay sa likod, magkadikit na nakaupo sa malamig na sahig. Parehong namumugto ang mga mata, umiiyak nang walang tu
Nagpalitan ng tensyonadong tingin sina Archer at Austin nang tumigil si Athalia sa pag-iyak, bahagyang nag-angat ng ulo, habang si Raphael ay patuloy siyang hawak, parang natatakot na bumigay siya anumang oras.Biglang humakbang si Kristal palapit, nanginginig ang mga daliri habang hawak ang strap ng bag niya. Kita sa mukha niya ang kaba, at may halong hiya.“May aaminin ako…” mahina niyang sabi.Sabay-sabay silang napatingin sa kanya.Humigpit ang hawak ni Raphael sa balikat ni Athalia. “Ano ’yon?”Huminga nang malalim si Kristal, parang pinipilit lakasan ang loob bago magsalita.“Si… si Kristine. Kapatid ko.” Kinuyom niya ang mga kamao niya. “May posibilidad… na nakipagsabwatan siya sa grupo ni Clarisse.”Napataas ang boses ni Raphael, hindi makapaniwala. “Anong sinasabi mo? Nakakulong si Clarisse!”Saglit na napatingin si Austin sa sahig, bago sumagot, diretso at mabigat.“Hindi na,” sabi niya. “Nakatakas siya kagabi. At kasama niyang tumakas ang kinakasama niyang lider ng sindikat
Pagmulat ng mga mata ni Athalia, para siyang iminerteng muli sa pinakamalupit na bangungot ng buhay niya. Mabilis niyang iniangat ang sarili mula sa kama, habol ang hininga, at halos mahulog sa gilid habang buong lakas na sumisigaw.“Nasaan—nasaan ang mga anak ko?!” nanginginig ang boses niya, agad na nagpanic ang buong katawan.Hinila niya ang kumot, tinanggal ang mga nakatusok na tubo, at tumakbo papunta sa pinto ng silid. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang doorknob, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila. Napaatras siya at wala sa sariling nakatayo malapit sa may pintuan–parang kaunti na lang at bibigay na ang buong katawan niya.“Nasaan sila?! Ibalik niyo sa ’kin ang mga anak ko!”Halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang takot. Hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto—hanggang bigla na lang siyang nahila sa mahina ngunit mahigpit na yakap.“Athalia…” mahina at paos ang boses na iyon—si Raphael.Balot pa rin ito ng benda sa noo, at kita pa rin ang mga







