LOGINMarahas na kinatok ni Tati ang bintana ng kotse. Tumambad sa kanya si Clarise, ang babaeng mukhang tarsier. Namilog ang mata nang dalawa sa gulat, napaayos ng upo ang dalawa at binaba ni Raphael ang binata. Napailing na lang siya habang pinipigilan ang sariling sabunutan ito, sekretarya ito ng asawa niya.
“What the fuck are you doing here?!” mariing usal ni Raphael, sambakol na naman ang mukha nito. “Estorbo!”Umirap siya at tinaasan ng kilay si Clarise na hanggang ngayon ay nakangiti, hindi man lang nahiya ang babaeng malandi. Gusto niyang suntukin ang makapal nitong labi. Halatang hindi lang halikan ang nagawa nung dalawa. And that damn woman is acting more like a wife than Tati.“Ano bang ginagawa mo dito?” napapikit pa si Raphael.“Kumalma ka, Raphael.” Si Clarise, hinimas pa nito ang likod ni Raphael.Napabuga ng hangin si Raphael sa inis, “Anong kailangan mo?”“Raphael, baka may kailangan si Tati sa ‘yo. Baka importante,” pag-aalo naman ni Clarise. “Isama na lang natin siya sa unit mo.”Wala ng nagawa pa si Raphael, nakarating silang tatlo sa unit ni Raphael. Hindi kalakihan iyon pero malinis, ni walang bakas na may asawa itong tao. Ano pa nga bang ini-expect ni Tati? E, kinamumuhian siya ni Raphael.Naupo si Tati sa sofa habang si Clarise naman ay animo’y may bahay ni Raphael, alam nito ang pasikot-sikot ng unit ni Raphael, mismo ang gamit nito ay alam nito kung nasaan.Raphael sneered. “Huwag ka nang mag-abala pa Clarise, aalis rin si Athalia.”Umiling si Clarise at sinulyapan si Raphael, “Ayos lang ‘yon Raphael. Nakakahiya naman kung hindi man lang siya mapagsisilbihan.”Nanginginig ang labi niya sa inis, habang pinagmamasdan ang dalawa na mag-usap. Parang hangin lang siya sa dalawa, sa paningin niya ay sagabal siya.“Mag-order ka ng pagkain, Clarise. Dito ako magla-lunch, sabay kaming maglalunch ng asawa ko,” bawat salita ay binibigyan niya ng diin, kulang na lang ay umuwi siya at kunin ang marriage certificate nilang mag-asawa at ihampas sa pagmumukha ni Clarise.“No, huwag kang makinig sa kanya. Aalis din si Athalia. Isa pa ay wala akong ganang kumain,” matabang na sambit ng asawa niya.Kunot ang noo ni Clarise, “Naku. Hindi ‘yan pwede, Raphael. Kailangan mong kumain, hindi ka nagbreakfast right?”Pinag krus ni Tati ang kanyang mga braso, “Ano bang trabaho mo dito Clarise? Sekretarya ka, right?”Nalilitong tinignan siya ni Clarise, “Oo.”“Then act like one. Tawagin mong Sir ang asawa ko, wala sa trabaho mo ang manulot ng asawa. Wala ka sa isang bakasyon para tawaging ganyan ang asawa ko. And I told you right? Umorder ka ng pagkain! Dito ako kakain, kakain kaming sabay ng asawa ko. Isa pang panlalandi sa asawa ko hindi lang sampal at sabunot ang aabutin mo!”“Athalia! Ano ba!” saway ni Raphael sa kanya.Nahihiyang tumango si Clarise, “S-sige. Mag-oorder po ako. Ano pong gusto niyong kainin?”Naglakad papalapit sa sofa si Tati at umupo roon, “Gusto ko ng paella.”“Sige,” si Clarise saka umalis sa opisina.Naiwan silang dalawa mag-asawa. Humalukipkip siya habang tinitigan ang asawang aburido na naman ang mukha. Napahawak si Raphael sa sentido nito.“Kung bored ka sana iba na lang ang inabala mo, Athalia. Marami akong gagawin–”“Ano ba ang mali kung pupunta ako dito at yayayain kong kumain ang asawa ko? Isa pa, masyado kang busy sa pakikipaghalikan sa sekretarya mo at hindi mo maharap ang asawa mo?”Ngumisi si Raphael, “Alam naman nating hindi mo kagustuhan ang pumunta rito, hindi ba? Alam kong si Mommy ang nag-utos.”“Alam mo naman pala, e! Kaya huwag mo akong tanungin!” mataray niyang wika saka inilibot ang mata sa buong bahay ng asawa.“Hanggang kailan ka ba magsusunod-sunuran, ha?” mapaklang wika ng asawa at sumandal sa backrest ng sofa.Sarkastikong ngumisi si Tati, “Ikaw. Hanggang kailan mo ba ako babastusin? Kaunting kooperasyon at kaunting respito lang hinihingi ko sa ‘yo, Raphael.”Pareho silang natahimik nang dumating si Clarise at inilapag ang pagkain, umalis saglit si Raphael. Naiwan siyang nakatulala, saan ba talaga siya lulugar?Sa sumunod na araw na niya binuksan ang cellphone niya, at sobrang daming text at tawag mula sa mother-in-law niya. At himalang may missed call rin si Raphael, mukhang ini-unblock na siya ng asawa. Nang buksan ang text mula sa mother-in-law ay agad siyang napatayo at nagtungo sa garahe at sumakay sa sasakyan niya at pinaharurot ito papuntang ospital.Nang buksan niya ang pinto ng pribadong kwarto ay sumalubong sa kanya ang galit na mukha ni Raphael.“Lumabas ka muna Clarise,” anya ni Raphael kay Clarise na inaasikaso siya.“Raphael,” sambit niya saka akmang dadaluhan ang asawa.“Anong ginagawa mo rito?” mahina ngunit madiing wika ng asawa niya.“N-ngayon ko lang nabasa ang mga text at tawag niyo–”“Ang kapal rin ng mukha mo na pumunta rito–”“Anong i-ibig mong sabihin, Raphael?”“Stop playing with me, Athalia.” Umiling-iling pa ang lalaki, animo’y ‘di makapaniwala. “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin.”Napakurap si Tati at inilingan ang asawa, “Hindi ko alam kung ano ang pinupunto mo–”“Fuck! Ganyan ka na ba kadespirada?! Hanggang saan mo pa ba ibababa ang sarili mo, Athalia?! You fucking hired someone para ipatumba si Clarise! Kung wala ako baka siya iyong nakaratay rito!”Natulos si Tati, hindi siya makagalaw. Ramdam niya ang galit ng asawa niya, tumayo si Raphael at nilapitan siya. Napakagat labi na lang siya nang maramdamang marahas na hinawakan nito ang mukha niya.“A-ano ba, Raphael. N-nasasaktan ako–”Umigting ang panga ni Raphael sa galit, magkasalubong ang kilay nito. “Talagang masasaktan ka! Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pasensya ko sa ‘yo, Athalia. Kaunting na lang at papatulan na kita. Hindi na ikaw ang dating Athalia na kilala ko, isa kang demonyo!”“Raphael— please let me go,” nangangatog na ang tuhod ni Tati sa kaba. Binasa niya ang pang-ibaba niyang labi. Sinalubong ang mata ng asawa na puno ng galit. “Please, Rafa.”“Fuck!” galit na wika ni Raphael at yumuko at marahas na inilapat ang labi kay Tati, kinagat ni Raphael ang pang-ibabang labi ni Tati sa inis.Hinahalikan siya ni Raphael, kahit kailan ay hindi niya iniisip na mahahalikan si Raphael. . . Kaya ganun na lang kalakas ang kabog ng puso niya ng halikan siya ng asawa niya.Inilapag ni Tati ang bulaklak sa tabi ng puntod, saka siya naupo sa malamig na sahig. “Anak…” agad na gumaralgal ang boses ni Tati. “Miss na miss ka na ni mama. Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon, anak. Mahal na mahal kita, sana hindi mo pagdudahan iyon.” Pakiramdam ni Tati ay maiiyak siya anumang saglit. Sa dami ng pinagdaan niya sa buhay ay ang pinaka tumatak sa puso niya ang pagkawala ng anak niya. “Are you crying, baby?” nag-aalalang tanong ni Raphael sa tabi niya. Umiling si Tati, “Wala. Naisip ko lang – paano kung nabuhay ang unang anak natin? Siguro mas masaya tayo. At matutuwa ang mga bata na makilala at makasama ang kuya nila.” “Love, masaya sana kung gano’n. But we don’t have a choice but to accept everything. Mahal na mahal pa rin naman natin si Boo kahit pa hindi natin siya nakasama. Boo will always be in our hearts. Isipin na lang natin na masaya siya kasama si Angkong. I am sure Angkong is taking care of our Boo.”“I know – hindi ko lang talaga maiwasang isipin
“Be ready…”Nagpanting ang tenga ni Raphael nang marinig ang boses sa earpiece. Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ipinahalata. Tumalon ang panga niya, at bahagyang tumango nang hindi halata, hudyat na nakuha niya ang mensahe.Si Tati naman ay kahit nanginginig ang buong katawan—matapang ang tingin. Nakatayo siya sa harap nina Kristine at Clarisse kahit ramdam ang pamamanhid ng tuhod niya. Sa likod nila, halatang hindi mapakali ang lalaking lider ng sindikato na may hawak na baril.“Alam mo… ikaw talaga ang problema,” biglang sabi ni Clarisse, puno ng poot ang mga mata. “Kung hindi ka sumulpot sa buhay ni Raphael noon, hindi sana nangyaring lahat ng ’to! Hindi sana kami nagkahiwalay! Hindi sana nawala ang… anak namin!”Mariin ang boses niya, halos parang baliw ang tawa pagkatapos.Napatingin si Raphael, malamig ang tingin. “Hindi ko anak ’yon, Clarisse. Kahit ilang beses mo pang pilitin, kahit ilang DNA test pa—hindi ko anak ’yong sinasabi mo. At wala tayong relasyon, asa
Nasa loob ng kotse sina Raphael at Tati, tahimik ang paligid pero mabigat ang hangin. Nasa likuran nila ang isang itim na bag, puno ng salaping katumbas ng isang bilyon. Isang maling galaw lang, pwedeng magbago ang lahat. Kaya ingat na ingat silang pareho – hindi lang buhay nila ang nakasalalay rito pati buhay rin ng mga anak nila.Hawak ni Raphael ang manibela nang mahigpit, pero halatang nanginginig ang kamay niya. Si Tati naman ay tahimik lang, nakapikit, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila sa isip.“Tati…” bulong ni Raphael, bahagyang lumingon sa kanya. “Kaya natin ’to. Kahit anong mangyari… kukunin natin sila.”Nagpilit siyang ngumiti, kahit gusto na niyang maiyak. “Raphael… natatakot ako. Pero hindi ako hihinto. Hindi ako susuko hangga’t hindi ko nahahawakan ang mga anak natin.”Inabot ni Raphael ang kamay niya, hinawakan nang mahigpit. “Magiging okay sila. Kukunin natin sila. At pagkatapos nito… hindi ko na hahayaang may manakit pa sa pamilya natin.”Tumango si
Hindi pa man humuhupa ang bigat ng mga sinabi ni Kristal ay bigla na lang nag-vibrate ang cellphone ni Archer sa mesa. Sunod ay ang kay Austin. Pati ang kay Raphael.Isa-isa silang napatingin sa mga screen, nagtatakang pareho kung bakit sabay-sabay silang nakatanggap ng mga mensahe.“Hala… may pumasok na email,” sabi ni Archer, kunot-noo.Napahigpit ang yakap ni Raphael kay Athalia nang makita niyang pareho ring nag-notify ang phone nila ng parehong sender—unknown, walang pangalan, walang subject.Si Austin ang unang nagbukas, at ang sumunod na nangyari ay parang pagpapabagal ng mundo."Guys…" mahina niyang sabi, nanlalaki ang mga mata. “Ito… kailangan n’yong makita.”Lumapit sila. Halos sabay-sabay, binuksan nila ang email. At sabay-sabay ding napahinto ang paghinga nila. Nandoon—isang larawan na halos magpatigil sa tibok ng puso nila.Ang tatlong bata.Nakagapos ang mga kamay sa likod, magkadikit na nakaupo sa malamig na sahig. Parehong namumugto ang mga mata, umiiyak nang walang tu
Nagpalitan ng tensyonadong tingin sina Archer at Austin nang tumigil si Athalia sa pag-iyak, bahagyang nag-angat ng ulo, habang si Raphael ay patuloy siyang hawak, parang natatakot na bumigay siya anumang oras.Biglang humakbang si Kristal palapit, nanginginig ang mga daliri habang hawak ang strap ng bag niya. Kita sa mukha niya ang kaba, at may halong hiya.“May aaminin ako…” mahina niyang sabi.Sabay-sabay silang napatingin sa kanya.Humigpit ang hawak ni Raphael sa balikat ni Athalia. “Ano ’yon?”Huminga nang malalim si Kristal, parang pinipilit lakasan ang loob bago magsalita.“Si… si Kristine. Kapatid ko.” Kinuyom niya ang mga kamao niya. “May posibilidad… na nakipagsabwatan siya sa grupo ni Clarisse.”Napataas ang boses ni Raphael, hindi makapaniwala. “Anong sinasabi mo? Nakakulong si Clarisse!”Saglit na napatingin si Austin sa sahig, bago sumagot, diretso at mabigat.“Hindi na,” sabi niya. “Nakatakas siya kagabi. At kasama niyang tumakas ang kinakasama niyang lider ng sindikat
Pagmulat ng mga mata ni Athalia, para siyang iminerteng muli sa pinakamalupit na bangungot ng buhay niya. Mabilis niyang iniangat ang sarili mula sa kama, habol ang hininga, at halos mahulog sa gilid habang buong lakas na sumisigaw.“Nasaan—nasaan ang mga anak ko?!” nanginginig ang boses niya, agad na nagpanic ang buong katawan.Hinila niya ang kumot, tinanggal ang mga nakatusok na tubo, at tumakbo papunta sa pinto ng silid. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang doorknob, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila. Napaatras siya at wala sa sariling nakatayo malapit sa may pintuan–parang kaunti na lang at bibigay na ang buong katawan niya.“Nasaan sila?! Ibalik niyo sa ’kin ang mga anak ko!”Halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang takot. Hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto—hanggang bigla na lang siyang nahila sa mahina ngunit mahigpit na yakap.“Athalia…” mahina at paos ang boses na iyon—si Raphael.Balot pa rin ito ng benda sa noo, at kita pa rin ang mga







