Share

KABANATA 2.1

Buti na lang at close ko ang lahat ng nandito maliban lang sa dalawang iyon. Leon and Jasmine.

"Magbigay na lang tayong lahat ng kanya-kanyang pamagat na related sa binigay ni Ma'am tapos mag-botohan na lang tayo. Kung sino ang mas maraming boto 'yun na 'yong title natin." Paliwanag ni Tessie.

"Ang dami naman no'n! Magbigay na lang kayo ng tatlong pamagat tapos doon na lang tayo magbotohan." Reklamo ni Jasmine.

Napabaling ako sa kanya. Katabi niya si Leon at walang hiyang pilit na dumidikit pa ito sa kanya. Napataas ako ng kilay. "Hindi pwede, dapat lahat gumawa. This is group remember?"

"Tama si Maren, Jasmine. Sumunod ka na lang." May inis na sabi ni Tessie. Hindi na ito nagsalita at umirap na lang sa akin.

Nagdiscuss pa si Tessie ng mga plano at gagawin. I take notes of that. "Okay ba kayo sa Sabado?" tanong ni Tessie. May group meeting kami ulit. May trabaho ako sa Sabado pero okay lang namang lumiban doon.

"Ikaw Maren, 'di ba may trabaho ka?" makahulugang tanong ni Jasmine sabay taas pa ng kilay.

"Oo at pwede namang lumiban ah? Anong oras ba? Huwag niyong sabihing buong araw tayo gagawa?" tinaas ko rin ang aking isang kilay at bumaling sa kanya. What's the problem of this bitch?

"Hindi, alas tres sa Sabado. Saan niyo ba gusto?" tanong muli ni Tessie.

"Kila Leon!" agad na sabi ni Jasmine. "Ayos lang ba?" dugtong niya at tumingin 'kay Leon.

"Ikaw, Jasmine. Mahiya ka nga!" si Tessie.

Leon glance at Jasmine and after that he looked at Tessie. "I'm okay with it." Tipid niyang sabi.

"Talaga ba? Okay lang naman na sa iba na lang Leon kung napipilitan ka lang," Concern na sabi ni Tessie.

I know all of them want to see the mansion of the Eleazar. Lalo pa't may nag-aaral ng isang Eleazar dito. Lagi pa naman akong tanungin ng mga ito noon kung ano ang loob ng mansion nila.

"It's really okay. Doon na lang tayo sa bahay, mas komportable and I can lend you things for our research." sagot niya.

"Okay doon tayo kila Leon sa Sabado. 3pm," sabi ni Tessie.

"Sige, sasabihin ko 'kay Mama." Si Leon.

Ngayon ko lang narealize na sa kanila pala ako nagtatrabaho kada Sabado. Nagkibit-balikat na lamang ako. Sasabihin ko na lang kay Senyora na hanggang alas dos lang ako magtatrabaho sa araw na iyon. The group meeting ended smoothly. My other subjects too, wala kaming ginawa kundi ang makinig buong araw.

Friday comes. Still the same. I never paid attention to the Eleazar in our classroom. Bukod sa tahimik at laging seryoso lang siyang nakikinig sa mga lessons namin. He never made effort to talk to other people because they always come near him whenever it's our vacant or they want to chitchat with him.

"Leon bakit dito ka pinag-aral?" narinig kong tanong ng barkada niyang kaklase namin.

They're beside me. Nagsusulat ako sa aking notes at kanina pa sila nagkwekwentuhan.

"I don't know either, Mama wants me here." Sagot niya.

"May ginawa ka siguro!" sabay tawa nila.

Nakakapagtaka nga naman talaga ang isang Eleazar ay mag-aaral sa isang public school 'di ba? They already have the power. Kung ako ang nasa sitwasyon nila ay doon ako sa mamahalin at prestihiyosong paaralan.

"Ano gala tayo sa Sunday?" tanong ng isa.

"Oo ba! Sa lagoon. Ano, Leon?" tanong ng isa niya pang barkada.

"Sige, wala rin naman akong gagawin." Si Leon.

"Isama natin sila Sabrina para mas masaya!"

"Kayo bahala." Sagot ni Leon.

"Kailan mo 'yun papalitan ha? Kilala mo iyong nasa kabilang section? Maganda rin 'yon," sabi ng isa niyang barkada.

"Saka na pag nagsawa na ako." Tipid na sabi ni Leon. Napaismid na lang ako.

Unti-unti akong tumingin sa banda nila. Nagtatawanan ang mga kaibigan niya habang siya ay nakasandal sa kanyang upuan at kita sa mukha nito ang pag-kaboring. Tinignan ko ang mga barkada niya muli habang naririnig ko na pinag-uusapan nila 'yung babae sa kabilang section habang sinasabayan ng tawa. Habang pinagmamasdan ko sila ay napansin kong lumingon si Leon sa akin. I looked at him to confirm and our eyes immediately met. Agad-agad akong bumaling sa notes ko at nagpatuloy sa pagsusulat, baka sabihin niyang chismosa ako dahil nakikinig ako sa mga pinag-uusapan nila. Pero ang lakas kasi.

That day ended too long for me. Hindi na muli ako lumingon sa banda nila hanggang sa dumating 'yung sunod naming teacher. Mabuti na lang at Sabado na bukas! I'll probably inform Senyora about my work. Maaga akong nagsisimula ng trabaho sa kanila. Alas sais ay nandoon na ako. Naglilinis ng loob ng bahay, sa bakuran, at paghuhugas ng pinggan ang karaniwang ginagawa ko.

Kinaumagahan ay nandoon na nga ako sa mansyon ng mga Eleazar. Alas syete pa nagigising si Senyora at mahilig itong mag-almusal sa kanilang veranda kaya iyon na muna ang inuna kong linisan bago ang bakuran nila sa harap. Lagi akong nadadatnan ni Senyora roon na naglilinis kaya hihintayin ko siya ngayon dahil sa pamamaalam para mamaya. We're kinda close. Mabait siya at nagkwekwentuhan pa kami kapag nadadatnan niya ako roon na naglilinis. Nakasuot ako ng black jogging pants at medyo oversized na white shirt na lagi kong sinusuot kapag nagtatrabaho rito. Ang mahaba kong buhok ay nakapusod ng mababa lamang, ilang hibla ng buhok ko ay nasa harap at ang iba ay tumatabing sa aking pisngi dahil maliit pa lamang ang mga ito.

"Pakidala na lang doon at susunod na ako," rinig kong sabi ni Senyora sa loob.

Napabaling ako sa veranda at inaayos na ni Manang Nita ang pagkain kaya lumapit na ako. Sakto namang lumabas si Senyora ng nakalapit ako.

"Magandang umaga po, Senyora," ngiti kong salubong sa kanya habang hawak ang isang mahabang walis.

"Good morning too, Maren." ngiting baling niya sa akin bago naupo. Sumimsim siya sa kanyang kape bago nagsalita muli.

"Manang, paki tawag na si Leon at mag-breakfast na kami."

Yey! Cut! Hehehehe we’re done for today! Thank you so much for the support bestie ;))

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status