Share

KABANATA 3.1

Ayokong madatnan pa ako ni Leon doon. Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan 'yung ego ko sa kanyang sinabi. Tama nga naman ang sinabi niya. Anak nga pala siya ng amo ko. Pero tinamaan ako ng husto doon.

Wala akong ginawa kundi ang matunganga habang naaalala ang kanyang sinabi. Hindi ko na rin siya nakita hanggang sa mag alas dos. Mabuti na rin 'yon dahil hindi pa rin ako makaget-over sa sinabi niya. Pagkatapos no'n ay umuwi na ako para magpahinga at pagkatapos ay maligo para sa meeting. Sa dalampasigan ako lagi dumadaan kapag pumupunta at umuuwi dahil mas malapit ito sa amin kaysa sa kalsada.

Hindi ko namalayan ang oras. Tumatakbo na ako ngayon papunta sa mansion nila Leon. I am fifteen minutes late! Now, I  am wearing a simple sleeve dress that Lhara gave me on my birthday. Hawak ko ang isang notes at ballpen sa isang kamay. Nakalugay ang mahaba kong buhok na ang ilang hibla nito ay basa pa dahil sa pag-ligo kanina.

"Thank you Manong!" hingal kong pasasalamat 'kay Manong Juan na tagabantay nila sa gate bago tumakbo muli.

Napasinghap ako ng makita sila sa veranda. Nasisiguro kong ako na lang ang kulang. Ano ba 'yan! Nakakahiya!

"Sorry, late ako.." I try to say it normally. Hinihingal pa dahil sa takbo at pilit tinatago.

"Pa-importante talaga. Anong oras na, uy!" si Jasmine.

I looked at her. Nakasuot ito ng maiksing palda at isang sando top. Nasa tabi niya si Leon at na hindi nakatingin sa banda ko. Ngayon nakasuot na siya ng gray na shirt at itim na shorts.

"K-Kaya nga nagso-sorry ako." napapikit ako ng napahingal.

"Maren, dito ka!" narinig kong sabi ni Tessie at iminuwestra ang tabi niyang upuan.

Nagulat ako kasi katabi rin iyon ni Leon. Tinignan ko kung may ibang bakante pang upuan pero wala na kaya wala akong choice kundi ang maupo sa gitna ng dalawa.

"S-Salamat, Tessie," mahina kong sabi ng makaupo. Ngumiti siya.

Umayos ako ng upo at nakita ko sa gilid ng aking mga mata kung paano nilayo ng konti ang upuan ni Leon. Tinapunan ko siya ng tingin at hindi nakaligtas sa akin ang pandidiri sa kaniyang mga mata. Napatingin ako sa notes ko at naalala ang kaniyang sinabi. Parang may nabara sa aking lalamunan dahilan kung bakit hirap akong makalunok ngayon.

They started the meeting casually. Nakalatag sa lamesa namin ang isang mamahaling laptop at iPad na sigurado akong 'kay Leon iyon. Nakikinig lamang ako at sinusunod ang mga pinapagawa ng leader namin ng tahimik. Minsan pag nagbibiruan sila ay hindi ako nakakasabay sa mga tawanan. Kahit na gusto man ay hindi ko magawa dahil sa pinaparamdam ng lalaking ito sa akin.

"Let's take a break?" tanong ni Leon.

"Sige!" agad na sabi ni Jasmine.

"Naku, Leon nag-abala ka pa. Busog naman kaming pumunta rito. Ikaw, Jasmine ha!" paratang ni Tessie.

"It's okay. You." He then looked at me with a hint of ruthlessness in his eyes. Hindi ko alam pero agad akong kinabahan.

"Inform Manang Nita about the food and bring it here." he said with authority.

"Ay, oo pala! Dito ka pala nagtratrabaho, Maren. Kuhanin mo raw 'yung pagkain sabi ng boss mo!" sabi ni Jasmine sabay tawa. I saw how Leon smirked and tried to hide it.

I gritted my teeth. I want to say something and tried to open my mouth but immediately close it because I remembered what he just say earlier. I just nodded and got up from my seat. Tahimik akong pumunta sa kanilang kusina at sinabi 'kay Manang Nita ang meryenda. I also asked for Senyora and she said she's in their hotel. Tinulungan ko na rin siya pagkatapos ay nilagay na namin ang mga pagkain sa kung saan ang group mates ko.

"Thank you Maren!" sabi ni Rea ng inilahad ko ang tray ng mga juice para kumuha siya. I tried to force a genuine smile to her.

Binigyan ko sila isa-isa at ang natira sa tray ay kinuha ko para sa akin bago umupo. Nasa lamesa na ang mga iba't-ibang pagkain tulad ng fries, cookies, sandwiches at iba pa.

"Ngayon ko lang 'to natikman! Galing abroad ba 'to, Leon?" Jasmine asked while eating the piece of cookies.

"Yeah..." may bahid na katamaran sa kanyang boses.

Tahimik lang akong nakikinig habang humihigop sa aking juice ng may nagsalita sa aking harapan.

 "Maren, oh," muntik na akong mabilaukan ng inilahad ni Angelo ang plato na may sandwich.

Nahihiya akong umiling at bahagyang tinaas ang mga kamay. "Naku, okay lang Angelo. Hindi pa naman ako nagugutom." sabi ko at umiling-iling pa.

"Talaga?! Kaya pala ngayon ko lang nakita 'to." narinig kong sagot ni Jasmine 'kay Leon habang kumakain.

"Punta tayo sa dalampasigan mamaya. Gusto niyo? Bago tayo umuwi?" excited na sabi ulit ni Jasmine.

Sumang-ayon halos lahat ng ka-grupo namin kaya wala akong magawa kundi ang sumang-ayon na rin. Pagkatapos nga nilang kumain ay nagsimula kami ulit sa paggawa ng research at ng hindi na matirik ang araw ay doon sila nag-pasiyang pumunta sa dalampasigan.

Nakatayo ako ngayon sa buhangin at malayo sa lahat habang tahimik na nakatanaw sa kanila na nasa tubig at naglalaro. Hanggang tuhod lang ang tubig kung nasaan sila habang natanaw ko kanina si Leon na nakaupo lamang sa mga lounge na pagmamay-ari rin nila at malayo sa akin. Naaaliw akong nanonood sa kanila at tumatawa rin kapag may natatawang nangyayari.

"Leon, punta ka rito!" sigaw ni Jasmine. Napabaling tuloy ako sa kung nasaan si Leon. "Leon, punta ka rito!" sigaw ni Jasmine. Napabaling tuloy ako sa kung nasaan si Leon.

I saw how he immediately removed his gaze from me before turning to Jasmine. Kumunot ang noo ko at tumingin sa aking likod. May nakita akong mga tao sa dalampasigan at malayo sa akin, halos 'di ko na makita ang mga mukha sa sobrang layo ng mga ito.

I shrugged and immediately took out my phone to see the time. Nang makitang mag a-alas singko na ay agad kong hinanap si Tessie.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status