Share

Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo
Cuervo Series #1 || Taming the Ruthless Hades Cuervo
Author: Silverdust

Prologue

“You dare to hurt my Queen?!” galit na ani Hades sa lalaking kaharap niya ngayon habang ako ay nakatago sa kaniyang likuran, takot na takot sa kaganapan. Yakap-yakap ko ang aking sarili, natatakot na baka mahablot nanaman ako at mapagsamantalahan.

Kaninang habang naglalakad ako pauwi galing sa aking tinatrabahuan. Dumaan ako sa may tindahan saka bumili ng de-lata na uulamin ko. Lagi kasing kada-uwi ko ay wala nang natitirang ulam sa akin kaya ganito ang ganap ko kada gabi pagkatapos ng shift ko.

Habang bumibili ay may tumabi saking lasing na lalaki na bumili ng alak. Naramdaman ko ang kaniyang malagkit na titig sa akin. Hinihiling ko sa aking isip na bilisan nalang na iabot ng tindera ang aking sukli para makaalis na ako.

Nang makuha ang aking sukli ay dali-dali na akong umalis at dumiretso na ng lakad. Nilalakad ko nalang kasi dahil wala nang masasakyan ngayong oras na ito kaya wala na akong choice kundi ang maglakad.

Naramdaman kong may sumusunod sa akin. Nang lingunin ko ng bahagya ay nakita ko ang lalaking nakasabay kong bumili kanina sa tindahan. Bumaling na ako ng tingin sa aking dinadaanan saka kumaripas na ng takbo.

Agad ko namang narinig ang kaniyang mga yapak. Pagkukumpirma na ako talaga ang pakay ng sumunod sa akin.

Naramdaman ko nalang na may humablot sa bagpack ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya.

Akmang sisigaw na ako nang bigla niyang takpan ang aking bibig. “Huwag kang mag-alala, Miss. Madali lang ito, magugustuhan mo.” anito saka nagsimula na siyang tanggalin ang aking jacket. Wala akong ibang magawa kung hindi ang pumiglas sa hawak niya.

Bigla nalang akong nandiri ng maalala ko iyon. Nabalik nalang ako sa reyalidad nang may hugutin siya sa kaniyang likuran. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang tutukan ng baril ang lalaking nasa harapan namin. He didn’t even hesitate to pull the tr*gger and sho*t the guy in the head.

A chest blocked my sight from seeing the man who’s now d*ad. Hanggang dibdib lang niya ako kaya talaga ng hindi ko makita kung ano na ngayon ang itsura ng lalaking kanina ay muntik na akong gahasahin. Tinatakpan na tila ba ayaw niyang makita ang lalaking nakahandusay na ngayon sa sahig.

“Are you okay?” mahinahong tanong nito habang sinusuri ang aking katawan, hinahanap kung nasugatan man ako o nasaktan man lang. Wala sa sariling tumango na lamang ako. Hindi ako makapagsalita, hindi kayang lumabas ng mga salita sa aking bibig dahil sa nangyari.

Naramdaman kong h******n niya ako at hinalikan sa noo. “You’re okay now, Baby. I’m sorry you get to see that.” malambing niyang sabi saka hinigpitan ang kaniyang yakap. “I won’t let anyone harm you again. Walang mananakit sa’yo hangga’t nandito ako.”

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. Naramdaman kong may hinugot siya sa kaniyang bulsa. Nang tignan ko ay nakita ko siyang may tinawagan.

“Track my location and clean this mess here.” ani nito saka muling pinatay ang tawag at muli itinuon ang atensyon sa akin. Binuhat niya akong parang sanggol saka isinakay sa kaniyang kotse. Dali-dali naman itong sumakay sa driver’s seat saka binuhay ang makina ng sasakyan.

“I know they are not treating you well.” anito. Nabigla ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit napakarami niyang alam tungkol sa akin. Ni hindi ko nga alam kung bakit parang kaswal na lang sa kaniyang tumutok ng baril at pumatay ng tao na tila lata lang ang pinapatumba. “We’ll get your things to your Aunt’s house. You’ll live with me. I’ll promise I will treat you the way you deserve to.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status