Share

Chapter 3

Biyernes ngayon at walang pasok. Hindi ko alam kung bakit ako nayayamot na lumabas ngayong nagyaya nanaman si Louie at Celes na mamasyal. Naging magkaibigan na din ang dalawa dahil sa akin at dahil lagi silang nagkakasundo.

[Louie: Ano? Tara na.. maraming panood ngayon sa plaza.]

[Celeste: Kaya nga @Lia, para naman makalimutan mo muna kahit papaano yang mga pinsan at tiyahin mong kung makaasta kala mo mga miyembro ng royal family.]

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Alam din ng mga ito ang kalagayan ko dito sa pamamahay ng tiyahin ko. Minsan ngang nag-init ang ulo ng tiyahin ko ay hindi sila nagdalawang-isip na itakas ako dito kahit dis-oras na ng gabi.

[Lia: Saan ba kasi tayo lalabas? Nanyayamot ako…]

[Celes: Eto naman, ngayon na nga lang ulit kami magyayaya dahil busy sa pag-aaral, ngayon ka pa manyayamot?]

[Lia: Saan nga?]

[Louie: Sa may plaza nga madam. Nakakalimutan mo yatang may baile sa bayan ngayon?]

[Celes: Tama! Maraming pogi din doon mare.]

[Louie: Oo bhe, nang matauhan kang marami pang iba d’yan kesa sa iniiyak-iyak mo sa akin sa tawag mo kahapon.]

Tungkol to sa gusto ni Celes sa kabilang building malapit sa kanila.

[Celes: Ano na, Lia?]

Hindi ko alam kung bakit ang dali akong mauto ng dalawang ito. O sadya lang hindi ko sila maintindihan kaya kahit ayoko ay pupunta pa rin ako.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na sa kinahihigaan. Nagbihis na ako saka nagpaalam sa tiyahin ko. Kakatwa nga at good mood siya ngayon. At pumayag agad ito.

Pumunta muna ako sa kusina para din magpaalam kay Nory at baka mamaya ay bigla nanamang magtetext sa akin iyon at hanapin nanaman ako.

Inayos ko muna ang kaunting kalat sa kusina saka ako lumabas sa pintuan sa likod ng bahay. Baka kasi mamaya ay magbago pa ang isip ng Tiyahin ko kapag nakita ulit niya ako.

Nang makarating ako sa tindahan na tambayan naming tatlo malapit sa kanto namin.

Tatawagan ko palang sana ang dalawa nang makita kong nasa may kanto na namin sila.

“Oh, akala ko ba nanyayamot ito?” ani Louie “Bakit ngayon ay nakagayak na?” Saka lumapit sa akin at tinignan ang nagriring kong phone. “Aba! Tatawagan na dapat pala tayo.”

Lumapit naman sa amin si Celes. “Oo nga ano? Kala mo sinong mabait kaninang ayaw nang lumabas.”

Hinayaan ko nalang silang dalawang tuksuhin ako at tila bang parang wala ako sa katinuhang makaipag-usap ngayon.

Sumakay kami ng tricycle papuntang bayan. Malayo kasi sa amin dahil nasa kabilang barangay pa. Ako ang naupo sa side habang ang dalawa ay parang mas maingay pa sa tunig ng tricyle kung makatawa.

Ilang saglit pa at nakarating na kami sa plaza. Sobrang pinaghandaan yata nila ang pa-baile ngayon dahil sa sobrang garbo ng dekorasyon. Pati na rin ang mga nagbebenta ay napakarami. Malakas din ang tugtugan at rinig mo na agad ang kasiyahan malayo ka pa. Hindi katulad noong mga nagdaang taon ay perya lang at kaunting palaro lang ang meron dito.

“Grabe ang improvement ng mga opisyal ngayon ha. Infairness andaming activities na pwedeng gawin.” Ani Louie na iniikot-ikot na ang tingin sa kung saan-saan. Alam kong hindi sa paligid namamangha ang baklitang ito dahil nanlalaki ang kaniyang mata. Siguradong lalaki ang sinisipat nito.

Si Celes naman ay nasa ukay na at tumitingin na ng mga damit na hindi din naman niya susuotin. Ganyan ang ugali niyan, bibili pagkatapos ay papalumain lang sa kaniyang kabinet.

Sumilip ako sa loob at kita kong papasimula na ang sayawan. Tinawag ko na sila at inaya nang pumasok dahil mamaya ay siksikan na ang mga manonood. Bumili muna sila ng makakain bago sumunod sa akin.

“Grabe namang sumayaw yung nasa gilid, kala mo hip-hop ang sayaw.” puna ni Celes habang dumudukot ng pagkain na hawak ni Louie.

“Grabe ka naman teh! Makapanlait ‘to. Sige nga, ikaw nga sumayaw!”

At ito na nga, nagsimula nanaman silang magbulyawan. Hindi ko na pinansin ang mga ito dahil hindi ko talaga trip ngayon ang makipagsabayan sa kanilang ingay. Tahimik nalang akong nanood sa mga sumasayaw sa gitna, habang ang dalawa naman ay naghahanap ng kanilang pupunain.

Nang ma-bored na ako ay nagpaalam muna akong maglalakad lakad sa labas ng parke. Sumang-ayon naman ang dalawa dahil napansin na din ata nilang wala ako sa huwisyo ngayon.

Pagkalabas ako ay agad akong dumiretso sa may kubo sa sulok-sulok. Wala kasing tao doon at tahimik. Umupo nalang ako sa loob at saka inilabas ang aking cellphone at nagfacebook.

Hindi ko hilig ang gumamit ng social media, messenger lamang ang ginagamit ko dahil nandoon ang mga updates sa aming eskwelahan, pero wala akong choice kundi buksan ito ngayon dahil tinatamad din akong maglakad-lakad sa labas. Nilibang ko nalang ang aking sarili sa pagtingin ng mga post at mga meme na shinishare nila. Wala akong ibang kaibigan sa f******k kundi ang aking pinsan na si Nory, Si Celes, at si Louie. Marami ang nasa friend request ko katulad ng mga kaklase ko, ngunit hindi ko na din sila in-aaccept dahil hindi ko din naman sila kaclose.

Halos si Celes at Louie lang din ang nakikita ko dito dahil mahilig magpopopost ang dalawang iyon. Maraming page na din ang i-finallow ng dalawa dito sa aking f******k para malibang daw ako ngunit hindi ko din naman talaga ito hilig.

Ilang saglit pang pag-iiscroll ko ay nainip agad ako kaya naman dumakdak nalang ako sa mesa dahil tila ba inaantok na ako.

“Hoy babae! Lia gumising ka nga, hoy uuwi na tayo!”

Nagising nalang ako sa yuyog at boses ni Louie. Unti-unti kong idinilat ang aking mata at agad na bumungad sa akin ang mga mukha nilang nag-aalala. Inilibot ko ang aking paningin nang makitang malapit nang gumabi.

“Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala.” ani Celes. “Masama ba pakiramdam mo kaya ka ba tinatamad lumabas?” tanong niya sabay kapa sa aking noo.

Pinigilan ko siya. “Wala lang talaga ako sa mood. Ewan ko din kung bakit.” sagot ko nalang sa kanila. Agad naman silang naniwala at inaya na akong umuwi dahil nag-aalala na daw sila sa akin. Ihinatid nila ako sa amin bago sila nagkanya-kanyang uwi.

“Aba! At alam mo pa palang umuwi! Alam mo ba kung anong oras na?” Bungad agad sa akin ng aking tiyahin na nasa hamba ng pinto, tila hinihintay nga ako.

“Pasensya na po, Auntie. Nasobrahan lang po sa panonood.” pagsisinungaling ko saka nagmano sa kaniya. “Oh siya sige, Pumaroon ka na sa kusina at anong oras na wala pang makakain. Ipapaalala ko lang sa’yo, nakikitira ka lang dito kaya sundin mo ang ipinag-uutos ko.”

Hindi na ako sumagot at tumungo nalang sa kusina para gawin ang utos niya. Wala nang nagbago, ganyan lagi ang sinasabi niya sa akin. Wala yatang araw na hindi niya ipinapaalala ang katayuan at estado ko sa pamamahay na ito, at sa pamilyang ito.

Habang nagluluto ay naririnig ko ang tawanan ng aking Tita at ng kaniyang panganay na anak na siya Ella. Hindi mahilig sa mga ganyang uri ng bonding si Nory dahil alam kong masipag at mabait na bata iyon kumpara sa kaniyang Ate na kahit maglakwatsa ay kinukunsinti pa rin ng ina. Hindi kagaya ni Nory na tutok sa pag-aaral at nagsusumikap na makapagtapos.

Hinanap ng akig tingin si Nory at nakita ko siya sa mesa sa may kusinang nagbabasa ng libro at nagsusulat. Hanga ako dahil kung anong ikinatamad at ikinasungit ni Ella at ni Tita Esme ay salungat sa kanilang bunso.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang biglang lumapit sa akin si Nory. “Ate, ‘di ba alas-syete ang pasok mo sa trabaho?” tanong niya. Tumango naman at saka tinignan ang orasan. Kalahating oras nalang pala bago mag-alas-syete. Tinignan ko ang aking mga niluluto. Malapit naman na itong matapos kaya naman ay pinahinaan ko muna ang apay saka nagpalit na ng uniporme. Katabi lang ng kusina ang kwarto ko kaya madali lang akong magbalik-balik. Biyernes ngayon kaya doon ako kila Celeste hanggang sa Linggo.

Nang makabalik ako sa kusina dala ang aking mga gamit ay nakita kong ihinahalo na ni Nory ang aking niluluto.

“Ano ka ba, Ori. Mamaya ay makita ka ng iyong Nanay o ng Ate mong naghahalo dito pagagalitan pa tayo.” sabi ko dito saka kinuha sakaniya ang sandok. Tinignan ko ang niluluto at nang makita kong ayos na ay pinatay ko na ang stove.

“Hayaan mo na ako Ate. At saka hindi naman sisilip dito yung dalawa. Kung magkwentuhan nga kala mo sila lang ang nandito eh.” sagot naman niya sa akin at kumuha na ng mga plato at baso. Hindi ko na hinindian ang tulong niya dahil alam kong male-late na ako sa trabaho. Tinulungan ko nalang siyang mag-ayos ng mga kubyertos at mga pagkain sa mesa saka ko kinuha ang aking mga gamit at nagpaalam na sa kanila.

Dumating ako sa restaurant ay nakita ko nang nag-aassist na si Louie ng mga customer.

Nilapitan ko siya saka pabirong tinanong. “Ikaw ha, hindi mo ako hinintay pumasok.”

Gulat niya akong nilingon saka binulungan. “Loko ka, akala ko ‘di ka muna papasok at masama ang pakiramdam mo kanina sa plaza.” Aniya saka iniwan ang table para ibigay ang order sa counter. Sinundan ko muna siya saka nakipag-usap pa ng kaunti bago ako pumunta sa quarters.

Namg makarating ako ay inilapag ang mga gamit ko at nagsuot ng apron at hairnet saka nagsimula na ding kumuha ng order.

Hindi pa ako nakakakalahati ng oras ay tila nahihilo na ako. Hindi ko na lamang pinansin iyon at ipinagpatuloy ang gawain. Naging maayos naman kalaunan dahil gumagaan na din ang pakiramdam ko ngunit sa kalagitnaan ng paglilinis ko ng mesa ay bigla ko nanamang naramdaman ang hilo at doon na nandilim ang aking paningin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status