Share

Chapter 4

Nagising na lamang ako sa amoy ng mga kemikal na tila ay nasa ospital ako. Agad na bumungad sa akin ang puting pader na nagkukumpirmang nasa ospital na nga ako. Iginala ko ang aking paningin at sa isang sulok ay nakita ko si Louie at si Celeste na nagbubulungan.

“A-anong nangyari?” bigkas ko na siyang agad silang napalingon. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga ngunit pinigilan ako ng dalawa.

“Humiga ka nga muna at magpahinga. Masyado mong pinapagod ang katawan mo kaya ka nagkakasakit eh.” Ani Louie habang inaayos ang aking higaan. “Oo nga” segunda naman ni Celeste. Nag-alala kami sa’yo.”

Ikinuwento nila ang nangyari at ang mga sinabi ng Doktor tungkol sa aking kalagayan.

“Kaya makinig ka muna sa amin at baka sa susunod ay matuluyan ka na.” Pahirong ani Louie. Naririrnig ko din ang tawa ni Celeste sa kaniyang likod.

Halos hindi ako nakagalaw sa kwarto dahil sa pagiging ‘maalaga’ noong dalawa dahil kahit manlang sa pag-ihi ko ay nakaalalay pa rin sila. Gusto pa nga nila akong i-wheelchair.

Nanatili pa ako sa ospital ng mga ilang oras bago ako pinayagang makalabas ng Doktor. Ihinatid naman ako ng mga kaibigan ko sa bahay at doon ko nga nadatnan ang aking Tiyahin na naghihintay sa labas, galit. Kasama ng nakangising si Noella at ang nag-aalalang si Nory.

“At anong oras na at ngayon ka lang nakauwi? Aba e umaga na?! Buti at alam mo pang may bahay ka pang uuwian?!” ani ng aking Tiyahin. “Siguro ay naglakwatsa ka ano?!” dagdag pa nito.

“Hindi naman siguro, Nay. Baka may dahilan si Ate kung bakit hindi siya nakauwi kagabi.” Pagtatanggol sa akin ni Nory. “Naku, at talagang pagtatakpan mo pa ‘yan, Nory?” singit naman ng kaniyang nakakatandang kapatid.

Nakita niya sa kaniyang gilid na aamba sanang magsalita si Louie ngunit hinawakan niya ito saka umiling upang pigilan.

“Pasensya na po kayo, Auntie. Nag-overtime po kkasi ako sa trabaho kaya nakitulog nalang po ako sa mga kaibigan ko.” Pagpapaliwanag ko nalang sa kanila.

Hindi umimik si Tiya at inikot nalang ang kaniyang mga mata. Ako naman ay pumunta nalang papalapit sa kanila at nagmano sa Tiyahin ko at nagpaalam na sa aking mga kaibigan bago pumasok sa bahay saka nagtuloy-tuloy na hanggang sa aking kwarto.

Nang makapasok ay agad akong tumungo sa aking kama at nahiga. Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone ngunit hinayaan ko nalang ito dahil wala ako sa hulog upang tignan ito.

Kalaunan ay may narinig akong kumatok sa aking pintuan. Tatanungin ko sana kung sino iyon nang narinig ko na ang boses ni Nory. Sinabihan ko nalang ito na pumasok dahil hindi naman naka-lock ang pinto.

Dahan-dahan itong pumasok at agad itong naupo sa aking kama. “Pasensya ka na sa inasal ni Nanay kanina, Ate.Alam mo na, wala kasi siyang mautusan kanina at pareho din kaming wala ni Ate Noella kanina.” Pagpapaliwanag nito. Umiling nalang ako dito saka nginitian. “Ano ka ba, wala iyon. Saka tama nga lang naman kasi si isa ako sa mga inaasahan dito sa bahay para tumulong.” balik ko naman sa kaniya. Ayaw ko kasi ng kinakaawaan ako dito sa amin lalo na at alam ko naman ang totoong estado ko dito sa bahay na ito.

Nagkwentuhan pa kami ni Nory, ikinuwento ko din sa kaniya ang nangyari. Agad naman itong nag-alala kaya siniguro ko nalang na maayos naman na ako.

“Lia, aba! Tanghali na! Hindi ka prinsesa dito sa pamamahay ko. Baka nakakalimutan mong may mga tao ka ding kasama dito.” rinig naming dalawa ni Nory ang sigaw ng Nanay niya. Bumaling ako kay Nory ngunit ayan nanaman ang kaniyang mga matang akala mo ay siya ang nasigawan. Umiling nalang ako saka niyaya ko nalang siyang lumabas.

Nakita ako si Tiya sa hamba ng pintuan sa may kusina.Tila hinihintay na talaga ako para lutuan sila ng tanghalian. Wala naman akong ganang kumain kaya nagluto nalang ako ng sakto lamang para sa kanila. May mga nakaimbak naman na pagkain sa kwarto ko kaya ayos lang dahil sanay na din naman akong maubusan ng pagkain sa kanila.

Akmang tutulong na sana si Nory sa akin sa pagluluto ngunit agad ko syang pinigilan dahil yari kaming pareho sa kaniyang ina kapag nakita kami.

Ramdam ko pa rin ang mabigat na katawan ngunit hindi ko na ito ininda dahil baka talakan nanaman ako ng Tiyahin ko at ng mga kaibigan ko kung nakataon.

Nang matapos ako sa pagluluto ay agad naman nang tumungo sa kusina ang mag-iina. Inayos ko muna ang mga kalat sa kusina bago nagpaalam sa kanila na mamaya na ako kakain at may gagawin pa ako, kahit ang totoo ay wala naman. Wala akong narinig na sagot mula sa aking Tiyahin kaya dumiretso na ako sa aking kwarto.

Agad akong humiga ulit sa aking kama saka matagal na tumitig sa kisame. Napabuntong hininga na lamang ako nang maisip ko kung kailan pa ba ako makakalaya sa ganitong sitwasyon ng buhay ko. Ni parang hindi na ito umuusad dahil sa paulit ulit na lamang na ganito ang nangyayari sa akin sa pang-araw-araw.

Marami pa akong napagtanto-tanto sa aking isipan ngunit isinawalang bahala ko nalang ang mga ito at unti unti nang nakatulog.

NAGISING na lamang ako sa tawag mula sa aking cellphone. Tinignan ko ito at nakitang si Nory. Nagtaka naman ako dahil pwede naman siyang pumasok dito sa aking kwarto pero bakit pa siya tumatawag?

Sinagot ko na lamang ito at baka may importante din aiyang sasabihin.

“Nory, bakit?”

[“Ate, sabihan lang kita. Baka kasi magluto ka. Pinapasabi ni Nanay na huwag na daw at kakain nalang kami dito sa labas. Nanalo kasi ang Inay kanina sa laro.”]

Napabuntong hininga nalang ako. Ganito ang laging kalakaran dito sa bahay. Lagi silang mamamalengke at kakain sa labas kapag nananalo ang Tiya sa sugal. Lagi silang lalabas o kaya naman ay bibili ng mga damit o kaya kagamitan.

Hindi din nila ako isinasama sa kung saan ang kanilang pupuntahan o babakasyunan kapag nagkataon. Laging ipinapaalala ng Tiya ang lugar ko sa pamilya at dapat pa nga raw daw akong magpasalamat dahil kinupkop pa daw niya ako.

[“Pasensya ka na, Ate. Huwag kang mag-alala. Bibilhan kita ng pagkain at pasalubong mo bago kami umuwi. Sinabi ko kay Inay kanina kung pwede kang sumama pero hindi niya gusto.”] dagdag pa nito.

“Ano ka ba, ayos lang. Saka may pagkain naman ako dito. kaya ayos lang.” ani ko.

Humingi pa siya ng paumanhin bago niya patayin ang tawag dahil tinatawag na daw siya ng kaniyang Inay. Nang mamatay ang tawag ay agad akong bumalik sa aking pagtulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status