Share

Chapter 62

Author: Diane Ruiz
last update Huling Na-update: 2026-01-07 12:31:33
ADONIS

It's been two months already… at talagang naging abala ako sa mga negosyo ko. Tuluyan ko ng nabawi ang lahat kay Cynthia. Ang Mansyon ng mga Salcedo, inayos ko ang lahat ng napabayaan niya.

Tuluyan ko ng isinara ang lahat ng mga illegal na negosyo ko at ang kaisa-isang natira na lang ay ang Mall kung saan naroon ang penthouse ko.

Pumasok ako sa kwarto ni Atasha, hindi iyon nagalaw sa loob ng limang taon dahil ang utos daw ni Cynthia kay Lina ay wag ng buksan ang kwartong iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag kay lola Leticia.

“Hello?”

“Adonis?! Adonis, ikaw ba yan?!” halos mangiyak-ngiyak si lola sa kabilang linya dahil hindi niya inaasahan ang tawag ko.

“Opo lola, ako ‘to, si Adonis.”

“Nakatanggap kami ng balita na patay ka na raw. Gusto ko sanang magpunta dyan sa Mansyon ngunit pinipigilan ako ng tiyuhin mo at hindi siya naniniwala sa mga pag-arte ni Cynthia.”

“Dahil hindi naman ako namatay, Lola, na-comatose lang po ako ng limang taon at may mabubuting ta
Diane Ruiz

Intern pa lang dito sa Jonas. Wala pa siyang sariling kumpanya. Nakipagsalaparan sa Maynila. Dyan na nagsimula yung marami na siyang mga nakilalang taga Maynila na mga businessman na nagpapagawa sa kanya ng projects at kinukuha na siyang engineer. Uulitin ko baka may nalilito. Si Adonis at Wade ay magka timeline habang si Jonas naman ay pagkatapos ng timeline ni Wade. Gets po ba? haha salamat sa pagbabasa! enjoy!

| 40
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Thanks po s update author
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
salamat author ...
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Mayaman na si atasha mo adonis at heredera pa,kaya lang galit syo kaya umpisahan mo ng manuyo hahah🩷🩷🩷thank u miss D...🩷
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 84

    ADONIS Kumagat ang dilim at wala pa rin kaming natanggap na tulong mula sa kampong naiwan ko. Hindi sila nahulu ng mga talibans ngunit hindi rin sila sumugod ngayon. Marahil ay humingi sila ng tulong sa iba at ginamit ang koneksyon nila. “Siya nga pala, I met your brother, Jhondo.” saad ko. Tinapik ako ni Siobeh at pinandilatan niya ako ng mata ngunit wala akong pakialam. “Brother, who?” “Sino pa nga ba? edi yung kakambal mo, si Jonas.” “O, tapos?” tamad niyang sabi, wala siyang interes na pakinggan ako ngayon. “Alam mo, he’s a decent man. Maayos kausap at professional.” “Bakit mo ba siya binabanggit sa akin? Pakialam ko sa kanya?!” “Well, magkamukhang-magkamukha talaga kayo, parang pinagbiyak na bunga pero… mas disente nga lang siyang tignan kaysa sayo.” “Sinasabi mo ba yan para insultuhin ako, Boss? ayos ka rin e…” “Hindi. Ang pinupunto ko dito, gusto kong magkasundo na kayo ng kapatid mo. Kapag nakalabas tayo dito, magbagongbuhay ka na, umuwi ka sa inyo, humingi ka

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 83

    ADONIS “Okay, there's the mission over there, Jhondo, sasamahan mo akong pakawalan si Siobeh at Kent. Elliott, you will be in charge of the tear gasses and Jumbo, you will drive our military jeep okay? Amir, secure the bombs at wag mong pakakawalan hangga't hindi ko sinesenyas.” “Masusunod, Boss!” sabay-sabay nilang sabi sa akin. “Mapanganib ang misyon na ‘to siguro naman ay aware na kayo. Alam ko naman na matagal na kayong handa pero iiwasan pa rin natin syempre na may mamatay kahit isa sa atin, that's why we have Dra. Abbigael here.” “Talaga ba? bobombahin ninyo ang lugar na ito? I’m afraid you can't, Mr. Salcedo.” saad ni Abbigael. “Why is that?” “There's innocent people over there, children… mothers, the elderly. Gusto lang nilang mabuhay ng payapa kahit pa narito sila sa impyernong lugar na ito! but if you still continue that plan… I’m afraid I have to quit! hindi kaya ng sikmura ko na may madamay na mga inosenteng tao! Isa akong doktor, ang misyon ko ay magduktong ng b

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 82

    ATASHA Pinagmamasdan ko si Terrence habang tahimik na natutulog. Isang araw na ang nakalipas simula ng dalhin ko siya dito sa ospital. I'm counting the days dahil ang sabi ni Adonis ay sandali lang daw siya pero wala siyang sinabi kung tatagal ba ng isang linggo o isang buwan. Sinisisi ko ang sarili ko ng paulit-ulit ngunit kahit anong gawin ko… hindi na mababago ang lahat. Nagkamali ako. Kung alam ko lang na mangyayari ‘to sana hindi na lang namin itinuloy. I just want to experience falling in love with someone. Sinubukan kong ibaling ang pagmamahal ko kay Adonis sa iba para malaman ko kung kaya ko bang lumayo sa kanya, kung kaya ko bang hindi na tanggapin ang pagmamahal niya pero… mukhang hindi. Hindi ko kaya. Kahit anong gawin ko… si Adonis pa rin ang mahal ko. Hindi ko namamalayang pumapatak na pala ang aking mga luha ng mga oras na iyon hanggang sa hindi ko na ma-kontrol. Ang mga tahimik na pag-iyak ko ay naging hagulgol. “I’m so sorry Terrence, patawarin mo ako…” s

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chaoter 81

    ADONIS Mabilis akong umikot sa kuta ng kalaban ng mag-isa. Alam ko na kung saan nakapiit si Siobeh at Kent. Hindi ko akalaing magagawa ko ito ngunit ligtas din naman akong nakabalik sa base na ginawa namin. Uhaw na uhaw ako ng makabalik ako sa base namin kung kaya't ipinaligo ko sa katawan ko ang isang bote ng mineral water. “Boss?! kamusta?!” “Okay na, nakita ko na. Aatake tayo ng lunchtime kaya kumain na kayo ng maaga.” saad ko na tumingin sa wristwatch ko. Alas dyes na ng umaga. Sakto para sa binigay ni Siobeh na 18 hrs. “They are planning to show to their people how powerful they are. Gusto nilang bitayin si Siobeh at Kent sa may bayan.” paliwanag ko sa kanila. “Mga walang awa!” asik ni Jhondo. Lumapit sa akin si Abbigael at binigyan ako ng isang plato ng napakaraming kanin at sabaw na hindi ko malaman kung ano. “Eat.” saad niya kung kaya't kinuha ko iyon at nilantakan ko na. Napatango-tango ako habang kumakain dahil masarap naman pala. Papaitan ata ‘to. “Uhm…

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 80

    ATASHA “Love me Atasha, marry me… and I’ll give you the world.” saad ni Terrence at muli akong siniil ng halik. Nag check-in kami sa isa sa mga suite dito sa Gentleman Hotel ngunit hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Maybe because I’m so drunk and… lonely. Without Adonis… I can't. Nasanay akong ginugulo niya ang tahimik kong mundo sa maikling panahon na iyon na bumalik siya. At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis ulit… Simula ng umalis siya, siya na palagi ang naging laman ng isip ko. Walang araw na tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ko ba siya iniisip. Akala ko hindi ko na siya mahal… iniwan niya ako ng limang taon at itinaguyod ko mag-isa ang anak namin. Pero nang bumalik siya… para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Masakit pero unti-unting gumagaaan at naghihilom. Ngunit ngayon na umalis na naman siya, pakiramdam ko nawawala na naman ako sa sarili ko, hindi ko na naman alam kung anong gagawin. Paano ko ba pupulutin ang sar

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 79

    ADONIS“O, isuot niyo ‘to!” saad ni Elliott na binato sa amin ang kung anong tela.“Ano yan?” tanong ko. “It’s an afghan head gear or a turban. Serves as a disguise too para hindi tayo makilala ng mga kalaban.” paliwanag ni Elliott. Nasa byahe pa kami ngunit ramdam kong malapit na kami sa destinasyon na aming pupuntahan. “Gagana ba yan?” tanong ko pa ulit. “Like I said, we have to try. Hindi nila basta-basta ibibigay sa atin si Boss Siobeh at Kent kaya ngayon pa lang, mag-isip na kayo ng plano kung paano tayo makakapasok sa kuta ng mga kalaban at kung paano natin sila maililigtas. They hate peace talks. Mabilis silang magalit at talagang maikli ang pasensya nila lalo na sa ating mga dayuhan. Para sa kanila, mas madali ang pumatay.”Napakamot ako ng ulo at napabuntong hininga. “Kapag nandoon na tayo, iikot ako. Titignan ko muna ang buong sitwasyon ng military base nila,, kailangan nating makabisado ang buong lugar na iyon at kung saan nakapihit sila Siobeh pagkatapos… saka tayo susu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status