LOGINKELLY JOANNEKanina pa hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Para kasing may kakaiba sa halik sa akin sa noo ni daddy ninong. Ang halik na hindi ko alam kung dapat ko bang bigyan ng ibang kahulugan. Sa noo ‘yon pero bakit kakaiba, kakaiba kaysa sa paghalik niya sa akin sa labi ko.“Mommy, are you okay po? Kanina ka pa po tulala po,” tanong sa akin ng anak ko.“Sorry po, baby. May kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko napansin na nakatulala pala ako dito.“Wala po, mommy.”“Magpagaling ka po para makauwi na po tayo at para makapag-play ka na po,” malambing na sabi ko sa anak ko.“Mommy, matagal pa po ba si daddy?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko dahil hinahanap na niya si daddy ninong.“Baby–”“Alam ko po na hindi siya ang daddy ko but I like him po. I like him to be my dad,” sabi pa niya sa akin.“Pero, hindi puwede, baby.”“Why po?”“Hindi mo pa ako maiintindihan sa ngayon, baby. Pero kapag big ka na ay sasabihin sa ‘yo ni mommy kung bakit hindi puwede,” sab
KELLY JOANNE“Kumusta si Kingston?” tanong sa akin ni Mavie at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala.“Kailangan pa niyang sumailalim sa mga test,” sagot ko sa kanya.“Magiging okay rin siya,” sabi niya sa akin.“Sana nga,” sabi ko sa kanya.“Thank you, dad. Thank you dahil hindi mo pinabayaan ang inaanak mo,” sabi ni Mavie pero tahimik lang si daddy ninong na nasa tabi ko.“Hayaan mo na lang siya. Ang mahalaga ay tinulungan ka niya,” pabulong na sabi sa akin ng kaibigan ko.Ngumiti na lang ako. Hindi na ako nagsalita pa at hinintay na lang ang pagbalik ulit ng doktor dito. “Mavie, hindi ka pa ba uuwi?” seryoso na tanong ni daddy ninong sa anak niya.“Mamaya po, dad.”“Bakit mamaya pa?”“Gusto ko munang malaman kung ano ba ang kalagayan ni Kingston.”“May pasok ka pa buka–”“Maaga pa naman, dad. Hayaan mo na lang ako, kung gusto mo ay ikaw na lang ang umuwi,” sabi ni Mavie na ikinagulat ko.Walang salitang umalis si daddy ninong.“Bakit ka gano’n sa daddy mo?”“Nagbibiro lang ako.
KELLY JOANNESa araw na ito ay wala na yata akong ginagawang tama lahat na lang ng gawin ko ay galit siya sa akin. Lahat na lang ng utos niya sa akin ay pasigaw. Kaunting pagkakamali ko ay galit na agad siya. Sa tingin ko ay galit nga talaga siya sa akin. At hindi ko naman siya masisisi. At gano’n rin naman siya sa akin. Hindi namin puwedeng ipilit ang alam namin na hindi naman dapat.“Hindi ka uuwi hangga’t hindi mo natatapos ‘yan,” sabi niya sa akin.“I’m sorry po pero hindi ko magagawa ang nais mo. Alam ko na trabaho ko ang sundin ang lahat ng utos mo sa akin pero hindi ko talaga kayang sundin ang nais mo na mag-overtime ako. Kung okay lang sa ‘yo ay iuuwi ko na lang po ito. May sakit si Kingston at kailangan niya ako,” sabi ko sa kanya.“Ano ba an–”“Alam ko naman na wala kang pakialam sa anak ko pero sana hayaan mo ako dahil kailangan niya ako,” sabi ko sa kanya.“Ano ba ang nangyari sa kanya?” tanong niya sa akin.“May lagnat siya,” sagot ko sa kanya.“Bakit ngayon mo lang sinabi
KELLY JOANNE“What are you doing here—”Hindi ko na nagawa na tapusin ang sasabihin ko dahil sinalubong niya ako ng isang mapusok na halik. Kaya naman ginawa ko ang lahat para itulak siya. Kahit na malakas siya ay ginawa ko ang makakaya ko para makawala ako sa kanya.“Daddy ninong, stop!”“Why? Hindi mo ba nagustuhan?”“Mali ito, maling-mali,” sabi ko sa kanya.“Ano ba ang mali? Hindi naman tayo magkadugo,” sagot niya sa akin.“Ayaw kong magalit sa akin ang kaibigan ko. Sana ay maintindihan mo ako, kaya sana ito na ang huling beses na hahalikan mo ako. Mahal ko ang kaibigan ko at ayaw ko na mawala siya sa akin. Kaya sana hayaan mo na lang ako, daddy ninong.”“Is this what you want?” seryoso na tanong niya sa akin.“Opo, ito ang gusto ko kaya sana po hayaan mo po ako na maging secretary mo at hindi na hihigit pa doon,” sabi ko sa kanya.“If that’s want you want,” sabi niya sa akin at nilagay niya sa sofa ang dala niyang pasalubong sa amin at mabilis na lumabas dito sa bahay.Ako naman
KELLY JOANNE“Daddy, I miss y—”“Si Mavie,” sabi ko sa kanya at nagulat ako kaya naman nagmamadali akong pumasok sa ilalim ng mesa niya. Kailangan kong magtago kahit pa wala pa naman kaming ginagawa na dalawa. Muntikan na kaming mahuli.“Why are you here?” tanong ni daddy ninong sa kaibigan ko.“Na miss kasi kita,” sagot naman ni Mavie.“Wala ka bang pasok sa school?”“Mamaya pa ‘yon, may free time pa ako, dad. Saan pala si Kelly?”“Lumabas,” sagot ni daddy ninong.“Gano’n po ba? Okay naman po ba siya dito? ‘Wag mo siyang pahirapan ha, mabait masyado ‘yon para maging mahigpit ka sa kanya,” sabi niya kaya lihim akong napangiti.“Kailangan niyang matuto sa trabaho niya.”“Alam ko naman na perfectionist ka pero ito ang unang trabaho niya, dad. At ‘wag mo rin na kalimutan na inaanak mo siya,” sabi pa ng kaibigan ko.“Nandito ka ba para sermonan ako?”“Hindi ah, gusto lang kitang bisitahin dahil na miss kita.”“I miss you too, princess. Kaya bumalik ka na sa campus niyo. ‘Wag kang panay ga
KELLY JOANNEDahil sa bulaklak na ito ay panay ang asar sa akin ni Mavie. Kaya naman ako itong natatawa na lang sa kanya. Natutuwa daw kasi siya dahil mukhang magkaka-lovelife na ako pero hindi niya alam na ang tatay niya ang kasama ko kagabi at umangkin sa akin.“Mav, tama na nga. Hindi nga natin alam kung sino ang nagbigay nito eh,” sabi ko sa kanya.“Sana naman magpakilala siya para malaman natin kung gwapo ba o hindi. Kasi kung pangit ay ayaw ko, mas gusto ko ang gwapo dahil sobrang ganda mo. parang lugi ka kapag hindi gwapo,” sabi niya sa akin.“Hindi naman ako maarte sa looks. Kahit naman ano ay okay sa akin basta tanggap niya ang anak ko,” sabi ko sa kaibigan ko.“Pero piliin mo pa rin sana ang gwapo. Kasi kahit naman single mom ka ay may karapatan ka pa rin na taasan ang standard mo,” sabi niya sa akin kaya napangiti na lang ako.“Alam ko naman ‘yon pero kasi mas gusto ko pa rin ang lalaking mabait at responsable,” sabi ko sa kanya.“Ganyan rin ang gusto ko. Pero ewan ko ba, n







