LOGINKELLY JOANNE
“Loving the view, Kelly?” tanong niya sa akin kaya mabilis kong tinakpan ang mga mata ko dahil nakita ko ang hindi ko dapat na makita.
Bakit ba kasi? Shocks! Nakakagulat naman kasi talaga siya.
“Sorry po, gusto ko lang sanang maglinis,” sabi ko sa kanya.
“Ang aga mo naman yata ngayon?”
“Sabi mo po kasi ay ayaw mo sa late,” sagot ko sa kanya pero grabe ang t*bok ng puso ko sa kaba.
“Mabuti naman at alam mo. Why are you here? At bakit ka maglilinis? Hindi naman parte ng trabaho mo ang paglilinis. I hired you as my secretary at hindi maid,” sabi niya sa akin.
“Wala lang po akong naisip na gawin at maaga pa naman po.”
“Kahit pa gaano ka aga ka pa dito ay alam mo dapat kung ano ba ang trabaho mo. Hindi ako nagbabayad ng extra work, ang trabaho lang na dapat mong gawin ang binabayaran ko.”
“I understand po, Sir. I’m sorry po, labas na po ako,” sabi ko sa kanya.
“Marunong ka bang magmasahe?” tanong niya sa akin kaya nagulat ako pero mabilis ko namang binalik ang kamay ko sa mga mata ko dahil n*******d pa rin siya.
“Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad na katawan ng lalaki?” tanong niya sa akin.
“H–Hindi naman po, hindi lang po talaga–I mean hindi po ako marunong mag-massage,” nauutal pa na sabi ko sa kanya.
“Lumabas ka na, tatawagin kita kapag kailangan kita. But wait, marunong ka bang magtimpla ng coffee?”
“Opo, marunong po,” sagot ko sa kanya. Dahil marunong nga ako magtimpla ng gatas ng bata, kape pa kaya.
Akala yata talaga ni ninong ay wala akong alam gawin.
“Make me one. Black coffee only,” sabi niya sa akin.
“No sugar?”
“No sugar,” sagot niya sa akin.
“Okay po,” sabi ko at mabilis akong lumabas pero bumalik rin ako dahil nakalimutan ko ang dala kong panlinis kanina.
“Sorry po, nakalimutan ko lang po,” sabi ko at nagmamadali akong lumabas dahil nagbibihis na siya ngayon.
Dito ba siya natulog? Bakit naman siya dito naligo? Tanong ko sa sarili ko at hindi ko rin naman alam ang sagot. Bahala na nga siya, matanda naman na siya eh. Pumunta na lang ako sa pantry at nagtimpla na ako ng kape niya. Mabilis lang naman kaya bumalik ulit ako sa office niya. Kumatok na talaga ako para sure na. Baka kasi mamaya ay may iba na naman siyang ginagawa.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakabihis na siya ngayon. Mabuti na lang talaga at may damit na siya. Kahit pa malapit na si ninong sa 40’s ay gwapo at matikas siyang lalaki. Ni hindi nga halata na may anak na siya. Nalalaman na lang talaga nila dahil madaldal si Mavie at medyo possessive siya sa daddy niya.
Hindi ko nga alam kung may girlfriend ba ito si ninong. Separated siya dahil naghiwalay sila ng mommy ni Mavie. Ang alam ko kasi ay bata pa niya nabuntis ang mommy ng kaibigan ko. Marami pa yatang pangarap kaya hindi sila nagkasundo. Hindi ko lang alam kung may asawa na ba ang mommy ni Mavie.
Hindi rin naman kasi namin pinag-uusapan dahil ayaw niya. Mas gusto niya ang daddy niyang hottie. Sa totoo lang ay gwapong-gwapo talaga ako kay ninong kahit pa noon. Mas matanda nga sa kanya si daddy eh.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina, sasabihin ko sana na tama siya, kanina lang talaga ako nakakita ng h*bad na katawan ng lalaki. Pero nagtataka kayo kung bakit may anak na ako. Patay kasi ang ilaw nang gabing ‘yon kaya hindi ko nakita ang mukha ng lalaki plus lasing pa ako.
Nagising na lang talaga ako na masakit ang katawan ko. Pero kinaya ko pa rin na bumangon para takasan ang lalaking tulog. Mabuti na lang talaga at madilim pa noon sa labas dahil alas kwatro pa lang ng umaga. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na pinag-aksayahan pa ng oras na silipin ang mukha niya.
Natakot kasi ako na ma-trace ako ni daddy doon at baka madamay pa ang lalaki sa problema ko noon kay daddy. Pumunta ako sa bar ng gabi na ‘yun kaya expected na talaga a may ibang mangyayari sa akin. Ginusto ko ang gabing ‘yon kaya ayaw ko na may madamay sa akin.
Nagpacheck-up naman ako at safe naman ako. Wala namang sakit ang lalaki pero nabuntis naman ako at ngayon ay may anak na ako na ubod ng cute pero ubod rin ng kulit. Bigla ko tuloy na miss ang baby ko.
“Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Gising na kaya siya?” tanong ko sa sarili ko at nakangiti pa ako.
“May kailangan ka pa ba?” tanong sa akin ni ninong na ikinagulat ko.
Nawala ang maganda kong ngiti. Nandito pa rin pala ako sa loob ng office niya. Akala ko kasi ay nakalabas na ako.
“Wala na po,” sabi ko sa kanya at nagmamadali akong lumabas.
Paglabas ko ay dumating na ang magtuturo sa akin kaya naman nagsimula na kaming dalawa. Mabait siya at mahinahon kaya hindi ako nahihirapan na pakisamahan siya. Lahat ng kailangan kong malaman ay sinabi niya sa akin. Hindi naman siya ang secretary dahil umalis na pala ang secretary ni ninong.
“Talaga bang may anak ka na?” tanong niya sa akin.
“Opo, may anak na ako.”
“Hindi kasi halata dahil ang ganda mo. Tapos bagay na bagay pa sa ‘yo ang kulot mong buhok,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Maganda ka rin po,” sabi ko sa kanya.
“Gwapo si Sir diba?” nakangiti na tanong niya sa akin.
“Opo,” sagot ko sa kanya kaya mas lalo pa siyang ngumiti.
“Bagay kayo,” sabi niya at nagulat ako.
“Miss Cruz, ninong ko po siya,” sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.
“Talaga?”
Tumango naman ako bilang sagot.
“Hindi ko alam, sorry,” sabi niya sa akin na halatang nahihiya siya.
“Huwag mo na lang po sanang ipagsabi sa iba. Kailangan ko kasi talaga ang trabaho na ito. Hindi po kasi puwedeng malaman ng iba. Ayaw ko naman po na sabihin nila sa akin na tinanggap ako dahil ninong ko siya. I need this job for my baby,” sabi ko sa kanya.
“I understand, I’m sorry, nagbibiro lang ako,” sabi niya sa akin.
“It’s okay po, Miss.”
Ngumiti ako sa kanya para isipin niya na okay lang. Sa totoo lang ay wala naman problema sa akin. Ayaw ko lang na may ibang makarinig sa aming dalawa. Lumabas si ninong sa office niya dahil may meeting siya ngayon.
“Pumunta ka muna sa cafeteria,” utos niya sa akin.
“Po?”
“Stay there at ‘wag kang babalik dito. I’ll text you kapag puwede ka ng bumalik.”
“Po? Bakit po?”
“Stop asking kung gusto mo pa ang trabaho na ito–”
“Nandito po ba si daddy?” tanong ko sa kanya dahil sa tingin ko ito ang dahilan niya.
“Yes, kaya doon ka na lang muna,” sabi niya sa akin.
“Thank you po, Sir.”
Mabilis akong tumayo at umalis na sa harapan niya. Hindi ako puwedeng makita ni daddy pero bigla na lang bumukas ang elevator at sa hindi ko inaasahan na ang daddy ko ang dumating kaya naman mabilis akong tumalikod. Pero alam ko na makikita niya pa rin ako pero mas hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari dahil bigla na lang……
KELLY JOANNENgayon ang araw na uuwi na kami sa bahay namin. Gusto sana ni daddy ninong na ihatid kami pero hindi ako pumayag. Kapag kasi ihatid niya kami ay baka bigla namang magtaka ang daddy ko kung bakit namin siya kasama. Sapat na sa akin na si ate Lin lang ang nakakaalam sa nangyayari sa amin ni daddy ninong.Nagbook na lang ako ng sasakyan na maghahatid sa amin sa bahay. Habang nasa daan ay tulog ang anak ko. Ako naman ay ka-text ko si daddy ninong. Paulit-ulit na ang mga tanong niya sa akin at nagrereply naman ako dahil alam ko na gusto lang talaga niya na malaman na okay kami.Alam ko na maarte ako sa part na nagpapaligaw pa ako sa kanya kahit na may nangyayari sa amin. Ito ay ang gusto ko lang, gusto ko maranasan na maligawan dahil hindi naman ito nangyari noon sa akin. Gusto ko lang na magkaroon ako ng experience na may nagbibigay sa akin ng flowers, nagdedate kami sa labas, ang mga bagay na hindi ko naranasan noon ay gusto kong maranasan ngayon.Alam ko naman at alam ko na
KELLY JOANNEPaglabas ko ay wala naman pala si Ate Lin kaya pala hinaharot niya ako.“Saan si ate?”“May binili lang sa labas,” sagot niya sa akin.“Hindi ka ba talaga nag-aalala na baka–”“Mas mag-aalala ako kapag hindi kita nakita,” sabi niya at hinalikan niya ako sa labi.Ako naman itong natataranta sa kanya. Baka kasi bigla na lang dumating si ate. Ang anak ko kasi ay tulog pa at nag-aayos naman ng pagkain namin si daddy ninong.“Behave ka nga, ang kulit mo.”“Opo, madam,” sabi niya sa akin kaya tumawa na lang ako.“Kumain na tayo dahil ma late pa tayo,” sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming kumain.Siya na kasi ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Kaya naman nilagyan ko rin ang plato niya. Hindi naman puwede na ako lang dahil dapat give and take kami kahit pa wala kaming relasyon. Pero may nangyayari sa amin. Sakto sa pagdating ni ate ay tapos na kumain. Nagpaalam ako sa kanya na aalis na kami.Pinagbuksan ako ni daddy ninong ng pinto ng kotse kaya pumasok na rin agad ako. Pagpa
KELLY JOANNEPero hindi ko inaasahan na may ibubulong siya sa akin at ito ay ang…“Can you be my girlfriend?”Para akong nabingi sa narinig ko mula sa kanya. Tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin.“Ano’ng sabi mo?” tanong ko sa kanya.“Can you be my girlfriend?” tanong niya sa akin.“Agad? Ayaw mo bang ligawan muna ako?” tanong ko sa kanya at sumilay ang gwapo niyang ngiti.“Mali pala ang tanong ko–”“Baka naman kasi hindi ka talaga marunong manligaw kasi nga GGSS ka,” sabi ko sa kanya.“GGSS?”“Gwapong-gwapo sa sarili,” sagot ko sa kanya.“Liligawan kita,” sagot niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.“Dahil liligawan mo ako ay wala ng ano,” pabulong na sabi ko sa kanya.“Alisin mo na ang iba ‘wag ‘yan,” sabi niya kaya tumawa ako.“Bakit naman–”“Ad*k na kasi ako sa ‘yo,” sagot niya sa akin.“Gusto mo ba ako?” lakas loob na tanong ko sa kanya.“Yes,” sagot niya sa akin.“Gaano ka gusto?”“Gustong-gusto, baby. Kaya nga kita gustong maging girlfriend, ayaw ko kasi na ngumi
KELLY JOANNE“Kelly, may sasabihin sana ako sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“What is it?” tanong ko sa kanya.“Gusto ko sanang sabihin sa ‘yo na–”“Daddy, mommy let’s go na po. Rides na po tayo, gusto ko po doon,” sabi ni King at tinuro niya ang ferris wheel.“Sure ka ba na gusto mo d’yan?” tanong ko sa anak ko.“Yes po, mommy.”“Kayo na lang kaya ng daddy mo?”“Tayong tatlo na,” sabi ni daddy ninong.“Pero ka–”“Nasa tabi mo kang lang ako,” pabulong na sabi niya sa akin.“Kayo na lang kaya,” sabi ko pa ulit dahil parang hindi ko talaga kaya.“Tayong tatlo na,” sabi pa niya at hinila na ako.“Ano pala ang sasabihin mo sa akin?”“Mamaya na lang,” sagot niya sa akin.“Okay, ikaw ang bahala,” sabi ko at hinayaan ko na lang siya.Buhat-buhat niya ang anak ko. Mabuti na lang talaga at wala na siyang coat dahil kung hindi ay nagmumukha talaga siyang boss dito. At ako naman ay mukha nga talagang secretary niya at ngayon para kaming isang pamilya na may anak na gwapo.Sana nga gano’n kadali ang la
KELLY JOANNENagpaalam ako sa anak ko na magtatrabaho ako at mabait naman siya. Kaya naman nagsimula na ako sa mga dapat kong gawin. Dahil kumain na kami ng breakfast ay hindi na nagpatimpla sa akin ng kape si daddy ninong.Ang anak ko ay wala namang nagiging problema dahil ang bait lang rin niya. Ni hindi nga nila ako tinawag na dalawa. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang ginagawa nila. Pero hinayaan ko na lang. As long as hindi siya umiiyak ay walang problema.Pero nag-alala rin ako na baka nagugutom na siya kaya pumasok na ako sa loob ng office at nagulat ako dahil mahimbing siyang natutulog. At nakita ko sa may table na nakainom na siya ng gatas kaya tumingin ako kay daddy ninong na ngayon ay nagtatrabaho sa table.“Thank you,” sabi ko sa kanya dahil inalagaan niya ang anak ko.“Sa condo na lang tayo maglunch,” sabi niya akin.“Dito na lang, kukuha na lang ako sa cafeteria. Ano ba ang gusto mo?” tanong ko sa kanya.“Ikaw, ikaw anong gusto mo?” tanong niya sa akin.“Ikaw nga ang ti
KELLY JOANNEAfter naming kumain ay hinatid ako ni daddy ninong sa bahay. Umalis rin siya agad at hindi na siya bumaba pa. Pagpasok ko naman sa bahay ay nagpaalam sa akin si ate na pupunta siya sa ospital dahil nandoon ang pamangkin niya. Bukas ng umaga pa ang balik niya kaya kami dalawa lang ni King ang nandito ngayon.“Mommy, where is daddy po?” tanong sa akin ng anak ko.“Pauwi na siya sa bahay nila,” sagot ko sa kanya.“Ayaw po ba niya akong makita?”“Hindi po, busy lang po at pagod sa work si daddy,” sagot ko sa kanya at nakangiti ako.“Okay po, sana naman ay dumaan siya dito bukas,” sabi ng anak ko.“Sasabihin ko sa kanya,” nakangiti na sabi ko sa anak ko.“Mommy, can I borrow your phone?” tanong niya sa akin.“Of course po,” sagot ko sa kanya at binigay ko ang phone ko.“Baby, stay here. Magpapalit lang ako ng damit,” sabi ko sa kanya.“Okay po, mommy.”Pumasok na ako sa loob ng banyo para maglinis ng katawan. Kumain na si King at busog naman ako kaya after nito ay matutulog na







