Share

C5

last update Last Updated: 2025-10-18 03:43:24

KELLY JOANNE

Mabilis akong tumayo at umalis na sa harapan niya. Hindi ako puwedeng makita ni daddy pero bigla na lang bumukas ang elevator at sa hindi ko inaasahan na ang daddy ko ang dumating kaya naman mabilis akong tumalikod. Pero alam ko na makikita niya pa rin ako pero mas hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari dahil bigla na lang akong tinakpan ni Daddy ninong gamit ang katawan niya.

Malaki siyang tao kaya sa tingin ko ay kaya naman niya akong itago kaya pasimple akong tumalikod para hindi ako makita ni daddy. Kahit pa nakatalikod at nakayuko ako ay grabe ang bilis ng t*bok ng puso ko.

“Good morning, Charlie. Kumusta na?” Tanong pa ni daddy na halatang masaya siya.

“Good morning, bro. I’m good, mauna ka na muna sa meeting room. May pag-uusapan lang kami ng bago kong secretary.”

“Bago? Mukhang iba ‘yan,” natatawa na sabi pa ni daddy.

Kung alam kaya niya na ako ito ay sasabihin pa kaya niya ang mga salitang ito?

“G*go! Huwag mo akong itulad sa ‘yo,” sabi pa ni ninong at mukhang nagbibiruan sila.

“Binata tayo kaya walang dahilan para pigilan mo ang sarili mo. Malay mo naman, type ka ng secretary mo na medyo shy type,” sabi pa niya.

“First day niya ngayon at medyo masama ang pakiramdam niya.”

“Ganun ba? Sige, pasok na ako sa loob,” sabi ni daddy at mukhang naglalakad na ito papunta sa meeting room nila.

“Thank you po, daddy ninong.” mahina  na pasasalamat ko sa kanya.

“Hindi ko alam kung kaya pa kitang itago sa susunod kaya bahala ka na,” sabi niya sa akin at umalis na siya.

Naiwan ako na nakatayo dito. Napahinga na lang ako ng malalim dahil ang laki na talaga ng ipinagbago ni ninong. Hindi naman kasi siya ganito noon pero ngayon ang sungit na niya. 

“Dahil siguro tumatanda na? Tama, baka kaya masungit na kasi matanda na. Mainitin na ang ulo dahil matanda na–”

“Nandito ka pa rin?”

“Ayyy matanda na!” nagulat naman ako at naibulalas ko pa ang hindi ko dapat sabihin.

Kinakausap ko lang naman sana ang sarili ko pero bigla na naman siyang dumating.

“Sino ang matanda na?” tanong niya sa akin.

“Ikaw,” nanlaki ang mga mata ko dahil bakit ko ba sinabi ‘yon. Hindi ko naman puwedeng bawiin dahil sinabi ko na at malinaw pa niyang narinig.

“So, sinasabi mo na matanda na ako?” nakakunot na naman ang noo niya.

“Alis na po ako,” sabi ko at tatalikod na sana ako pero bigla na lang niyang hinawakan ang pulsuhan ko.

“M–May kailangan ka pa po ba?” tanong ko sa kanya.

“Mag-uusap tayo mamaya,” seryoso ang mukha niya sabay bitaw niya sa pagkakahawak sa kamay ko at muling bumalik sa loob ng meeting room.

Ako naman itong nagmamadali na dahil baka bigla na naman siyang bumalik at magalit na talaga siya sa akin. Pupunta na lang ako sa cafeteria at titingin kung ano ba ang puwede kong kainin doon. Mamaya pa naman ang lunch kaya tatambay na lang ako doon.

Ang sabi niya sa akin ay sasabihan na lang niya ako, pero paano? May number ba niya ako? Bahala na siya, basta ang mahalaga sa ngayon ay makapag-tago ako sa daddy ko. Hindi niya kasi ako puwedeng makita dito. First day ko pa lang dito at ayaw ko naman na maging last ko na agad ito.

Gusto ko pang makuha ang una kong sahod. Sayang kaya ang bayad dito, malaki ang sahod at kailangan ko talaga ito. Nang makarating ako dito sa cafeteria ay naghanap na ako ng vacant na mesa at nakakita naman ako. Iba-iba ang break time dito kaya ngayon ay medyo marami ang tao.

Hindi na muna ako oorder ng pagkain ko dahil ang dami pang mga tao na nakapila. Mamaya na lang kapag naging naluwag na ang pila. Napansin ko na nakatingin sa akin ang ibang mga empleyado dito. Siguro ay nagtataka sila kung bakit ba ako nandito. Hindi ko rin naman alam kung alam ba nila na ako ang bagong secretary ng CEO/Chairman ng company na ito. 

Nag-iisa lang naman ang anak ni Daddy ninong kaya wala pang papalit sa kanya sa pagiging CEO dahil nag-aaral pa si Mavie. At mukhang iba naman ang hilig nang isang ‘yon. She loves to travel and most of all, she loves photography. Lagi nga niyang kinukunan ng larawan ang anak ko.

Kahit ako ay marami na ri siyang pictures ko. Magaling kasi siya at isa pa, mukhang hindi naman siya pini-pressure ng daddy niya sa mga ganitong bagay. Hinayaan lang siya sa lahat ng nais niya. Kabaliktaran naman sa akin dahil muntik na akong nakulong sa isang pagsasama na wala namang pagmamahal.

Mas kaya ko pa itong pagiging single mom ko kaysa magkaroon ng asawa na hindi ko man lang mahal. At isa pa, arrogante ang lalaking ‘yon. Sobrang yabang eh nepo baby lang naman siya. Palibhasa ay anak siya ng kontraktor at balita ko ay hindi naman maganda ang record ng pamilya nila. Mukhang gusto lang ni daddy ang pakinabang nila at ganoon rin sila kay daddy.

Nang humupa na ang mga nakapila ay pumila na rin ako.

“Good morning po, isa pong palabok,” nakangiti na sabi ko.

“Hi, ganda. Bago ka lang ba dito?” nakangiti na tanong sa akin ng tindera.

“Opo, secretary po ako ni Mr. CEO,” nakangiti na sagot ko sa kanya.

“Sabi ko na nga ba eh. Hindi talaga pumipili ng hindi maganda ang CEO. Pero sa totoo lang ikaw lang ang kulot at ikaw ang pinakamaganda sa lahat,” sabi pa niya kaya napangiti na lang ako dahil nahihiya ako.

“May anak na po ako,” sabi ko sa kanya.

“Talaga?”

“Opo,” sagot ko sa kanya at kinuha ko ang tray na binigay niya na may palabok.

“Salamat po.”

“Sana magustuhan mo, ganda. Ako ang mismong nagluto niyan,” sabi pa niya kaya napangiti ako.

Bumalik ako sa kung saan ako kanina at nagsimula na akong kumain. May lumapit sa akin na isang lalaki at nakangiti pa siya. Binati niya ako at ganun rin ako sa kanya. Hanggang sa nagpakilala na siya sa akin. Akmang uupo na siya nang may bigla na lang nagsalita.

“Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko dahil busy ka.”

CALLIEYAH JULY

salamat po sa pag-add sa story na ito. sana po ay mag-iwan kayo ng reviews para sa rating... God bless po!

| 49
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Aleth L. Boniol
Thank you, Ms. Callieyah! ...️
goodnovel comment avatar
Mangadlao Molito Maryjean
thankyou author sna ... my update pa
goodnovel comment avatar
Dylin Tongol
lagot ka tlga Nyan KY daddy ninong,Kelly.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DADDY NINONG (SPG/R-18+)   C48

    KELLY JOANNENgayon ang araw na uuwi na kami sa bahay namin. Gusto sana ni daddy ninong na ihatid kami pero hindi ako pumayag. Kapag kasi ihatid niya kami ay baka bigla namang magtaka ang daddy ko kung bakit namin siya kasama. Sapat na sa akin na si ate Lin lang ang nakakaalam sa nangyayari sa amin ni daddy ninong.Nagbook na lang ako ng sasakyan na maghahatid sa amin sa bahay. Habang nasa daan ay tulog ang anak ko. Ako naman ay ka-text ko si daddy ninong. Paulit-ulit na ang mga tanong niya sa akin at nagrereply naman ako dahil alam ko na gusto lang talaga niya na malaman na okay kami.Alam ko na maarte ako sa part na nagpapaligaw pa ako sa kanya kahit na may nangyayari sa amin. Ito ay ang gusto ko lang, gusto ko maranasan na maligawan dahil hindi naman ito nangyari noon sa akin. Gusto ko lang na magkaroon ako ng experience na may nagbibigay sa akin ng flowers, nagdedate kami sa labas, ang mga bagay na hindi ko naranasan noon ay gusto kong maranasan ngayon.Alam ko naman at alam ko na

  • DADDY NINONG (SPG/R-18+)   C47

    KELLY JOANNEPaglabas ko ay wala naman pala si Ate Lin kaya pala hinaharot niya ako.“Saan si ate?”“May binili lang sa labas,” sagot niya sa akin.“Hindi ka ba talaga nag-aalala na baka–”“Mas mag-aalala ako kapag hindi kita nakita,” sabi niya at hinalikan niya ako sa labi.Ako naman itong natataranta sa kanya. Baka kasi bigla na lang dumating si ate. Ang anak ko kasi ay tulog pa at nag-aayos naman ng pagkain namin si daddy ninong.“Behave ka nga, ang kulit mo.”“Opo, madam,” sabi niya sa akin kaya tumawa na lang ako.“Kumain na tayo dahil ma late pa tayo,” sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming kumain.Siya na kasi ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Kaya naman nilagyan ko rin ang plato niya. Hindi naman puwede na ako lang dahil dapat give and take kami kahit pa wala kaming relasyon. Pero may nangyayari sa amin. Sakto sa pagdating ni ate ay tapos na kumain. Nagpaalam ako sa kanya na aalis na kami.Pinagbuksan ako ni daddy ninong ng pinto ng kotse kaya pumasok na rin agad ako. Pagpa

  • DADDY NINONG (SPG/R-18+)   C46

    KELLY JOANNEPero hindi ko inaasahan na may ibubulong siya sa akin at ito ay ang…“Can you be my girlfriend?”Para akong nabingi sa narinig ko mula sa kanya. Tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin.“Ano’ng sabi mo?” tanong ko sa kanya.“Can you be my girlfriend?” tanong niya sa akin.“Agad? Ayaw mo bang ligawan muna ako?” tanong ko sa kanya at sumilay ang gwapo niyang ngiti.“Mali pala ang tanong ko–”“Baka naman kasi hindi ka talaga marunong manligaw kasi nga GGSS ka,” sabi ko sa kanya.“GGSS?”“Gwapong-gwapo sa sarili,” sagot ko sa kanya.“Liligawan kita,” sagot niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.“Dahil liligawan mo ako ay wala ng ano,” pabulong na sabi ko sa kanya.“Alisin mo na ang iba ‘wag ‘yan,” sabi niya kaya tumawa ako.“Bakit naman–”“Ad*k na kasi ako sa ‘yo,” sagot niya sa akin.“Gusto mo ba ako?” lakas loob na tanong ko sa kanya.“Yes,” sagot niya sa akin.“Gaano ka gusto?”“Gustong-gusto, baby. Kaya nga kita gustong maging girlfriend, ayaw ko kasi na ngumi

  • DADDY NINONG (SPG/R-18+)   C45

    KELLY JOANNE“Kelly, may sasabihin sana ako sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“What is it?” tanong ko sa kanya.“Gusto ko sanang sabihin sa ‘yo na–”“Daddy, mommy let’s go na po. Rides na po tayo, gusto ko po doon,” sabi ni King at tinuro niya ang ferris wheel.“Sure ka ba na gusto mo d’yan?” tanong ko sa anak ko.“Yes po, mommy.”“Kayo na lang kaya ng daddy mo?”“Tayong tatlo na,” sabi ni daddy ninong.“Pero ka–”“Nasa tabi mo kang lang ako,” pabulong na sabi niya sa akin.“Kayo na lang kaya,” sabi ko pa ulit dahil parang hindi ko talaga kaya.“Tayong tatlo na,” sabi pa niya at hinila na ako.“Ano pala ang sasabihin mo sa akin?”“Mamaya na lang,” sagot niya sa akin.“Okay, ikaw ang bahala,” sabi ko at hinayaan ko na lang siya.Buhat-buhat niya ang anak ko. Mabuti na lang talaga at wala na siyang coat dahil kung hindi ay nagmumukha talaga siyang boss dito. At ako naman ay mukha nga talagang secretary niya at ngayon para kaming isang pamilya na may anak na gwapo.Sana nga gano’n kadali ang la

  • DADDY NINONG (SPG/R-18+)   C44

    KELLY JOANNENagpaalam ako sa anak ko na magtatrabaho ako at mabait naman siya. Kaya naman nagsimula na ako sa mga dapat kong gawin. Dahil kumain na kami ng breakfast ay hindi na nagpatimpla sa akin ng kape si daddy ninong.Ang anak ko ay wala namang nagiging problema dahil ang bait lang rin niya. Ni hindi nga nila ako tinawag na dalawa. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang ginagawa nila. Pero hinayaan ko na lang. As long as hindi siya umiiyak ay walang problema.Pero nag-alala rin ako na baka nagugutom na siya kaya pumasok na ako sa loob ng office at nagulat ako dahil mahimbing siyang natutulog. At nakita ko sa may table na nakainom na siya ng gatas kaya tumingin ako kay daddy ninong na ngayon ay nagtatrabaho sa table.“Thank you,” sabi ko sa kanya dahil inalagaan niya ang anak ko.“Sa condo na lang tayo maglunch,” sabi niya akin.“Dito na lang, kukuha na lang ako sa cafeteria. Ano ba ang gusto mo?” tanong ko sa kanya.“Ikaw, ikaw anong gusto mo?” tanong niya sa akin.“Ikaw nga ang ti

  • DADDY NINONG (SPG/R-18+)   C43

    KELLY JOANNEAfter naming kumain ay hinatid ako ni daddy ninong sa bahay. Umalis rin siya agad at hindi na siya bumaba pa. Pagpasok ko naman sa bahay ay nagpaalam sa akin si ate na pupunta siya sa ospital dahil nandoon ang pamangkin niya. Bukas ng umaga pa ang balik niya kaya kami dalawa lang ni King ang nandito ngayon.“Mommy, where is daddy po?” tanong sa akin ng anak ko.“Pauwi na siya sa bahay nila,” sagot ko sa kanya.“Ayaw po ba niya akong makita?”“Hindi po, busy lang po at pagod sa work si daddy,” sagot ko sa kanya at nakangiti ako.“Okay po, sana naman ay dumaan siya dito bukas,” sabi ng anak ko.“Sasabihin ko sa kanya,” nakangiti na sabi ko sa anak ko.“Mommy, can I borrow your phone?” tanong niya sa akin.“Of course po,” sagot ko sa kanya at binigay ko ang phone ko.“Baby, stay here. Magpapalit lang ako ng damit,” sabi ko sa kanya.“Okay po, mommy.”Pumasok na ako sa loob ng banyo para maglinis ng katawan. Kumain na si King at busog naman ako kaya after nito ay matutulog na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status