LOGINKELLY JOANNE
Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Gusto ko kasing maaga na pumasok sa work ko. Maaga pa lang ay nagluto na ako ng pagkain ko at pagkain ni ate na puwede niya i-reheat mamaya. Ang sabi niya sa akin ay hindi naman siya mapili sa food kaya nagluto na lang ako ng gulay at fish. After ko magluto ay kumain na rin ako ng breakfast. Ngayon na lang ulit ako maagang kumain ng ganito kaya naman kaunti lang muna at baka manibago ang tiyan ko. Minsan kasi late na ako nagigising.
Unang work ko ito at unang araw rin. Noong nabuntis kasi ako ay ang ipon ko na ang ginamit ko para sa amin ng anak ko. Ipon ko sa mga sideline ko noong nag-aaral pa ako. Ito ang unang full time job na gagawin ko. Sana lang talaga ay maging maayos ang lahat iyon lang naman ang hiling ko kasi sisipagan ko talaga. Magsisipag talaga ako para sa anak ko.
Inayos ko muna ang lahat ng kailangan ng anak ko. Sinigurado ko na maayos ang lahat para hindi na rin mahirapan si Ate Lin maghanap kapag kailangan niya. Mukha naman itong mabait kaya hindi ako nag-aalala para sa anak ko. Kahapon kasi ay magkasama naman silang dalawa at okay naman pagdating ko ang anak ko. Magkasundo naman silang dalawa, umiyak pa nga ang anak ko nang umalis si ate.
Mag-iiwan rin ako ng pera dahil baka kailanganin niya ito. Nagluto muna ako ng pagkain at nang baon ko dahil ayaw ko ng bumili pa. Mas makakatipid kasi ako. Mabuti na lang talaga at malaki ang naging ipon ko kaya nakabili ako ng bahay. Rights lang naman ito at wala pang titulo pero okay naman dahil sakto na ito sa aming dalawa ng anak ko.
Mag-iipon na lang ako ng pera para may pambili na talaga ako ng lupa na masasabi kong akin. Ayaw kong umasa sa daddy ko dahil sure naman ako na wala akong makukuha kahit pa sa mana na iniwan para sa akin ng mommy ko ay sure ako na hindi niya ito ibibigay sa akin. Kahit pa nag-sorry na ako ng paulit-ulit sa kanya ay hindi niya ako pinapatawad.
Matigas ang puso niya sa akin. Dahil nga hindi natuloy ang merge ng company niya sa company ng ipapakasal niya sa akin. Gusto niya akong ibenta para mas maging matayog pa ang company niya. Kaya hindi niya naisip ang nararamdaman ko. Dahil siguro ganun rin sila ni mommy noon. Dahil siguro ipinagkasundo lang rin sila at disappointed siya dahil babae ang naging anak niya. Dahil alam ko na gustong-gusto niya ng lalaking anak. At ngayon ay nabalitaan ko na may bago na siyang babae baka iyon ay magbibigay sa kanya ng lalaking anak.
Hindi na kasi sila nagka-anak ni mommy dahil nagkasakit na ito at iyon ang dahilan kaya siya namatay. Lumaki ako na masasabi na lang na may daddy ako pero hindi ko ramdam ang pagmamahal niya. Naalala ko noon ay parang mas naging malapit pa nga ako kay daddy ninong dahil may mga pasalubong siya sa akin kapag dumadalaw siya sa bahay.
Kaya talagang naki-daddy ninong na rin ako noon dahil mas feel ko kasi na gusto niya ako. Na naalala pa niya ang mga maliit na details about me kaysa sa daddy ko. Pero ngayon ay parang nagbago na si ninong. Siguro dahil siniraan na ako ni daddy sa kanya. Kung sabagay ano nga ba ang dapat kong ipagmalaki. Nabuntis na ako tapos wala pang ama at hindi pa nakatapos sa pag-aaral.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong naiiyak. Nag-aayos pa naman ako ng mukha ko. Kakatapos ko lang kasing maligo at nagbibihis na ako. Pinunasan ko ang luha ko dahil hindi dapat ako malungkot. Walang dahilan para umiyak ako. Dapat ay masaya ako, ano man ang maging trato sa akin ni ninong ay dapat ipagpasalamat ko dahil tinanggap niya ako sa company niya.
Inayos ko ang buhok ko at light make-up lang ang nilagay ko sa mukha ko. Nang makuntento na ako sa mukha ko at ayos ko ay lumapit ako sa anak ko at hinalikan ko siya sa noo.
“Kailangan lang ni mommy na gawin ito. Para sa atin ito, anak,” parang naiiyak na sambit ko pero alam ko na matapang ako.
Alam ko na kaya ko ito. Maninibago lang ako dahil ito ang unang araw na matagal akong malalayo sa kanya. Pero alam ko rin na masasanay rin ako. Kung hindi ko ito gagawin ay paano na lang kaming dalawa. Gusto ko pa rin siyang bigyan ng magandang buhay.
Bago pa magbago ang isip ko ay lumabas na ako sa room namin. Nandito na rin si Ate Lin kaya naman nagpaalam na ako sa kanya na aalis na ako. Nagpadala rin ako ng messages sa kaibigan ko para malaman niya na nandito na si ate. At para makapag-pasalamat na rin ako sa kanya. Dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako makakapag-trabaho. Sumakay na ako ng jeep at maaga pa naman. Mabilis lang akong nakarating dahil isang sakay lang naman mula dito sa bahay. Medyo malayo pero isang sakay lang kaya hindi hustle para sa akin.
“Good morning po,” binati ko ang mga guards sa entrance.
“Good morning, Ma’am ganda,” nakangiti na bati rin nila sa akin.
Kaagad naman akong pumasok sa may elevator. Wala pa namang mga tao kaya ang tahimik pa ng buong paligid. Kahit dito sa CEO’s floor ay tahimik rin. Hindi ko alam kung anong oras ba pumapasok si ninong sa office niya.
Nandito sa labas ang table ko kaya inayos ko muna ito. Umupo ako dahil maayos naman ang lahat. Pero ang aga ko pala ng halos isang oras kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Naiinip rin kasi ako habang nakaupo ako dito.
Naisip ko na pumasok sa office ni ninong dahil sisilipin ko lang kung may dapat ba akong gawin. Naisip ko na maglilinis na lang muna ako sa loob kaya kinuha ko ang gamit sa storage room. Parang ganito rin kasi ang set-up ng company niya sa company ni daddy kaya nakita ko agad ang kailangan ko. Pagbukas ko pa lang ng pinto ng office niya ay nabitiwan ko ang hawak ko na walis.
“Loving the view, Kelly?” tanong niya sa akin kaya mabilis kong tinakpan ang mga mata ko dahil nakita ko ang…
MAVIE LOVELY“Why are you here? Magpapakampi ka sa daddy ko? After mong palayasin ang anak mo?!” sigaw ko sa kanya at nakita ko na pareho silang na gulat sa akin.“Mavie, he’s your uncle.”“Uncle?”“He’s not my uncle. Wala akong uncle na kampon ni sat*nas!” sigaw ko kay daddy bago tumakbo paakyat sa room ko.I locked the door. Wala akong balak na kausapin ang kahit na sino. Alam ko naman na ang kaibigan niya ang kakampihan niya. Pero ilalaban ko rin ang kaibigan niya. Ang mga tao nanakit sa kanya ay hindi ko kakampi. Kahit pa kaibigan siya ng daddy ko at kahit pa naging uncle ko siya. Siya na ngayon ang kaaway ko sa lahat.“Mavie, can we talk?”“Ayaw ko, dad. Wala po tayong dapat na pag-usapan at wala pong mali sa ginawa ko. Kahit pa parusahan mo ako ay ipaglalaban ko si Kelly,” sabi ko sa kanya.“Hindi dapat tayo nakiki–”“Kung ayaw mo ay okay lang. Pero hayaan mo na ako na tumayo para sa kaibigan ko. Alam ko naman na wala kang pakialam kay Kelly and it’s fine. Kasi nasa tabi naman ni
MAVIE LOVELY“Pinalayas ka?!” bigla akong napabangon sa higaan ko nang marinig ko mula sa kabilang linya ang sinabi ng kaibigan ko.“Yes, kasalanan ko naman kaya siguro deserve ko it–”“Hindi mo deserve! Kung may dapat na sisihin ay ang daddy mo. Kasalanan niya kung bakit ka–”“Buntis ako, Mav.. I’m pregnant,” putol niya sa sasabihin ko pa sa kanya at umiiyak rin siya.“Where are you? Pupuntahan kita, just wait for me,” sabi ko at nagmamadali kong kinuha ang bag ko.I checked first kung dala ko ba ang wallet ko. Kailangan na may pera ako. Baka kasi mamaya ay wala siyang pera. Iyon ang mahalaga sa mga oras na ito. “Stay where you are dahil parating na ako. ‘Wag kang aalis d’yan,” sabi ko sa kaibigan ko dahil hindi ko siya puwedeng pabayaan.Nagmamadali ako habang pababa sa hagdanan namin.“Where are you going?” tanong sa akin ni daddy.“Kay Kelly po, dad.”“Why?” tanong pa niya sa akin.“Itanong mo sa magaling mong kaibigan!” Tumaas ang boses ko dahil sa inis ko. Damay talaga siya sa
“Ayaw ko sa ‘yo, gurang ka na! Hindi tayo bagay!”Si Mavie Lovely El Salva ay maganda pero maldita..Siya ang definition ng maldita with the heart. Nasa kaniya na ang lahat ng katangian ng isang babae. Ngunit hindi siya naniniwala sa mga happy endings at fairytales. Lalo na nang makilala niya ang daddy ng kaniyang matalik na kaibigan. Na siya ring kaibigan ng kaniyang ama.Her dad’s bestfriend na ubod ng pagkababaero sa paningin niya. Ito ay si Kenzo Mallen, isang mayaman at guwapong businessman. Na ayaw na rin maniwala sa pagmamahal dahil sa past relationships niya. Para silang aso at pusa sa tuwing nagkikita? May mabubuo kayang pagmamahal o mananatili na lang sila sa kung ano ang mayroon sila?
KELLY JOANNE(I do (cherish you) song: Michael “Khel” Pangilinan)Hindi ako makapaniwala na nakatayo ako ngayon sa isa sa pinakamagandang garden na nakita ko. Mas lalo pa akong nagulat dahil nakasuot na ako ngayon ng wedding gown. Ang buong akala ko kasi ay magpaplano pa lang kami pero may plano na pala siya para sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay nasa isang panaginip ako. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at naiyak na ako nang makita ko siyang nakatayo mula sa malayo.Matiyaga at nakangiti siyang naghihintay sa akin. Ako itong hindi pa totally nagsisink-in sa akin ang mga nangyayari hanggang sa nagsalita na sa likuran ko ang kaibigan ko.“Surprise! Ikakasal ka na,” nakangiti na sabi niya sa akin.“Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin?”“Kung sinabi namin ay hindi na siya surprise,” sabi pa niya.“Nakakainis ka ‘yo!”“Masaya ako na masaya ka, ngayon ay magiging Mrs. El Salva ka na talaga. Ikaw na ang stepmom ko,” sabi niya sa akin.“Maging stepmom mo man ako ay walang magbaba
KELLY JOANNEHindi ko talaga alam kung bakit ba niya pinipilit na magsuot ako ng dress. Mabuti na lang at nakahiligan ko na lagi na magsuot ng dress. Kaya halos lahat ng suot kong damit ay dress na. Mamasyal daw kaming dalawa at gusto niya talaga na sumakay kami sa kabayo. Pa gabi na ngayon at wala ng init. Maganda nga ang panahon para mamasyal.“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.“Secret,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Okay, alam ko naman na ligtas ako kapag kasama kita,” sabi ko sa kanya.“Of course, love,” malambing na bulong niya sa tainga ko bago niya ako binuhat para sumakay sa kabayo. Natatakot man ay alam ko naman na hindi niya ako pababayaan. Alam ko na nasa ligtas na kamay ako. Sumampa na rin siya sa kabayo at nakayakap na sa akin. Pinatakbo niya ito, sa una ay nakapikit ako. Natatakot kasi ako na baka mahulog ako lalo na ngayon pa lang ako nakasakay sa kabayo. Lahat ng mga first time ko ay siya palagi ang kasama ko. At alam ko na marami pa kaming gagawin ng magkasa
KELLY JOANNE“Siya na ba si Kelly?” tanong niya at nasa akin ang atensyon niya.“Good morning p–”“Bakit ngayon lang kayo pumunta dito? Sabi ko pa naman kay Charlie na dalhin ka na niya dito kasi gusto na kitang makilala. Ngayon ay alam ko na, alam ko na kung bakit ayaw ka niyang dalhin dito. Gusto ka lang yata niyang itago dahil ayaw niyang makuha ka ng iba sa kanya,” nakangiti na sabi niya kaya naman biglang nawala ang kaba ko sa kanya.“Natatakot ka ba sa akin?” tanong niya sa akin.“Medyo po,” sagot ko sa kanya.“‘Wag kang matakot sa akin dahil masaya ako na mag-aasawa na ang anak ko. Alam mo naman, hindi na siya bumabata pa. Gusto ko rin talaga na makahanap siya ng babae na makakasama niya at magmamahal sa kanya. Kaya sobrang saya ko nang sabihin niya na mayroon na at may anak na siya. Hindi ko na gusto pang alamin kung paano nangyari, ang mahalaga sa akin ay masaya ang anak ko.”“Tanggap mo na siya agad, mom?”“May dahilan ba para hindi ko siya tanggapin. Ang ganda-ganda niya at







