LOGINKELLY JOANNE
“Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko dahil busy ka.”
“S–Sir,” kinakabahan na sambit ko.
“Tapos na ang break time kaya bumalik ka na sa trabaho mo,” sabi niya sa akin eh ngayon pa lang ako kakain ng palabok na binili ko.
“Sorry po,” sabi ko at mabilis akong sumunod sa kanya. Tapos na ba eh parang wala pa naman ten minutes eh. Pero siya nga pala ang boss ko.
Sabay kaming dalawa dito sa loob ng elevator.
“Talagang dinala mo pa ‘yan?” tanong niya sa akin at ang tinutukoy niya ang hawak ko na palabok.
“Sorry po, sayang po kasi eh,” sabi ko sa kanya.
“Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot.”
“Tapos na po ba ang meeting niyo?” tanong ko sa kanya at hindi ko rin naman alam kung tumawag ba siya sa akin.
“Hindi pa,” sagot niya sa akin.
“Po?”
“Doon ka na lang sa loob ng office ko. Saka kainin mo na muna ‘yan bago ka magtrabaho ulit,” sabi niya sa akin.
“Gusto mo po ba?” tanong ko sa kanya pero parang nagsisi naman agad ako dahil bakit ko ba siya inaalok eh alam ko naman na hindi yata kumakain ng ganito ang lalaking ito.
“Dito mo na lang gawin sa loob ng office ko ang mga dapat mong gawin. Gamitin mo ang PC ko,” sabi niya sa akin at mukhang wala talaga siyang pakialam sa palabok ko.
Kung sabagay ay dapat bang may pakialam siya sa palabok? Bakit ko ba kasi naisip na magiging interesado siya sa palabok.
“May password po ba ang PC mo?”
“It’s Mavie’s birthday,” sagot niya sa akin.
“Okay po,” sagot ko sa kanya.
Lihim naman akong napangiti dahil kahit pala masungit na ang isang ito ay mahalaga talaga sa kanya ang anak niya, sweet siya sa sariling paraan niya. Nakakalungkot lang na hindi sila naging okay ng mommy ni Mavie. Pero mukhang okay naman si daddy ninong. Mukhang may girlfriend naman siya. Saka gwapo naman siya kaya imposible na wala.
Lumabas na siya at iniwan na ako dito. Sayang ang palabok, paborito ko pa naman ito kaya naman talagang kakainin ko muna ito. Mabilisang kain lang ang ginawa ko dahil kailangan ko ng magtrabaho ulit bago pa bumalik si ninong. After ko kumain ay inayos ko na ang dapat kong ayusin.
Ang sabi niya sa akin ay gamitin ko ang PC niya kaya naman kailangan ko ngang gamitin. Umupo ako sa upuan niya kahit pa naiilang ako. Sa totoo lang ay ang bango ni ninong. ‘Yung pabango niya, naamoy sa buong opisina niya. Super manly siya pero hindi siya masakit sa ilong.
“Kelly, magtrabaho ka na. Baka dumating pa ang masungit mong ninong/boss,” kausap ko sa sarili ko.
Nagsimula na akong magtrabaho. Hanggang sa hindi ko namalayan na bumalik na pala si ninong. Nagulat na lang ako dahil nasa tabi ko na siya.
“Patapos na po ako,” sabi ko sa kanya.
“Take your ti–”
Nagkatinginan kaming dalawa dahil bigla na lang may kumatok mula sa labas.
“Bro!” narinig namin ang boses ni daddy.
“Daddy ninong, si daddy,” kinakabahan na sabi ko sa kanya at halatang nagulat rin siya.
“Hide,” sabi niya sa akin.
Mabilis akong pumasok sa ilalim ng mesa niya. Wala na akong ibang choice. Kung lalayo pa ako ay baka naman makita ako ni daddy. Kapag sa banyo ay may possibility rin na makita niya ako. Dito na lang talaga ako. Dito na muna ako sa ilalim ng mesa niya.
Umupo naman si ninong sa swivel chair niya. Habang ako itong kinakabahan at hindi mapakali sa pinagtataguan ko. Hindi naman mainit pero feeling ko ay mauubusan ako ng hininga dito sa kaba ko.
“Busy ka ba, bro?” tanong ng daddy ko kay ninong.
“Medyo.”
“Sasama ka ba sa amin mamaya? Nagkayayaan ang barkada, matagal na raw tayong hindi nagkikita-kita at isa pa may ipapakilala ako sa inyo,” sabi niya sa akin.
“I’m not sure, bro pero susubukan ko.”
“Lagi ka na lang ganyan. Sabihin mo nga sa akin nakikipag-date ka na ba ulit?”
Ngayon ko lang nalaman na may pagka-chismoso pala ang tatay ko sa lovelife ng iba. Pero mukhang masaya naman siya ngayon. Halata sa boses niya.
“Dapat makipag-date ka dahil hindi na tayo bumabata–”
“Alam ba ni Kelly na may bago ka ng kinakasama?” biglang tanong ni ninong.
“Hindi niya kailangan na malaman.”
“Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa kanya?”
“It’s her choice kaya wala siyang dapat sisihin,” sagot ni daddy.
“Pero baka nakalimutan mo anak mo pa rin siya. Dapat ay magkaayos na kayong dalawa,” sabi pa ni ninong.
“Hayaan mo na muna siyang magtanda at pagsisihan niya ang kasalanan niya. Sige, alis na ako. Punta ka ha, minsan lang ito para naman kumpleto tayo,” sabi niya at lumabs na yata siya.
Maybe his right, kagustuhan ko ito. Pero sino ba ang naglagay sa akin sa sitwasyon na iyon. Siya rin, kung hindi niya ako pinipilit ay hindi sana ako naging ganito. Kung sabagay, para sa kanya ay ako lang naman ang may mali. Siguro nga ay mas okay ang ganito na lang kami. Mas tahimik at walang problema. At mas masaya siya na wala ako sa buhay niya.
“Are you okay?” tanong sa akin ni ninong.
“Oo naman po,” sagot ko sa kanya at lalabas na ako dito sa pinagtataguan ko pero bigla na lang bumalik si daddy kaya napabalik ako bigla dito sa ilalim.
“Nakalimutan ko pa lang sabihin na birthday ng girlfriend ko next week kaya pumunta ka sa bahay,” sabi ni daddy.
“I’ll try,” sabi lang ni ninong.
“Mag-enjoy ka rin minsan,” sabi pa ni daddy at sa tingin ko ay umalis na siya.
Ngayon ko lang napansin na nakahawak pala ako sa legs ni ninong kaya mabilis kong inalis ang kamay ko sa legs niya.
“Sorry po–ouch!” napa-daing ako dahil nauntog ang ulo ko sa table niya.
“Bakit kasi hindi ka nag-iingat?” sabi niya at hinaplos niya ang ulo ko kaya napatingin ako sa kanya.
Nakatingala ako sa kanya. Nandito pa rin ako sa puwesto ko at siya naman ay nakaupo pa rin sa swivel chair niya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
“Saan ang masakit? Dito ba?” tanong niya sa akin na para bang ang lambing ng boses niya.
“Opo,” wala sa sarili na sagot ko sa kanya at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.
SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!GOD BLESS PO!
MAVIE LOVELY Ako lang naman dito kaya matutulog ako na walang suot na panty. Lumabas na ako sa banyo at… “Why are you here?” gulat na gulat na tanong ko sa kanya. “Nag-alala kasi ako sa ‘yo dahil wala kang kasama dito,” sagot niya sa akin. “Okay lang naman ako dito. Hindi mo naman ako kailangan na samahan pa,” sabi ko sa kanya. “Sasamahan kita,” sabi pa niya sa akin. “Hindi na nga po kailangan.” “Dito na ako, uuwi pa ba ako? Sasamahan na kita,” sabi niya kaya ako itong nataranta dahil wala akong suot na panty. “D’yan ka lang! ‘Wag kang lalapit sa akin!” “Why?!” “Magbibihis pa ako. Pahiram na rin ako ng short mo,” sabi ko sa kanya at siya itong nakatingin lang sa akin. “Hindi ka man lang nagdala ng damit ko.” “Nakalimutan ko,” sabi naman niya sa akin at pumasok siya sa loob ng banyo kaya naman nakapagsuot ako ng short niya. Mabuti na lang adjustable ang shorts niya kaya kumasya sa akin. ‘Yon nga lang malamig pa rin dahil wala nga akong panty. Sana lang talaga ay hindi ako p
MAVIE LOVELY“I want to taste your lips again, sweetie,” sagot niya sa akin.“Tumigil ka nga! Lumayo ka sa akin—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinakop na naman niya ang labi ko. Itong lalaking ito. Bigla na lang talaga niyang ginagawa ang mga gusto niya. Hindi man lang niya hinihintay kung papayag ba ako sa gusto niya. Aaminin ko na masarap siyang humalik pero hindi naman ibig sabihin ay dapat ginagawa na niya ito palagi.“Stop it! Tama na nga!” pagpapatigil ko sa kanya.“Why?”“Anong why? Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi porket pumayag ako kanina ay pumapayag na talaga ako. Tigilan mo na ako sa kakahalik mo sa akin. Hindi naman kita boyfriend para halikan mo ako. Kung ayaw mong magalit ako sa ‘yo ay—”“Liligawan kita,” putol niya sa sasabihin ko pa.“What?”“I’m fvcking serious. Liligawan talaga kita,” sabi niya sa akin.“Ayaw ko nga!”“Why?”“Dahil ayaw ko sa ‘yo,” sabi ko sa kanya at nakita ko na nalungkot ang mga mata niya.“Ayaw mo sa akin? But you kissed me back
MAVIE LOVELY“A–Ano ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.“I want to kiss your lips,” sagot niya sa akin.“Sinasabi ko sa ‘yo, ‘wag mo akong hahalik–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Kasabay nito ang biglang pag-liwanag ng kalangitan dahil sa fireworks. He’s kissing me habang may fireworks, i really find it romantic. Isa ito sa mga gusto kong gawin kasama ang boyfriend ko. Pero bakit siya na naman? Bakit sa kanya ko naranasan ito? “Kiss me back, sweetie,” utos niya sa akin nang tumigil siya sa paghalik sa akin.“Bakit?”“Bakit mo ito ginagawa?” tanong ko sa kanya.“I like you,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko.“You like me?” nakakunot ang noo ko na tanong.“Yes, sweetie. I like you, gusto kita.”“Hindi tay–”Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko ng bigla na lang niya akong hinalikan ulit sa labi. And this time ay mas banayad na ang paghalik niya sa akin. Sobrang gaan na para bang hinihingkayat ako na tumugon. Hindi
MAVIE LOVELY“Ano, game ka ba?” tanong ko sa kanya at ngumiti pa ako.“Sweetie–”“Okay, kung ayaw mo ay ako na lang. Hindi na kita pipilitin pa. Hintayin mo na lang ako dito,” sabi ko sa kanya.“Sasama ako,” sabi niya sa akin kaya bigla na lang akong napangiti.“Sure ka ba, daddy?” nakangisi na tanong ko para lang asarin siya at halatang nagulat siya sa akin.“Yes,” sagot niya kaya naman hinila ko na siya.“Tara na! Pumila na tayo,” sabi ko sa kanya.Wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya pero alam ko naman na hindi na siya tatakas pa sa akin. Bumili na kami ng ticket at naghihintay na lang kami na kami na ang sasalang. Habang nakapila ay nakatingin ako sa kanya at pinagpapawisan na siya. Pinunasan ko naman ang mga pawis niya.“Hindi pa nga tayo nakasakay ay pinagpapawisan ka na agad. Kinakabahan ka ba talaga?” tanong ko sa kanya at siya itong nakatingin lang sa akin.“Hindi, kasama kita eh,” sabi pa niya kaya napangiti ako.“‘Wag kang kabahan. Isipin mo na lang na parang nano
MAVIE LOVELY“Wala akong sinabi na hindi ito date,” sabi naman niya sa akin.“Ha? Date ba ito? Bakit nanliligaw ka ba sa akin?”“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi talaga ito date,” sabi ko sa kanya pero para lang siyang bingi na walang naririnig. Gusto ko talagang linawin sa kanya na hindi ito tulad ng iniisip niya.“Ewan ko sa ‘yo, nakakainis ka,” sabi ko na lang at nanahimik na ako.Lumalayo ako sa kanya pero lapit naman siya ng lapit sa akin hanggang sa tumigil na ako sa kakalayo. Dahil makulit rin talaga ang gurang na ito. “Bakit kasi lahat na lang may say ka? Puwede naman kasi na hayaan mo lang ako. Kapag ganiyan ka ay baka mas mauna ka pang tumanda kaysa sa akin. Ikaw rin, baka–”“Baka ano?”“Wala,” sabi niya dahil tinarayan ko na naman siya.“Relax and enjoy ka lang kasi,” sabi niya sa akin.“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.“Malapit lang ‘yon dito,” sagot niya sa akin.Kung doon sana kami pupunta sa amusement park ay baka hindi ako magalit sa kanya. Pero kung hindi
MAVIE LOVELY“Aivy—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang hinawakan ni gurang ang kamay ko. Like his holding my hand.“Ye po, Miss Mavie? May sasabihin ka po ba sa akin?” tanong sa akin ng kasama namin.“W–Wala naman, gusto ko lang sabihin na ingat ka sa pag-uwi,” sabi ko sa kanya.“Kayo rin po,” sabi niya sa akin.“Thank you,” sabi ko sa kanya.Nang bumukas na ang p***o ng elevator ay lumabas na siya at naiwan pa kaming dalawa ni gurang. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Ang higpit pa ng hawak niya na para bang ayaw niya itong bitiwan. “Puwede mo ng bitiwan ang kamay ko,” sabi ko sa kanya pero parang bingi lang siya.“Uncle–”“Sabi ko naman na mas gusto ko na daddy ang tawag mo sa akin,” sabi pa niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.“Hindi naman kita daddy kaya bakit naman kita tatawagin ng daddy?”“Ikaw nga ang baby ko,” sabi niya kaya hindi ko alam kung bakit ba bigla na lang umunit ang pisngi ko sa narinig ko sa kanya.“Tumigil ka nga! Para namang nilalandi mo ak







