Share

Chater 26: Cheese on the Trap

Hindi na siya nakapagreklamo pa nang dalhin siya ng lalaki papasok sa salon. Agad na sumalubong sa kanila ang isang maganda at seksing babae na may magiliw na ngiti sa labi lalong-lalo na sa kasama niya. Napatingin siya kay Hawk na may malagkit ding titig sa babae.

"Long time no see Mr.Velasquez. Is there anything I can do for you?" Tanong ng babae sa malamyos na boses.

Swabeng ngumiti si Hawk sa babaeng kaharap nila. "Yes, of course you do," sagot nito bago siya hinila at iniharap sa babae. "Make her pretty, Lisa," dagdag pa nito.

Agad namang tumango-tango ang babae at mataman siyang pinagmasdan. "Okay sure. No problem, Mr.Velasquez," nakangiti nitong tugon.

Marahan siyang hinila ng babae papunta sa isang silid. Nagmistula naman siyang robot na sumunod dito habang hindi pa lubos na naaabsorb ang mga pangyayari. Dinala siya ng babae sa isang bathtub kung saan may laman na iyong tubig at may mga bulaklak pang lumilitaw. Nanunot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng bulaklak.

"Remove
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status