Share

CHAPTER 25

XXV

AKALA ni Bridgette ay palabas na sila ng kakahuyan ngunit laking-gulat niya ng tumigil sila sa isang kubo sa gitna pa rin ng kagubatan.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Tila walang plano itong tumila. Agad silang bumaba mula sa kabayo at patakbong tinungo ang direksiyon ng kubo.

Kumulog at kumidlat. Nang makapasok sila sa kubo ay doon niya pa lang naramdaman ang ginaw kaya niyakap niya ang sarili at umupo sa isa sa mga upuan doon.

Nanginginig na siya sa lamig. Hinipan niya ang kaniyang mga palad at pinagkiskis ang mga ito upang maibsan ang kaniyang pagkaginaw.

Nagulat siya ng may mag-angat ng kaniyang mukha. Nakita niya si Jake na nakatitig sa kaniya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status