Home / Romance / DESTINED TO BE HIS BRIDE / CHAPTER 4 — The Man Who Returned

Share

CHAPTER 4 — The Man Who Returned

Author: Kxjnha Inks
last update Last Updated: 2025-10-25 16:51:26

Madaling araw pa lang ay gising na si Ayesha.

Tahimik ang buong bahay, tanging tunog ng orasan at mahinang hampas ng hangin sa kurtina ang maririnig.

Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak-hawak ang maliit na pendant na luma na’t kupas na.

Isang larawan ng batang lalaki ang laman niyon—isang alaala ng kabataang hindi niya kailanman nalimutan.

“Rohan…” mahina niyang sambit, halos bulong sa sarili.

“Ikaw ba talaga ‘yung lalaking ‘yon?”ho

Matapos ang nagdaang gabi ng kanilang pag-uusap sa hardin, hindi na siya mapakali.

Ang paraan ng pagkakatitig ni Rohan sa kanya, ang tono ng boses nito—may kakaiba.

Para bang may mga salitang gustong kumawala, ngunit pinipigilan. Parang may lihim itong gustong isiwalat, ngunit hindi pa ito ang tamang oras.

Lumabas siya ng kwarto at bumaba papunta sa kusina.

Naabutan niya si Aling Marites, ang kasambahay, na nagtitimpla ng kape.

“Ma’am, maaga po kayong nagising ah. Gusto n’yo po ng kape?”

Tumango si Ayesha. “Oo, salamat, Aling Marites.”

Habang umuusok ang tasa ng kape sa kanyang harapan, sumilip siya sa bintana.

Sa labas, nakatayo si Rohan, naka-black suit, seryosong nakatingin sa malayo habang kausap ang isang lalaki na hindi niya kilala.

Mukhang importante ang pinag-uusapan nila.

Napansin niyang may tensyon sa mukha ng kanyang asawa—parang mabigat ang iniisip.

Paglapit ni Ayesha, bigla siyang napahinto nang marinig ang huling bahagi ng pag-uusap.

“Kung hindi mo mahanap ang mga dokumento, Rohan, baka tuluyang bumagsak ang kumpanya,” sabi ng lalaki.

“Hindi ito basta issue lang ng pera—may taong gustong pabagsakin ka.”

Nanlamig ang kamay ni Ayesha.

“Kumpanya? Pabagsakin?”

Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpakita o magkubli.

Ngunit bago pa siya makapagdesisyon, napalingon si Rohan sa kanya.

Saglit silang nagkatitigan—isang titig na may halong pag-aalala at pagtatago.

Ngumiti ito nang tipid, parang gustong sabihing huwag kang mag-alala.

“Ayesha,” tawag ni Rohan, “maaga kang nagising.”

“Hindi ako makatulog,” tugon niya.

“Narinig ko lang kayo… May problema ba?”

Umiling si Rohan.

“Wala. Business matters lang. Huwag mo nang isipin.”

Ngunit hindi siya kumbinsido.

Kita sa mata nito ang pag-aalala, at sa bawat galaw ng kamay nito, alam niyang may tinatago si Rohan.

Sa mga sumunod na araw, naging abala si Ayesha sa pag-aayos ng bahay at mga plano para sa nalalapit na pagtitipon ng kanilang mga pamilya.

Pero sa likod ng bawat ngiti, may mga tanong na patuloy na bumabalot sa kanyang isip.

Sino si Rohan bago ang kasal nila?

Ano ba talaga ang dahilan ng pagiging mailap nito minsan?

Minsan, habang nag-aayos siya ng mga lumang kahon sa lumang silid sa ikalawang palapag,

may natagpuan siyang isang lumang photo album.

Bukas-loob niya itong sinimulan tingnan—hanggang sa mapansin niya ang isang pamilyar na larawan.

Isang batang lalaki at isang batang babae na magkahawak kamay sa tabing-dagat. Sa likod ng larawan, may nakasulat:

“R & A — Villarreal Beach, 2005.”

Nabingi siya sa sarili niyang tibok ng puso. R… A… Rohan at Ayesha.

Agad siyang napaupo, nanlalambot ang tuhod. Ibig bang sabihin, tama ang hinala niya?

Ang lalaking pinakasalan niya ngayon ay ang batang lalaking minsan niyang minahal noon—ang batang nawala matapos ang isang trahedya sa kanilang probinsya.

Mabilis niyang binaba ang larawan at lumabas ng silid. Kailangan niyang makausap si Rohan.

Ngunit sa paglapit niya sa opisina ng asawa, narinig niya ang boses nito mula sa loob.

Hindi ito nag-iisa.

“Hindi mo kailangang malaman pa ng asawa mo ang tungkol dito,” sabi ng isang pamilyar na tinig ng lalaki—ang parehong taong kausap ni Rohan kanina.

“Wala siyang dapat malaman,” malamig na sagot ni Rohan.

“Ayokong madamay siya sa gulong ito. Masyado na siyang nasaktan noon.”

“Pero Rohan,” mariing tugon ng lalaki, “kung hindi mo sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa Villarreal… malalagay siya sa panganib.”

Napatigil si Ayesha. Villarreal. Iyon ang lugar kung saan lumaki si Rohan noon.

Iyon din ang lugar kung saan siya nawala.

Mabilis siyang umatras, takot na baka marinig siya.

Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng lahat, ngunit malinaw na may malaking lihim na itinatago si Rohan—isang lihim na may kinalaman sa nakaraan nilang dalawa.

Kinagabihan, habang nasa kama na sila, nagkunwaring tulog si Ayesha.

Narinig niyang may tawag na tinanggap si Rohan.

“Hindi ko pa makuha ang mga papeles,” bulong ni Rohan.

“Pero kung totoo ngang buhay pa siya, kailangan kong makita siya bago malaman ni Ayesha ang lahat.”

Halos hindi siya huminga.

Buhay pa siya? Sino?

Pagkababa ni Rohan ng tawag, dahan-dahan itong lumabas ng kwarto.

Sinundan siya ni Ayesha, nakapaa, maingat na huwag gumawa ng ingay.

Dumiretso si Rohan sa garahe, sumakay sa itim na kotse, at umalis nang hindi man lang lumingon.

Hindi na siya nagdalawang-isip. Tinawag niya si Aling Marites.

“Aling Marites, may kailangan lang akong puntahan,” sabi niya sabay kuha ng jacket.

“Ma’am, gabi na po—”

“Babalik din ako,” putol niya, at mabilis na lumabas.

Sinundan niya si Rohan hanggang sa makarating sila sa isang lumang bahay sa labas ng Maynila.

Dito, tumigil si Rohan at pumasok sa loob. Nagtago si Ayesha sa likod ng puno, nanginginig sa kaba.

Ilang sandali pa, may isang matandang babae ang lumabas sa pintuan—mabagal ang lakad, may dalang lumang kahon. Lumapit si Rohan at marahang yumuko.

“Ako po ito, Tita.”

Halos mabitawan ni Ayesha ang hawak na cellphone.

Tita?

“Rohan…” nanginginig ang boses ng matanda.

“Matagal kitang hinintay. Akala ko hindi mo na babalikan ang Villarreal.”

“Hindi ko na dapat babalikan ang nakaraan, pero kailangan ko na po ang mga papeles. May taong gustong gamitin ang nangyari noon para wasakin ako.”

“Ang aksidente?” tanong ng matanda.

“O ang pagkamatay ng batang babae?”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Ayesha. Batang babae?

“Hindi siya namatay, Tita,” mariing sagot ni Rohan.

“At iyon ang dahilan kung bakit ako bumalik. Dahil ang batang iyon—si Ayesha—ay buhay. At ngayon, siya ang asawa ko.”

Halos matumba si Ayesha sa narinig.

Ako? Ako ‘yung batang ‘yon?

Ngunit bago pa siya makabawi, biglang may pumutok na baril.

Isang sigaw ang umalingawngaw sa dilim.

“ROHAN!”

Mabilis siyang lumabas mula sa pinagtataguan. Nakita niyang si Rohan ay nakahandusay sa lupa, at ang matandang babae ay tumatakbong humihingi ng saklolo.

Sa di kalayuan, may anino ng isang lalaki na tumatakbo palayo.

Dali-daling lumapit si Ayesha, nanginginig, habang yakap-yakap ang duguang katawan ni Rohan.

“Rohan! Huwag kang magsalita! Tatawag ako ng tulong!” nanginginig ang kanyang boses, luhaang pinipigilan ang paghinga.

Ngunit bago pa siya makalayo, mahina ngunit malinaw na nagsalita si Rohan.

“May hindi mo pa alam… tungkol sa Villarreal…”

At tuluyang pumikit ang kanyang mga mata.

Napatigil si Ayesha, nanlalamig, hindi alam kung an

ong gagawin.

Sa paligid, tanging huni ng mga kuliglig at hangin ng gabi ang saksi sa sandaling iyon.

At sa dilim ng gabing iyon—isang bagong kabanata ng lihim at panganib ang magsisimula.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 9 — “The Secret Beneath the Villarreal Mansion”

    Malamig.Mabigat.At madilim.Tumama ang katawan ni Ayesha sa matigas na lupa, sabay buga ng alikabok na tila sumakal sa kanyang paghinga.Ilang segundo siyang nakahiga, nanginginig, bago niya maramdaman ang kirot sa kanyang braso—doon pa rin ang sugat na tinakpan ng benda.“Rohan…” mahina niyang tawag, habang pinapahid ang dumi sa mukha.“Nasaan ka?”Walang sagot, tanging tunog ng tumutulong tubig mula sa mga tubo sa kisame.Ang lugar ay makipot na lagusan, gawa sa lumang bato.May amoy kalawang at langis, parang bahagi ng lumang pasilyo na matagal nang nakatago.Sa liwanag ng maliit na ilaw mula sa pendant sa kanyang leeg,nakita niya ang mga lumang markang nakaukit sa dingding—parehong simbolo ng “V” na nasa mga painting sa itaas. Ngunit ngayon, mas luma, parang selyo ng kasalanan.Huminga siya nang malalim, pinilit itago ang takot.“Focus, Ayesha… kung nasaan ka man, hindi ka pwedeng huminto ngayon.”Lumakad siya sa masikip na lagusan, hinahaplos ang malamig na bato habang patulo

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 8 — “The Shadow Inside the Villarreal Mansion”

    Mabigat ang hangin.Amoy antiseptic, halong pabango ng mamahaling bulaklak at lumang kahoy.Dahan-dahang iminulat ni Ayesha ang kanyang mga mata—puti ang kisame, malamig ang paligid, at naririnig niya ang mahinang tiktak ng orasan.Nasa isang silid siya, at halatang hindi iyon ospital.Sa tabi ng kama, may kurtinang makapal, may chandelier sa kisame, at mga lumang painting sa dingding—lahat may iisang simbolo sa gilid: isang gintong “V”.Villarreal Mansion.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.Umupo siya sa kama, pinilit alalahanin ang nangyari.Ang ulan, ang tulay, ang dalawang Rohan—ang putok ng baril.Pagkatapos noon, dilim.Ngayon, gising siya sa lugar na pinakamalabo niyang gustong mapuntahan.Bago pa siya makatayo, bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae—mahaba ang buhok, maamo ang mukha, suot ang simpleng itim na uniporme. May bitbit itong tray ng pagkain.“Gising ka na rin pala, Ma’am,” sabi nito. “Nag-aalala na ang Señor. Bawal kang gumalaw ng sobra, may sugat ka sa bra

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 7 — “Two Faces of Truth”

    Basang-basa pa ang katawan ni Ayesha habang nakatayo sa gitna ng tulay.Ang ulan ay bumuhos bigla, tila sinasadyang itago sa dilim ang mga kasinungalingang matagal nang nakabaon.Sa harapan niya, dalawang lalaking parehong mukha, parehong tinig—ngunit magkaibang titig.Ang isa, may malamig na ngiti, may dalang awtoridad sa bawat galaw.Ang isa nama’y may sugat sa noo, marungis, at may bakas ng sakit at pagod sa mga mata.Sabay silang nagsalita, halos sabay na dumagundong ang tinig:“Ako ang tunay na Rohan Villarreal.”Tumigil ang mundo ni Ayesha.Ang hangin ay tila pumutol sa gitna ng tulay, at ang katahimikan ay sinundan ng isang malakas na putok ng baril.Agad siyang napayuko.Dumapa si Lio, pilit siyang hinihila sa gilid ng tulay. Isa sa dalawang lalaki—ang nakaitim na jacket—ang unang bumaril.Ang bala ay tumama sa side mirror ng kabilang sasakyan.“Tumigil kayo!” sigaw ni Ayesha, nanginginig.“Rohan… Rion… sino sa inyo—”“Huwag mo siyang pakinggan, Ayesha!” sigaw ng lalaking maru

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 6 — “The Shadow of the Twin”

    Madilim pa nang magising si Ayesha sa gitna ng kakahuyan. Ang hangin ay malamig, at bawat ihip nito ay tila may dalang bulong ng nakaraan. Nasa paanan niya ang lumang pendant na kanina lang ay nakasabit sa leeg niya—ngayon ay may bahid na ng putik at dugo. Nanginginig pa rin siya sa takot habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga lalaking naka-itim ay patuloy na naglilibot, bitbit ang mga baril. Mula sa di kalayuan, maririnig ang kanilang mga sigaw: “Hanapin si Ayesha! Huwag hayaang makatakas ang babae!” Mabilis niyang dinampot ang pendant at tumakbo papalayo, pinipigil ang sariling hingal. Alam niyang kahit bahagyang kaluskos lang, maaaring ikapahamak niya. Ang puso niya ay kumakabog nang sobrang lakas, at bawat yapak niya sa basang lupa ay may halong kaba at desperasyon. Pagkalayo-layo, nakarating siya sa isang lumang bahay-kubo na tila matagal nang iniwan. Pumasok siya, mabilis na isinara ang pinto, at huminga nang malalim. “Diyos ko… anong pinasok ko?” Lumapit siya sa

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 5 — The Villarreal Secrets

    Ang lahat ay parang mabagal na pelikula sa paningin ni Ayesha. Ang bawat tibok ng puso niya ay mas malakas kaysa sa sigaw ng hangin. Ang mga kamay niya’y nanginginig habang pilit niyang ginising si Rohan na nakahandusay sa lupa, duguan at malamig. “Rohan! Gisingin mo naman ako—huwag kang magbiro ng ganito!” humahagulgol niyang sigaw habang tinatapik ang pisngi nito. Ngunit walang tugon, tanging mahina at putol-putol na paghinga lang. Nang dumating ang ambulansya, sumama siya sa loob, yakap ang kanyang asawa habang umaandar ang sasakyan. Wala siyang pakialam kung nadudungisan ng dugo ang damit niya. Ang tanging laman ng isip niya ay huwag siyang mawala. Pagdating sa ospital, agad siyang inasikaso ng mga doktor. Tinabig siya ng mga nurse upang madala si Rohan sa emergency room. Naiwan siyang mag-isa sa pasilyo, hawak pa rin ang punit na tela ng barong ni Rohan—na tila simbolo ng gulong unti-unting nabubuo sa kanyang mundo. Tahimik. Malamig. At sa gitna ng katahimikan, naramd

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 4 — The Man Who Returned

    Madaling araw pa lang ay gising na si Ayesha.Tahimik ang buong bahay, tanging tunog ng orasan at mahinang hampas ng hangin sa kurtina ang maririnig.Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak-hawak ang maliit na pendant na luma na’t kupas na.Isang larawan ng batang lalaki ang laman niyon—isang alaala ng kabataang hindi niya kailanman nalimutan.“Rohan…” mahina niyang sambit, halos bulong sa sarili.“Ikaw ba talaga ‘yung lalaking ‘yon?”hoMatapos ang nagdaang gabi ng kanilang pag-uusap sa hardin, hindi na siya mapakali.Ang paraan ng pagkakatitig ni Rohan sa kanya, ang tono ng boses nito—may kakaiba.Para bang may mga salitang gustong kumawala, ngunit pinipigilan. Parang may lihim itong gustong isiwalat, ngunit hindi pa ito ang tamang oras.Lumabas siya ng kwarto at bumaba papunta sa kusina.Naabutan niya si Aling Marites, ang kasambahay, na nagtitimpla ng kape. “Ma’am, maaga po kayong nagising ah. Gusto n’yo po ng kape?”Tumango si Ayesha. “Oo, salamat, Aling Marites.”Habang umuusok ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status